ALC: Kabanata 27

Dedicated kay @VicrisEspiritu thank you sa matiyagang paghihintay! <3 :)

At syempre sa inyong lahat, ang mga comments niyo ang nagpapakumpleto ng araw ko bago ko simulan ang pagta-type ng update. Salamat! Patuloy lamang po tayong umasa na may darating pang kasunod! Hahaha!


ALC: Kabanata 27

Tatlong araw na simula nang makilala ko si Tita Leny, hindi ko alam pero sa tatlong araw na lumipas ay para bang namimiss ko na kaagad siya. Masaya ako dahil naging mas malapit kaming dalawa, madalas kaming magkatext at kung minsan naman ay tinatawagan ko siya kapag wala akong masyadong ginagawa sa trabaho.

Maging si Tyler ay naging abala din sa trabaho dahil ilang araw din siyang hindi naka-focus sa mga paper works niya dahil sa pag sama sama niya sa akin. At dahil na rin sa mga competition niya noong nakaraang araw.

"So, ayun nga." Bigla akong natauhan sa pag iisip ng mga nangyari noong nakaraang araw nang marinig ko si Monet.

"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumawa siya na para bang hindi makapaniwala.

"Seriously? Kanina pa ako daldal ng daldal dito." Ngumingising sabi niya matapos lunukin ang kinakain.

"Sorry, may naalala lang ako." Paumanhin ko saka sumubo ako ng pagkain. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng company namin.

"Hay naku, ewan ko ba ha? Althea, napansin ko lang nitong mga nakaraang araw parang lumilipad na yang utak mo palagi. Alam mo yang mga ganyang natutulala eh yan ang sintomas na nalalamon ka na ng pag ibig!" Sigaw niya na nagpalaki sa mata ko.

"Anong pag ibig?! Sira ka." Suway ko sa kanya saka uminom ako ng tubig dahil dinapuan ako ng kaba.

"Sus, eh para ka naman kasing bato jan na nakatunganga. Hindi ba ikaw itong nagsasabi sa akin na i-a-adjust mo na yung pagha-hire ng Marketing Director natin?" Paalala niya sa kaninang pinag uusapan namin.

"Ah! Yeah, like what I've said, nakausap ko si Jonathan kaninang umaga. And willing siyang maging Marketing Director natin kasama yung dalawang team niya from their department." Paliwanag ko sa kanya, nanlaki ang mata niya.

"What? Si Jonathan? As in Jonathan Purificacion?" Gulat na gulat na tanong niya, tumawa ako at tinanguan ko siya.

"Sandali nga, Althea, hindi ba siya yung binasted mo nung college tayo?" Sasagutin ko na sana siya pero nakita na ng dalawang mata ko si Jonathan na lumilinga linga at mukhang hinahanap kami ni Monet.

Itinaas ko ang kamay ko at tinawag ko siya, kaagad niya naman akong nakita. Nakangiti siyang lumapit sa amin ni Monet at mabilis niya kaming hinalikan sa pisngi. Hindi pa rin nagbabago ang isang ito, matangkad, moreno at gwapo pa rin siya kagaya noon.

"What the? Don't tell me siya yung nagpapalipad ng isip mo?!" Sigaw ni Monet dahilan para hampasin ko siya sa braso niya.

"Ano ka ba?! Hindi noh! At wala!" Depensa ko, umupo sa katabing upuan ko si Jonathan at ginulo niya ang buhok ni Monet dahil sa kaingayan nito.

Si Jonathan ay kaklase namin ni Monet noong college kami, kaming tatlo noon ang madalas na magkakasama sa school. Hanggang sa sinubukan akong ligawan ni Jonathan pero ipinaintindi ko sa kanya ng maayos na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at buong puso naman niyang tinanggap iyon. Matapos naming gumaraduate ay hindi na kami ulit nagkita kita pa dahil pare-pareho kaming abala sa trabaho.

"Ano na? Bakit lilipat ka sa amin ni, Al? Eh ang ganda ganda ng sahod mo doon sa company niyo." Usisa ni Monet ngayong kumakain na kami ulit ng sabay sabay.

"Kinulit kasi ako ni Althea, kailangan niyo daw ang galing ko." Pagyayabang niya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Hoy! Ang kapal mo ha! Ang sabihin mo nakita mo yung pinost ko online na naghahanap kami ng staff para sa marketing department namin ni Monet. Tapos ikaw itong tumawag kaninang umaga!" Bawi ko sa pagyayabang niya na tinawanan naman niya.

Ngumuso si Monet at umiling iling. "Hanggang ngayon napaka yabang mo pa rin." Inis na sabi niya na hinalakhakan naming dalawa ni Jonathan.

"Pero, kaya naman ako lilipat sa inyo dahil gusto ko kayong tulungan. Sa baba kasi ng offer niyo na nakalagay doon sa online e baka mahirapan kayong makahanap." Paliwanag niya.

Bumuntong hininga si Monet. "Nagsisimula palang kasi kami ni Althea, actually all in one kami sa company. Ang bigat na ng eye bags ko dahil sa dami ng trabaho." Reklamo ni Monet.

"Exactly. Nakakapagod. Pero, Jonathan, hindi namin matatapatan yung sahod mo doon sa previous company mo." Paliwanag ko sa kanya, sandali niyang pinunasan ng tissue ang kanyang bibig saka bumaling sa akin.

"Don't think about it, nandito naman talaga ako para tumulong sa dalawa kong kaibigan." Paninigurado niya na nagpangiti sa aming dalawa ni Monet.

"Wow naman, mata-touch na ba kami ni Al?" Biro ni Monet.

"Hindi. Dahil pag lumago na ang company niyo kailangan niyo na akong bayaran ng malaki." Halakhak niya na tinawanan naman namin ni Monet.

Nagkwentuhan pa kami about sa mga plans namin para sa darating na buwan at may ilang suggestions si Jonathan na mabilis naman naming napag sang ayungan lahat.

"Paano, mauna na ako sa inyo." Hiyaw ni Monet nang mailabas niya sa parking area ang sasakyan niya.

"Ingat ka!" Magkasabay na sigaw namin ni Jonathan saka kumaway pa kami.

"Ikaw? Gusto mo ba i-drop na kita?" Tanong niya, umiling ako at ngumiti.

"Naku, hindi na." Tanggi ko sa kanya dahil kanina lang ay nabasa ko ang text ni Tyler na susunduin niya ako dahil dalawang araw na rin kaming hindi nagkikita sa sobrang abala sa trabaho.

"You sure? Malapit lang naman ang condo mo dito." Paninigurado niya.

"Oo naman, ano ka ba. Sige na, umuwi ka na at ihanda mo yang utak mo sa Lunes!" Panunuya ko sa kanya saka itinulak ko siya palapit doon sa kotse niya. Humarap siya sa akin at napahawak ako sa matipunong dibdib niya na mabilis ko namang iniwasan.

Tumawa siya at umiling iling, "Ikaw ha? Pinagsasamantalahan mo ang katawan ko. Nagsisisi ka ba at pinakawalan mo ang gwapong katulad ko?" Pagbibiro niya dahilan para hampasin ko ang braso niya.

"Hoy! Tumigil ka nga diyan, hindi kita type ano!" Halakhak ko.

"Grabe ka naman sa akin, pwede namang pumayag ka nalang na ang gwapo ko." Tawa niya.

"Hay naku, Mr.Purificacion, kulang ka na sa tulog." Sabi ko, magsasalita pa sana siya pero pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng sunod sunod na pagbusina. Nanlaki ang mata ko nang makita kong sasakyan ni Tyler iyon! Gumapang ang kaba sa akin at para bang nanlamig ang dalawang kamay ko.

"Sino ba yun? Kung makabusina akala mo naman pag aari niya yung kalsada." Kunot noong sabi ni Jonathan, hinila ko na siya at pilit ko siyang pinapasok sa loob ng kotse niya.

"Umuwi ka na!" Sigaw ko sa kanya.

Mukhang nakalimutan niya kaagad ang pagbusina ni Tyler dahil nangulit na naman siya.

"Alright, basta sa Lunes ihanda mo ang buong company niyo. Sabihin mo may paparating na gwapo!" Ngisi niya.

"Oo na! Sige na!" Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi ko sa kanya at mabilis kong isinara ang pinto ng kotse niya. Binaba naman niya ang bintana nito.

"Mag ingat ka pag uwi!" Paalala niya sa akin, nag thumbs up ako sa kanya at kumaway na.

Nang makaalis na ang sasakyan ni Jonathan ay kaagad akong naglakad palapit sa kotse ni Tyler, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang bumaba siya at seryosong binuksan ang pinto ng passenger seat. Nakapamulsa siyang may pagbabanta sa mga pagtitig niya sa akin at para bang kahit anong oras ay lalamunin ako ng mga matang iyon.

Mabilis akong sumakay na pilit iniiwasan ang mata niya pagkatapos ay isinara niya iyon ng padabog na nagpapitlag sa akin!

"Katapusan mo na, Althea." Bulong ko sa sarili. Ikinabit ko ang seat belt sa akin sakaling hindi ko makayanan ang tensyong babalot sa aming dalawa.

Nang makasakay na siya ay tahimik siyang nagmaneho pero kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkagat kagat niya sa ibabang labi niya at ang pagkuyom niya ng kamao niya doon sa manibela ng kotse. Bumaling ako sa kanya at napalunok ako nang makita ko ang ugat na lumalabas doon sa braso niya dahil sa higpit ng pagkakakuyom niya.

"Tyl—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"I know that fucking guy, Althea." Bulong niya habang nakatuon pa rin ang mga mata doon sa kalsada, lumunok ako. "Ha?" Para akong nabibingi dahil sa kaba kahit na alam ko namang wala akong ginawang masama.

"Siya yung umaaligid aligid sayo nung college ka." Bulalas niya na nagpalaki sa dalawang mata ko, tinignan ko siya ng seryoso. "Sinusundan mo ba ako noon?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya dahil sa naaalala ko ay wala akong pinakilala sa kanyang mga kaibigan ko noon dahil nga pilit ko siyang iniiwasan at saka nung nag eighteen ako ay tumungo na siya ng Japan.

"Hindi ka ba nagtataka? Sa ganda mong yan dalawa lang yung nakaaligid sayo." Galit na sambit niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko. "Jonathan Purificacion at si gagong Cash Rylie Caballero." Patuloy niya.

"Nagawa ko namang harangin lahat ng magtatangkang pumorma sayo noon eh, yang dalawang gago na yan ang hindi ko naharang." Gigil na sambit niya at napapitlag ako nang padabog niyang bitawan ang gear knob!

"W..what?!" Tumatawang tanong ko dahil parang naiintindihan ko na ang sinasabi niya.

"Ayokong humahawak ka sa iba, Althea, dahil baka hindi mo ako mapakalma basta basta dahil sa pagseselos ko." Buong buo ang boses niya sa pagbabantang iyon, napalunok ako ng sunod sunod.

Huminto siya sa pagmamaneho dahil sa stop light at hanggang ngayon ay natutuyuan pa rin ako ng laway dahil sa kabang nararamdaman ko. Pero bakit may halong saya iyon? Bumaling ako sa kanya at tinitigan ko ang seryosong mukha niya na kahit ganoon ay napaka gwapo pa rin.

"Ano bang pinagseselos mo? Eh sayo naman ako diba?" Pagbawi ko na sana ay matanggap niya.

Palihim akong ngumiti nang makita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi niya upang pigilan ang ngiti niya, kasabay non ang paglabas ng dimples niya.

"Ikaw naman yung boyfriend ko, ikaw yung pinili ko." Patuloy ko saka hinawakan ko yung braso niya at pinigilan ko ang pagkagulat nang makita ko kung paano tumayo ang balahibo niya dahil sa paghaplos na ginawa ko.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan." Bulong niya pero narinig ko ang panginginig ng boses niya dahil sa damdaming parang gustong kumawala doon sa puso niya.

"Talaga?" Nilambingan ko ang boses ko, bumalik na siya sa pagmamaneho at napatigil ako sa paglalambing ko sa kanya nang makita kong ibang daan ang tinatahak niya.

"Te-teka, saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong ko sa kanya, itinuro niya ang back seat dahilan para bumaling ako doon at nanlaki ang mata ko dahil may isang malaking bag doon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ko siya ng buong pagtataka.

"Let's spend the weekend together in our paradise, Sweetheart." Ngisi niya at doon na sumagi sa isip ko na Sabado na bukas at wala kaming pasok hanggang linggo, napaawang ang bibig ko at namula ang mukha ko sa pagpapatuloy niya.

"Doon mo na ituloy ang paglalambing mo sa akin para mawala ang selos ko."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top