ALC: Kabanata 38
Dedicated ito kay @Mglenj thank you so much sa pagbabasa ng mga stories ko. Natuwa ako kasi sabi mo silent reader ka at napa comment ka dun sa Chapter 36! Hahaha. Salamat!
At sa inyo ulit, sorry kasi natagal na naman ang update ko ng ilang araw. May mga inasikaso lang ang Ate niyo. So, eto na hehe. Malapit na talaga tayong matapos dito sa JBIAG at sobrang mamimiss ko ito. Hindi ko pa sure kung anong isusunod ko dito, kung yung Pinagtagpo ng Tadhana ba? Mistakes and Chances? O Tunay na Mahal ng first Abrego series ko. O, Ngayong Gabi ni Sebastian? Naguguluhan na ako. Kasi sabay sabay silang nang iinis sa isip ko at syempre hindi ko naman sila kakayanin ng sabay sabay huhuhu.
Salamat sa suporta, Sweethearts! <3
ALC: Kabanata 38
Panay ang tawanan namin ngayon ni Monet nang makalabas na kami ng building, matapos kasi naming humingi ng kapatawaran sa isa't isa ay hindi na kami nahinto sa pag ku-kwentuhan. Masaya ako dahil tanggap niya ang desisyon ko kung sino ang gusto kong mahalin at dahil naiintindihan niya rin ako.
Biglang huminto sa paglalakad si Monet at siniko niya ako, napansin kong may tinitignan siya do'n sa may parking kaya naman bumaling ako do'n. Napalunok ako ng sunod sunod nang makita kong nakatayo si Tyler do'n sa may gilid ng sasakyan niya habang nakapamulsa na titig na titig sa akin.
Humarap ako kay Monet at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Sige na, lapitan mo na at mukhang kanina ka pa niya hinihintay." Ngisi niya sa akin na siyang ginantihan ko naman ng isang ngiti, niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you, Monet." Bulong ko bago pa ako humiwalay sa kanya.
Natatawang ipinagtulakan niya pa ako para lang mabilis akong makalakad, kumaway na muna siya kay Tyler na ginantihan din naman ni Tyler ng kaway.
Nang makalapit na ako sa kanya ay napakunot ang noo ko dahil napansin ko ang mga pasa sa mukha niya. "What happened?" Punong puno ng pag aalala ang boses ko, hinawakan ko ang pasa do'n sa may gilid ng labi niya at sandali pa siyang napadaing kaya mabilis ko ding binitawan.
"Wala 'to," aniya saka nginitian ako dahilan para lumabas ang dimples niya.
"Tyler? Dahil ba kay Dad? Dahil sa akin na naman?" Buntong hininga ko.
Napansin ko ang magkahalong lungkot at saya sa mga mata niya. Bigla akong napapitlag nang hapitin niya ako sa bewang ko at tumungo siya sa balikat ko saka mahigpit akong niyakap.
"Like what I've said, handa akong saluhin lahat ng suntok ni Dad para mapatawad niya tayo. Para matanggap na niya tayo." Bulong niya na nagpakalabog sa puso ko ng sobra.
"N..napatawad na tayo ni Dad?" Punong puno ng pag asa ang boses ko dahilan para mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"Hindi pa buong buo ang kapatawaran na ibinigay ni Dad, pero ramdam kong unti unti niya tayong mapapatawad at matatanggap. Para akong gago sa mga sinabi niya sa akin kanina, dahil naramdaman kong ibinigay na niya sa akin ng tuluyan ang mga kamay mo." Litanya niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, humiwalay ako sa pagkakayakap niya saka tumingala upang pagmasdan ang gwapo niyang mukha na ngayon ay kinahahabagan ko dahil sa mga pasang natamo niya.
"Thank you, Tyler, for not giving up on me kahit pa ilang beses kitang nasaktan." Kuminang ang mga mata niya dahil sa sinambit ko at 'yon ang naghatid ng saya sa puso ko.
"I will never give up on my dreams, Sweetheart. Ikaw yung nag iisang pangarap ko sa buhay na hinding hindi ko kakayanin kapag hindi ko naabot. No matter what happen, I won't give up on you, I won't give up on us. Matindi ang pananalig ko sa Diyos na maaabot kita." Nanginginig ang boses niya na sinasabi sa akin 'yon habang nakahawak ang kanang kamay niya sa pisngi ko at ang kaliwa naman ay marahang pinipisil ang kaliwang kamay ko.
"At heto na, abot na abot na kita." Patuloy niya.
Hindi ko na maipaliwanag pa ang sayang nararamdaman ng puso ko ngayong unti unti nang umaayon ang panahon sa aming dalawa. Alam kong hindi gano'n kadaling tanggapin ang relasyong patuloy naming binubuo pero hindi kami hihinto hanggang tuluyan na kaming matanggap ng lahat.
---
Niyaya ako ni Tyler sa bahay niya, or let me say ang bahay na madalas niyang sabihin na ipinagawa niya daw para sa akin. Nang makarating kami do'n ay kaagad niyang hinanap ang pusa niya.
"Ella..." Hanggang ngayon ay na-we-weirduhan pa rin ako sa pag tawag niya ng Ella do'n sa pusa niya.
Sinundan ko siya patungo do'n sa bahay nung pusa at halos manlaki ang mata ko dahil napapalibutan na ngayon ang pusang ito ng maliliit na kuting. Umupo kami ni Tyler sa tapat ng bahay nito at maingat niyang hinaplos ang mabalahibong pusa niya.
"Hey, okay ka lang?" Pag aalala niya.
"Dalhin kaya natin siya sa vet niya?" Untag ko sa kanya, tumango tango siya. "Ako nalang siguro para hindi ka na mapagod, pero baka bukas nalang din dahil sa tingin ko ay kapapanganak lang niya kahapon baka medyo masama pa ang pakiramdam." Sabi ni Tyler saka maingat na itinulak ang ilang kuting palapit do'n sa pusa.
Tumayo siya at naghugas ng kamay sandali.
"Uhm, wala ka bang balak palitan ng pangalan yang pusa mo?" Biro ko na nag pangisi sa kanya.
Hinila niya ako patayo at hinawakan niya ang bewang ko habang naglalakad kami patungo sa sala. Magkasabay naming ibinagsak ang aming katawan sa sofa.
"Bella talaga ang pangalan niya, tinawag ko lang siyang Ella Reyes para mag-papansin sayo." Natatawang kwento niya. Tumingala ako sa kanya habang nakaakbay siya sa akin. Naalala ko na naman ang mga tweets niya noon at yung mga kwento niyang buntis daw ang Ella Reyes na 'yon.
"Para pag selosin ako?" Naningkit ang mata ko nang itanong ko 'yan sa kanya. Isang pilyong ngiti ang pinakawalan niya. "Effective naman, diba? Nag selos ka sa sarili mo." Panunuya niya, kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran niya pero napahinto rin ako dahil sa pag aray niya!
Mabilis kong itinaas ang suot niyang polo shirt at napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang pasa sa tagiliran niya. Tinignan ko siya pero nginitian niya lang ako, "Tyler, naman..." Suway ko sa kanya.
Hinalikan niya ang noo ko, "Don't worry about me, ayos lang ako. Mawawala din lahat ng pasa na 'yan, ang importante nagiging maayos na ang lahat, Sweetheart." Paninigurado niya.
Kumikirot ang puso ko dahil sa mga pasa niya rin sa mukha.
"Ang sakit lang talaga at sa tingin ko kailangan ko ng gamot." Daing niya na ngumingiwi ngiwi pa, akmang tatayo na sana ako para kumuha ng first aid kit. "Saan ka pupunta?" Usal niya.
"Kukuha ng pang gamot diyan sa mga pasa mo." Sagot ko.
Umiling iling siya habang nakangiti saka lumabas ang napakalalim na dimples niya. Itinuro niya ang pasa sa kanyang gilid ng labi. Pinandilatan ko siya ng mata bilang tanong kung anong ibig niyang sabihin.
Nginuso nguso niya ang labi niya kaya naman natawa ko, lumunok ako sandali. "Sige na nga..." Pagsuko ko sa pagpapa cute nitong gwapong ito.
Lalong lumapad ang ngiti niya saka marahang ipinikit ang mga mata niya habang naghihintay ng halik ko. Panay din ang ngiti ko at dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa gilid ng labi niya, pero napapitlag ako nang ibinaling niya ang mukha niya sa harap ko dahilan upang magtagpo ang mainit na labi naming dalawa.
Iminulat niya ang kanyang mata at pinagtagpo niya iyon sa mga mata ko habang binibigyan niya ako ng mapanuyang halik. Pinili kong tugunin iyon sa kabila ng panghihina ko sa malambing na paghaplos ng labi niya sa akin.
Namula ang mukha ko nang paghiwalayin niya ang labi naming dalawa dahil sa hingal na pinapakawalan ko ngayon. "Hirap bang huminga?" Namamaos na bulong niya at hindi nakaligtas ang balat ko sa mainit na buga ng hininga niya.
"Ang sarap mo." Nanlaki ang mata ko sa binitawan kong salita kaya naman tinakpan ko ang mukha ko!
"What?" Humahalakhak na tanong niya at halatang nang aasar na naman siya! Umiling iling ako.
Ano ka ba naman, Althea.
"Come on, just tell me if you want me to kiss you again. Para sayo lang naman ang masarap na labi ko eh." Pagyayabang niya dahilan para hampasin ko siya sa katawan niya.
Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa kahihiyan!
"O, baka naman katawan ko ang gusto mo?" Mas lalong napuno ng panunuya ang boses niya!
"Hindi!!" Sigaw ko na mas lalong nagpangisi sa kanya.
"Really, Althea?" Tawa niya saka kinagat ang kanyang ibabang labi kasabay no'n ang paglabas ng dimples niya.
Ang mga mata niya ngayon ay kumikinang dahil sa saya.
"Hindi nga sabi eh!" Sigaw ko saka tumayo ako pero mabilis niya akong hinila at napahiyaw ako nang mapaupo ako sa lap niya saka ipinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko. Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko at do'n nagsalita.
"You really make me happy, Al." Ramdam na ramdam ko ang kasiyahang bumabalot sa boses niya, kumapit ako sa braso niya at sa ilang beses na pagkakataon ay tumindig ang balahibo sa kanyang braso.
Hindi ko maiwasang damahin ang init ng braso niya at damang dama rin ng likod ko ang matipunong pangangatawan niya na pinagsawaaan kong titigan nung gabing pinagsaluhan namin ang isa't isa.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko.
"Thank you." Patuloy niya.
"Para saan?"
Sandali siyang tumikhim, "Sa gabing puno ng pagmamahal, kahit na alam kong nasaktan kita." Patuloy na bulong niya.
Huminga ako ng malalim. "Tyler, pareho naman tayong masaya nung ginawa natin 'yon hindi ba?" Suway ko sa kanya, alam kong hanggang ngayon ay nakakaramdam ako ng hapdi sa pagitan ng hita ko pero sa tuwing mararamdaman ko 'yon. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere dahil alam kong ibinigay ko ang sarili ko sa taong pinakamamahal ko at wala akong pinag sisisihan.
"I know, pero syempre masakit 'yun alam ko. Ako nga nasaktan eh, ikaw pa kaya." Ngisi niya kaya hinampas ko ang braso niya!
"Aray! Sweetheart, sobra ka na ah!" Suway niya.
"Kasi naman, kung ano anong pinagsasasabi mo!" Angil ko sa kanya na tinawanan naman niya.
"Anong masama dun? Totoo naman yun eh, kapag masikip masakit din yun sa aming mga lalaki! Ang hirap kayang pumasok kapag masikip!" Sigaw niya kaya tuluyan na akong tumayo at hinarap ko siya!
"Ang bastos mo, Tyler!"
Tumawa siya ng malakas. "Ang green minded mo, Althea!" Bawi niya saka humalukipkip.
"Aba, syempre try mo kaming ipagpilitang ipasok sa masikip na bintana para magnakaw sa tingin mo ba hindi kami masasaktan?" Pagpapalusot niya kaya naman inirapan ko siya pero patuloy lang ang pag ngisi niya!
"Ikaw naman, binibiro lang kita. Masyado na tayong maraming iyak na ginawa nitong mga nakaraang araw." Pag bawi niya dahilan para umamo ang pagtitig ko sa kanya.
Magsasalita na sana ako pero natigilan ako. "Hindi ba kami nakakaistorbo sa dalawang nagmamahalan?" Punong puno ng pang aasar ang boses na 'yon, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at napuno ako ng hiya kahit pa alam ko namang noon pa man ay alam na niya ang tungkol sa amin ni Tyler.
Naramdaman kong tumayo si Tyler at humawak sa bewang ko.
"What the fuck are you doing here, Luke?" Ngisi ni Tyler kay Kuya Ethan, nagkibit balikat ito.
"Gago, ikaw itong nagpapapunta kay Sebastian at Zach nung nakaraan pa." Mura ni Kuya at ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng maliliit na yapak mula sa likod ni Kuya at nakita ko si Sebastian saka Zach.
"Ah, I remember now! May mga regalo kasi ako sa mga paborito kong pamangkin!" Masayang sambit ni Tyler saka hinila niya ako palapit kay Kuya.
"Tito Tyler!" Malakas na sigaw ng dalawa!
"How are you little man!" Nag apir si Tyler at Sebastian habang si Zach naman ay ngumingising nagpakarga sa kanya.
"Ang laki mo na Sebastian! Kaunting panahon nalang susunod ka na sa yapak ko!" Pang aasar niya kay Kuya Ethan dahilan para suntukin siya nito sa braso!
"Gago, kung ano anong tinuturo mo sa anak ko." Lumapit sa akin si Kuya at hinalikan ako sa pisngi.
"Kumusta ha? Mukhang nabugbog na 'tong gagong 'to ah." Bulong sa akin ni Kuya saka tumawa ako.
Tinapik niya ang balikat ko, "Magiging maayos din ang lahat, magtiwala ka lang sa gagong yan. Magaling maglaro yan eh." Paninigurado sa akin ni Kuya Ethan, medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong unti unti na ring natatanggap ni Kuya ang sa amin ni Tyler kahit pa noong una ay hindi siya sigurado sa amin.
"Tita!" Humalik sa akin si Sebastian.
"Ang gwapong bata!" Ngisi ko sa kanya, "Eight years old na ako, Tita, di na ako bata." Tawa niya sa akin.
"Oo nga naman, hindi na bata yan, madami pa akong lesson para sayo, Sebastian." Bawi ni Tyler na tinawanan ko na naman saka inakbayan niya si Sebastian habang karga karga si Zach.
Napangiti ako nang makita ko kung paano lambingin ni Tyler ang mga pamangkin namin, sumunod naman ako sa kanila do'n sa taas.
"Thanks, Tito Tyler! Ang ganda nito!" Sigaw ni Sebastian habang pinagmamasdan ang gundam robot na ibinigay sa kanya ni Tyler galing sa Japan.
"You're always welcome, man!" Sagot ni Tyler saka ginulo gulo ang buhok nito.
"Naaadik sa pag collect ng mga gundam robot yan si Sebastian, last week pinagawaan ko siya ng estante para sa mga gundam collections niya kasi once na nabuo na niya yung gundam hindi na niya nilalaro. Dini-display nalang niya ang kaso nung wala pa siyang estante sa kwarto niya pinagbababato nitong si Zach yug mga gundam, ang mamahal pa naman!" Kwento ni Kuya Ethan na siyang tinawanan naman nitong si Tyler.
"Nakita ko nga sa facebook mo, kaya binilan ko siya ng gundam."
"How about me?! No gifts for me?!" Sigaw ni Zach.
"Aba, syempre meron! May ituturo ako sayo eh!" Sabi ni Tyler saka parang may hinila do'n sa cabinet niya.
"Hoy! Baka mamaya kung anong kabalbalan na naman ang ituro mo sa anak ko! Langya ka!" Suway ni Kuya sa kanya.
"Tsk, magtiwala ka lang sa akin, Luke! Learn from the master!" Pagyayabang niya.
"Master ng kahalayan." Ngisi ni Kuya.
"Si Ate Claire pala?" Usisa ko.
Nakita ko ang pagkinang sa mga mata ni Kuya nang marinig niya ang pangalan ni Ate Claire.
"Nasa bahay, kailangang magpahinga kasi kabuwanan na niya. Kasama niya ang Mama niya saka yung kakambal ni Zach." Kwento niya sa akin.
"Lakas mo talaga! Pang apat mo na 'yan ah!" Pang aasar ni Tyler.
"Alam mo kasi, dapat pinaparami mo na rin 'yang lahi mo. Gumawa ka na ng anak mo para hindi 'yang mga anak ko ang pinupuntirya mo sa mga kagaguhan mo!" Halakhak ni Kuya, ngumisi naman si Tyler at nakita ko ang kayabangan sa kanyang mukha.
"Coming na, antay ka lang magkakaroon ng kalaro yung nasa tiyan ni Claire after a year." Pagyayabang niya at saka punong puno ng katanungan na humarap sa akin si Kuya Ethan, unti unting nag init ang mukha ko at pakiramdam ko ay umuusok na ang tenga ko dahil sa kahihiyan nang maintindihan ko ang pinag uusapan nila!
Bakit ba hindi ko naisip na maaaring magbunga ang ginawa namin ni Tyler? Nag iwas ako ng tingin kay Kuya Ethan at lumunok ako ng sunod sunod.
"A book?" Biglang tanong ni Zach nang umupo sa tabi niya si Tyler. "Yes, I'll teach you everything about animals! Para naman hindi nakakahiya sa Daddy mo." Pang aasar ni Tyler saka binuklat ang manipis na librong hawak niya.
"Eh alam ko na 'yan eh!" Pilyong sigaw ng apat na taong si Zach. Tumayo si Sebastian at lumapit din sa kanila.
"Tito Tyler, tinuro ko na sa kanya yung mga animals!" Sambit nito saka hiniram ang librong hawak ni Tyler.
"Ah! This one! Hindi ko pa 'to natuturo sa kanya." Kwento ni Seb saka inilapag sa kama yung libro kung saan nakaupo silang tatlo nila Tyler at Zach.
"Is that a dog?" Usisa ni Zach habang nakaturo do'n sa red fox.
"No, fox yan." Sambit ni Seb saka matama lang naming pinakinggan ang dalawa, tumayo naman si Tyler at yumakap mula sa likod ko habang pinapanood yung magkapatid. Si Kuya naman ay nakahalukipkip na pinagmamasdan yung dalawa.
"Where do they live?"
"North Africa!" Sagot ni Seb sa kapatid habang pinapakita yung picture ng fox doon sa book.
"Fox sila diba, Kuya?" Nabubulol bulol na ulit ni Zach.
"Yes, Red Fox." Muling magiliw na sagot ni Seb.
"That's not red fox! Mali ka naman eh! Kita mong orange yang fox, that's orange, fox!!" Sigaw ni Zach sa kapatid na nagpahalakhak ng malakas sa amin nila Kuya Ethan!
"Orange kasi yung nasa picture." Ngumingising bulong ni Kuya Ethan sa sarili.
"Red fox nga according to the book!!" Sigaw din ni Sebastian kay Zach saka itinuro pa yung nakasulat, kinamot ng marahas ni Zach ang kanyang ulo saka inagaw kay Seb ang libro.
"Mali mali ka naman, Kuya eh!!" Sigaw ni Zach na nagpailing nalang kay Seb.
"Hay naku, di ka naman nakikinig eh!" Suko ni Seb saka bumalik na lang siya do'n sa binubuo niyang gundam.
Ilang oras ding naglagi sila Kuya, at sa ilang oras na 'yon ay napuno ng ingay ng magkapatid ang buong kabahayan dahil sa kapilyuhan nila.
"Ang saya mo ah." Puna ko kay Tyler nang mapansin kong hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi ngayong nakaalis na ang sasakyan ni Kuya Ethan. Gustong gusto kong nakangiti siya dahil sa kagwapuhang taglay niya.
Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "Mahal na mahal ko 'yang mga pamangkin ko na 'yan."
Ngumisi ako, "Kaya ba kung ano anong tinuturo mo kanina?" Bulyaw ko sa kanya dahil naalala ko na naman ang pinagsasasabi niya sa dalawa nang matapos kaming kumain ng dinner na nagpapaasar ng sobra kay Kuya Ethan.
Ngumisi siya, "Inaasar ko lang naman si, Luke."
"Pero..." Biglang pahabol niya saka hinarap niya ako sa kanya at tumindig ang balahibo ko nang haplusin niya ang tiyan ko.
Binigyan niya ako ng malamlam na pag tingin, yung pag tingin na 'yon ay parang umaasam ng kung ano. At dumapo ang mabilis na tibok ng puso ko nang muli siyang magsalita.
"Hindi na ako makapag hintay pa, na tuluyang mabuo ang isa sa mga ibinigay ko sayo nung gabing 'yon."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top