ALC: Kabanata 23


ALC: Kabanata 23

Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin ngayon, kusang pumikit sa kawalan ang dalawang mata ko at ang labi ko ay marahan na sinundan ang mainit at masarap na halik niya. Halos mabitawan ko siya dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin pero mabilis niyang hinawakan ang isang siko ko at ang isang kamay naman niya ay humapit sa bewang ko upang alalayan ako sa pang hihina ko. Marahan niyang pinaghiwalay ang labi naming dalawa pero hanggang ngayon ay nanlalambot ako sa sensasyong naging hatid ng halik na iyon. Alam kong nahalikan na niya ako noon sa labi ko ng dalawang segundo, pero ngayon ay iba. Ito ang tunay na halik na naranasan ko sa buong buhay ko.

"I love you, Al..." Kitang kita ko ang sensiridad sa kanyang mga mata, imbis na sagutin ko siya ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng nararamdaman namin ngayon para sa isa't isa.

"Ty..." Tawag ko sa kanya ngayong nakahiga kami dito sa kama ko, nakapatong ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya habang yakap yakap niya ako at hinahaplos haplos niya ang buhok ko.

"Hm?" Sagot niya sa akin, huminga ako ng malalim at nagtaas ako ng tingin sa kanya. Para sa akin ay napaka perpekto ng kanyang mukha, kaya naman walang duda na maraming nagkakagusto sa kanya.

"Sila Mama..." Simula ko, nanatili akong nakatitig sa kanya. Naramdaman ko bigla ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso.

"Ayokong talikuran mo sila para sa akin." Mahinahon na sabi ko sa kanya, ipinikit niya ang kanyang mata sandali pero muli niyang pinagtagpo ang tingin naming dalawa. "Naniniwala akong mahal mo ako, pero hindi sapat na dahilan iyon para sabihin mo sa akin na handa mong talikuran silang lahat." Paliwanag ko sa kanya.

"Mawawala ka sa akin, Al." Ramdam ko ang takot sa boses niya, lumunok ako at hinawakan ko ang isang kamay niya saka pinisil iyon. Napansin ko ang pagtindig ng balahibo niya dahil sa ginawa ko, hindi ko alam na ganoon kalakas ang epekto ko sa kanya.

"Hindi ako mawawala sayo, kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin mula noon. Lalaban ka, ganun din ako. Handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Pero, hindi ko sila kayang talikuran. Siguro, sa una ay hindi nila matatanggap ito, pero naniniwala ako na pagbibigyan nila tayo kapag nakita nila na talagang mahal natin ang isa't isa." Litanya ko na nagpabasa sa gilid ng mata niya, namula iyon at napaawang ang bibig ko nang tumulo ang luha doon. Mabilis niyang pinunasan iyon.

"We both know, na hindi biro ang pinagdaanan ni Mama para sayo." Paalala ko sa kanya na mas lalong nagpaluha sa mga mata niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit na naging dahilan para tumungo ako sa dibdib niya. 

"I know, I'm sorry, masyado akong nagpapadalos dalos pagdating sayo." Namamaos na ang boses niya at alam kong pinipigilan niya ang kanyang paghikbi. "Nahihirapan lang kasi ako, sa katotohanang hindi dapat kita minamahal ng ganito. Ayokong mawala ka at the same time ayoko ring mawala sila." Pag amin niya sa akin na siyang kumurot sa puso ko.

"It's alright, Ty," Bulong ko at hinaplos haplos ko ang braso niya, naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at huminga siya ng malalim.

"Halos dalawang buwan pa naman sila Mama sa Paris diba? Makakaisip pa tayo ng paraan kung paano natin sasabihin sa kanila ang lahat." Pagpapalakas ko sa loob niya, hindi ko sukat akalain na may itinatagong kahinaan si Tyler pagdating sa akin at sa pamilya namin. Buong akala ko noon ay puro biro lang ang lahat sa kanya, nasanay akong minsan ay may pagka pilyo siya at kung minsan naman ay seryoso.

Hinayaan kong magkulong ang katawan namin sa yakap ng bawat isa, ang sarap pala sa pakiramdam na malaya mong nayayakap ang taong mahal mo. Nakakarelax at para bang kahit anong oras ay makakatulog na ako.

---

Pikit mata kong pinatay ang alarm clock ko sa bed side table at tumihaya ako habang hinahaplos haplos ko ang ulo ko. Nanatili akong nakapikit dahil parang inaantok pa ako pero hindi ako pwedeng ma-late sa trabaho. Maya maya ay naramdaman kong parang may nag alis ng kamay ko sa ulo ko at siya ang humaplos non. Napamulat ako at nanlaki ang mata ko nang makita kong nakangiti siyang pinagmamasdan ako ngayon. "Good morning, Sweetheart." Bati niya sa akin na nagpakabog sa puso ko!

Bumalik sa alaala ko ang unang halik na pinagsaluhan namin kagabi. At ang mahimbing na pagtulog ko sa mainit na yakap niya!

Napalunok ako nang mapansin kong naka-top less na siya ngayon! Gulo gulo ang buhok niya pero mukhang kanina pa siya gising, naiisip ko tuloy ngayon na baka nakanganga ako habang pinapanood niya akong matulog kanina! Nakakahiya ka, Althea.

Pero, muli akong napatingin sa katawan niya na ngayon ay kitang kita ko ang pagkakadepina ng magandang abs niya, hindi ko ring maiwasang humanga sa biceps niya. Pero natigilan ako sa pagpapantasya ng katawan niya nang maalala kong hindi siya nakahubad kagabi nang makatulog ako, bakit ngayon ay naka boxer nalang siya? Nakabalot naman ng puting blanket ko ang katawan ko na mabilis kong sinilip!

Thank you, Lord! Huminga ako ng malalim dahil nakadamit pa rin ako at mukhang wala namang nangyari, alam kong hindi naman ako lasing o nakainom. Pero nawawala ako sa sarili ko kapag kasama ko siya ng ganito kalapit. Napapikit ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at naramdaman kong unti unti niyang ilalapit ang mukha niya, "Huwag..." Pigil ko sa kanya, narinig kong ngumisi siya. "Why?" Napaka manly ng boses niya at nakakaganda ng umaga iyon.

Tinakpan ko ang bibig ko, "Hindi pa ako nag-too-toothbrush." Sambit ko na mas lalong nagpangisi sa kanya. Iminulat ko ang mata ko at hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung paano ko nakakaya ang malalim na pagtitig niya sa akin na para bang palaging nakikipag usap sa puso ko.

"Iniisip mo talaga na hahalikan kita?" Napapamura ako sa isip ko dahil kahit nagsasalita lang siya ay panay ang labas ng dimples niya, ayoko man sanang aminin pero gwapong gwapo na ako sa kanya lalo simula nang aminin ko sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hi..hindi ba?" Damn it, Althea! Ano bang sinasabi mo jan? Lalong nagpakita ang dimples niya dahil sa pagtawa. "Kung yun ang iniisip mo, edi gagawin ko." Napaka husky ng boses niya dahil sa pagbulong na ginawa niya, hinila niya ako sa pulso ko pero mabilis akong bumangon upang makaiwas!

"Hindi!" Sigaw ko saka pumasok sa loob ng cr, hindi naman nakatakas sa akin ang malakas na halakhak niya.

Tumingin ako sa salamin at halos mahiya ako sa itsura ko. "Bakit ganon, Althea? Bakit ang gwapo niya kahit bagong gising? Bakit ikaw? Ang pangit mong bagong gising!" Bulyaw ko sa sarili ko saka ginulo gulo ko pang lalo ang buhok ko.

Nagpasya na akong maligo, dahil alas siyete na rin ng umaga. Alas diyes ang pasok ko at ayokong ma-late dahil ang dami ko nang atraso kay Monet. Nang matapos ako ay nag-bathrobe na ako, palabas na sana ako ng cr pero natigilan ako nang maalala kong nandito nga pala siya sa unit ko. Bakit ba hindi ako nagdala ng damit sa loob ng cr?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at dumungaw doon sa labas, laking pasasalamat ko dahil mukhang lumabas na siya ng kwarto ko. Mabilis akong tumakbo at nilock ko iyon para hindi siya makapasok. Mabilis na akong nag bihis at nag ayos ng sarili.

Napansin ko namang nakatiklop na ang blanket sa kama ko at ayos na ayos na iyon na para bang plantsadong plantsado ang buong kama.

"Dahil diyan, may dagdag puntos ka ngayon sa puso ko." Ngiting ngiting bulong ko sa sarili ko dahil gusto ko sa lahat ay yung malinis sa kama.

Napapitlag ako sa pag ngiti nang marinig kong kumatok siya, "Breakfast is ready, Sweetheart." Sigaw niya mula doon sa labas.

"I'm coming!" Sagot ko sa kanya saka naglakad na ako patungo doon sa pinto pero nagulat ako nang buksan ko iyon ay bumalandra na naman sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Naka boxer pa rin siya na kulay puti na may ilang maliliit na drawing. Medyo hapit iyon sa kanya at hindi ko talaga malaman kung saan ko itutuon ang mga mata ko.

"You're coming? Wala pa nga akong ginagawa." Nakataas ang isang kilay niya nang sabihin niya iyon at nakangisi. Napaawang ang bibig ko na mabilis niyang itinikom gamit ang kamay niya.

Dumiretso na siya doon sa mini kitchen ko na ngumingisi ngisi, pikit mata akong umiling iling. "Relax, Al, hindi ka pa ba sanay sa kapilyuhan niyang lalaki na yan?" Bulong ko sa sarili ko at sumunod na ako sa kanya doon sa kitchen.

Nang makaupo ako ay doon ko nakita ang niluto niya, corned beef saka itlog at sinangag.

"Wala ka nang stocks." Paalala niya sa akin habang sinasalinan niya ng sinangag ang plato ko, napapangiti ako dahil ganito pala ang pakiramdam na mapagsilbihan niya.

"Ah, yeah, hindi pa kasi ako nakakapag grocery ulit." Sabi ko.

"Mag grocery tayo mamaya, susunduin kita."

"Ha?"

"Ba't parang gulat na gulat ka? Simula ngayon, hindi ka na papasok mag isa, hindi ka na rin uuwing mag isa." Ngisi niya saka sumubo naman.

Umiling ako pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Susunduin niya ako? Ano nalang iisipin ni Monet? Pero mabilis akong nakabawi nang maalala kong, alam nga pala ni Monet na kapatid ko siya kaya wala dapat akong ipag alala.

"Ihahatid na rin kita, pagkatapos uuwi na muna ako. Ilang araw ko nang iniwan si Lola doon sa bahay natin." Ngisi niya.

Nandilat ang mata ko nang maalala kong umuwi nga pala si Lola!

"Magagalit si Lola!" Sambit ko, ngumiti siya at umiling. "Sinabi ko sa kanyang busy ka sa trabaho at alam naman niyang may laban ako sa Siargao nung nakaraan." Paninigurado niya sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag-insist na maghuhugas ng mga pinagkainan namin at siya naman ang maligo. Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyayari ngayon at ang mga maaaring mangyari sa mga darating na araw. Pero, kagaya ng sabi niya sa akin kagabi.

"Huwag na muna nating isipin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Isipin natin ngayon kung paano tayo magiging masaya, kung paano natin babawiin yung mga pagkakataong nasayang natin noon."

Matapos kong maghugas, napakunot ang noo ko dahil hindi pa pala siya naliligo. Nandoon siya sa balcony at tinatanaw yung mga sasakyan doon sa baba. Nakatalikod siya ngayon at bawat pagkilos niya lang ay kitang kita ko ang pag flex ng biceps niya, maging ang broad shoulders niya ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.

"Hi..hindi ka pa ba maliligo?" Basag ko sa katahimikan niya, bumaling siya sa akin at gustuhin ko mang ipikit ang mata ko para lang huwag magkasala ay hindi ko magawa! "Maliligo na, nagpababa lang ako sandali ng kinain." Ngiti niya sa akin. "Ah, o-okay." Nauutal na sagot ko saka mabilis akong umalis sa harap niya pero narinig kong sumunod siya sa akin.

"Ihahatid mo ako diba? Maligo ka na, male-late na ako. Traffic pa naman!" Nababalisang sabi ko, bakit ba kasi nakaganyan siya?

"Al, ang lapit lapit ng opisina mo dito." Halakhak niya, totoong malapit lang ang opisina ko dito. Kung lalakarin mo ay aabutin ka lang naman ng isang oras, pero kung may sasakyan ka ay matagal na ang 30 minutes.

"K-kailangan kong bumawi kay, Monet, dalawang araw akong nawala, diba?" Pagdadahilan ko, pero ang totoo ay gusto ko na talaga siyang pagdamitin dahil sa ayos niya.

Nagtagpo ang mata naming dalawa na nagpatibok ng sobrang bilis sa puso ko! Natuyo din ang lalamunan ko at parang kailangan ko ng malamig na tubig!

"I..inom lang ako! Mag too-toothbrush na rin ako!" Dire diretsong sabi ko pero narinig kong tumawa siya at hinila niya ako sa pulso ko upang humarap sa kanya saka pilit akong tinitigan sa mga mata ko!

"Sandali nga..." Ang laki ng boses niya kahit pa natatawa siya sa pagsasalita.

Patay ka na, Al, bakit ba balisang balisa ka?

"Bakit ba hindi ka makatingin sa akin?" Tumatawang tanong niya sa akin, pero, seryoso ba talaga siyang tinatanong niya iyan? Kanina pa siya paikot ikot dito sa unit ko na naka boxer short lang at hindi ako mapalagay sa ganoong ayos niya!

Pinilit kong umiwas pa rin sa kanya, pero humakbang pa siya lalo palapit sa akin at hinila ako sa bewang ko na nagpadilat ng sobra sa dalawang mata ko! Sunod sunod na paglunok ang nagawa ko dahil sa init ng katawan niya! Idagdag mo pa ang malalim na pagtitig niya! Sabay sabay na, hindi ko na malaman kung paano niya nagagawa ito sa akin? Ang patuliruin ako! Kung noon ay napipigilan ko ang pagsabog ng damdamin ko para sa kanya, ngayon ay kusang lumalabas iyon!

"Ma..mag pajama ka nga! Mag tshirt ka na din!" Nauutal na suway ko sa kanya!

"Seriously?" Halakhak niya hindi na ako makapag salita pa dahil pakiramdam ko ay mabubulunan na ako. "Hindi ako sanay na maraming damit sa katawan kapag nasa bahay lang, kung pwede nga lang nakahubad nalang." Ramdam ko ang pang aasar sa boses niya dahilan para hampasin ko ang matipunong dibdib niya.

"B...bakit sa bahay natin sa Zambales? Na..nakadamit ka naman doon!" Bulyaw ko sa kanya, pwera nga lang kapag nasa beach siya, naka beach short naman siya doon tapos topless, pero never ko siyang nakita na naka boxer short na gumagala gala sa bahay namin.

Tumawa siya at hindi ko na talaga ma-explain ang kapilyuhang bumabalot ngayon sa mukha niya. "Bakit? Nakapasok ka na ba noon sa kwarto ko? Kapag nasa kwarto ko ako, Al, hindi lang ito ang makikita mo." Panunuya niya na nagpalunok sa akin. 

Isa pang pag ngisi ang ibinigay niya sa akin kasabay ng pagpapansin ng dimples niya at hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sumunod na sinabi niya.

"Masanay ka na, dahil kapag mag asawa na tayo, hubad na katotohanan na ang makikita mo." 

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top