ALC: Kabanata 32

Naguguluhan na ako kung kanino ako mag de-dedicate huhuh. Lahat ng comments niyo ay nagbibigay inspirasyon sakin. Pero for now kay  @itsmemarro_  ko ito dinededicate at para na rin sa inyong lahat. Thank you ng sobra sobra.

Sa next update alam kong mahihirapan na naman akong mamili kung kanino ang Kabanata 33. Hahaha, pero sobrang salamat basta paulit ulit na salamat po sa inyo! 



ALC: Kabanata 32

Marahas niyang hinilamos ang mukha niya at matama akong tinitigan.

"Maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal. Kung ano man ang meron tayo ngayon, hindi yun mawawala." Usal niya saka hinawakan ang kamay ko.

"Yung mga pangarap ko para sa ating dalawa, ipagpapatuloy ko yon. Isang linggo lang akong mawawala, pero hindi ibig sabihin non tapos na ang lahat sa atin, meron pa rin namang tayo, diba? Meron pa." Paninigurado niya na mas lalong nagpaluha sa akin.

Binitawan niya ang kamay ko at kinagat niya ang ibabang labi niya paraan para pigilan ang luhang nagbabadiyang tumulo. "At sa pagbalik ko, aasahan kong nakapag isip isip ka na." Yun lang at iniwanan na niya akong umiiyak doon sa parking area. Pinagmasdan ko lang ang likod niya hanggang sa tuluyan na niyang paandarin ng mabilis ang sasakyan niya.

----

"Cheers!!" Sigaw ni Monet pagkatapos ay sabay sabay naming tinungga ang hawak na beer.

"Wala talaga akong masabi sayo, Jonathan, napaka brilliant mong mag isip!" Paghanga ni Monet kay Jonathan dahil na-approved namin ang mga presentation niya para sa loob ng isang taon.

Sa loob lang ng tatlong araw ay natapos ng team nila ang mga marketing strategies para sa mga darating na buwan.

Nagkibit balikat si Jonathan matapos tunggain ang alak na hawak niya, "Well, ano pa bang aasahan mo sa akin? Gwapo na, macho pa, matalino pa!" Pagbibiro niya.

"Yuck!" Magkasabay na sigaw namin ni Monet saka nag apir pa kaming dalawa.

Ang mga staffs naman namin ay nag e-enjoy na doon sa dance floor. Kaming tatlo nalang ang naiwan dito sa table at nag aasaran.

Ngayon ko nararanasan na ngumiti kahit na labag na labag ito sa kalooban ko. Tatlong araw na rin mag mula nang huling pag uusap namin, simula non ay hindi na siya muling nagparamdam pa, busy siguro siya sa Japan.

"Siya nga pala, Althea, kumusta na si Tita? Okay na ba siya?" Biglang tanong ni Monet.

"Ah, okay na." Matipid na sagot ko. Ang totoo ay hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni Mama, kay Dad ko lang nabalitaan na nakauwi na sila sa bahay nung isang araw at kailangan lang makapag pahinga ni Mama.

Kaya naman si Dad ay hindi na muna talaga nakakapunta sa company, lahat ng paper works niya ay sa bahay na niya tinatrabaho para mabantayan si Mama.

"Buti naman, alam mo nalulungkot ako sa nangyayari sayo ngayon. Natagpuan mo nga ang tunay mong magulang pero wala na sila." Nasa boses ni Monet na nahahabag siya sa akin pero ganun pa man ay nagawa kong ngitian siya.

Naikwento ko na kasi sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Tita Leny kapatid ni Mama.

"Okay lang yun, Monet. Oo, nalulungkot ako dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makilala sila ng lubusan, pero masaya ako dahil tinanggap ako ng buong buo nila Mama." Paninigurado ko sa kanya.

"Well, tama ka. Napaka swerte mong talaga kela Tita Marie." Pag sang ayon niya sa akin.

Tumikhim si Jonathan, "Hey, we are here to celebrate and have a good time! Masyado na kayong malungkot!" Suway niya sa amin saka pinilit niya kaming hilahin ni Monet patungo doon sa dance floor.

Tawang tawa ako kay Jonathan dahil sa pag sayaw sayaw niya sa harapan naming dalawa ni Monet. "Nakakadiri ka talaga!" Sigaw ni Monet dahil sa lakas ng tugtog pero humalakhak lang si Jonathan saka nagpatuloy sa pagsasayaw.

Matapos ang celebration namin sa bar ay nag offer na si Jonathan na ihatid kami ni Monet.

"Grabe, lasing na lasing ka!" Suway ko kay Monet ngayong hirap na hirap kami ni Jonathan na isakay siya sa back seat, nang maipasok namin siya sa loob ay humiga na siya doon sa upuan at natulog. Ako naman ay kaunti lang ang nainom dahil ayoko nang maulit na magigising ako na walang alam sa mga nangyari.

"Hindi pa rin nagbabago." Tawa ni Jonathan pagkatapos ay isinara niya ang pinto ng kotse at yung passenger seat naman ang binuksan niya.

"Get in, Ms.Beautiful." Aniya saka kinindatan pa ako, tumawa ako saka inilingan ko siya. "Bolero ka pa rin."

Nang makasakay na kami pareho ay ini-start na niya ang engine at nakangiting nagmaneho, medyo nahilo din ako sa ininom ko kahit kakaunti lang iyon.

"Al, I don't know kung may deperensya na ang mga mata ko, napapansin ko kasi sa mga mata mo nitong mga nakalipas na araw na may mabigat kang dinadala." Biglang sabi niya na nagpaawang sa labi ko, pinilit kong ngumiti at sumagot sa kanya.

"Manghuhula ka na ba ngayon, Jonathan? Dadalhin na ba kita sa Quiapo para kumita ako?" Ngisi ko na sandaling nagpahalakhak sa kanya pero naka focus pa rin siya sa pagmamaneho dahil medyo marami din siyang nainom kanina.

"I can feel what you're feeling right now, sa buntong hininga mo palang masasabi kong may masakit sayo." Sagot niya sa akin. "Talaga ba?" Pilit kong siniglahan ang boses ko pero natigilan ako nang muli siyang magsalita.

"Yeah, hindi lang tungkol sa family mo ang bawat buntong hininga mo ngayon. You're smiling because you want to stop the pain— dito." Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya saka sandali niya akong nilingon, may hinanakit sa mga mata niya pero nakakangiti pa rin siya hanggang ngayon.

Sandali siyang ngumisi, pero sa pag ngisi niyang iyon ay nakahalo ang pait doon, "I remember how I cried over you, nung binasted mo ako ang sakit nun sobra. Kahit anong buntong hininga ang gawin ko ayaw kumawala nung sakit. That's why, lumayo ako sayo, nag-baka sakaling mawawala yung pain. Pero hindi eh, hinahabol at hinahabol ako ng alaala mo." Kwento niya na nagpakirot sa puso ko dahil sa unang pagkakataon ay na-open ni Jonathan ang nagawa kong pananakit sa kanya noon na akala ko ay okay lang siya dahil palagi pa rin siyang nakakangiti after all the pain na nagawa ko, pero nagyong sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito ay nararamdaman kong may malaki akong kasalanan sa kanya at ngayon ay naiisip kong may isang tao na naman akong nasasaktan.

"Ang tagal na nun diba? Nagtataka ako dahil hindi pa rin ako nagkakagusto sa iba, kaya sabi ko kailangan makita ulit kita, gusto kong malaman kung ano nang mararamdaman ko sayo ngayon after so many years." Dire diretsong sabi niya.

"Jonathan, I'm sorry." Bulong ko pero ngumiti lang siya ng mapait.

"You don't need to apologize, Al. Ako yung kusang nagmahal sayo at ngayong nagkita ulit tayo, I can say that I'm still in love with you." Bulong niya na nagpakirot sa puso ko, huminto siya dahil sa stop light at nabalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa siya na rin ang bumasag non.

"Nung Monday, gusto ko sanang pagaanin ang loob mo dahil sa nangyari sa Mama mo. May dala akong flowers, pati paborito mong pagkain dinala ko." Sabi niya at nakita ko sa mga mata niya ang unti unting paglungkot non.

"Nagpunta ako sa condo mo, naghintay ako sa parking lot. Pero hindi ko in-expect ang nakita ko." Bulong niya na nagpasimula ng kaba sa dibdib ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng dalawang kamay ko dahil alam ko nung araw na yun ay ang huling pag uusap namin ni Tyler.

"I'm sorry, Althea, pero hindi ko sinasadiyang marinig at makita ang lahat ng pinag usapan niyo ng kapatid mo." Patuloy niya na mas lalong nagpakabog sa puso ko! "Jonathan..." Nanghihinang tawag ko sa kanya pero nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

Muli na naman kaming natahimik na dalawa hanggang sa naihatid na namin si Monet sa unit niya at pagkatapos ay ako naman ang hinatid niya sa unit ko. Nakatayo na kami ngayon sa lobby ng tower ng condo ko at hindi ko pa rin makuhang tignan ang mga mata niya.

"Hey," Tawag niya sa akin at dahan dahan niyang iniangat ang baba ko para magtagpo ang mata naming dalawa.

Isang magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin, "Kung inaakala mong magkakalat ako ng tsismis, hindi ako ganon." Pagbibiro niya pero hindi ko makuhang tumawa ngayon.

Ipinasok niya sa magkabilang bulsa niya ang kamay niya saka mas lalo akong tinitigan ng maamo niyang mata.

"I don't know, pero nung araw na yon, nakita ko sa mga mata mo na totoong mahal mo siya. Bagay na hindi ko nakita noon nung pinipilit kong mahalin mo ako." Patuloy niya sa boses na punong puno ng kasiyahan at pait.

"Jonathan, ang hirap, hindi ko naman sinasadiya na mahalin yung taong hindi naman dapat." Paliwanag ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim, "Alam mo, Althea, walang mahirap sa pagmamahal. Masakit lang kapag hindi mo nakuha yung pagmamahal nung taong napili mo, mahirap yung sitwasyon mo—oo, pero kung alam mo namang pareho kayo ng nararamdaman, give it a try, mas magaan kung sabay kayong lalaban." Payo niya sa akin saka ngumiti siya pero kasunod non ang pag iyak ko na naman na naging dahilan para yakapin niya ako.

Humalakhak siya at hinaplos niya ang buhok ko, "Teka, baka ma-in love ka na sa akin niyan, lakas ng pogi points ko ano? Napaka mapagparaya ko talagang gwapo." Tumatawang pagyayabang niya dahilan para hampasin ko ang likod niya habang yakap yakap ko siya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin at ang paghaplos niya sa buhok ko ay hindi niya tinigilan.

"Althea, you should never give up dahil lang nasasaktan ka. Sumuko ka lang kapag alam mong wala ka nang pag asa para sa kanya."

---

Kinabukasan, papasok na sana ako sa opisina nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dad.

"Dad?"

"Althea, nandito ako sa baba ng tower mo, pababa ka na ba?" Tanong ni Dad, isinabit ko na sa balikat ko ang bag ko saka nagmadali na akong isara ang pinto ng unit ko.

"Yes, Dad, biglaan yata ang daan niyo dito? Si Mama? Okay na po ba siya?" Sunod sunod na tanong ko saka sumakay na ako ng elevator.

"She's doing good, may pupuntahan lang akong meeting. Dalawang oras lang naman iyon kaya makakauwi rin ako kaagad sa Zambales, pero dumaan muna ako para makita ka anak." Ani Dad na nagpangiti sa akin.

"Heto na Dad nasa lobby na ako!" Masiglang sabi ko saka nagmadali akong maglakad.

"Anak/Althea!" Nagpabalik balik ang tingin ko kay Dad at Jonathan dahil sa magkasabay na tawag nila sa akin. Lumingon si Dad kay Jonathan at kunot noo niya itong tinignan.

Lumapit ako kay Dad pero nakatuon ang mata niya dito.

"Good morning, Sir!" Bati ni Jonathan kay Dad, nilingon ako ni Dad at punong puno ng katanungan ang mga mata niya. Tumikhim ako at nagsalita, "Dad, si Jonathan kaibigan ko." Pakilala ko, naglahad ng kamay si Jonathan na tinanggap naman ni Dad.

"It's a pleasure to meet you, Sir, I've heard a lot about you." Ngiting ngiting sabi ni Jonathan na nagpataas ng tingin ni Dad sa kanya.

Tumawa si Jonathan, "Ah, eh madalas po kasing magkwento si Althea noong college palang kami, tungkol sa inyo at sa Mama niya." Pagtatanggol niya sa sarili na siyang tinawanan ko pero seryoso pa rin ang titig sa kanya ni Dad.

"Anyway, Dad..." Tawag ko saka iniharap ko sa akin si Dad at inayos ko ang necktie niya. "Good luck sa meeting mo mamaya." Sabi ko na siyang nginitian naman niya.

"Siya nga pala," Biglang sabi ni Dad saka iniabot sa akin ang isang paper bag. "Pinapabigay ng Mama mo, may pagka makulit na naman siya dahil nagiging busy na naman siya sa kusina." Kwento ni Dad, mabilis kong tinignan ang laman ng paper bag at nakita ko doon ang ilang chocolate muffins at may card pa doon na kaagad kong binasa. 

I love you, anak.

Hindi ko napigilan yung pagtulo ng luha ko kasabay non ang pag ngiti ko dahil sa sayang naramdaman ng puso ko. "Mas lalong lumakas ang Mama mo, dahil nung bago tumulak patungong Japan ang Kuya mo ay humingi siya ng tawad sa akin. Alam ko namang nagkukulang din ako sa inyong dalawa, pero sana maintindihan niyo ding dalawa kung bakit sumama ang loob namin ng Mama niyo dahil sa paghahanap mo sa totoong magulang mo." Paliwanag ni Dad.

"I'm sorry, Dad, pati tuloy kayo ni Kuya nag aaway because of me." Paumanhin ko, ngumiti si Dad at umiling. "No, masyado lang akong nag aalala sa Mama niyo, si Tyler yung panganay sa inyong dalawa kaya siya dapat ang mas makaintindi. Dahil kahit ano yatang gawin mo ay hindi ko magawang magalit sayo, dahil noong bata pa si Tyler ikaw ang kaisa isang kahilingan niya na nagawa kong tuparin." Patuloy ni Dad na nagpakirot sa puso ko, tinapik ni Dad ang balikat ko at muling nagsalita.

"Umuwi ka daw ngayong darating na weekend sabi ng Mama mo." Sabi ni Dad ngumiti ako tumango, mabilis kong pinahid ang luha ko saka huminga ng malalim dahil yung pagtibok ng puso ko ngayon ay sobrang bilis dahil sa kasiyahang bumabalot dito.

Pero agad kong napansin na tinititigan na ni Dad si Jonathan habang nakapamulsa siya at nalaglag ang panga ko nang magsalita muli si Dad.

"Nililigawan mo ba ang anak ko?" Ma-awtoridad na tanong ni Dad sa kanya na mabilis namang nginitian ni Jonathan.

"Naku, Sir, noon po." Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Jonathan, tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya at bumaling pa rin kay Dad. "Yun nga lang po na-basted ako, friendzone sabi ng iba." Dagdag niya na nagpahalakhak kay Dad saka tumingin ulit sa akin na para bang natuwa siya sa narinig niya na nam-basted ako.

"Gusto mo ba talaga ang anak ko?" Gatong ni Dad na nagpakamot sa akin sa ulo ko.

"Aba, syempre naman ho kaya lang may ib--" Mabilis akong lumapit kay Jonathan at kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil alam kong muntik na siyang madulas kay Dad tungkol sa pagkakagusto ko sa iba. Sumigaw siya dahil sa sakit pero nagawa niya pa ring tumawa. Alam na alam niya kung paano ako aasarin.

Umiling iling si Dad saka hinila ako palayo kay Jonathan at bago pa ako alalayan ni Dad patungo doon sa kotse niya ay nag banta siya kay Jonathan na siyang nagpangiti ng husto sa kanya.

"Kung gusto mo talaga ang anak ko doon ka umakyat ng ligaw sa amin sa Zambales nang ma-igisa kita, ikaw ang maghatid sa anak ko this weekend."

"Dad! Bakit mo sinabi yun sa kanya?" Pagmamaktol ko ngayong nagmamaneho na si Dad patungo sa office ko, ngunit ngumiti lang siya at nakita ko ang dimples niya na nagpaalala sa akin kay Tyler.

"Come on, binasted mo naman yun diba? Maganda yang ginawa mong yan, mam-basted ka lang dahil parang hindi ko talaga kakayanin na ibigay sa iba ang anak ko. Ihahanda ko muna ang sarili ko." Pagbibiro ni Dad na nagpahinga sa akin ng malalim.

"Hindi ka handa pero pinapapunta mo sa Zambales." Suway ko, tumawa si Dad at hindi ko kinaya ang sumunod niyang sinabi.

"Pauwi ang Kuya mo this weekend, ipapagisa ko sa kanya yang lalaki na yan."

****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top