ALC: Kabanata 18
ALC: Kabanata 18
From: Althea
Happy birthday, Kuya! Kahit na hindi mo pinansin yung binake kong cake for you, okay lang. Merry Christmas na rin. I love you, Kuya!
Napalunok ako nang mabasa ko ang isa sa mga text message ko sa lumang cellphone ni Tyler. Pinaglipasan na ng panahon ang ilang text messages ko doon at masasabi kong isa iyon sa nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon.
Alam kong noon ay baliwala lang ang mga text kong iyon para sa akin, pero ngayong nababasa ko ang mga ito ay tumataas ang balahibo sa batok ko dahil alam kong ang bawat pagbigkas ko ng salitang mahal ko siya bilang kapatid noon ay iba na ngayon.
Inilipat ko ang tingin ko doon sa papel na may sulat kamay niya.
- Sa bahay. Zambales. Tonight. 9pm.
Mariin at matigas ang pagkakasulat niya sa bawat letra ng mga salitang iyon. Nanunuyo ang lalamunan ko at kasabay non ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko.
Tinignan ko ang oras at napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong lagpas alas nuebe na ng gabi. Nawala ako sa pag iisip nang sumilip si Reah doon sa pintuan ng opisina ko.
"Ma'am, una na po ako?" Paalam niya sa akin, kumunot ang noo ko at pinilit kong ayusin ang boses ko. "Five o'clock ang out mo hindi ba? Bakit ngayon ka lang lalabas?" Usisa ko sa kanya.
Umayos siya ng tayo at kita ko kung paano niya pisilin ang sariling kamay niya na mukhang hindi mapakali. "Ah, eh kasi po Ma'am, sinabihan po ako ni Mr.Cortezano na h'wag umuwi hangga't hindi kayo lumalabas ng opisina niyo." Aniya na nagpaawang sa bibig ko.
"W-what?"
"Eh tinatawagan na po ako sa bahay namin dahil birthday ng Mama ko." Kagat labing aniya. Nasapo ko ang noo ko at mariin kong ipinikit ang aking mata.
"Go home, Reah. Sigurado akong nag aalala na ang Mama mo." Sambit ko, nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya at magkakasunod na pasasalamat ang sinabi niya bago siya tuluyang umalis ng opisina ko.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako nagpasiyang bumaba na rin at maghintay ng taxi pauwi. Mahigpit ang hawak ko sa lumang cellphone ni Tyler, hindi ko kasi maiwasang isipin kung nandoon pa ba siya sa Zambales?
"Hangga't kaya, pipigilan." Bulong ko sa sarili at kinagat ang ibabang labi.
Hindi ko masisikmurang sirain ang pamilyang nakagisnan ko na noon pa man. Hindi ko makakayang masira ang isang pamilyang pinagkaloob sa akin ng Diyos dahil lamang sa umuusbong damdaming nararamdaman ko ngayon para kay Tyler.
Ilang saglit pa ang lumipas ay nakasakay na ako ng taxi at sinabi ko ang daan pauwi sa condo unit ko.
Nasa kamay ko pa rin ang cellphone at papel na iniwan niya kanina sa mesa ko at tuwing mapapatingin ako sa wrist watch ko ay hindi ako makapakali. Lumunok ako at hindi napigilang sabihin sa taxi driver na.
"Manong, sa Zambales po tayo." Kinakabahang sambit ko.
"Po?!"
"Manong please, iliko mo papuntang Zambales. Ako na ang bahala. Kahit magkano babayaran ko po, basta sa pinaka madaling daan papuntang Zambales." Pakiusap ko at mariin kong ipinikit ang aking mata kasabay ng paglukot ko sa papel na hawak ko.
Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon na gagawin ko. Tanaw ko na siya sa pampang ng beach na ngayon ay nakatalikod sa akin. Ang bilis bilis ng kabog ng puso ko at alam kong kahit anong oras ay sasabog ang damdamin ko para sa kanya, para sa lalaking natutunan kong mahalin sa matagal na panahon.
Huminto ako sa paglalakad nang mapansin kong lumingon siya at laking gulat niya nang makita niya ako. Namumula ang kanyang mga mata at para bang natuyo na ang luha sa kanyang pisngi. Magulo ang kanyang buhok na para bang paulit ulit niyang sinuklay gamit ang kanyang mga daliri sa kamay.
Isang malambing na ngiti ang sumilay sa labi niya kasabay non ang mabilis na paglapit niya patungo sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit na naging dahilan upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko ngayon dahil sa malakas na hangin na humahampas sa katawan ko.
At kasabay ng pagpikit ng mata ko ang pagtulo ng luha ko. "Akala ko..hindi ka na darating." Garalgal na bulong niya.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, gusto ko rin siyang yakapin pabalik ngunit may pumipigil sa akin.
The mixed emotions of my heart are now driving me crazy. Sa higpit ng yakap niya ay hindi ko maikakaila na, that it's him who has been always have my heart beating so fast. It was always him. The pain is really killing me right now, pero kailangan kong tiisin para sa pamilyang mayroon ako ngayon.
Dahan dahan kong kinalas ang braso niyang nakapulupot sa akin at tumingala ako sa kanya. Sa unang pagkakataon ay tinanggap ko ang pagtitig niya sa akin na ngayon ay kumikinang dahil sa sobrang saya. Hinaplos ko ang pisngi niya kasabay non ang pagpikit niya na para bang dinadama ang palad ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at muli niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa.
Althea, h'wag mong hayaang dalhin ka ng damdamin mo para sa kanya.
Hindi ba't kaya ka nagpunta dito ay para tuluyan nang wakasan ang lahat. Masakit mang tanggapin pero alam kong makakaya ko.
First heartbreak? Ito na yon. Bata pa naman ako at alam kong malalagpasan ko ang lahat nang ito.
Nanginginig ang lalamunan ko at kumakalampag ang puso ko nang sinubukan kong ibuka ang aking bibig.
"Tyler..." Bulong ko.
"I..I'm sorry." Patuloy ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nanginig ang mata niya at naramdaman kong gumaan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Nagpunta ako dito para sagutin ang gumugulo sa isipan mo." Sabi ko. Ewan ko, hindi na yata importante kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong mas masakit ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na taon dahil sa akin.
"Isa lang naman ang gusto mong malaman hindi ba?" Patuloy ko, hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong pinisil iyon habang pinagmamasdan ko ang mata niyang may nagbabadiyang luha na naman.
Mga luhang alam kong ako ang dahilan.
"Gusto mong malaman kung ano ba talagang nararamdaman ko para sayo?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumunok ako dahil sa pinipigilang hikbi. "Al.." Nakikiusap na tawag niya sa akin.
Umiiling iling ako at hinayaan kong mas lumandas ang luha sa mga mata ko.
"I..I love you, Tyler." Halos pumiyok ako ng sabihin ko iyon. "At tama ka. Nababaliw na ako. Nababaliw na ako dahil nahihirapan na akong pigilan na mahalin ka, dahil sa araw araw na lumilipas. Ikaw at ikaw pa rin ang mahal nito." Ipinatong ko sa kaliwang bahagi ng dibdib ko ang kamay niya.
"No..Al, please. Kaya kitang ipaglaban! Kakayanin mo rin." Pakiusap niya.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Mahal mo nga ako diba?" Para siyang batang humihikbi at hindi ako makapaniwala na ako lang pala ang makakabasag sa katatagan niya. Yung masayahing Tyler, yung palaging palabiro at laging lumalabas ang magandang biloy sa tuwing masaya siya.
"Mahal kita." Pag uulit ko. Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Oh. Yun nama pala eh. Mahal mo ako. Sa..sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao kaya mo 'tong ipaglaban. Althea, kaya mo. H'wag kang balutin ng takot mo." Nanginginig ang boses niya sa pakikiusap sa akin at hindi kinakaya ng sistema ko ang mga paghikbi at pagmamakaawa niya.
"No..Hindi mo ako kasing tatag, hindi mo ako kasing tapang para ipaglaban ang kung ano mang damdamin ang meron ako para sayo. Kasi, Ty, nangingibabaw pa rin sa akin ang pamilya natin. Pinapahalagahan ko sila Mama at Dad." Sambit ko.
Yes I love him. I love him so much, kaya nga nandito ako ngayon para iparamdam sa kanya iyon kahit panandalian lamang. But I know it's not for the best. So no matter how much my heart is going to break, I've got to let him go, para hindi na kami parehong mahirapan.
"Althea, naman." Pakiusap niya. Binitawan ko na ang kamay niya pero muli niya akong hinila at niyakap ng mahigpit!
Ang sikip sikip na ng dibdib ko at nahihirapan na akong huminga dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Maiintindihan nila tayo, Al. Siguro sa una hindi, pero please. Subukan mo namang lumaban para sa ating dalawa! Subukan mo." Umiiyak na pakiusap niya, hindi ko alam pero nasasaktan ako sa bawat paghikbi niya.
"Tyler, makakaya mong kalimutan ako."
"Tangina. Hindi. Hindi nga sabi!" Galit na sambit niya!
"Dahil ako, makakaya kong kalimutan ka. Makakaya kong magmahal ulit, yung alam kong tama na. Yung alam kong walang masasagasaan na ibang tao. Ganun ka rin alam kong magagawa mo." Pakiusap ko sa kanya na siyang mas lalong nagpadaloy ng luha niya. Maybe I may have met someone else in my life, or someone else may have come along, pero alam kong hindi magiging kagaya ng pagmamahal ko para sa kanya ang maibibigay ko sa taong iyon.
"No..no, sinasabi mo lang yan dahil takot ka!" Aniya at kumawala sa yakap sa akin, ginulo niya ang kanyang buhok at inihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha na ngayon ay namumula na sa kaiiyak sa akin.
Kasabay ng paghikbi ko ang masakit na paulit ulit na pag guhit sa puso ko.
Ganito yata talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal? Unang beses kong naranasang umibig, unang beses ko ring naranasang masaktan.
"Kung talagang mahal mo ako, hahayaan mong gawin ko ito para sa pamilya natin. Hahayaan mong liparin nalang sa kawalan ang lahat ng nararamdaman mo para sa akin. Lahat lahat, Tyler. Lahat lahat." Matatag ngunit umiiyak na pakiusap ko sa kanya.
Umangat ang labi niya at halos hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Sinipa niya ang buhangin at ipinikit niya ng mariin ang kanyang mata. "Bakit ba napakahirap mong makuha? Sa lahat ng gusto ko. Ikaw ang hinding hindi ko makuha." Sambit niya na nagpakirot sa puso ko.
"Althea, alam mo kung anong pinaka masakit ngayong gabi na 'to?" Mapait na tanong niya sa akin.
Hindi ko maiwasang tanggapin ang mga pagtitig niya. Gusto kong pagsawaan iyon ngayong gabi, dahil pagkatapos nito, sisiguraduhin kong hindi ko na muli siya titignan.
"Hindi yung mga salitang binitawan mo ang masakit, kundi yung nararamdaman ngayon ng puso ko." Galit na sabi niya, okay lang. Tatanggapin ko ang lahat ng galit niya. Lahat lahat.
"Yung nararamdaman ng puso ko sa lahat ng desisyong gusto mong mangyari ngayon." Matigas na pahayag niya.
Nagkibit balikat siya at iniwasan ako ng tingin. "Umalis ka na." Pagtataboy niya sa akin.
"I'm sorry, Tyler." Umiiyak na sabi ko. Tumalikod na siya sa akin na nakakuyom ang kamao.
"Go away, Al."
Pinakamasakit sa lahat. Ang pakawalan ang taong hindi talaga para sayo pero mahal na mahal mo.
May kung anong kumurot sa puso ko. Pero handa kong damahin iyon.
"Kung akala mo makikinig ako sa mga gusto mo. Pwes, hindi." Mariin na pahayag niya.
"Tyler..."
"Umalis ka na. Kung desisyon mong pigilan ang nararamdaman mo para sa akin ay wala na akong magagawa. Pero hinding hindi mo mababago ang isip at puso ko dahil mahal na mahal kita."
"Hindi mo ako basta basta mapapasuko dahil sinabi mo. Dahil hindi ganun kababaw ang pagmamahal ko para sayo, Al." Para akong tinutusok ng maraming karayom dahil sa pagpapahayag niya ng damdaming pilit kong itinataboy.
"Umalis ka na. Hangga't kaya ko pang tiisin ang lahat ng sakit." Pagpapatuloy niya.
"Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong mawala ka, gayong hindi pa naman kita pag-aari." Galit na bulong niya.
Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at umiling iling ako. Hindi ko gustong masaktan siya, pero sa ginagawa ko alam kong sobra sobrang pasakit na ang naibigay ko para sa kanya.
"I will never stop loving you, Al. Kung tatakas ka ng paulit ulit sa pagmamahal ko sayo, tandaan mong paulit ulit pa rin akong hahanap ng paraan para makuha ka, hanggang sa ikaw na mismo ang magkusang tumanggap sa pagmamahal ko para sayo."
___
AN:
It's been a long tiiiiime. Haha! Sorry po, napakatagal kong nawala. At sorry pa rin dahil hindi ko alam kung kailan ang susunod na update. Huhu. Sa totoo lang, ang hirap palang mabuhay sa labas ng mundo ng wattpad haha. Napakarami mong priorities na kailangang mas pagtuunan ng pansin. Ang drama ko. Haha.
Anyway, maraming salamat sayo. Oo sayo. Ikaw nga. Dahil binasa mo pa rin ang update ko at story ko kahit matagal akong nawawala dito sa kulay orange na mundo haha. Salamat!
God bless!
xoxo
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top