ALC: Kabanata 35

Dedicated kay @i_love_sheen  buti ka pa bilib kay Tyler, yung besh ko hindi! Binubully  pa si Tyler, hahaha. Joke lang! Salamat po! :)

And sa inyo, palapit na tayo ng palapit sa dulo, hahawakan niyo ba ang kamay ko hanggang dulo o bibitawan niyo rin ako kagaya ni Tyler? Joke lang! Hahaha! Salamat, Sweethearts!


ALC: Kabanata 35

Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang nag susukatan kami ng tingin ni Dad, sandali siyang natigilan pero kapansin pansin ang mabilis niyang pagkabawi. Isang hindi siguradong ngiti ang pinakawalan ni Dad.

"Of course, mahal mo ang kapatid mo. Bata palang kayo, ikaw na ang mas pinaka mapagmahal sa inyong magkapatid." Pangungumbinsi ni Dad, napansin ko ang pag kunot ng noo ni Monet kay Jonathan pero umiling lang ito sa kanya.

Lumipat sa tabi ko si Mama at hinawakan ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon upang pakalmahin ako sa pag iyak.

"Dad, hindi...Dad, mahal ko siya." Hindi ko na maayos ang pagsasalita ko dahil sa hikbing pinapakawalan ko.

Nagkibit balikat si Dad, "I know! Hindi mo kailangang umiyak ng ganyan dahil lang pinapagalitan ko ang kapatid mo." Nasa boses na ni Dad ang tensyon.

"Dad, hindi mo ako naiintindihan. I know, I'm not supposed to have this feelings, pero Dad, nahihirapan na akong magpanggap." Punong puno na ng takot ang boses ko.

Nakita ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Dad at ang galit na pag awang ng bibig niya, nasa mata na niya ngayon ang galit at pagtataka. Mabilis akong tumayo at lumuhod sa harapan niya na naging dahilan ng pagsigaw nilang dalawa ni Mama! Sobrang naninikip na ang dibdib ko dahil sa pagkirot na nararamdaman nito ngayon.

"Dad! I'm sorry! Patawarin mo ako! Patawarin mo kami!!" Humahagulhol na pakiusap ko, narinig ko ang pag hugot ni Dad ng malalim na hininga kaya kumapit ako sa binti niya upang yakapin ito habang nakatayo siya.

"Please, Dad, patawarin niyo po kami! I accidentally fell in love with him at kahit na anong gawin ko ay hindi ko na mapigilan yung puso ko! Patawarin niyo po ako! " Pagmamakaawa ko kasabay ng paghikbi ko.

"Tumayo ka diyan, Althea, hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo." Utos ni Dad pero mas lalo akong yumakap sa binti niya. "Anak, no!" Sigaw ni Mama saka naramdaman kong nasa likod ko na siya ngayon at pilit akong hinihila patayo pero umiling ako.

"Kei Marie." Mahinahon ang pagtawag ni Dad kay Mama pero malamig iyon na naging dahilan ng pagtayo ng balahibo ko. "Huwag mong sabihin sa akin na may alam ka sa kalokohang ito?" Punong puno ng galit ang boses ni Dad.

"Drake, mahal nila ang isa't isa!" Sigaw ni Mama na naging dahilan para pagalit na ihiwalay ni Dad ang pagkakayakap ko sa binti niya! Napapitlag ako ng sipain ni Dad ang isang malaking vase na malapit doon sa pintuan at ang malakas na pagka basag nito ay dinig na dinig sa buong kabahayan!

"No, no! Na-coconfuse ka lang, Althea! Jonathan is here, alam kong gusto mo rin siya, kung gusto mong hingin ang blessings ko for both of you, ibibigay ko!" Pangungumbinsi ni Dad na siyang marahas kong inilingan!

"Dad, hindi. Si Tyler lang talaga!" Sigaw ko! Sandaling natigilan si Dad, pero isang matigas na pagmumura ang narinig ko kay Dad kasunod ng pagkabasag ng family picture namin sa sahig mula sa ibabaw ng piano!

Nandoon sa picture na iyon ang masayang ngiti naming apat, noong mga bata pa lamang kami ni Tyler, sobra sobra ang pagkirot ng puso ko ngayong pinagmamasdan ko ang basag na salamin ng family picture na may kasamang dugo mula sa mga kamay ni Dad!

"This is a disgrace to our family! Paano mo nasikmurang itago sa akin ang lahat ng ito, Kei Marie?! Why doesn't anyone tell me about this fucking bullshit?!" Sigaw ni Dad sa pagitan ng mabibigat na paghinga!

Tumayo si Mama at humawak sa braso ni Dad habang umiiyak, "Drake, sasabihin naman sayo ng mga bat—" Hindi naituloy ni Mama ang sasabihin.

"At sa tingin mo ba ay tatanggapin ko ang kagaguhan na ito?! Magkapatid kayong dalawa, Althea!! Hindi man sabihin ng Mama niyo ang totoong nararamdaman niya ngayon, pero alam ko!! Alam kong nasasaktan siya pero tinatanggap niya ang lahat para sa inyong dalawa!!" Nayanig ang buong pagkatao ko dahil sa malakas na pag sigaw ni Dad at ang hagulhol ni Mama ay nag eecho na sa aking pandinig.

Panay ang hikbi ko habang nakaluhod pa rin, "Patawarin niyo po ako..." Nauutal na sambit ko.

"Nasaan si Tyler?!" Sigaw ni Dad.

"Dad! Kasalanan ko!"

"Stop blaming yourself, Althea! Alam kong kagagawan ito lahat ng kapatid mo! Wala na ba siyang makuhang ibang babae kaya ikaw naman ngayon ang pinupuntirya niya?!!" Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako sinigawan ni Dad ng ganito at ngayon ko lang naramdaman ang galit niya sa akin.

Pinilit kong makalapit kay Dad habang nakaluhod pa rin ako, "Wala siyang kasalanan, Dad!" Pagpupumilit ko at wala na yatang balak huminto ang luha sa mga mata ko. Hinawakan kong muli ang mga binti ni Dad at doon ako sa kanya humingi nang humingi ng tawad. Panay naman ang hila sa akin ni Mama.

"No, anak! Hindi mo kailangang gawin 'yan! Drake! Please, maawa ka sa anak mo!" Umiiyak na pakiusap ni Mama sa kanya.

"What do you think you're doing?!!" Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang galit na boses ni Tyler mula sa pinto! Tumingala ako at halos gumapang ang kaba sa puso ko nang makita ko kung paano magtagpo ang mga galit na mata nila ni Dad!

Lumipat ang tingin sa akin ni Tyler ngayong nakaluhod ako kay Dad,akmang lalapit siya sa akin pero...

"Drake!!" Sigaw ni Mama nang mabilis na sumugod si Dad kay Tyler at kinuwelyuhan ito saka sinuntok ng malakas dahilan para matumba ito! Hindi pa nakuntento si Dad kaya naman muli niya itong hinila sa kwelyo at pinagsusuntok habang malulutong na mura ang pinapakawalan!

Tumayo kaming dalawa ni Mama at pilit hinihila sa braso si Dad!

"Wala ka nang ibang ginawa sa pamilya na ito kundi magdala ng kahihiyan!!" Pagduduro ni Dad kay Tyler, hinawakan ni Tyler ang gilid ng labi at tinignan ang dugo. Dahan dahan siyang tumayo at ang namamaga niyang mata ay bumaling sa akin na napupuno ng maraming katanungan.

"Matatanggap ko pa kung ibang babae ang gagaguhin mo! Pero ang idagdag si Althea?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Kapatid mo 'to!!" Galit na galit na sigaw ni Dad sa kanya, sandaling natigilan si Tyler bago niya pa nakuha ang pinupunto ng galit ni Dad, ramdam ko sa pagtitig niya ngayon ang pag aalala sa akin pero mas pinili niyang harapin si Dad.

Nakahawak pa rin si Mama kay Dad, niyakap ko na ang sarili ko at hinahayaan kong manikip ang dibdib ko sa hikbing pinapakawalan ko.

"Althea is not my sister, alam nating lahat yan dito," Kalmado pero buong buo ang awtoridad sa boses ni Tyler na mas lalong nagpainit sa mga mata ni Dad.

"Bullshit! Pinalaki namin kayong dalawa sa iisang bubong bilang isang magkapatid! Naiintindihan mo ba 'yon?!" Sigaw ni Dad sa kanya, mas lalong bumilis ang paghinga ni Dad dahil sa galit.

"Ginalaw mo ba ang kapatid mo?!" Biglang tanong nito na nagpangisi kay Tyler dahilan para mas lalong magalit si Dad.

"No, Dad! No!" Sagot ko.

"I am not talking to you, Althea!" Bulyaw ni Dad sa akin na hindi manlang ako pinagbibigyang tingin mula sa likod niya.

"Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin, Dad?" Kunot noong tanong ni Tyler sa kanya gamit ang mapait na pagkakangisi, "I will not going to try to convince you just to believe me, dahil alam ko namang wala kang paniniwalaan sa mga sasabihin ko." Pagsagot ni Tyler kay Dad.

"Pero, simula nang dumating sa buhay natin si, Al, hindi na naging normal ang lahat! Hindi na naging normal yung pagtibok ng lintik na puso ko para sa kanya. Nirerespeto ko si Al kagaya ng respetong ibinibigay mo kay Mama!" Patuloy ni Tyler.

"I'm sorry if I'm being selfish, but I will never let her go. Siguro, mapapagod ako dahil sa takot niya sayo? Pero, babalik at babalik pa rin ako sa kanya dahil yung pagmamahal ko para sa kanya ang hindi tuluyang sumusuko."

"Naririnig mo ba ang sarili mo?!!" Sigaw ni Dad sa kanya! "Naririnig mo ba ang kagaguhang lumalabas diyan sa bibig mo?!!"

Nagpumiglas si Dad sa kapit sa kanya ni Mama at hindi ko na napigilang tumakbo sa pwesto ni Tyler upang harangan siya sa akmang pananakit na gagawin niya dito, na naging dahilan ng panlulumong titig sa akin ni Dad.

"Step back, Althea!" Pagbabanta ni Dad sa akin pero inabot ko ang kamay ni Tyler sa likod ko at hinawakan ko ng mahigpit iyon! "Hindi, Dad, hindi ako aalis dito." Umiiyak na sambit ko.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagtulo ng luha ni Dad, I saw something more than anger in his eyes—nandoon ang lungkot at hinanakit niya sa akin. Ang pakikiusap na itigil ko na ang kahibangan na ito pero nanatili akong matatag sa mga titig na ibinibigay sa akin ni Dad kahit na ang totoo ay sobra akong nasasaktan. "I'm so disappointed with you, Althea." Mahinang bulong ni Dad at mas lalo akong umiyak nang umiyak nang talikuran niya ako.

"Lumayas kayong dalawa sa pamamahay na 'to. Hindi ko kailangan ang mga suwail na kagaya niyo." Banta niya sa amin sa mahina ngunit ma-awtoridad na boses.

Panay rin ang iyak ni Mama habang nakatingin kay Dad, "Drake..." Tawag niya at hinawakan sa braso si Dad na marahan namang hinawi ni Dad.

Ramdam ko ang mabibigat na hakbang ni Dad patungo sa kwarto niya, sandali kaming tinitigan ni Mama habang umiiyak at saka mabilis niyang sinundan si Dad sa taas!

Dahan dahan akong humarap kay Tyler at tumingala ako upang pagtagpuin ang mga mata namin. Kumunot ang noo niya at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko, ikinulong ko naman ng dalawang palad ko ang magkabilang pisngi niya. "I..I'm sorry." Iyak ko sa kanya, ang malalim na pagtitig niya ay unti unting naging malambing at sa halip na sagutin niya ako ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

Yung yakap na alam kong sobrang ligtas ako at unti unting nagtatanggal ng sakit sa puso ko.

----

Alas dos na ng madaling araw, nagpasya na sila Jonathan na bumalik sa Manila. Alam kong marami akong dapat ipaliwanag kay Monet pero kailangan ko na munang ayusin ang gulong ginawa ko sa pamilya ko.

Kahit anong katok ko sa kwarto nila Dad ay hindi na nila kami pinagbubuksan pa ng pinto.

Nakaupo kami ngayon ni Tyler sa skim board niya dito sa may gilid ng kubo. Malakas na hangin at hampas ng alon mula sa dagat ang tanging naririnig ng dalawang tenga ko.

Lumingon ako sa kanya at kitang kita ko ang malungkot na tingin niya doon sa dagat. Naaaninag ko pa rin ang gwapong mukha niya mula sa sinag ng buwan.

"Hey..." Tawag ko sa kanya at saka hinawakan ko ang braso niya, sandali siyang napatingin sa pagkakahawak ko sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw no'n. Hanggang ngayon ay kumikirot ang puso ko dahil sa namamaga niyang mata mula sa pag iyak at sa sugat na natamo niya dahil sa suntok ni Dad.

"Bakit bumalik ka?" Patuloy ko, alam kong tuluyan na niya akong tinalikuran kanina pero hindi ko pa rin lubusang maisip na bumalik siya para sa akin.

Huminga siya ng malalim at tinignan niya ako sa mga mata ko. Kahit pa punong puno ng lungkot ang mga mata niya ay masasabi ko pa ring hindi nawawala ang taglay niyang kagwapuhan, "I don't know, pero kahit ilang beses mo yata akong ipagtabuyan at saktan, babalik at babalik pa rin ako sayo."

"Honestly, naramdaman ko na yung pagod kanina. Pagod na pagod na akong lumaban sa walang kasiguraduhan. Gusto ko nalang sumuko, pero at the end mas pinili ko pa ring ipahinga nalang sandali lahat ng pagod ko at balikan ka." Aniya na nagpakirot sa puso ko.

"Yung puso ko gusto pa rin mag-baka sakali. Yung mga paa ko kusang naglakad pabalik sayo, yung mga labi ko gustong bawiin lahat ng sinabi kong pagsuko sayo at pilitin kang lumaban muli." Patuloy niya, mahigpit kong pinagsalikop ang mga daliri namin at hinayaan ko lang na tumulo na naman yung luha ko!

"Tyler, I'm sorry, for not fighting for us, for hurting you so bad. But, this time, I promise hinding hindi na kita bibitawan. Hinding hindi ka na mag iisa." Pangako ko sa kanya nakita ko kung paano lumandas ng dahan dahan ang luha niya doon sa kanyang pisngi.

Humarap ako sa kanya dito sa pagkakaupo sa skim board niya upang yakapin siya ng mahigpit. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hikbing kumawala sa labi niya na mukhang kanina niya pa pinipigilan.

"Promise me, that you'll never leave me again, Sweetheart." Umiiyak na pakiusap niya. Ayoko na ng ganito, ang sakit lang sa dibdib na marinig ang bawat hikbi niya para sa akin. "Mababaliw ako, hindi ko kaya."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya bago ko siya pinakawalan sa mga yakap ko. Pinagtagpo ko ang mga mata naming nangungusap.

"Promise." Bulong ko at napalunok ako ng malalim nang marahan niyang angkinin ang labi ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong kusang tugunin ng labi ko ang mainit na labi niya. Yung halik niyang mas lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko ang pinaka nagugustuhan ko.

Gumapang ang kamay niya sa likod ko na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa katauhan ko. Kusang umangat ang kamay ko sa braso niya at hinaplos iyon, hindi nakawala sa pandinig ko ang pagpapakawala niya ng mahinang ungol dahilan para tumigil siya sa paghalik sa akin.

Tinitigan niya ako at nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya ngayong ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa aming dalawa.

Hinaplos niya ang pisngi ko at marahan niyang hinalikan ang noo ko saka muli akong niyakap, dinig na dinig ko ang mabilis na pagkalabog ng puso niya ngayong nakapatong ang ulo ko sa dibidbi niya.

"Fuck, I'm good at using my hands while thinking about you. But, I'm losing all my control kapag hinahalikan mo na ako." Nahihirapang bulong niya na nagpalunok sa akin ng sunod sunod, itinulak ko siya palayo sa pagkakayakap sa akin para titigan siya.

Nakapikit siya ngayon habang nakakunot ang noo. "I just want you to feel and own the piece of love that I have for you. But I can't, Sweetheart." Mahinang bulong niya saka iminulat niyang muli ang kanyang mata. Nasa mga mata niya ang namumuong pagmamahal at pangangailangan. Isang mabigat na paglunok ang ginawa ko dahil sa pagtitig niyang iyon.

Naging malamlam ang pagtitig niya sa akin nang pinag salikop ko ang mga daliri namin pero naging malalim  ang pagtitig niya sa dahil sa bulong na pinakawalan ko.

"Then... Let me feel you. Let me have a piece of your love, under the moonlight."
***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top