ALC: Kabanata 16
ALC: Kabanata 16
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig kong may kumakatok doon sa pinto ng patio. Nakita ko si Monet doon na tinitignan kaming dalawa ni Tyler.
Si Tyler na hanggang ngayon ay malalim ang pagtitig sa akin at mabilis ang paghinga dahil sa hinanakit niya.
Mabilis naman ang pintig ng puso ko ngayon dahil sa takot na nararamdaman ko. Takot akong dumating yung panahong ayokong mangyari, na tuluyan akong mahulog sa kanya. Dahil hindi pwede.
Tumayo ako para buksan ang pinto pero bago pa man din ako makakilos para gawin iyon ay muli siyang nagsalita na mas lalong nagpawala sa puso ko. "Iniisip kong pakakasalan kita at hinahalikan kita. Sa tingin mo, pag iisip ba yon ng isang kapatid lang?"
Hinarap ko ang mga titig niya, pilit kong tinatabunan ang kaba ko para sa kanya para lang makayanan ang lahat ng ito.
"Nababaliw ka nang talaga, alam ko at alam mo na hindi pwede." Matigas na sambit ko na nagpangisi sa kanya at nang paglabas ng dimples niya.
"Ikaw lang ang nag iisip niyan, Al." Ngisi niya na nagpatigil sa akin. Mabilis sumagi sa isip ko sila Mama at Dad, alam kong kapag nalaman nila ang lahat ng ito ay masasaktan sila at hindi nila matatanggap ito.
Maging ang traydor na sakit na bumabalot kay Mama ay alam kong hindi basta basta nagpapadaig lalo na kapag may dinaramdam itong hinanakit. Ayokong mangyari iyon, ayokong siya...kami ang maging dahilan nang lahat ng iyon.
Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong narinig ang pagkatok ni Monet na nagpabalik sa katauhan ko. Mabilis kong binuksan iyon at matinding panalangin ang ginawa ko na sana ay hindi niya kami narinig.
"Ano bang ginagawa niyo diyan? Kanina pa kayo hinahanap ng barkada." Sambit niya.
"Ka-kailangan ko nang umuwi." Nauutal na sambit ko saka mabilis na akong naglakad palabas ng bahay.
"What?! Althea!" Sigaw ni Monet na hindi ko na pinagbigyang pansin pa.
Masyado nang nagiging maliit ang mundo sa aming dalawa ni Tyler kapag magkasama kami sa iisang lugar. Alam kong mahihirapan akong iwasan ito pero hangga't maaari ay kailangan kong iwasan.
Nang makarating ako sa unit ko ay kusang lumandas ang luha sa mga mata ko at alam kong yung kirot na bumabalot sa dibdib ko ay siya ang dahilan.
__
Nang magising ako kinabukasan ay ramdam ko ang tuyong luha sa mukha ko. Nagpasiya na akong maligo at mag linis ng unit ko bago ko simulan ang paper works na hindi ko pa natatapos. Wala kaming pasok ngayon ni Monet para makapahinga sa grand opening kagabi ng botique namin, pero tuloy pa rin ang pagbubukas non ngayon kasama ng mga staffs namin.
Habang abala ako sa pagbabasa ng mga emails ay narinig kong tumunog ang cellphone ko.
Kumunot ang noo ko doon sa ibon na nasa taas ng notifications ng cellphone ko. Twitter? Naalala kong matagal ko nang hindi binubuksan iyon kaya naman tinap ko iyon para makita ang laman non.
Si Monet, nag tweet siya ng picture nila mula sa inuman kagabi at naka-mention ako doon. Sa pagkakabasa ko ay nasa instagram niya ang buong picture. Ilang sandali pa ay tumunog ulit ang cellphone ko sa bagong notification mula kay Monet at nang buksan ko ulit iyon ay gumapang ang kaba sa akin nang makita kong si Kate ay nakapasan sa likod ni Tyler habang nasa swimming pool.
Mabilis kong inalis ang tingin doon sa twitter at tinawagan si Monet. Kinuyom ko ang kamao ko at pinigilan ko ang pag-iinaso ng puso ko.
Hindi pwede, Althea.
"Hello?" Masiglang bati niya sa kabilang linya. "Monet, tigilan mo nga ang kakamention sa akin sa twitter. Nagtatrabaho ako, tunog nang tunog ang cellphone ko." Salubong ko sa kanya na nagpangisi lang sa isang ito.
"Ang sungit naman. Aga aga ha? Problema ba yun? Edi i-silent mo yang cellphone mo." Pang aasar niya sa akin, huminga ako ng malalim at mariin kong ipinikit ang mata ko.
"Ikaw naman,umuwi ka kaagad kagabi. Napaka kj mo, alam mo yon? Nagsisimula palang ang saya kagabi, kaya naman iniinggit kita ngayon sa mga pictures namin." Aniya.
"Alam mong marami pa tayong trabaho kahit nasa bahay lang tayo ngayon." Suway ko sa kanya, huminga siya ng malalim.
"I know, pero hindi naman dahilan iyon para maging boring na ang buhay natin ano." Sagot niya.
"Grabe, yang Kuya mo. Lasing na lasing kagabi. Si Kate na nga ang nag-uwi sa kanya." Kwento niya na nagpasingkit sa mata ko.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Siguro naglaro nalang ng apoy yon. Lasing na lasing eh." Humahalakhak na kwento niya. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay mas lalong tumindi.
Hinampas hampas ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko at huminga ng malalim. Damn it, hindi ko pwedeng maramdaman ito!
"Oh siya, sige na, maliligo na ako at nang makapag simula na rin sa mga paper works. Bye, Althea." Paalam niya sa akin, magtatanong pa sana ako tungkol sa mga nangyari kagabi pero pinigilan ko na ang sarili ko.
Pinili kong maging abala maghapon kahit pa panay ang lipad ng isip ko. Nasa kalahati na ako nang ginagawa ko nang muling tumunog ang cellphone ko. At nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
Tyler Cortezano liked a tweet you were mentioned in
Yung picture nilang dalawa ni Kate sa swimming pool. Sa hindi ko malamang dahilan ay retweet ko ang picture na iyon, kahit pa alam kong mababasa niyang ginawa ko yon.
"My dear brother with his long time girlfriend. Hearts. Everywhere." Matigas na bulong ko habang itinatype din iyon. Itinag ko rin sa kanya at kay Kate iyon kahit hindi ako naka-follow sa kanila. Alam kong maraming makakabasa non at isa na rin si Ella Reyes. Bahala siyang magpaliwanag kung bakit may nakalambitin sa kanya na babae, bahala na rin siyang ulanin ng mga tweets sa mga fan girls niyang naka-follow sa kanya!
Pagka send ko ng tweet na iyon ay sunod sunod na likes ang natanggap ko at mga comments. Karamihan ay mga nalulungkot dahil may girlfriend daw pala ang isang Tyler Cortezano! Binasa ko isa isa iyon.
Napaka swerte naman ni @katealvarez
Maging ang comment ni Kate ay nabasa ko na siyang nagpakagat sa akin sa ibabang labi ko.
Oh! Look @dtcortezano ♡ Thank you so much sis @laurencortezano
Bigla kong pinagsisihan ang pagretweet ko dahil sunod sunod ang mga nag-follow sa akin! Karamihan sa kanila ay hindi ko kilala, maging si Kate ay finollow na rin ako.
Matagal kong itinuon ang mata ko sa username niya hanggang sa napagpasiyahan kong silipin ang profile niya. Nakapublic ito dahil nakikita ko ang lahat ng post niya kahit hindi ako naka-follow sa kanya. Nang i-scroll down ko iyon ay nakita ko ang dalawang bagong tweet niya na nagpatalon sa puso ko.
@dtcortezano Wrong move, Sweetheart. You just made my day.
@dtcortezano Sayo na ako, hindi na ako mapupunta sa iba tandaan mo yan.
Kasunod non ang tweet niya noong araw nang party namin bago mag grand opening na siyang nagpaisip sa akin ng sobra sobra.
@dtcortezano Ako naman ang maglalasing sayo sa susunod. Be ready.
"Bad news. Hindi natin nareach ang target today." Bagsak ang balikat ni Monet nang ibalita niya sa akin iyon ngayong gabi.
Maging ako ay naapektuhan doon dahil kahapon naman ay lumagpas kami sa target. "Pero, positive pa rin naman tayo from yesterday sales." Pagpapalakas ko ng loob niya.
"I know, Al. Pero nagsisimula palang tayo. Baka nakakalimutan mo, may hamon ang Kuya mo sa atin. Kapag hindi tayo napasama sa top ten ngayong buwan na ito mas malaki ang babayaran natin sa kanya. At kapag nagtuloy tuloy ang ganitong sale, mauuwi tayo sa wala." Litanya niya, binitawan ko ang ballpen na hawak ko at huminga ako ng malalim.
"Monet, h'wag ka ngang nega. Maaabot natin yang top ten na yan!" Suway ko sa kanya kahit pa medyo nag aalangan na rin ako. "Saka isa pa mahaba pa ang araw. Matagal pang matapos ang isang buwan! Relax ka lang!" Ngisi ko sa kanya, magsasalita pa sana siya pero natigilan siya nang mag ring ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag na iyon kaya naman nagkatinginan kami ni Monet.
"Hello?" Bati ko sa tumawag. "Althea Lauren! Hija!" Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ko ang babae sa kabilang linya.
"Lola?!" Sigaw ko, tumawa siya.
"Nakakatuwa naman at nakilala mo kaagad ang boses ko. Nandito na ako ngayon sa airport, sinabi ko sa Kuya mo na sunduin na ako ngayon. Pinapadaanan kita diyan sa opisina mo para makasama ka, saglit lang naman ang biyahe." Litanya niya na mas lalong nagpabilog sa mata ko, panay naman ang ngisi ni Monet nang malaman niyang si Lola ang kausap ko, minsan na rin kasi silang nagkakwentuhan noon.
"God. I miss you, Lola! Lalabas na ako ngayon ng opisina ko!" Excited na sabi ko at madali kong sinamsam ang mga gamit ko saka nagpaalam na kay Monet.
Nang tumigil ang sasakyan ni Tyler sa harap ng building ay kaagad akong sumakay kahit pa nakakaramdam ako ng ilang ay isinantabi ko na muna iyon. Namimiss ko na si Lola at pagkakataon ko na ulit para mayakap siya ng mahigpit, pero bigla akong natigilan nang maalala kong ngayon na rin siguro ang dating ni Ella Reyes.
"Tumawag sayo si Lola?" Usisa niya, tumango lang ako bilang sagot at diniretso ang tingin sa kalsada. Naka puti white long sleeves lang ulit siya na tinupi hanggang siko niya, sa tingin ko ay kagagaling lang din niya sa trabaho dahil naka-lose din ang neck tie niya.
"K-kasama niya si Ella?" Halos pagsisihan kong lumabas iyon mula sa bibig ko! "Uhm." Matipid na sagot niya.
Ipinikit ko ang mata ko bilang pasasalamat na hindi na siya ulit nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa airport. Mabilis kong sinalubong ng yakap si Lola na hanggang ngayon ay napaka ganda pa rin kahit may edad na. "Lola Aira, I miss you!" Mangiyak ngiyak na sambit ko na nagpahalakhak sa kanya.
"Kumusta? Tama ang Kuya mo, ang ganda ganda mo na lalo." Aniya at humiwalay sa pagyakap sa akin upang haplosin ang pisngi ko. "Mas maganda ka, La." Ngisi ko na nagpatawa rin sa kanya.
Lumingon lingon si Lola at napapitlag ako nang hampasin niya sa likod si Tyler na para bang may kung anong sinisilip doon sa mga dala ni Lola. "Kung lagpasan mo ako parang hindi mo ako nakita!" Bulyaw ni Lola sa kanya. Nagkamot siya ng ulo at humalik sa pisngi ni Lola.
"Where is she?" Usisa niya, siguro ay si Ella ang hinahanap niya. Tumawa si Lola.
"Hanggang ngayon ba naman ay yon ang hinahanap mo! Hintayin mo at pinahuli kong ibaba iyon sa eroplano!" Galit na bulyaw ni Lola na nagpakunot sa noo ko!
"What?! Lola! Buntis siya!" Himutok ni Tyler na nagpalunok sa akin. Kita ko ang pag aalala niya.
Aalis sana siya para pumasok sa loob ng airport pero hinila siya ni Lola sa damit. "Ayan na! Ayan na! Ayan na si Ella! Sinabi ko nang hintayin mo!" Suway ni Lola at itinuturo ang isang lalaki na may tinutulak na cart kung saan nakalagay ang isang malaking cage na may laman na white persian cat, kulay asul ang mga mata nito at napaka kapal ng magandang balahibo nito. Halata rin ang malaking tiyan ng pusang ito.
Ipinikit ko ng mariin ang mata ko dahil sa sobrang pagkainis! Mabilis na lumapit doon si Tyler at binuksan ang cage saka magiliw na hinaplos haplos ang pusang iyon!
"Haay, nako. Mabuti pa kay Ella nag aalala ka samantalang sa akin ay hindi." Pagtatampo ni Lola, narinig kong ngumisi si Tyler.
Tumingin siya sa akin at halos ikuyom ko ang kamao ko nang ngisian niya ako. "Let's go." Aniya habang buhat buhat ng isang kamay niya ang pusa na yon, ang kanang kamay naman niya ang pinanghila niya sa bagahe ni Lola.
Tahimik lang ako sa sasakyan habang siya naman ay masayang masayang nilalaro ng kaliwang kamay niya ang pusa na tinatawag niyang Ella Reyes. Ewan ko, nakakaramdam ako ng inis dahil sa kasiyahang bumabalot sa mga mata niya.
Alam kong may pinaparating ang mga titig na ibinibigay niya sa akin ngayon. "Siya nga pala, sumasama sa akin si Yuri, pero sinabihan ko siyang pag igihan nalang ang pag aaral doon at isang taon nalang ay gagraduate na siya. Ikaw naman kasi, bakit ka nag girlfriend ng mas bata sa iyo, kasing edad palang yata ni Althea iyon." Sermon ni Lola sa kanya na mukhang hindi naman niya pinagbigyang pansin.
Yuri? Isang uri na naman ba ng hayop iyon? Na sasabihin niya rin sa akin na girlfriend niya upang inisin ako? Umirap ako sa kawalan upang pigilan ang pagbabanta ng dila ko na magsalita ng hindi maganda. Hanggang sa makarating na kami sa bahay niya dito sa Manila ay wala pa rin akong imik, inihatid ko na lang muna si Lola doon sa kwartong tutuluyan niya upang makapag pahinga na siya mula sa biyahe.
"Aalis na ako." Malamig na paalam ko sa kanya nang makababa na ako mula sa kwarto.
Nagtaas siya ng tingin sa akin pero hindi niya inaalis ang paghaplos doon sa balahibo ng persian cat na iyon habang nakaupo siya antique na sofa. "Ang bilis naman. Di pa kita napapakilala sa girlfriend ko." Panunuya niya na nagpapait sa laway ko.
Tinignan ko siya ng masama na mas lalong nagpangisi sa kanya. Lumabas ang dimples niya at hindi na niya napigilan ang malakas na tawa kaya naman binuhat na niya yung pusa at iniharap niya ang mukha non sa mukha niya saka nginitian iyon.
"Napaka ganda mong talaga, Ella." Puri niya doon sa pusa.
"Hindi ako nakikipaglaro sayo!" Bulyaw ko sa kanya at saka tinalikuran ko na siya. Akmang lalabas na ako pero natigilan ako nang magsalita siyang muli.
"Hindi ka ba nagtataka? Bakit nagseselos ka sa lahat ng bagay? Nagseselos ka sa kamay ko, nagseselos ka sa pusa. Ang babaw na dahilan pero pinagseselosan mo." Masayang masaya ang boses niya nang sabihin niya iyon. Lumunok ako ng sunod sunod at pinakalma ko ang puso ko na kanina pa nagwawala sa presensya niya.
Narinig kong tumayo siya at naramdaman kong papalapit siya sa akin ngayon. Nagtindigan ang balahibo ko nang hawakan niya ako sa siko at pinilit na iharap sa kanya. "Look at me." Paos ang kanyang boses nang sabihin niya iyon pero nanatili akong nakatitig sa sahig.
"Come on. Di mo kailangang tumakbo palayo, dahil kahit anong gawin mong pagtakbo susundan kita." Pagbabanta niya sa akin.
"Shut up. H'wag kang magsimula ng gulo, Tyler." Matigas na sambit ko na nagpangisi sa kanya. "Hindi na ngayon, Kuya?" Tumatawa pero mapait na sabi niya, hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang tingin ko sa kanya! "Matagal nang nagsimula ang gulo para sa ating dalawa, Althea. Takot ka lang lumaban."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang pagtagpuin niya ang mata naming dalawa. Yung mga mata niyang humihila sa buong katauhan ko ang nagpapahina sa tuhod ko.
"Nag retweet ka pa ng picture namin ni Kate. Para ano? Para lokohin ang sarili mo na wala kang nararamdaman para sa akin." Diretsang sambit niya na nagpatulo sa luha ko!
"Tama na." Galit at matigas na pagbabanta ko sa kanya!
"No. Di ako titigil hangga't hindi sumasabog yang damdamin mo para sa akin!" Desperadong sabi niya, itinulak ko siya sa kanyang dibdib na naging dahilan para magkaroon kami ng awang sa isa't isa.
Ganito naman talaga dapat diba? Malayo kami sa isa't isa.
"Hinding hindi mangyayari ang lahat ng gusto mo!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
Nasasaktan ako. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng matinding pagkirot sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.
"Di ko pipiliting mangyari. Pero pababayaan kong ikaw na mismo ang bumigay." Tawa niya at kasunod non ang pagbagsak ng luha niya. Kita ko sa mukha niya ang sakit at pagod na nararamdaman niya.
Ngumingisi siya pero sa likod non ay matinding pait na sa tingin ko ay ako ang may sala.
"Walang mangyayari! Dahil wala akong nararamdaman para sayo!" Pagpupumilit ko na nagpapitlag sa akin sa sumunod na sinabi niya!
"Wala kang naradamdaman?! Pero bakit ka nagseselos?! Bullshit! Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot yung simpleng tanong ko! Bakit, Althea?! Bakit?!!" Sunod sunod na sigaw niya na nagpagapang ng kaba sa dibdib ko!
"Tumigil ka na!" Mas lalong nag unahang umagos ang luha ko at maging ang sariling pag hikbi ko ay naririnig ko na!
"No! Answer me! WHY. ARE. YOU. FUCKING. JE--"
"Dahil mahal kita!"
***
AN: I'm really sorry, guys. Hirap na akong isingit sa sched ko ang pag-a-update. Gustong gusto kong mag update, pero ang hirap na talaga ngayon. Minsan nga napapaisip na ako, tatapusin ko lang 'tong story ni Tyler at yung PNT, pagkatapos ay aalis nalang muna ako dito sa wattpad. Pero hindi ko rin naman kayang basta nalang iwanan ang pagsusulat. Sorry guys. :( sana maintindihan niyo kung bakit ganito na ako katagal mag update.
Nakakainis na diba? Waa.
Pero, salamat pa rin ng marami sa mga nagbabasa. Good mornight, 5AM na dito.
Love lots,
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top