ALC: Kabanata 17
WARNING:
MAIKLING UPDATE! HAHAHAHAA
ALC: Kabanata 17
Naestatwa ako dahil sa salitang lumabas sa bibig ko. Tinakpan ko iyon at ramdam ko ang patuloy na paglandas ng luha mula sa mga mata ko. Nakaawang ang bibig niya at kita ko ang kasiyahang bumabalot sa mata niya na ngayon ay malambing na malambing ang pagtitig sa akin.
"Mahal mo ako." Hindi makapaniwalang sambit niya. Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako.
"Mahal mo nga ako!" Ngumingising ulit niya kasabay non ang pagbagsak ulit ng luha niya. Lalayo na sana ulit ako sa kanya pero mabilis niyang kinulong ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang halikan niya ang noo ko!
Paulit ulit na halik na para bang mas lalong nagpakalabog ng sobra sobra sa puso ko. "Di na kita pakakawalan." Bulong niya at patuloy sa paghalik sa akin kasabay ng pagbagsak ng luha niya sa mismong pisngi ko.
"No. No. Please, Tyler, h'wag ganito." Pakiusap ko sa kanya habang humihikbi ako, pilit ko siyang itinutulak palayo pero nakuha niya pa rin akong hilahin at yakapin ng sobrang higpit na naging dahilan para mas lalo akong humagulhol sa pag iyak.
"Please. No. Maawa ka, Tyler. Sila Mama, magagalit sila Mama!" Suway ko sa kanya, alam kong hindi ko na mababawi sa kanya ang salitang hindi ko sinasadiyang bitawan pero hindi tamang hayaan kong mas lalong umusbong ang damdaming maling mali.
"I don't care! Ang mahalaga sa akin, yung ikaw, ako. Tayong dalawa!" Desperadong sabi niya, umiling iling ako at pilit akong kumakawala sa mga yakap niya pero hindi niya ako hinahayaang makawala.
"Mali! Kaya pa, kaya pang pigilan, Tyler. Ako. Kayang kaya ko pa." Naiinis na sabi ko sa kanya habang umiiyak at sa wakas ay nakawala na ako sa yakap niyang nagpapatindig sa balahibo ko.
"Pwes ako hindi. Hindi ko na kaya, Althea." Pagsusumamo niya.
Sandali ko siyang tinitigan. Yung mga mata niyang muli ko na namang nakita sa pagkakahilam mula sa luha ay nakikiusap ngayon sa akin, inilingan ko siya at mabilis akong lumabas ng bahay. Pero narinig kong sumunod siya sa akin.
"Althea!" Tawag niya sa akin, binilisan ko ang lakad hanggang sa makalabas ako ng gate. Pero kasunod non ang paghila niya sa braso ko upang iharap ako sa kanya.
"Hindi pwede! Magkapatid tayo! Naiintindihan mo ba yon?!" Sigaw ko sa kanya pero mukhang hindi siya natitinag sa galit na ipinapakita ko sa kanya. Sa halip ay mas lalong tumibay ang pagtitig niya sa akin.
"Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo magkadugo, Althea. Alam mo yan." Mariin na pahayag niya.
"Sa mata ng tao at ng Diyos, magkapatid tayo. Dala dala ko ang apeliyido ng pamilyang mayroon tayo!" Pagdidiin ko sa kanya! Pero ngumisi siya ng mapait.
"Di pa tayo kasal, Al. Kaya hindi ka pa isang Cortezano." Pagmamatigas niya na nagpakirot at nagpalundag rin sa puso ko.
"Nababaliw ka na." Umiiling na sabi ko sa kanya, muli ko sana siyang tatalikuran pero hinila na niya ako sa kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. Mainit ang palad niya at sa tingin ko ay hindi ako basta basta makakawala sa hawak niyang iyon.
"Baliw na nga siguro ako. Baliw na matatawag na pangarapin na maging asawa kita." Simula niya nang hindi inaalis ang malalim na pagtitig sa akin, ngumingiti siya ng mapait pero kasabay non ang patuloy na pagtulo ng luha niya.
"Itong bahay na 'to? Wala naman 'to kung wala ka. Yung trabaho ko ngayon? Hindi ko tatanggapin kung wala ka. Lahat ng mayroon ako ngayon simula nang magkahiwalay tayo sa loob ng apat na taon, lahat nang iyon para sayo!" Tumibok ng mabilis ang puso ko at kahit anong gawin kong pagpipigil dito ay hindi na yata ito kakalma para sa kanya.
Inilingan ko siya at nagpatuloy sa paghikbi. "Tyler, please." Halos ibulong ko nalang iyon.
"No, Althea. Pabayaan mo lang akong mahalin ka, pabayaan mo lang akong mahulog araw araw para sayo." Nakikiusap na aniya.
Kumirot ang puso ko at unti unti kong binitawan ang kamay niya. "Pero hindi ko pababayaan na masira ang pamilya natin." Sambit ko na nagpaawang sa labi niya.
Ni hindi ko na alam kung paano pa ba ako nakauwi ng maayos sa unit ko kahapon.
"Kanina ka pa tulala diyan." Bulyaw sa akin ni Monet, tumingala ako sa kanya na ngayon ay umiinom ng kape. Magsasalita na sana ako pero biglang may kumatok sa pinto at iniluwa non si Reah na may dala dalang isang dosenang pulang rosas.
Kumunot ang noo ko. "Ah, Ms.Monet may nagpapabigay po sa inyo." Nanlaki ang mata ni Monet at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag ring ng cellphone niya.
"Bwisit." Bulong niya nang makita kung sino ang tumatawag, mabilis niyang sinagot iyon. "Tigilan mo na nga ako at tigilan mo na rin ang pagpapadala ng mga bulok mong rosas!" Pagsusungit niya at mabilis na pinatay ang cellphone saka nagmartsa palabas ng opisina ko.
"Teka lang po Miss!" Sigaw ni Reah.
"Itapon mo yang basura na yan!" Rinig kong sigaw ni Monet na nagpatawa sa akin. Pero kaagad nawala ang tawa ko nang biglang pumasok si Tyler sa loob ng opisina ko.
Sandali siyang tumingin doon sa bulaklak na hawak ni Reah. "Kanino galing yan?" Ma-awtoridad na tanong niya.
"Kay--"
"Pakibaba na yan diyan sa sofa, Reah." Putol ko sa sasabihin niya. "Ah..okay po, Ma'am."
Itinuon ko ang buong atensyon ko doon sa laptop ko na kanina ko pa pinapaulit ulit na i-refresh. Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko nang marinig kong nakalabas na ng opisina ko si Reah, at kaminh dalawa na naman ang magkasama sa apat na sulok na 'to.
"What are you doing here?" Bigo ako dahil dinig ko ang panginginig ng boses ko.
Tumikhim siya at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay kita ko pa rin na papalapit siya doon sa rosas na nakapatong sa sofa ko. Kinuha niya iyon at halos manlaki ang mata ko nang buksan niya ang bintana ng office ko at doon itinapon ang kawawang rosas!
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Pagsusungit ko sa kanya at tinignan ko na siya. "Hindi nababagay sa opisina mo ang basura na yon." Nakangising sambit niya saka naglakad palapit sa lamesa ko, hinila niya ang isang swivel chair at nakadekwatrong umupo doon habang pinaglalaruan ang ballpen ko na kinuha niya doon sa mesa ko.
"I'm here para makinig sa weekly report mo." Seryosong anunsyo niya, nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya. Buong akala ko ay nakaligtas na ako sa malambing na pagtitig niya pero mali ako, dahil kahit gaano kalamig ang pananalita niya ay ganoon naman kainit ang pagtitig niya sa akin.
Tumikhim ako. "Bakit hindi mo nalang hintayin sa board meeting." Sagot ko, narinig kong ngumisi siya. Yung biloy niya na kahit galit siya ay talaga namang nagpapapansin sa mga mata ko.
Huminga siya ng malalim at mas nakipag sukatan ng tingin sa akin. Sa huli ay ako rin naman ang sumuko.
"Kung wala ka nang kailangan makakaalis ka na." Bulong ko, ni hindi ko alam na naging mahinahon na ang pananalita ko sa kanya. Panay pa rin ang pag refresh ko ng laptop ko hanggang sa magulat ako nang iharap niya sa kanya iyon.
Halos titigan niya ako ng may halong panunuya nang makita niyang wala akong ginagawa sa laptop. "You're trembling, kahit na wala pa naman akong ginagawa sayo." Ngumingising aniya.
"H'wag kang magsimula na naman ng away." Pakiusap ko sa kanya at hinila ko paharap sa akin ang laptop ko.
"Hindi naman kita inaaway." Namamaos na bulong niya, iniikot ko ang swivel chair ko at pinili kong ipikit ang ko.
Pero dahan dahan kong iminulat ulit ang mata ko nang magsalita siya gamit ang malambing at nagsusumamong boses.
"Hindi ako nakatulog kagabi, iniisip ko kung paano mo sinabing mahal mo ako." Simula niya, mahina ang kanyang boses pero ramdam ko ang saya doon.
"Inamin mo ngang mahal mo ako. Pero masakit din pala." Patuloy niya, ngayon ay napalitan na iyon ng mapait na pag ngisi.
"Ilang beses kong sinubukan kung kaya mo bang lumaban, kung sakaling tuluyan ka nang bumigay sa akin. Pero hindi pa pala sapat iyon." Hindi ko maipaliwanag yung kirot na nararamdaman ng kaliwang bahagi ng dibdib ko sa tuwing maririnig ko ang mapait na pananalita niya.
"Hindi pa pala sapat yung inamin mo nang mahal mo ako."
"Ayaw mo bang subukan? Kahit kaunti lang, Althea." Pakiusap niya.
"Ty..please." Sinubukan kong pigilan na siya dahil naramdaman ko na ang pagtulo ng luha ko.
Ngumisi siya ng mapait. " If you don’t love carelessly right now, then when? Di na tayo bata, Althea. Once na samahan mo ako sa laban na 'to, hinding hindi na kita bibitawan." Paninigurado niya sa akin na siyang nagpakalabog sa puso ko.
Kinuyom ko ang kamao ko at pilit kong pinipigilan ang kakawalang paghikbi mula sa bibig ko. "Hinding hindi na." Patuloy niya.
"Pero kapag sinabi mo na sa akin mamaya na tama na." Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Huminga siya ng malalim. "Hihinto na ako. I can't fight for you anymore kung hindi mo naman ako sasamahan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinikit ko ang mata ko. "Anong sense ng pagmamahal ko sayo kung hindi mo naman tinatanggap?"
Narinig kong may kung ano siyang ipinatong doon sa lamesa ko at ilang sandali pa ay kasunod non ang pagbukas sara ng pinto ng opisina ko bilang tanda na umalis na siya.
Hinayaan kong damahin yung sakit na hatid ng mga salitang binitawan niya kasabay ng paghikbi at pagtulo ng luha ko. Gulong gulo na ang isip ko at hindi ko alam kung anong desisyon ang pipiliin ko?
Nang iharap ko ang swivel chair sa lamesa ko ay nakapatong doon ang lumang cellphone niya kasama ng isang maliit na papel na may sulat kamay niya.
-- Sa bahay. Zambales. Tonight. 9pm.
***
AN: Oops. Alam ko bitin na naman. Haha. Sorry na, antok na kasi ako. 3:30AM na dito. Basta. Thank you so much babies sa pag intindi sa akin. :) Hindi biro ang ginagawa niyong paghihintay. Basta salamat po.
Love lots.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top