ALC: Kabanata 26
Dedicated kay @Ayako_Yoko hiningal akong basahin yung sunod sunod mong comments hahaha. Salamat! <3
Syempre, sayo, oo ikaw! Ikaw na patuloy na nagbabasa nito. Maraming salamat! Kahit na matagal akong nawala nandiyan ka parin. Hinintay mo ako at umasa ka namang babalik ako. Buti hindi mo inisip na paasa ako? Hahaha! Salamat sa inyo!
ALC: Kabanata 26
Pinilit ko mang kalimutan noon kung sino sila, pero alam kong sa puso ko gusto ko pa rin silang makilala. Marami akong katanungan sa kanila na nangangailangan ng kasagutan kahit pa nakaramdam naman ako ng sapat na pagmamahal mula sa pamilyang kinagisnan ko. Pero, kahit ganoon ay ramdam kong may kulang sa pagkatao ko. Pinili kong huwag na silang hanapin para kay Mama at Dad pero nasa puso ko yung kagustuhang makilala at makita manlang sila kahit papaano. Gusto kong maramdaman kung paano ba sila mag mahal? Kung paano sila magiging magulang sa akin?
Pero paano ko pa mararamdaman lahat ng iyon kung sinasabi niya sa akin ngayon na wala na sila.
"P..paano?" Umiiyak at paulit ulit na tanong ko sa kanya habang hinahampas ko siya sa dibdib niya, kahit pa nahihilam na ako sa sariling luha ko ay nakikita ko pa rin kung paano tumulo ang luha niya dahil sa awang nararamdaman niya sa akin. "Calm down, Sweetheart." Pakiusap niya sa akin saka muli akong hinila at niyakap.
"I'm sorry, I'm sorry, Al..." Haplos niya sa likod ko.
---
"Hinanap ko sila dahil gusto kong makilala mo sila, gusto kong malaman kung bakit ka nila iniwan?" Bulong niya ngayong nakaupo kami dito sa terrace ng kwarto niyo. Panay pa rin ang hikbi ko ngayon habang nakatingin sa kawalan at nakikinig lang sa mga paliwanag niya.
Marahan niyang pinisil ang kamay ko, "Nalaman kong sa Batangas naka-base ang mga magulang mo mula sa private investigator na inutusan kong humanap sa kanila, mabilis lang naman niyang natutunton yung lugar kung nasaan sila. I went there, para makilala sila, pero yung kapatid ng Mama mo ang humarap sa akin." Patuloy niya, bumaling ako sa kanya at kumikirot din ang puso ko ngayong nakikita kong umiiyak siya para sa akin.
Tinitigan niya ako sa mga mata ko, "I'm sorry, siguro kung hindi ko sila hinanap, hindi ka na sana masasaktan ng ganito. Ayokong masasaktan ka, Al. Tama na yung mga pasakit na ginawa ko sayo noon, ayoko na. Dahil gusto ko nalang pasayahin ka habang buhay, pero anong ginawa ko? Naging selfish ako, kahit pa sinabihan na tayo noon nila Mama na huwag na silang hanapin, ginawa ko pa rin." Ramdam ko ang pagka galit niya sa kanyang sarili.
Umiling iling ako at hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya, "No, Tyler, walang mali sa ginawa mo. Sa totoo lang, gusto ko silang makilala. Pero bilang pag respeto kela, Mama, hindi ko ginawa. Pero hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan ko pala sila makikilala." Umiiyak na pag aalo ko sa kanya, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at mariin na ipinikit ang kanyang mga mata.
"I'll do anything for you, Al, anything! Dahil simula nang dumating ka sa buhay ko, alam ko na, kung gaano kita kamahal." Bulong niya saka hinalikan ang kamay ko, kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Mahal din kita, Ty."
---
"Kakauwi niyo lang dalawa kagabi tapos aalis na naman kayo?" Nasa boses ni Lola ang pagtatampo, huminga ako ng malalim at niyakap ko siya. Hiniling ko kasi kay Tyler na dalhin niya ako sa Batangaspara mabisita ang puntod ng mga tunay kong magulang.
"Lola, may aasikasuhin lang kami ni Kuya sa Batangas, babalik din naman kami kaagad." Nakangiting sabi ko saka humilig ako sa braso niya pero mabilis niya akong binitawan at tinitigan sa mga mata.
"Batangas? Anong gagawin niyo doon?" Pagtataka niya sa akin, nag iwas ako ng tingin. Alam kong walang alam si Lola patukol sa lugar kung saan nakatira ang totoo kong magulang pero pakiramdam ko ay nagtataksil ako ngayon.
"May business meeting lang kami doon, La." Pagsisinungaling ko.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim, "Bakit namamaga ang mata mo? Pati ang mata ng Kuya mo." Usisa niya sa akin pero laking pasasalamat ko nang bumusina na si Tyler.
"La, aalis na kami. I love you!" Sabi ko saka humalik na ako sa pisngi niya at nagmadaling sumakay doon sa passenger seat ng sasakyan ni Tyler, bumaba naman siya at humalik sa noo ni Lola bago muling sumakay.
Hindi ko man tignan si Lola ngayon pero ramdam kong tinutuunan niya ako ngayon ng pagtitig. Gustuhin ko mang makasama ng matagal si Lola pero kailangan ko na munang harapin ang buhay na hindi ko kinagisnan.
---
"Okay ka lang?" Nasa boses pa rin niya ang pag aalala, nasa Batangas na kami ngayon at sabi niya ay medyo malapit na kami sa bahay ng kapatid ni Mama.
"Kinakabahan ako." Bulong ko, napatingin ako sa kalsada nang huminto siya.
Tinanggal niya ang seat belt niya at kasunod naman non ang pagtanggal niya sa seat belt ko. Bumaling siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon. Tinitigan ko siya. "Nandito lang ako, Sweetheart." Paninigurado niya sa akin, lumunok ako ng sunod sunod saka pinisil ko rin ng mahigpit ang kamay niya.
"Thank you, Ty." Bulong ko saka nagpasiya na kaming bumaba, magkahawak kamay kaming pumasok sa isang eskinita. May mga batang naglalaro doon at may ilan din na mga nanonood ng TV doon sa tindahan.
"Hoy! Areng mga batang 'to, doon kayo maglaro sa tabing kalsada! Huwag niyong harangan ang daanan!" Sigaw ng isang babae na mukhang nasa singkwenta na ang edad. Pero natigilan siya nang mapansin niya kami, tumingin siya sandali kay Tyler bago siya bumaling sa akin.
"Bumalik ka." Biglang sambit nito, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtitig na ibinibigay niya sa akin ngayon dahilan para mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Tyler.
"Opo." Sagot ni Tyler.
"Ah, ha-halika, pasok kayo!" Nagmamadaling sabi nito at tumungo doon sa loob ng bahay kung saan may tindahan sa tapat nito.
Maingat kaming sumunod sa kanya ni Tyler.
"Upo, maupo kayo. Pasensya na kayo makalat." Aligaga siya habang inaayos ang mga nakakalat sa maliit na sala na tinutuluyan niya. "Sa umaga kasi ay namimili na ako ng mga paninda, sa tanghali naman ay nag mamarinate na ako ng mga isaw para ibenta sa gabi diyan lang din sa tapat ng tindahan ko. Kaya naman wala na akong panahong makapag linis pa." Paliwanag niya saka mabilis na tumungo doon sa kusina at kinuha ang isang pitsel ng tubig at dalawang baso saka inilapag iyon sa katapat naming lamesa.
"Inom muna kayo ng tubig." Anyaya niya, ngumiti ako sa kanya pero iniwasan niya ang pagtitig sa akin.
"Yelo? Gusto niyo ng yelo? Teka, bibili ako sa kabi—" Tatayo na sana siya sa kinauupuan niya pero hinawakan ko siya sa kamay niya. "Hindi po, okay na po yan." Sabi ko, lumunok siya at nagpunas ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa kanyang balikat.
Ngumiti siya, "Pasensya na, wala kasi akong ref." Biro niya, umiling naman ako.
Nagsalin naman si Tyler ng tubig sa baso at binigyan ako, pagkatapos ay uminom na muna kaming dalawa.
"Naparito kayo? Bumalik ka, hijo?" Medyo hingal pa rin siya sa pagsasalita dahil sa pagmamadali niya kanina.
"Yes po at kasama ko na po ngayon ang anak nila Ellaine at Jude Reyes." Ani Tyler sa kanya, tumango tango naman ito at bumaling siya sa akin. "A..ako nga pala si Leny, kapatid ako ng Mama mo." Panimula niya sa akin.
Sandali ko siyang tinitigan, maganda ang kapatid ni Mama, siguro ay magkamukha silang dalawa, namumula ang kayang pisngi dahil na rin sa init ng kapaligiran. Hindi ko alam pero parang totoo nga ang sinasabi ng ilan na mararamdaman mong kamag anak mo ang isang tao kapag matagal mo na itong hindi nakita, dahil ngayon pati ang puso ko ay kumakalampag dahil sa mga pagsulyap na binibigay sa akin ng kapatid ni Mama.
Tumayo ako at nagulat siya nang bigla ko siyang yakapin ng sobrang higpit. Naramdaman kong itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos haplos ang likod ko. Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.
"Tita, ano pong nangyari? Anong nangyari sa kanila?" Hagulhol ko.
Akala ko ay matapang na ako na kaharapin ang buhay na hindi ko kinagisnan pero hindi pala, dahil ang sakit sakit nito.
"Namatay ang Mama mo sa panganganak," Simula niya na mas lalong nagpakirot sa puso ko. Pakiramdam ko ay isang kasalanan na isinilang ako sa mundong ito dahil hindi ko man alam noon, ako ang dahilan kung bakit nawala si Mama.
"Dalawang buwan ka na nung naisipan ng Papa mo na ipaampon ka dahil pakiramdam niya ay hindi ka niya kayang buhayin pa kung hindi kumpleto ang pamilya, pero pinili niyang sa bahay ampunan sa Maynila ka iwanan para daw malayo dito sa Batangas. Para hindi mo na sila hanapin pa kung sakaling may kumupkop sayo at malaman mo ang katotohanan. Pero, hindi kinaya ng Papa mo ang depression simula nang mamatay ang Mama mo at simula nang iwanan ka niya sa bahay ampunan ay nagbago na ang buhay niya." Maluha luhang kwento ni Tita Leny habang mahigpit ang paghawak sa kamay ko, patuloy ang luha ko sa pag agos dahil sa kirot na nararamdaman ngayon ng puso ko.
Akala ko ay ayos lang na hindi ko sila makikilala, pero hindi pala. Dahil kahit anong gawin ko hahanapin at hahanapin pa rin sila ng buong pagkatao at kaluluwa ko.
"Sa Visayas nakalibing ang Mama mo, dahil doon nakatira ang mga Lola mo. Pinilit ipauwi nila Nanay ang bangkay niya." Kwento niya ngayong nagtitirik ako ng kandila sa puntod ni Papa.
"Tita, puntahan natin sa Visayas ang mga Lola para naman mabisita ko ang puntod ni Mama." Hiling ko sa kanya, sandali siyang tumingin sa akin at marahan na lamang tumango.
Tahimik ko nalang tinitigan ang puntod at nagdasal. Kasabay non ang pakikipag usap ko sa kanya.
Hindi ko man po kayo nakilala, pero namimiss ko ho kayo ni Mama. Patawarin niyo po ako kung nagtanim ako ng sama ng loob sa inyo noon. Pinapatawad ko na po kayo, alam kong naririnig niyo ako ngayon, Pa, gusto kong malaman niyo na kahit hindi tayo nagkasama ay mahal na mahal ko kayo ni Mama.
Wala na ako sa lugar para magtanim pa ng galit sa kanila. Dahil kagaya ng itinuro sa akin Mama at Dad, masamang nagtatanim ng galit sa kapwa. Dapat ay matuto kaming magpatawad kung mayroong makakagawa ng pagkakamali sa amin at matuto din kaming humingi ng tawad kung makakapanakit kami. Isa na siguro sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko ang mapunta sa pamilya Cortezano dahil naging napakabuti nila sa akin sa buong buhay ko.
---
Hinaplos ni Tita Leny ang pisngi ko bago pa niya ako muling niyakap, "Mag iingat kayo sa pag uwi ha?" Sabi niya bago pa humiwalay ng pagyakap sa akin.
"Hijo, salamat at dinala mo siya dito." Sabi niya saka hinawakan sa braso si Tyler.
"Wala po yun, salamat din po."
Isang yakap pa ang ginawa ko kay Tita bago pa kami sumakay ni Tyler at tuluyan nang nagpaalam sa kanya.
"Alam mo? Ang saya ng pakiramdam ko ngayon kasi kahit papaano mayroon pa rin akong kadugo na nakilala." Nakangiting sabi ko, ang sabi ni Tita ay apat silang magkakapatid kasama si Mama. Ang dalawa daw ay nandoon din sa Visayas. Hindi na rin nakapag asawa pa si Tita Leny dahil naging abala siya sa paghahanap buhay upang makatulong sa mga magulang at kapatid niya na nasa Visayas.
"Gusto ko ring pumunta sa Visayas para makilala ang iba pang kapatid ni Mama at ang Lola ko." Magiliw na sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang ibabaw non. "We'll do that." Sambit niya saka lumitaw ang dimples niya nang ngumiti siya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay tinanggal ko ang seat belt ko at mabilis kong hinalikan ang pisngi niya na nagpapreno sa kanya ng malakas!
Mabilis siyang bumaling sa akin at ngayon ay magkadikit na ang tungki ng ilong naming dalawa. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ko at isang pagpikit ang nagawa ko nang mariin niyang pagdampiin ang labi naming dalawa!
Mabilis akong nanghina dahil sa paghalik na ginagawa niya, at dahil na rin sa init ng labi niya tuluyan na sana akong mawawala sa ulirat nang makarinig ako ng sunod sunod na pagbusina mula sa likod! Mabilis akong humiwalay sa labi niya at habol hininga ko siyang tinignan na ngayon ay nakangisi na para bang nanalo sa isang competition ng surfing.
Tumawa siya at humawak na sa manibela saka umabante ng andar. Panay ang labas ng dimples niya habang paulit ulit niyang binabasa ng dila niya ang kanyang labi at sinabing.
"Masama akong ginugulat, Sweetheart, nagiging kissing monster ako."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top