ALC: Kabanata 30
Dedicated kay @readme2017 salamat sa pagbabasa, natuwa ako doon sa comment mo about sa Mom. :)
At syempre sa inyong lahat, nahihirapan na akong mag decide kung kanino ko ba i-dedicate ang isang chapter dahil sa mga comments niyo. Haha, salamat sa mga nagbabasa pa rin kahit nakakainis na yung story. Hahahaha. Sensya na marami akong pagkukulang. :)
ALC: Kabanata 30
Nang matapos kong tulungan si Dad na ayusin ang mga gamit na dadalhin sa ospital, tinulungan ko naman siyang ilagay iyon sa kotse. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag iyak ko kanina.
"Hanga talaga ako sa pagmamahal mo kay Mama, Dad." Sambit ko ngayong nagmamaneho na si Dad pabalik sa ospital, sandaling inayos ni Dad ang kanyang eye glass saka ngumiti, lumabas sa pisngi niya ang dimples na minana ni Tyler.
"Simula nang mahalin ko ang Mama mo, hindi na ako natuto pang magmahal ng ibang babae bukod sayo." He said, ngumiti ako at huminga ng malalim.
"Thanks, Dad." I whisper.
"Thanks for what?" Pagtataka ni Dad saka sandali akong sinulyapan.
"Sa pagmamahal, kahit hindi mo ako kadugo, hindi mo pinaramdam sa akin na iba ako." Paliwanag ko, sobrang laki ng utang na loob ko sa pamilyang meron ako ngayon. Dahil siguro kung wala sila ay hindi ko mararanasan ang mga bagay na mayroon ako ngayon.
Narinig kong ngumisi si Dad, "Ano ka ba, Althea, ilang beses ba naming sasabihin sayo ng Mama mo na hindi ka iba. Dahil para sa amin ay tunay na anak ka namin, ikaw ang bunso ko ang nag iisang prinsesa ko." Pagmamalaki ni Dad na nagbigay tuwa sa puso ko.
Pero natigilan din ako kaagad nang muli siyang magsalita, "Baka naman may boyfriend ka na? Huwag kang magsisikreto sa akin. Dapat ay makilatis ko muna iyan, hindi nila pwedeng lokohin ang bunso ko." Paninigurado ni Dad na nagpalunok sa akin ng sunod sunod.
"Meron na ba ha?" Nasa boses ni Dad ang pakikipag biruan sa akin kaya naman tumikhim ako at pinilit kong tumawa.
Isang pag iling ang ginawa ko na nagpangiti sa kanya, hinawakan ni Dad ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw non.
"Good girl, huwag muna. Hindi pa handa ang Daddy." Ngisi niya na mas lalong nagpasama ng pakiramdam ko dahil hindi ko na talaga kinakaya ang kasinungalingang pilit kong tinatabunan. Para bang unti unti akong nauubusan ng hininga sa kahibangan na pinasok ko.
---
Nadatnan namin ni Dad na pinapainom na ni Tyler ng gamot si Mama at mukhang kakatapos lang nitong kumain dahil nakaligpit na ang ilang pinagkainan niya.
"Are you feeling better now?" Narinig ko pang sabi ni Tyler, tumango si Mama at nginitian siya. Kagaya ni Dad, kitang kita ko ang sobrang pagmamahal ni Tyler kay Mama. "Pahinga ka na, Ma." Bulong ni Tyler saka hinalikan ito sa noo pero napabaling sa pwesto namin si Mama.
Mabilis ang pintig ng puso ko nang dumako ang tingin sa akin ni Mama, isang maliit na pag ngiti ang ibinigay niya sa akin bago siya tuluyang ni lapitan ni Dad at hinalikan saglit sa labi.
Lumapit sa akin si Tyler at tinitigan ako sa mga mata ko. Nandoon sa mata niya ang pagod pero unti unting nagliwanag iyon nang hawakan niya ang kamay ko.
"Are you alright?" Tanong niya, tumango ako at binitawan ko ang kamay niya dahil ang hirap kumilos kapag alam mong nagkakasala ka. Naupo ako doon sa mahabang couch. Sumunod naman siya sa akin at naupo rin siya sa tabi ko.
Nanatili lang nakatuon ang mga mata ko kay Mama na ngayon ay kinakausap ni Dad. Kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan na ngayon ay magkasama na naman ulit sila at ayokong ako ang maging dahilan para mawala ang kasiyahan sa mga mata na iyon. Panay ang pagkalabog ng puso ko dahil nasasabik akong kausapin si Mama, gusto ko siyang yakapin at gusto kong humingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko. Pero nababalutan ng takot ang puso ko, ayokong magalit siya sa akin ng tuluyan.
"Kumain ka na ba?" Biglang untag sa akin ni Tyler. Tinignan ko siya at mabilis niyang napagtagpo ang mga mata namin. Kumikirot ngayon ang puso ko dahil alam kong masasaktan ko na naman siya, alam kong hindi niya magugustuhan ang pangakong binitawan ko sa Diyos na kailangan kong sundin.
I'm sorry, Tyler.
Kakayanin kong mawala siya sa akin kahit sobrang hirap. Kahit na sobrang malungkot, huwag lang mawala si Mama sa buhay namin.
Pero, Lord, bigyan niyo po muna ako ng kaunting panahon para maiparamdam sa kanya na totoo ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.
"Tyler? Althea?" Pareho kaming napabaling kay Dad dahil sa pagtawag niya.
"Dad, huwag mo nang sabihin." Narinig kong bulong ni Mama sa kanya pero umiling si Dad at hinawakan ang kamay ni Mama.
"Don't worry, I'm not mad, Sweetheart. Gusto ko lang silang makausap ng harapan." Ani Dad na nasa tono ng pagbabanta. Muli niya kaming binalingan ng tingin.
"I heard from your Lola Akira, na nagpunta kayo sa Batangas. Anong ginawa niyo doon?" Panimula ni Dad na nagpatuyo sa lalamunan ko.
"That's the reason kung bakit biglaan ang pag uwi namin kahit hindi pa tapos ang bakasyon namin sa Paris. Masyadong nag alala ang Mama niyo at sa eroplano palang ay stress na stress na siya sa kaiisip." Patuloy ni Dad, nasa mata niya ang maraming katanungan at pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Tyler, kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim.
"It's my fault, Dad. Ako ang nag umpisang maghanap." Mariin na sagot ni Tyler na naging dahilan para hawakan ko ang braso niya. Bumaling siya sa akin at inilingan ako bago siya muling tumingin kela Dad, si Mama ay nanatiling nakatingin doon sa paanan niya na para bang hindi nagugustuhan ang naririnig.
"Karapatan ni Althea na makilala kung sino ang mga magulang niya." Sagot ni Tyler sa kanila.
"At hindi niyo manlang sinabi sa amin?" Mahinahon ang boses ni Dad pero nandoon ang pagbabanta. "I'm sorry, Dad." Bulong ko at pinagsalikop ko ang mga daliri ko.
"So, all this time alam niyong nasa Batangas ang mga magulang ni Althea." Malamig na sambit ni Tyler na nagpatalas sa tingin ni Dad sa kanya.
"Of course! Lahat lahat tungkol sa dating pamilya ni Althea ay alam namin." Buong buo ang boses ni Dad dahil sa iritasyon.
"At pinili niyong itago kay, Althea?" Nandoon na naman sa boses ni Tyler ang iritasyon.
"Tyler." Inis na tawag ko sa kanya dahil nakikipagtalo na naman siya kay Dad.
"Para saan pa? Tayo ang pamilya ni Althea, wala nang iba. Hindi ba napag usapan na nating lahat noon na wala nang maghahanap sa iba? Bakit ang tigas ng ulo niyong dalawa?!" Bulyaw ni Dad na nagpagapang pa lalo ng kaba sa dibdib ko.
Ngumisi si Tyler ng sarkastiko at umiling iling. "Hindi niyo manlang naisip yung mararamdaman ni Althea, gusto din namang makilala nung tao yung totoong magulang niya." Pabalang na sagot ni Tyler.
"Tyler, please? Huwag ka nang sumagot kay Dad." Bulong ko sa kanya, nakita kong kinuyom niya ang kamao niya at lumabas ang ugat doon dahil sa galit na pinipigilan.
"Bakit? Kinonsider niyo ba ang mararamdaman ng Mama niyo kapag nalaman niyang hinahanap niyo ang magulang ni Althea? No. Sabagay, noon pa man matigas na yang bungo mo." Galit na sambit ni Dad at mas lalong nabalot ng galit ang mga mata niya na ngayon ay titig na titig kay Tyler.
"Drake, please?" Pakiusap ni Mama.
"Kahit kailan naman, hindi ako naging magaling sa inyo." Sagot pa rin ni Tyler, hinila ko siya sa braso at tinignan ko siya ng masama para patigilin dahil sa bumabalot na tensyon.
"Dahil hindi ka naman dating ganyan, I don't know kung bakit tumatanda kang paurong. Noong bata ka ay maayos ka naman, pero habang tumatanda ka, hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa kokote mo. Ilang taon ka na? Mag tu-twenty eight ka na, but you're still acting like child." Galit na sambit ni Dad na mas lalong nagpatiim sa panga ni Tyler.
"Dahil wala kang alam sa mga nararamdaman ko." Madiin na sabi ni Tyler na nagpabuntong hininga sa akin.
"Mag aaway na naman ba kayo sa harapan ko? For pete's sake, hindi ko pinangarap na maging ganito tayo!!" Biglang sigaw ni Mama na nagpatayo sa akin, nakita ko ang pagtulo ng luha niya.
"All of you leave." Matigas na sambit ni Mama. "Kei Marie," Tawag ni Dad.
"Please, Drake. Ayokong makita kayong lahat kung ganyan lang ang gagawin niyo sa harapan ko!" Pakiusap ni Mama saka nahiga at ipinikit niya ang kanyang mata.
Natahimik kaming lahat, kasunod non ang paglabas ni Tyler na siyang nagpakirot sa puso ko. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon. Noon pa man ay ako na ang ugat ng pag aaway nila Dad.
Kapag hindi kami nagkakasundo noon ni Tyler ay madalas silang mag sagutan hanggang si Mama na ang papagitna sa kanilang dalawa. At ngayon ay nangyari na naman iyon.
Ilang sandali pa ay lumabas din si Dad pero bago sumara ang pinto ay nakita kong naupo lang siya doon sa labas ng ward ni Mama. Ako nalang ang naiwan doon at pinagmamasdan ko si Mama na patuloy ang pagtulo ng luha.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at naupo ako doon sa upuan na katabi ng kama niya.
"Ma." Mahinang tawag ko sa kanya, dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at tinignan niya akong mabuti. "Ma, I'm sorry." Iyak ko pero tinignan niya lang ako na para bang nasasaktan siyang makita ako. "I'm sorry, dahil ako ang nagiging ugat ng lahat ng gulong ito. Patawarin mo ako, Ma." Hikbi ko saka hinawakan ko ang kamay ni Mama at tumungo ako doon.
"No, I'm sorry, anak. Dahil hindi ko dapat nararamdaman ang pagtatampo sayo." Sagot ni Mama na nagpahikbi sa akin kasabay ng pagkirot ng puso ko dahil alam kong malaki ang tampo niya sa akin.
"Pero, sasabihin ko sayo ang totoo. Hindi ko gusto na nauwi kayong dalawa ni Tyler sa kung anong relasyon ang mayroon kayo ngayon, but at the same time gusto kong maging masaya si Tyler. Ayokong makitang nasasaktan siya o kahit ikaw dahil mahal na mahal ko kayo." Bulong ni Mama saka hinaplos haplos niya ang ulo ko habang patuloy akong umiiyak doon sa isang kamay niya.
"I'm sorry, Althea, pero sa ngayon ay hindi kita kayang harapin na may namumuong pagtatampo sa puso ko. Mahal kita, anak. Iintindihin ko kayo ni Tyler at iintindihin ko rin na kailangan mo talagang makilala ang mga totoong magulang mo. But, please, give me some time para tanggapin ang lahat ng ito." Bulong ni Mama saka maingat niyang hinawi ang kamay niya mula sa akin at tinalikuran ako.
Walang tigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na nararamdman ko ngayon. Hindi ko lubos matanggap sa sarili ko na nagawa kong pasakitan si Mama. Bakit ba hinayaan kong mauwi ang lahat sa ganito kung maaari ko namang pigilan noon. Bakit ba hinayaan kong maging makasarili ang puso ko?
"I'm sorry, Ma. I'm sorry." Paulit ulit na bulong ko at saka lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Dad na nakaupo pa din doon sa gilid, mabilis kong pinahid ang luha ko at niyakap ko siya.
"Dad, uuwi po muna ako." Paalam ko, tumango si Dad, "I'm sorry, kung nauwi na naman sa bangayan ang pag uusap namin ng Kuya mo." Paumanhin niya, umiling iling ako. "No, Dad, I'm sorry dahil hindi ko kayo naisip ni Mama bago ako gumawa ng mga desisyong pagsisihin ko lang din naman sa huli. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Mama." Namamaos na sabi ko.
"I'm going back to Manila, may mga trabaho po kasi akong naiwan doon." Dahilan ko, tinanguan ako ni Dad at bago pa akong tuluyang umalis ay yumakap na muna ako sa kanya. Alam kong hindi sinabi ni Mama kay Dad ang tungkol sa amin ni Tyler at ayoko nang makita ang magiging reaksyon ni Dad dahil mas lalong hindi ko kakayanin.
Nang makalabas ako ng ospital ay nakita ko si Tyler na nakatayo doon sa may parking lot. Magulo ang kanyang buhok na para bang kanina niya pa pinaulit ulit pasadahan ng kanyang kamay. Desperadong desperado na ang itsura niya at para bang namumula ang kanyang mga mata. Ilang segundo ko munang pinag sawaang pag masdan ang gwapo niyang mukha bago ako sandaling huminga ng malalim at napagpasiyahang lapitan siya.
"Ty..." Tawag ko sa kanya, bumaling siya sa akin at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Kabisado na ng ilong ko ang mabangong pangangatawan niya at ang init non na naghahatid ng kakaibang sensasyon sa akin. Isa na yata ito sa mga bagay na mamimiss ko. Ang sarap sa pakiramdam na magkulong sa mainit na yakap niya, pero alam kong matatapos din ang lahat ng ito.
"I'm sorry, alam ko ang gago ko para sumagot-sagot na naman kay Dad." Paumanhin niya sa akin, itinaas ko ang kamay ko upang gumanti ng yakap sa kanya.
"Huwag ka sa akin mag sorry, kay Dad at kay Mama ka mag sorry." Bulong ko sa kanya naramdaman kong tumango tango siya.
"Babalik na ako sa Manila bukas, may pasok na sa Lunes at marami pa kaming aasikasuhin ni Monet." Paalam ko sa kanya, humiwalay siya ng yakap sa akin at tinignan niya ako sa mata.
"Sumabay ka na sa akin bukas. Pabalik na rin ako ng Manila." Suhestiyon niya, ngumiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya.
"I love you." Bulong ko, kitang kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya dahil sa kasiyahan nang marinig niyang sabihin ko iyon. Pero imbis na sagutin niya ako, niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Why do I have this feeling na huling, I love you, mo na yan sa akin?" Pangamba niya, damang dama ng dibdib ko ang malakas na kabog ng puso niya.
Lumunok ako at pinigilan ko ang pagbabadiya ng luha ko. "Bakit mo naman nasabi yan?" Pinilit kong tumawa kahit pa ang sakit sakit na ng puso ko.
"Althea, matagal kong itinago yung pagmamahal ko para sayo at natatakot akong dumating yung panahon na mararamdaman kong unti unti kang mawawala sa akin." Ramdam ko sa boses niya ang takot.
"Kung ang dulo nito ay katapusan para sa ating dalawa, pakiusap huwag mo akong dadalhin don." Patuloy niya na nagpasikip ng sobra sa puso ko. "Al, I don't even know if I can still breathe without you, dahil langya pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga kapag nawala ka." Panay pa rin ang pigil ko sa luhang kanina pa gustong kumawala dahil ayokong makita niyang nasasaktan ako.
Ayoko man siyang bitawan sa darating na panahon pero buo na yung loob ko. Ang pangakong binitawan ko sa Diyos ay hindi ko dapat suwayin. Sapat na siguro yung malaman naming dalawa na mahal namin ang isa't isa. Tama na yun. Minsan kasi talaga may mga bagay na hindi na dapat pinapatagal para hindi na tayo lubusang masaktan pa. Mga bagay na kahit anong pilit mong laban hindi na dapat ipagpatuloy pa. Ang hirap na minsan ka na nga lang magmahal, hindi mo pa maipaglaban dahil takot kang makasakit ng iba. Kasi dapat kapag nagmahal wala kang sasaktan eh, pero ang hirap palang gawin non. Love isn't always perfect, hindi ito isang love story na palaging masaya o may happy ending. Dahil ang mga happy ending ay para lang sa mga taong nakatadhana sa isa't isa.
"Ano ka ba, Tyler, gusto kong maging masaya tayo sa mga darating na panahon. Okay ba yun?" Nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon dahil pilit kong pinapakalma ang emosyong bumabalot sa akin.
Nagulat ako nang lumuhod siya at niyakap ang mga binti ko at sinabi ang salitang mas lalong naghatid ng sakit sa puso ko na tuluyan nang nagpabagsak sa luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I'm scared of losing you, Sweetheart, please stay. You'll have to grow old with me."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top