ALC: Kabanata 24
Dedicated kay @GemmmyBear , natawa lang ako sa comment mo! Sana ay mawala ulit ang antok mo dito! :) Thank you!
ALC: Kabanata 24
Kanina pa siya ngisi ng ngisi mula nang sabihin niya sa akin yung kabastusan na yon. Alam kong wala pa akong karanasan sa pakikipag relasyon, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko alam ang sinasabi niyang hubad na katotohanan.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko habang nakatuon ang mga mata niya sa pagmamaneho, tinignan ko siya at ganun pa rin ang ngiti niya simula kanina. "Nababaliw ka na ba?" Naiinis na tanong ko sa kanya, sandali niya akong ngisian pa ulit saka sumagot sa tanong ko.
"Well, I think I am. Sinong hindi mababaliw sa isang kagaya mo?" Punong puno ng kapilyuhan ang boses niya pero hindi maiwasan ng puso ko na makiliti sa pinagsasasabi niya. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin sa kanya, "Hindi ako nakikipag biruan sayo, Tyler."
"Mukha ba akong nagbibiro? I'm dead serious," Tawa niya, "I just can't believe na gumising ako kaninang umaga na katabi kita, sa mga natupad kong pangarap, ito na yata yung pinaka the best sa lahat." Dagdag pa niya saka nagulat ako nang halikan niya ang ibabaw ng kamay ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa walang humpay na kalampag ng puso ko, itinuon ko na lamang ang paningin ko doon sa kalsada at hinayaan ko nalang siyang mabaliw sa kakangiti niya. Parang ako ang napapagod sa panga niya at sa dimples niya na walang tigil sa paglabas labas.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa tapat ng building ng company ko. "Huwag ka nang bumaba, baka makita ka pa ni Monet." Sabi ko sa kanya, "Why? Natatakot ka bang maagaw ako ni Monet sayo?" Biro niya, umawang ang labi ko at hindi ko na napigilan ang pagtawa ng sarkastiko. "Yan ang kalokohan, nag aalala lang ako dahil baka kung anong isipin niya." Paliwanag ko sa kanya.
"I don't think so, sa tingin ko ay mas sasagi sa isip niya na hinatid kita bilang kapatid ko. But for us, hinatid kita bilang girlfriend ko." Pagmamalaki niya, tinitigan ko siyang mabuti, naka black shirt lang siya at khaki shorts na maroon pero ang gwapo gwapo niya pa ring tignan at sobrang bango niya.
Pero mabilis akong natauhan nang maramdaman kong inaalis na niya ang seat belt ko at sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Lumunok ako ng sunod sunod lalo na nang ikulong ng mga mata niya ang mata ko. "Iuuwi na kita mamaya sa bahay natin." Bulong niya, naramdaman ko ang pagtama ng mabangong hininga niya sa ilong ko at sandaling bumaba sa labi ko ang mga mata niya na siyang nagpatuyo sa lalamunan ko, muli ko na namang naalala ang pakiramdam kung paano naglapat ang labi naming dalawa kagabi.
"Matagal ka nang hinihintay ng bahay natin," Dagdag niya, biglang sumagi sa isip ko noon ang sinabi ni Mama sa amin na ang bahay na ipinatayo daw ni Tyler ay para sa mapapang-asawa niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na para sa akin iyon.
Ang sarap niyang mahalin, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabang dulot nito. Hindi ko sinasabi sa kanya pero pilit akong nagpapakatapang para sa pagmamahalan naming dalawa.
"Mahihintay pa ba ako ng bahay na yan?" Bulong ko, muli niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa.
"Mahihintay ka naman ng bahay eh, pero ako yata yung mainipin. Dahil noon pa man, atat na atat na ako sayo." Sabi niya kasunod non ang paghalik niya sa noo ko na nagpapikit sa akin ng marahan. Ramdam ng noo ko ang mainit na labi niya na siyang mabilis na naghatid ng saya sa puso ko.
Inilayo niya ng kaunti ang sarili sa akin at naramdaman ko ang tuluyang pagkalag ng seat belt ko nang bitawan niya iyon. "Bababa na ako..." Paalam ko sa kanya, tumango siya at isang matipid pero magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Sunduin kita mamaya, kailangan mo talagang umuwi ngayon sa bahay natin. Inaasahan tayo ni, Lola." Dahilan niya, tinanguan ko siya dahil kanina lamang ay tumawag sa kanya si, Lola, at sinabihan siyang sunduin ako at sabay sabay kaming mag dinner.
Bago pa tuluyang sumabog ang puso ko ay pinili ko nang bumaba ng sasakyan niya at nag-madaling lumakad takbo papasok ng building ng company namin. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok nito.
---
Katatapos ko lang ayusin ang schedule sa mga malls na pag-gaganapan ng fashion show ng M&A Clothing Line ngayong darating na buwan ng November, masaya ako dahil may mga ilang celebrity na rin kaming endorsers at panigurado akong mapapasama kami sa Top 10 Clothing line ng Pilipinas sa susunod na taon. Ngiting ngiti ako nang i-save ko iyon sa desktop ko nang biglang pumasok si, Monet, na tutok na tutok doon sa cellphone niya!
"Althea!" Bungad niya sa akin.
"Kung makasigaw ka naman parang nakakita ka ng multo!" Suway ko sa kanya na siyang tinawanan naman niya sandali. "Hindi ako nakakita ng multo, pero hindi lang ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon dito sa facebook." Sabi niya nagpataas ng kilay ko.
"Nung nakaraan twitter ang kinaaadikan mo, ngayon naman facebook?" Halakhak ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at naupo doon sa katapat na upuan ng table ko, sumandal naman ako sa swivel chair ko at tinitigan kong mabuti ang kaibigan kong ngiting ngiti pa rin.
"Well, kailangan natin syempre ngayong makiuso ano? Ginagamit ko na rin ang Twitter at Facebook sa business natin. At gumawa ako ng page para sa M&A Clothing Line, yung mga nakikita niyong picture ng mga artista sa page natin na suot suot ang damit ng M&A, ako ang nagpopost non! Imagine ang laking bagay ng facebook dahil meron na tayong, two hundred thousands likers sa facebook! Ang goal ko ay mas maparami pa ang likes nito." Mahabang litanya niya, tumango tango naman ako sa kanya.
"I'm so proud of you," Ngisi ko na siyang nginusuan naman niya dahil rinig niya sa boses ko ang pagka-sarcastic. Tumawa ako at bumawi, "Hayaan mo, kapag malaking malaki na ang kita natin, mag-ha-hire na tayo ng tauhan para sa marketing department." Sabi ko sa kanya na nagpaliwanag sa kanyang mukha.
"Oh my God! Mababawasan na ang trabaho ko!" Halakhak niya, "Pero, maiba tayo. Kaya ako nagpunta dito dahil sa, Kuya mo!" Aniya na nagpalaki sa mata ko.
"Mukhang in love na in love yang kapatid mo ngayon dahil, nagpost siya ng picture sa facebook na may caption na, I promise to hold you tight, Sweetheart and I will always love you with all my heart and soul." Mabilis na pagbabasa niya nagpaawang sa bibig ko!
"Anong picture? Patingin nga!" Kinakabahang sabi ko saka tumayo ako at laking gulat niya nang agawin ko ang cellphone niya. Napabagsak ako sa upuan nang makita kong kamay lang naming dalawa ang naka-post na picture namin, kahit pa kaninang umaga ay pinipilit niya akong magpicture daw kaming dalawa. Pero, hindi ko alam na kinuhanan niya pala ang magkahawak naming kamay nang nasa kotse niya kami.
Nakita ko ang pagtataka sa mga titig ni, Monet, kaya mabilis akong kumalma at ibinalik ko sa kanya ang cellphone niya. "O...okay ka lang ba, Althea?" Natatawang tanong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim, "Oo naman! O..okay lang ako." Pagsisinungaling ko kahit pa sa loob loob ko ay sobrang kinakabahan ako.
"Well, anyway, mukhang seryoso na yang Kuya mo sa buhay niya. Kasi hindi ko naman siya kailanman nakita na nag-po-post ng picture ng babae. Pwera nga lang dun sa, Ella Reyes, na hanggang ngayon ay malaking katanungan pa rin sa isipan ko kung sino yon." Kwento niya na nagpasingkit sa dalawang mata ko, dahil maski ako noong una ay hindi natahimik sa Ella Reyes na yan, dahil sa kanya ay naisigaw ko ang damdamin ko kay, Tyler.
"Walang, Ella Reyes, hindi siya nag eexist." Hindi ko alam pero ramdam ko ang pait sa pananalita ko.
Nandilat ang mata ni, Monet, at mukhang naging interesado siya. "Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango tango ako. "Sa maniwala ka o sa hindi, isang pusa lang yon." Sambit ko saka umirap sa kawalan.
"Pusa? As in yung persian cat na naka-post sa facebook niya?" Usisa niya, tumango tango ako kahit pa hindi ko naman nakita yung post na iyon. Wala naman kasi akong masyadong hilig sa social media, hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nagbukas ng facebook.
Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko, dumapo ang kaba sa puso ko nang makita ko sa screen ang number na ginagamit ni Mama doon sa Paris.
"O siya, balik na ako sa office ko." Paalam ni, Monet, nang masilip din ang tawag ni, Mama.
Dinampot ko ang cellphone ko at saglit ko pang pinagmasdan iyon. Ilang beses akong humugot ng napakalalim na paghinga bago ko iyon tuluyang sagutin.
"Althea!" Masiglang bati ni Mama sa kabilang linya, mas lalong gumapang ang kaba sa akin.
"Ma..." Rinig na rinig ko ang pagkabasag ng boses ko dahil sa kaba.
"What happened? May sakit ka ba, anak?" Bakas ang pag aalala sa boses niya.
"Po? Hindi, Ma, ano, pagod lang po ako. Tambak kasi ang paper works dito sa office." Pagsisinungaling ko saka ikinuyom ko ang kamao ko. Narinig ko ang pag buntong hininga ni, Mama, sa kabilang linya.
"Matuto ka namang magpahinga, baka mamaya successful nga ang company niyo tapos ikaw may sakit naman." Pag aalala ni, Mama, na mas lalong nagpakaba sa akin.
"Yes, Ma, thank you. Thank you, kasi palagi kang nandiyan para sa akin." Bulong ko, ito na yata ang pinaka masamang kasalanan na nagawa ko kay, Mama, ang magsinungaling sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na noon pa man ay nagsisinungaling na ako sa kanya patukol sa damdaming itinatago ko kay, Tyler, pero iba na kasi ngayon, mas tumindi ang kasalanang itinatago ko sa kanya.
"Wala yun, anak. Ang importante naman sa akin ay palagi kayong maayos ng kapatid mo." Aniya, kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang buntong hininga na gusto kong pakawalan.
"Siya nga pala, nakita mo ba yung update ng, Kuya, mo sa facebook niya? Mukhang tinamaan siya ah, kilala mo ba yung babae?" Tanong ni, Mama, na nagpalunok sa akin ng sunod sunod. Pakiramdam ko ay pawis na pawis na ako dahil sa nerbiyos na nararamdaman ko ngayon.
"Ah, Ma, ka..kailan ba nagpagkilala sa akin si, Kuya, ng babae bukod sa mga dinadala niya sa, Zambales noon?" Pagpapalusot ko.
"Oo nga pala, hindi pa ba kayo, ayos ng kapatid mo? Akala ko ba, okay na kayo?" Pagbabago niya ng tanong, parang hindi ko na yata matatakasan ang ganitong pakiramdam.
"Ma, okay naman kami ni, Kuya. Yun nga lang may mga bagay lang talaga siya na hindi niya sinasabi sa akin." Matipid na mungkahi ko.
"Mabuti naman kung ganoon, nag aalala lang ako dahil baka nag aaway na naman kayo. Gusto ko lang naman, maging malapit kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo, yun naman ang gusto namin ng, Daddy, niyo eh. Ang makitang nagmamahalan kayong dalawang magkapatid." Hiling niya, kung alam lang siguro ni, Mama, kung gaano namin kamahal ang isa't isa, hindi bilang magkapatid. Nararamdaman kong hindi talaga magiging madali ang lahat.
"O sige na, mag iingat kayo. Sa birthday ng Kuya mo ang balik namin. Doon na natin i-celebrate sa, Zambales, ang birthday niya at ang pasko." Masayang sambit ni, Mama.
"See you, Ma, I miss you." Dama ko ang lungkot sa boses ko, hindi dahil sa uuwi na sila, Mama, pero dahil gusto ko nang ikawala ang damdaming itinatago ko. Ang kasinungalingang sisira sa tiwalang ibinigay sa akin ng pamilyang kinalakihan ko.
----
"Kanina ka pa, tahimik ah?" Sambit ni, Tyler, na nagpabaling sa akin sa kanya. Medyo malapit na kami sa bahay niya kung saan naghihintay sa amin si, Lola. "Tumawag sa akin kanina si, Mama." Simula ko, napansin ko ang paglunok niya dahil sa pagtaas baba ng adams apple niya.
"Nagui-guilty ako, kasi nagsisinungaling tayo, sa kanila." Kusang uminit yung paligid ng mata ko, pero mabilis kong napigilan ang nagbabadiyang luha.
"I understand, maski ako ay nakakaramdam ng galit sa sarili ko. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanila, lalo na kay, Mama." Doon ko naramdaman ang takot sa boses niya sa unang pagkakataon.
"Pero, like what you've said, maiintindihan naman nila tayo diba?" Paninigurado niya sa akin, lumunok ako at tumango na lamang.
Ilang sandali pa ay dumating na kami sa bahay niya, kaagad kaming sinalubong ni, Lola ng tig isang mahigpit na yakap. "Akala ko ay kinalimutan niyo na akong dalawa. Babalik nalang sana ako ng Japan kung hindi pa kayo darating dito." Pagbibiro ni, Lola, na nagpatawa sa akin. Kahit may edad na si Lola ay kitang kita pa rin ang kagandahan sa kanyang mukha. Sa kanya din namana ni Dad at ni Tyler ang dimples na talaga namang kinagigiliwan ng ilan.
"Si, Lola, naman ang bilis magtampo!" Malambing na sabi ko at nakayakap ako sa tagiliran niya nang pumasok kami sa loob ng bahay.
"Halos mapakintab ko na nga ang buong bahay nitong Kuya mo. Ewan ko ba kung bakit hindi ito kumuha ng kasambahay." Kwento ni, Lola, habang kumakain kami dito sa hapag.
"Lola, hindi ko na kailangan yun. Kapag wala naman ako sa opisina, ako na ang naglilinis dito. Saka isa pa, kukuha lang ako ng katulong kapag may mga anak na ako, para naman may katulong sa pag aalaga yung asawa ko." Pagbibida ni, Tyler sabay kinindatan pa ako na naging dahilan para maubo ako ng sunod sunod!
"Uminom ka!" Nag aalalang sigaw ni, Lola, habang hinahaplos haplos ang likod ko. Mabilis kong kinuha yung baso ng tubig at tinungga iyon.
Huminga ako ng malalim at tinignan ko siya ng masama pero nag-kibit balikat na lamang siya at ngumisi.
"Aba, yang sinasabi mong mga anak mo, hindi ko alam kung kailan darating! Mag bebente otso ka na sa December! Hanggang ngayon nganga ka pa rin sa pag gawa ng anak! Kung ako sayo, itigil mo yang pagsasayang ng lahi mo sa tiyan ng mga kababaihan! Buuin mo yan sa matres ng gusto mong maging asawa!" Sigaw ni Lola, sa kanya na nagpadilat sa dalawang mata ko! Kahit kailan talaga ay dire-diretso ang pananalita ni Lola, na siyang kinagagalitan na minsan ni Lolo Nathan. Paano ba naman ay parang boyish si Lola, kahit noon pa daw sabi ni Dad.
Tumawa naman si, Tyler, at umiling iling. "Lola, relax ka lang! Pine-preserve ko lang talaga yung pinaka healthy, pinaka gwapo, pinaka maganda, pinaka matalinong sperm cell ko para buuin sa asawa ko!" Magiliw at ngingisi ngising sagot niya kay, Lola, na tuluyan nang nagpatayo sa akin mula sa mesa!
Nagulat si, Lola, sa pagtayo ko pero yung mukha ni Tyler ay ngiting ngiti pa rin sa akin! At pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa kahihiyan dahil sa pagtitig na ibinibigay niya ngayon.
"Oh, saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain." Sabi ni, Lola, sandali pa akong uminom ng tubig.
"Ah, Lola, tapos na po ako, kailangan ko lang pong mag cr." Paalam ko saka nagmadaling tumakbo paakyat sa taas kung saan may isang kwarto doon na pwede ko daw tulugan sabi ni Lola, dahil may cr naman doon.
"Anak? Asawa? Hindi pa ako handa. Twenty three palang ako. No, bakit naman yung iba mong ka-batch may anak na ngayon? Buntis na rin yung iba, maayos naman yung buhay nila at masaya. Pero, hindi ka pa talaga handa, Althea!" Para na akong baliw na kinakausap ang sarili dito sa kwarto habang pabalik balik ang lakad ko.
----
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin kay, Tyler, habang nag co-coffe kami dito sa sala. Panay naman ang haplos niya doon sa pusa niya na kanina pa nakasampa sa hita niya. Si Lola, naman ay nagpapahinga na ngayon sa guest room.
"You are going to be a great, Mom." Bulong niya habang hinahaplos haplos yung pusa, napaso ako sa kapeng iniinom ko na naging dahilan para magtaas siya ng tingin sa akin.
Ngumiti siya, "Isang linggo nalang, manganganak na si, Ella." Patuloy niya para sumama ang tingin ko sa kanya.
"Ikaw, gustong gusto mong natutuliro ako sa harapan niyo ni Lola, kanina!" Gigil na sambit ko sa kanya, humalakhak siya.
"Bakit? Gusto mo ba, lagyan ko na ng laman yan?" Pilyong sabi niya, "Sira ulo ka." Bulyaw ko na mas lalong nagpatawa sa kanya! Binuhat niya yung pusa at itinapat niya ang mukha nito sa mukha niya.
"Gusto yatang ma-sample-an ng, Mommy mo. Pagbibigyan ko ba?" Ngisi niya doon sa pusa hinampas ko siya sa braso pero tinawanan niya lang ako at para bang hindi siya nasaktan.
"Seryoso kasi, huwag mo akong binibiro ng ganon lalo na sa harapan nila." Suway ko sa kanya.
"Okay! Edi kapag tayong dalawa nalang, kagaya ngayon. Pwede ba?"
Mariin kong ipinikit ang mata ko at pinili kong magpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Na-stress na ako sayo." Inis na sabi ko, tumawa lang siya.
"Binibiro ko lang naman kanina si, Lola, ikaw naman."
"Pwes, hindi nakakatuwa yung biro mo!" Sigaw ko!
"Edi, seryosohin natin!" Tawa niya hinampas ko siya sa tagiliran niya.
Panay ang halakhak niya at sobrang ganda non sa pandinig ko. Bawat ngiti niya rin ay naghahatid ng saya sa puso ko, yung mga mata niyang nangungusap ay kumikinang ngayon dahil sa saya. Yung dimples niya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya ay sadiyang nagugustuhan kong makita.
"Ella, naririnig mo ba yung puso ko?" Nanatiling nakatitig siya doon sa pusa habang kinakausap niya ito.
"Pakiramdam ko, sasabog na yung puso ko ngayong nilulusaw mo ako ng mga mata mo." Ramdam ko ang panginginig ng boses ni, Tyler, na para bang nae-excite siya sa nararamdaman niya ngayon.
Ngumiti ako at umiling. Hindi ko kailanman akalain na ang mga expression na hindi ko nakikitang ibinibigay niya noon sa ibang babae ay sa akin niya naipapakita.
Tinitigan ko yung pusang kanina pa niya nilalaro laro, natigilan ako nang sumagi sa isip ko ang pangalan ng pusa na iyon.
"Tyler? Bakit, Ella Reyes, ang pangalan niya? May apelyido pa talaga?" Biglang usisa ko na nagpatigil sa paghaplos haplos niya sa pusa.
Dahan dahan siyang bumaling sa akin, bigla akong kinabahan dahil ang kaninang mata niyang masayang nangungusap. Ngayon ay nabalot ng pag aalala.
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top