ALC: Kabanata 34

Dedicated ito kay @MerakiFalcon sobra akong na-touched dun sa comment mo about kay Kei Marie. :) Salamat po!

At sa inyo, pasensya na po sa late na update. Nag edit kasi ako ng Save The Best For Last nung mga nakaraang araw hahaha. Ayon, sa mga hindi po nakakaalam, isusunod ko pong i-self pub itong si Tyler, soon. Syempre with Special Chapters din. 

Thank you sa patuloy na pagbabasa. :*



ALC: Kabanata 34

Napatayo ako at nanginig ang buong kalamnan ko dahil sa bumabalot na galit sa mga mata ni Tyler.

"Tyler..." Kinakabahan na tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay sumugod siyang muli kay Jonathan saka pinaliguan ito ng magkakasunod na suntok na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko!

Pilit lumalaban si Jonathan sa kanya pero hindi siya makaganti sa pagsuntok nito dahil nakadagan ito sa kanya at patuloy ang sunod sunod na suntok ang yumayanig ngayon sa kanyang mukha! Hindi ko maihakbang ng maayos ang paa ko dahil sa dugong tumutulo na ngayon sa gilid ng mata ni Jonathan, maging ang labi niya ay puro dugo na dahil sa suntok.

"Tama na!!" Sigaw ko saka pilit ko siyang hinihila sa braso niya pero siniko niya ako upang matumba ako dahilan para huminto siya sa pagsuntok na ginagawa niya kay Jonathan!

Sandali ko siyang tinignan pero mabilis ding dumako ang tingin ko kay Jonathan na ngayon ay naliligo na ang mukha sa kanyang sariling dugo. Hindi ko maiwasang kabahan kay Tyler dahil alam kong may galit ngayon sa puso niya, pero at the same time nag aalala ako kay Jonathan dahil sa naging kundisyon niya. Mabilis akong lumapit kay Jonathan at hinawakan ko ang braso niya.

"Jonathan," nag aalalang tawag ko sa kanya, sandali siyang naupo at dumura ng dugo doon sa buhangin. Kunot noo niyang hinawakan ang gilid ng labi niya at napadaing dahil sa sakit, "I'm fine..." Aniya kahit pa sa boses niya ay halatang hindi siya ayos, tinulungan ko siyang tumayo. 

"K...Kailangan nating gamutin yan.." Nanginginig ang boses ko at nagbabadiya nang tumulo ang luha ko.

Ilang tao pa ba ang masasaktan dahil sa akin? Una si Mama, ngayon naman ay si Jonathan.

"Really, Althea? Pinagtatanggol mo yang gago na yan?" Narinig ko ang mapait na pananalita ni Tyler mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang pag aalab at akmang susugurin na naman si Jonathan pero humarang ako dito.

"Tama na, Tyler, please?" Hindi ko napigilan ang pagtakas ng luha ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya at galit na galit ang ugat doon sa braso niya. Nag igting din ang panga niya dahil sa ginawa kong pagharang sa kanya kay Jonathan.

"Dito pa talaga, Althea? Dito pa talaga?!!" Galit na galit na bulyaw niya sa akin at halos manikip ang dibdib ko dahil sa takot! Yung mga mata niyang nanginginig dahil sa galit ay alam kong hindi ko basta bastang mapapaamo. "Fuck shit! Sandali lang akong nawala, Althea." Nasa boses niya ang lambing pero kasabay non ang pait. Umiling iling ako, "Tyler, nagkakamali ka..." Depensa ko saka humakbang ako palapit sa kanya pero umatras siya.

"Tangina naman, Al. Kung hindi ako nagkakamali bakit mo pinagtatanggol yang gago na yan?" Desperadong sambit niya saka inihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha.

"Ako ang humalik." Sambit ni Jonathan mula sa likod ko dahilan para mas lalong umigting ang panga ni Tyler.

"At ipinagmamalaki mo yon?! You don't have the right to kiss my girl!" Sigaw niya saka sinipa ang buhangin sa harapan namin na siyang ikinagulat ko. Padabog niyang sinabunutan ang sarili at tinabunan niya ako ng malamig na pagtingin, "Tell me, Al, nagustuhan mo ba yung halik niya? Nagustuhan mo ba kaya hindi ka pumalag?! Siya ba yung sinasabi ni Dad, na ipapakilala mo sa amin?" Halos pumiyok na ang boses niya dahil sa sunod sunod na tanong niya.

"Tyler, hindi..." Umiiyak na sagot ko sa kanya, pinunasan ko ang pisngi ko at huminga ako ng malalim upang pilit pakalmahin ang gumuguhit na sakit sa puso ko.

"Tyler, sa ngayon kailangan na muna nating kumalma." Pakiusap ko sa kanya dahil sa ngayon ay gusto ko na munang tulungan si Jonathan na napupuno na ng dugo ang mukha. Isang mapait na pag ngisi ang ginawa niya, tinitigan niya ako ng sobrang lalim at hindi kinaya iyon ng sistema ko.

"Sinasabi mong kumalma ako ngayong nakita ko kung paano ka halikan ng lalaking yan? Come on, Althea, alam mong malaki ang pagkagusto sayo ng gagong yan tapos hindi ka pa umiwas! At dinala mo pa talaga dito?!" Punong puno ng hinanakit ang boses niya at hindi ko na kinakaya ang bawat paghinga niya ng malalim na para bang kahit na anong oras ay malalagutan na siya ng hininga.

"Please?! Tama na, s..saka nalang tayo mag usap kapag pareho nang malamig ang sitwasyon nating dalawa, and I think k-kailangan ko na munang tulungan si Jonathan." Nauutal na pakiusap ko sa kanya na siyang nagpaawang sa labi niya. "Saka nalang?" Mas lalong pumait ang boses niya, kinagat niya ang ibabang labi niya at ngumisi ng pilit.

"Ang gago ko! Oo ang gago ko dahil kahit pagod na pagod na ako sayo, mahal na mahal pa rin kita!" Sumbat niya sa akin at panay pa rin ang kirot ng puso ko dahil nakikita ko kung paano niya pinipigilan ang nagbabadiyang luha sa mga mata niya. Tumingala siya na para bang hirap na hirap sa nararamdaman niya ngayon.

"Tangina, kailan ba ako magiging first priority sayo? Bakit hindi mo magawang mag desisyon agad para sa ating dalawa? Al, naiintindihan kita nung mga nakaraang araw, pero ngayon ang labo mo. Hindi na kita kaya pang intindihin kung mas uunahin mo pa yang gago na yan, kesa sa selos na lumalamon ngayon sa katauhan ko!" Sigaw niya sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"For heaven's sake, may ibang humalik sayo. Kung para sayo wala lang yung halik na yon, pwes sa akin hindi!" Gigil na sambit niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang dumadaloy na galit at hinanakit.

Lumunok siya ng sunod sunod at muli akong pinagmasdan sa mga mata, ang gwapo niyang mukha ay namumula na ngayon dahil sa galit, "Mahal mo ba talaga ako, Al? Kasi kung sasabihin mo ngayong mahal mo ako handa akong harapin lahat ng galit ni Dad! Yun naman ang ikinatatakot mo ngayon hindi ba?" Biglang tanong niya na nagpagapang ng kaba sa puso ko. 

"Alam mong kaya kong talikuran ang lahat lahat basta para sayo," Dagdag niya.

"Tyler, please." Pakiusap ko sa kanya, handa kong harapin si Dad pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong pagkakataon na napupuno kami ng hinanakit at galit sa isa't isa. Ayokong gumawa ng desisyon dahil lang nasasaktan kaming pareho.

Huminga siya ng malalim, "Kapag hindi mo sinagot ang tanong ko ngayon, mawawala na ako sayo." Pagbabanta niya na nagpakaba sa akin ng husto.

"Tyler, huwag naman ganito, alam mo kung anong nararamdaman ko para sayo. Pero, please, huwag ngayon..." Nakikiusap ang boses ko sa kanya, mahal ko siya, pero gusto ko kapag sinabi ko na ulit sa kanya ang mga salitang yon hindi lang siya yung lalaban. Gusto ko pareho na kaming haharap sa mga taong mahal namin, pareho na kaming haharap kay Dad, hindi yung siya lang yung may lakas ng loob.

Inihilamos niya ang kanyang palad sa mukha at muli niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa. Desperado niyang binasa ng dila niya ang labi niya saka humugot ng malalim na paghinga.

"No! Kailangan mo nang mamili ngayon, Al, dahil pagod na akong lumaban mag isa!" Banta niya sa akin at tinitigan niya ako ng sobrang lalim.

"You either choose me or you fucking lose me?!" Garalgal na sigaw niya at kitang kita ko sa mga mata niya na kailangan ko nang sumagot ngayon dahil nandoon na ang pagsuko niya para sa akin.

"Answer me!!" Muling sigaw niya at napapitlag ako nang sipain niya ng malakas ang buhangin sa harapan ko!

"T..Tyler, hi..hindi naman sa ganon." Humihikbing dahilan ko.

"Then what?!" Panay na ang hilamos niya sa kanyang mukha at para bang gusto na namang manakit ng mga kamay niya dahil sa akin! Ayokong nag kakaganyan siya dahil lang sa akin, hindi ko masikmurang kaya niyang manakit ng iba para lang mapatunayang mahal niya ako.

"I..I'm sorry!" Sigaw ko at lumapit ako sa kanya upang hawakan ang kamay, upang pakalmahin ang galit na damdamin niya pero mabilis niyang hinawi iyon na para bang napapaso na siya sa akin.

"I'm sorry, Tyler. I'm sorry." Paulit ulit na sambit ko sa kanya habang humihikbi ako, nakita ko sa mga mata niya ang matalim na pagtitig niya kay Jonathan at akmang susugurin na naman niya ito ng suntok, pero mabilis ko siyang hinila palayo dito!

"Tama na!" Sigaw ko na mas lalong nagpabilis sa paghinga niya at mas higit na bumalot ang galit sa mga mata niya.

"Tama na, Tyler!" Muling pakiusap ko sa kanya at hindi ko kinaya ang unti unting pagtulo ng luha niya.

"I will stop! Just say the fucking words at titigilan ko ang pambabasag sa pagmumukha nitong gago na 'to!" Sigaw niya saka tinuro turo pa si Jonathan mula sa likod ko.

Umiling ako at mas lalong nag unahang tumulo ang luha ko.

"Tangina. Kung hindi mo ako mahal, h'wag mo akong iyakan na parang hindi mo kayang mabuhay na wala ako!" Galit na hiling niya sa akin.

"I...I can't. P..patawa..rin mo ako!"

Nakita kong kumuyom ang kamao niya at unti unting naging malamlam ang pagtitig niya sa akin na nagpapalambot sa puso ko.

"Say it.. that.. you love me. Kung gusto mong umalis tayo sa lugar na 'to, aalis tayo! Isang sabi mo lang na mahal mo ako, ititigil ko ang lahat ng ito. Ititigil ko lahat ng ayaw mo! Just fucking tell me...that you do really love me." Nagsusumamo at nakikiusap ang boses niya sa pagkakataong ito.

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang nagbabadiyang hikbi na gustong kumawala, umiling ako sa kanya bilang sagot. Bumagsak ang balikat niya at naghari ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ang labo mo. Iniiyakan mo ako, pero hindi mo ako magawang piliin." Mapait na ngisi niya.

"At hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, Al, hindi ko na maintindihan kung ano bang ipinaglalaban ko dito, ipinaglalaban ba natin yung pagmamahalan nating dalawa? O ipinaglalaban ko ba na mahalin mo rin ako?" Patuloy ang pagtulo ng luha niya habang ngumingisi ng mapait.

"Kasi magkaiba yun diba? Magkaiba yun! Because if you're not willing to fight for us, it probably wasn't really love to begin with." Napaatras ako dahil sa hikbing pinakawalan niya. "Napilitan ka lang."

"Tangina, hindi mo ako mahal, Al, dahil ang totoong nagmamahal hindi sumusuko." Yun lang at tuluyan na niya akong tinalikuran.

"Tyler, no..." Patuloy na sambit ko kahit pa unti unti na siyang nakakalayo sa kinatatayuan ko.

Napaupo ako sa buhangin habang patuloy na humahagulhol, alam ko namang magiging masakit ng sobra sobra kapag nangyari na ang kinatatakutan ko, ang talikuran na niya ako ng tuluyan. Ipaglalaban ko naman siya dahil mahal ko siya, pero walang humpay yung takot sa puso ko na baka tuluyan na silang magkasira ni Dad because of me. Minsan hindi sapat na dahilan ang mahal lang namin ang isa't isa para isuko niya ang lahat lahat sa pamilya namin, kailangan maging buo na ang loob ko na ipaglaban ang para sa aming dalawa para sa ganon masasabi kong hindi ko na siya bibitawan kahiiti ano mang mangyaring unos.

  Pero, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba ito, kung hanggang kailan ko ba matitiis yung hirap at sakit na tuluyan na siyang mawawala sa akin.   

Patuloy ako sa pag iyak nang maramdaman kong hinawakan ni Jonathan ang magkabilang balikat ko at tinulungan akong makatayo. "No, mali lahat ito." Bulong ko sa sarili at akmang ihahakbang ko sana ang mga paa ko patungo sa daan na nilakaran ni Tyler para habulin siya at bawiin ang lahat lahat ng pinili kong desisyon, upang sabihin na kakayanin ko na ang lahat para sa kanya, pero natigilan ako nang...

"What's happening here?" Mabilis na nanlamig ang dalawang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Dad, pinunasan ko ang pisngi ko at humarap sa kanya.

"Dad..." Namamaos na tawag ko dahil sa pag iyak ko kanina, napabaling siya kay Jonathan mula sa likod ko at kumunot ang noo niya nang makita ang lagay nito.

"Sinong may gawa niyan sayo?" Ma-awtoridad na tanong ni Dad na nagpakaba sa akin ng sobra, magsasalita na sana ako pero mabilis siyang lumingon doon sa lugar kung saan natatanaw pa ng dalawang mata ko mula sa malayo ang paglalakad ni Tyler.

Pagalit siyang bumaling sa amin, "Si Tyler?" Galit na sambit niya.

"Ah, hindi po, Sir." Paninigurado ni Jonathan na mukhang hindi naman sinang ayungan ni Dad.

Sandali pang tinitigan ni Dad si Jonathan ng malalim bago pa siya nagpasiya na yayain kaming pumasok sa bahay.

Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata ni Mama habang ginagamot niya ang mga sugat ni Jonathan ngayon dito sa sala, si Monet naman ay panay ang ngiwi. "What happened ba? Kanino ka ba napaaway?" Usisa nito na inilingan lamang ni Jonathan.

Tinignan ako ni Mama at sa simpleng tingin na iyon ay nagkaintindihan na kaming dalawa.

"Sa pag iyak mo kanina, Althea, masasabi kong yang si Tyler na naman ang gumawa ng gulo." Biglang pasok ni Dad sa usapan. Ibinato ni Dad ang ice pack kay Jonathan na kaagad naman niyang nasalo.

"Salamat po."

"Hindi niyo kailangang pagtakpan yung lalaki na yon sa akin dahil sanay na sanay na ako na nag uumpisa siya ng gulo." Hindi ko na makayanan ang mga maling paratang kay Tyler, dahil una sa lahat ako naman ang punot dulo sa lahat ng gulo na ito. Ako ang nagiging dahilan kung bakit nakakapanakit siya ng ibang tao.

"Dad," Suway ni Mama sa kanya.

Tumungo ako at kinuyom ko ang kamao ko, humugot ako ng malalim na paghinga bago ko tuluyang sabihin ang bumabagabag sa buong pagkatao ko.

 "I'm sorry, Dad..." Bulong ko at naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Dad ng buong pagtataka.

"Kasalanan ko ang lahat..." Patuloy ko.

"Althea." Tawag sa akin ni Mama, nag angat ako ng tingin kay Dad at naramdaman ko ang dahang dahan pagtulo ng luha ko habang hinahayaan kong tabunan ako ni Dad ng maraming katanungan mula sa mga mata niya. "Patawarin mo ako, Dad, pero..." Bumilis ang paghinga ko at mas lalong nag unahang bumagsak ang luha mula sa mga mata ko nang tuluyan ko ng masabi ang isang kasalanang nagawa ko sa pamilyang ito. Ang kasalanang kailanma'y hindi magiging katanggap tanggap sa mata ng ilan.

"M-mahal ko siya, Dad, mahal ko si Tyler."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top