ALC: Kabanata 39

Dedicated kay @Kimjash_26  thank you sa pagbabasa be! :)


Tatlong updates nalang, Sweethearts, tapos na ang JBIAG. Thank you sa support! :) Ayokong magbitaw ng pangako, tatry kong makapag update bukas. :) Love lots!



ALC: Kabanata 39

Abala ako sa pag approve vacation request ng dalawang staff namin ni Monet nang biglang may kumatok. "Pasok!" Hiyaw ko na hindi inaalis ang mga mata sa laptop ko.

Pero ilang sandali pa ay nagpasya na akong magtaas ng tingin sa pumasok dahil hindi 'yon kumikilos. Napakunot pa nga ang noo ko dahil isang  lalaki ang sa tingin ko ay nakatayo ngayon sa harap ko na may hawak hawak na boquet of yellow roses at ipinantatakip 'yon sa kanyang mukha.

Tumikhim muna ito bago tuluyang nagsalita, "Yellow roses for our friendship and for my sincere apology sa kagaguhang ginawa ko." Sandaling napaawang ang labi ko pero kaagad din naman akong napangiti.

"Jonathan," Ngumingising tawag ko sa kanya, ibinaba na niya ang bulaklak sa pagkakatakip do'n sa kanyang mukha. Ngiting ngiti siya ngayon pero nakabalot sa mga mata niya ang guilt dahil sa nagawa niya.

"Uhm, I'm really sorry, Althea. Alam kong ako pa ang naging dahilan kung bakit mas lalong gumulo ang sitwasyon niyong dalawa ng Kuya mo, I mean ni Tyler." Isa sa pinaka nagugustuhan ko sa kaibigan kong ito ay yung masigla niyang pananalita kahit pa alam kong may tinatago siyang lungkot sa puso niya.

"Well, I think ikaw yung hulog ng langit para tuluyan ko nang maamin ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Wala rin namang mangyayari kung patatagalin ko pa hindi ba? Like what you've said, dapat ay lumaban ako hangga't nasa akin ang ipinaglalaban ko." Nakangiting litanya ko na nag-pangisi pang lalo sa kanya.

Humakbang na siya palapit sa akin at umupo do'n sa kaharap na upuan ng table ko. Iniabot naman niya ang bulaklak na sandali kong inamoy bago ipatong do'n sa isang maliit na table sa may gilid ng swivel chair ko.

"So, how are you? Okay na ba ang lahat?" Usisa niya.

Huminga ako ng malalim pero nando'n pa rin ang ngiti sa labi ko. "Hindi naman madali ang lahat, Jonathan. Alam naman naming mahirap tanggapin ang kung anong mayroon kami dahil magkasama kaming pinalaki ng mga magulang namin sa iisang bahay bilang magkapatid." Sagot ko sa kanya, sandali siyang napakurap sa sinagot ko.

"Well, tama naman ang parents mo. Normal ang reaction na ipinakita nila sa inyong dalawa, lalo pa at marami yatang nakakaalam sa mga relatives niyo na legally adopted ka." Opinyon niya na siyang tinanguan ko naman.

"But at the same time, may point din naman yung ipinaglalaban niyong dalawa lalo pa at mahal niyo ang isa't isa. Always remember, Althea, na sa bawat pagkakamali mo sa buhay magiging tama 'yon kung aayusin mo ito sa ngalan ng pagmamahal." Payo niya sa akin na siyang tinawanan ko naman.

"Seriously, Jonathan? Kailan ka pa natutong magbigay ng mga advice about sa love?" Panunuya ko sa kanya na siyang nginisian naman niya.

"Sayo, sayo lang naman ako nasaktan eh." Pang aasar niya dahilan para medyo mahiya ako pero mabilis din naman akong nakabawi. Binato ko siya ng ballpen saka nagtawanan kaming dalawa.

"At hindi niyo ako sinasali sa kwentuhang nagaganap?" Parehas kaming napabaling sa may pinto ng opisina ko nang dire-diretsong pumasok si Monet at may dala dalang pizza.

"Tamang tama! Gutom na ako!" Sigaw ni Jonathan saka tinulungan si Monet na ilapag 'yon sa center table. Tumayo naman ako at magkakasama kaming umupo sa couch ng opisina ko.


"Alam mo kasi, Jonathan, huwag kang basta bastang nanghahalik ng babae lalo na't hindi naman sayo." Pang aasar ni Monet habang ngumunguya ng pizza. Sumama ang tingin sa kanya ni Jonathan pero may halo din naman 'yon na pang aasar.

"Hoy, Monet! Althea, should be thankful na hinalikan ko siya, dahil natikman niya ang isa sa masasarap na labi ng mga Purificacion!" Pagyayabang nito na nagpaubo sa akin ng sunod sunod! Mabilis akong uminom ng tubig at saka hinampas ko siya sa braso niya.

"Ang kapal ng mukha mo, Jonathan!" Sigaw ko pero tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain ng pizza.

"Napaka conceited mong hayop ka." Bulyaw sa kanya ni Monet na nagpahalakhak sa aming tatlo! Masaya kaming nag kwentuhan ng kung ano-ano at nasabi ko rin sa kanila ang planong pagpunta ko sa Visayas upang madalaw ang puntod ni Mama.


__

Nakatanggap ako ng text mula kay Tyler na hindi niya daw ako masusundo ngayon dahil may importanteng meeting daw do'n sa company niya, pero didiretso daw siya sa unit ko mamaya at do'n matutulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanang may relasyon na kaming dalawa dahil para bang panaginip pa rin ang lahat.

Papasok na sana ako ng kwarto ko upang magpalit ng damit nang marinig kong may nag door bell, kaya naman naglakad ako pabalik sa pinto at binuksan ko 'yon.

Nangilid ang luha sa paligid ng aking mata nang makita ko kung sino ngayon ang nakatayo sa harapan ko.

"Dad..." Nanginginig na bulong ko, nasa mga mata ni Dad ang lungkot at disappointment sa akin pero pinili niyang ilahad ang kanyang braso at napahagulhol ako nang tuluyan na akong yumakap sa kanya.

"I'm sorry, Dad!" Umiiyak na bulong ko habang hinahaplos haplos niya ang ulo ko.

"Shhh, it's alright..." Namamaos na bulong niya.

Sobrang saya ng puso ko ngayon dahil sa yakap na natatanggap ko kay Dad na punong puno ng kapatawaran at pagmamahal. Itong mga yakap na 'to ang hinding hindi ko makakayang mawala sa buhay ko, dahil ang mga yakap ni Dad ang unang nagparamdam sa akin na ligtas ako sa mundong ginagalawan ko.


Sumisinghot singhot ako nang ilapag ko sa center table ang mainit na kape ni Dad.

"Thanks, anak." Aniya saka sandaling sumimsim do'n sa ginawa kong kape. "Kuhang kuha mo talaga ang timpla ng Mama mo." Nakangiting puri sa akin ni Dad at nakita ko rin kung paano lumabas ang dimples sa pisngi niya na siyang minana pa ni Tyler sa kanya.

Hanggang ngayon ay napupuno pa rin ako ng hiya dahil sa pagtataksil na nagawa ko kay Dad, nagsinungaling ako sa kanya sa unang pagkakataon at sobrang hinanakit ang naidulot ko sa kanya.

Tumikhim si Dad at nag angat siya ng tingin sa akin. "Pupunta na muna kami ng Mama mo sa Japan." Simula ni Dad na nagpa-awang sa labi ko.

"Dad..." Tawag ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil 'yon.

"I know that, I'm not a good father and I'm not sure what to do about it, hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang emosyon ko dahil sa mga nangyayari ngayon." Malungkot ang boses ni Dad at naghahatid 'yon ng kirot sa puso ko.

"Dad, hindi ka masama. Para sa akin ikaw ang pinaka the best Dad." Bulong ko, sumilay ang ngiti sa labi ni Dad.

"You think so? Pero bakit pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang sa inyong dalawa ni Tyler." Walang kasiguraduhang sagot niya sa akin. Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko at tinanggap ko ang mga titig ni Dad sa akin.

"Dad, wala ka namang pagkukulang eh. Ibinigay mo ang lahat para sa amin, kami yung nagkasala sayo. Kami yung gumawa ng problema sa pamilya natin, pero Dad ang hirap kasing pigilan ng puso." Umiiyak na bulong ko.

Huminga ng malalim si Dad, "Alam ko, alam kong mahirap pigilan ang puso kapag natuto ka nang magmahal ng tapat at totoo."

"Pero, hindi mo rin naman ako masisisi, Althea. Nung araw na dumating ka sa amin ng Mama mo, ibang saya ang ibinigay mo sa amin. Natatakot kami ng Mama mo noon na baka dumating yung panahon na malaman mo ang katotohan tungkol sa pagkatao mo, that's why hinanap namin ang totoong magulang mo nung araw na ipinaalam sayo ni Tyler ang lahat. Hinahanda na namin ang sarili namin kung sakaling gustuhin mong bumalik sa kanila." Kwento ni Dad at muli kong naalala kung paano ipinaalam sa akin ni Tyler ang lahat lahat tungkol sa pagkatao ko. Noong una ay masakit sa akin 'yon dahil sobrang bata ko pa nang malaman kong isa pala akong ampon. Maraming dumapo na katanungan sa isip ko noon pero dahil sa pagmamahal nila Mama, nakalimutan ko ang hinanakit ng puso ko.

"Pero, kami yung nasaktan para sayo nung malaman naming wala na ang mga magulang mo. Pinili nalang naming itago sayo ang katotohan dahil ayaw naming masaktan ka." Patuloy ni Dad na mas lalong nagpapaagos sa luha ko.

"At simula nung araw na 'yon, we made a promise to God na hinding hindi ka namin pababayaan ng Mama mo, na ibibigay namin ang lahat ng pangangailangan mo lalong lalo na ang tunay na pagmamahal ng isang magulang. You may not be our child, but we really do love you like our own. Mahal ka namin kagaya ng pagmamahal na mayroon kami para kay Tyler, hindi ko man madalas ipakita 'yon kay Tyler pero nasasaktan ako na nahihirapan siya dahil sa akin." Hindi ko na napigilan pa ang emosyong bumabalot sa puso ko, kinagat ko ang ibabang labi ko at panay ang hingi ng tawad ko kay Dad.

"No, no. It's okay, naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman niyong pagmamahal sa isa't isa. But, is it too much, kung hihingi ako ng kaunting panahon para matanggap ang lahat?" Hiling ni Dad, tumango ako ng sunod sunod at tumayo ako upang lumipat sa tabi ni Dad saka niyakap ko siya ng mahigpit.

"T..Thank you, Dad." Paulit ulit na bulong ko.

"Sandali lang naman kami sa Japan, tatanggalin ko lang lahat ng hinanakit sa puso ko. Para kapag dumating na yung araw na piliin niyong magpakasal, wala na ang pagtatampo sa akin. I will pray to God to heal my heart para sa susunod na haharapin ko kayo ni Tyler ay magiging magaan na ang lahat para sa atin." Bulong niya sa tenga ko habang hinahaplos haplos ang buhok ko.

"I love you, Dad."

"I love you too, anak."


__

Nagising ako dahil sa maliliit na halik na nararamdaman ko sa aking mukha pero pinili kong manatiling nakapikit ang mabigat kong mata. Nakatulog kasi ako kanina nang umalis si Dad at masasabi kong punong puno na ng kasiyahan ang puso ko ngayong natanggap ko na ang kapatawaran na hinihingi namin ni Tyler kay Dad.

"Wake up, Sweetheart..." Bulong ni Tyler sa tenga ko at tumaas ang balahibo ko nang lumipat ang halik niya sa leeg ko.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong nasa ibabaw ko siya at patuloy akong hinahalikan habang gumagawa ng kakaibang ritmo ang katawan niya sa katawan ko! Napapitlag ako nang tumama ang gitnang parte niya sa hita ko!

"Tyler!" Sigaw ko sa kanya, humalakhak siya at tumigil siya sa ginagawa niya sa akin.

Nanatili siyang nakadapa sa ibabaw ko nang pag tagpuin niya ang mata naming dalawa. Mukhang pagod na pagod siya mula sa trabaho pero nababalutan pa rin ng kasiyahan ang mga mata niya ngayong pinagmamasdan niya ako.

"Kumusta ang pinakamamahal ko?" Malambing tanong niya saka inayos niya ang ilang strands ng buhok ko, napalunok ako dahil sobrang lapit talaga ng mukha niya ngayon sa akin.

Amoy na amoy ko yung mabangong hininga niya at nahihibang ako sa init ng buga no'n. Ang hirap palang pigilan ng puso ko lalo na't napagmamasdan kong mabuti ang gwapo niyang mukha.

"Uhm, nakausap ko si Dad." Kwento ko sa kanya, "And?" Kalmadong tanong niya.

"Pupunta daw sila ni Mama sa Japan saka napatawad na niya tayo." Napuno ng kasiyahan ang boses ko kahit na ibinulong ko lang naman 'yon.

Ngumiti si Tyler at hinalikan ang noo ko. "Thank, God." Bulong niya saka niyakap niya ako ng mahigpit at hindi ko na alam kung paano nangyari pero ngayon ay ako naman ang nasa ibabaw niya.

Pinili kong ipatong ang ulo ko sa matipunong dibdib niya saka pikit mata kong pinakinggan ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya. Napakaganda no'n sa aking pandinig na naghahatid ng kakaibang kilig sa akin.

"Pakakasalan mo ba ako?" Biglang basag niya sa katahimikang namuo sa amin kanina, lumunok ako at nagtaas ng tingin sa kanya.

Nilalaro laro niya ngayon ang buhok ko habang naghihintay ng katanungan ang mga mata niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya, "S..syempre naman." Nauutal na sagot ko sa kanya dahil hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko.

"You'll wait for me, right?" Biglang sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"Bakit mo naman natanong yan?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Umiling siya at kinagat ang ibabang labi, "Kailangan ko munang hintayin sila Dad na makabalik dito from Japan, bago kita mapakasalan. Kung gugustuhin ko naman, pwedeng pwede kitang pakasalan ngayon sa kahit saang simbahan pa. Pero, bilang respeto kela Dad hihintayin kong maging maayos na ang lahat ng hinanakit na naibigay natin sa kanila." Litanya niya na nag pangiti sa akin ng sobra.

Masaya ako dahil ramdam na ramdam ko ang sensiridad sa kanya.

"Kapag dumating na ang panahon na 'yon, I'll make sure na wala na akong sasayanging pagkakataon. Kung kinakailangan kitang pakasalan sa lahat ng simbahan gagawin ko." Halos matawa na ako dahil sa kakornihan niya pero kahit gano'n ay nagtatalon sa saya ang puso ko.

Nginitian ko siya at nag pagulat sa kanya ang isang sandaling halik na ibinigay ko sa labi niya bago ko sabihin sa kanya ang kasagutan ko patukol sa kasal na sinasabi niya na talaga namang nagpapula ng sobra sa kanyang mukha.

"I can't wait to marry you, Tyler, ngayon palang nararamdaman ko na yung saya sa puso ko. Naiisip ko na kung paano mo ako hihintayin sa harap ng altar, kung paano mo ako gagawaran ng matamis na halik bilang isang asawa mo. Nasasabik na akong maging Misis ng buhay mo."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top