ALC: Kabanata 14
ALC: Kabanata 14
Panay ang tawag sa akin ni Monet dahil nag yayaya nga pala siyang mag bar kami kasama sina Axel at Cash, pero tinititigan ko lang ang cellphone ko ngayon na panay ang ilaw at vibrate dahil alam kong hindi ako pwedeng magpakita kay Monet na ganito ang itsura ko.
"Di mo ba sasagutin yan?" Iritable ang boses ni Tyler nang suwayin niya ako, tinignan ko siya na ngayon ay malayang nakahiga doon sa long sofa nitong private ward ng hospital kung saan ako naka-confine. Kanina ko pa siya pinapaalis pero ayaw niyang makinig sa akin, tumawag na rin si Mama sa akin at sinabing bukas na bukas ay luluwas na siya pa-Maynila, kaya naman binilin niya sa isang ito na h'wag ako iwanan.
"Ayoko, halata sa boses ko." Dahilan ko sa kanya, matalas ang pagtitig niya sa akin hanggang ngayon dahil sa pagtataboy ko sa kanya.
"Kung mayroong pinaka the best na kaibigan, ikaw na yon. Walangya, handa mong kitilin ang buhay mo dahil lang hindi mo sinasadiyang makalimutan ang birthday niya." Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari sa akin samantalang ako naman ay tanggap ko na, na muli kong nasilayan ang namamaga kong pagmumukha.
"Tsk, manahimik ka na nga." Naiiritang bulyaw ko sa kanya at saka tinalikuran ko na siya, pinili kong ilagay sa drawer ng bed side table ang cellphone ko para manahinik na si Monet sa katatawag.
Dinig na dinig ko ang malalim at mabigat na paghinga niya. Nakakaramdam ako ngayon ng matinding tensyon dahil kasama ko nanaman siya sa hindi sinasadiyang pagkakataon.
Ipinikit ko ang mata ko at muli kong naalala kung paano siya tawagin ni Kate sa isang endearment. Hindi sa nakikialam ako sa buhay niya, pero mali bang mabahala ako dahil sa pagkakaalam ko ay magkakaroon na siya ng pamilya? Bakit niya pa nilalapitan si Monet? Ano ba yung nangyari sa kanila nung gabing pinalitan niya yung light bulb sa condo nito at bakit magkasama na naman sila ni Kate? Nagkabalikan na ba sila? Paano si Ella Reyes? Paano yung bata?
Kinagat ko ang labi ko at nagtalukbong, ako ang naaawa kay Ella Reyes kung nakikita kong bumabalik na naman si Tyler sa pagkababaero niya.
Kinabukasan ay nagising ako dahil narinig ko ang boses ni Mama, pinag uusapan nila ni Tyler ang mga tinurok sa akin na gamot at kung anong katangahan ang ginawa ko kaya ako nagkaganito ngayon.
"Ang kulit talaga ng kapatid mo kahit kailan." Bulong ni Mama at napangiti siya nang mapansing nakamulat na ako.
Dahan dahan akong umupo at tinanggap ko ang halik na binigay sa akin ni Mama sa pisngi. "Pinag alala mo ako, paano nalang kung wala ang Kuya mo?" Suway sa akin ni Mama at pagkatapos ay tumayo na siya para ipaghanda ako ng pagkaing dala niya.
Nagkabanggaan ang mata naming dalawa ni Tyler na mabilis kong iniwasan, hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang pambababae niya.
"Sabi ng Doctor ay pwede ka nang lumabas mamaya, pero kailangan mo pa ring ituloy yung mga gamot na inireseta sayo." Patuloy ni Mama habang isa isang binubuksan ang tupperware na dala niya.
Naglakad naman si Tyler patungo sa pwestong pinagtutuunan ko ng pansin at nakahalukipkip siyang titig na titig sa akin nang maupo siya doon sa long sofa.
Inirapan ko siya na nagpangisi sa kanya. Naiinis talaga ako, kung hindi pa pala siya handang magkaroon ng pamilya bakit hinayaan niyang mabuntis si Ella Reyes? Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang issue ko kahit na nakatulugan ko na ang pagmumukmok nang dahil sa kanya!
"Oh, kumain ka na muna." Pag aalala ni Mama at iniabot sa akin ang isang plato ng pagkain. Kaagad kong nilantakan iyon at kahit ramdam ko ang malalim na pagtitig sa akin ni Tyler ay nakukuha kong isawalang bahala iyon.
"Ma, mukha palang pusa si Althea kapag namamaga ang mata." Narinig kong ngisi niya na pinagtawanan naman ni Mama.
"Inaasar mo na naman ang kapatid mo." Halakhak ni Mama sa kanya.
"Seryoso." Bulong niya, tinignan ko siya ng masama na mas lalong nagpangisi sa kanya at kasunod non ang pagpapakitang gilas ng dimples niya.
Hinampas siya ni Mama sa braso at sinabihan na kumain na.
Maghapon ko pa ring hindi kinausap si Tyler kahit pa maya't maya niya ako inaasar. Si Mama naman ay naging abala sa pakikipag usap sa Doctor at nurse para makalabas na ako ng ospital at pagsapit ng alasais ng gabi ay pinayagan na rin naman akong lumabas.
"Sa bahay ko nalang, Ma, tutal naman bukas ay babalik ka na ng Zambales, balita ko pupunta sila Tita Kei doon." Suhestiyon ni Tyler habang nagmamaneho, nagtatalo kasi silang dalawa ni Mama kung sa hotel o sa bahay niya muna kami mag-stay ni Mama.
Sumabat naman ako kanina na doon nalang sa unit ko pero gusto rin daw makasama ni Mama si Tyler. Ang problema kasi sa unit ko ay iisa lang ang kwarto.
"Alright, tutal naman hindi pa nakakapunta si Althea sa bahay mo." Sambit ni Mama at nakita ko sa rear mirror ang pag-ngiti ni Tyler kasabay ng pagliko niya ng sasakyan niya.
Awtomatikong bumukas ang kulay itim na gate ng isang malaking bahay at mabilis na ipinasok ni Tyler ang kotse niya.
"Let's go." Ngisi niya at nagtanggal ng seat belt saka bumaba siya para pagbuksan kami ni Mama ng pinto sa backseat.
Makaluma ang style ng bahay na ito kahit pa mukhang bago ito. Bagay na bagay ito sa Cadillac Eldorado niyang sasakyan, pakiramdam ko ay naging lumang tao rin ako dahil sa itsura ng bahay niya.
Excited naman akong hinila ni Mama papasok sa bahay at pagkabukas palang ng pinto ay tumambad sa mga mata ko ang isang bilog na chandelier na may ilang letra na nakaukit pero hindi ko gaanong makita ang nakasulat doon.
Ang buong bahay napapalibutan ng mga modern antique furniture. Kulay puti ang pinta ng pader at ang kurtina naman na ginamit niya sa isang malaking pintuan patungo sa patio ay kulay itim.
"Wow, bago 'to ah? Wala pa 'to dito nung pumunta kami ng Daddy mo." Patukol ni Mama doon isang painting na ang itsura ay isang lalaki na nakatalikod at may kung anong tinatanaw mula sa malayo, nang lapitan ko ang painting ay nakita kong isang eroplanong papel ang tinatanaw ng lalaki doon sa painting.
"Ah, yeah." Garalgal na sagot niya kay Mama. "Saan mo nabili?" Tanong ni Mama at nang lumingon ako sa kanya ay sa akin na siya nakatingin pero kaagad din niyang ibinaling ang pagtitig kay Mama.
"Galing Japan yan, Ma. Nga pala Ma, I have four bed rooms, saan niyo gustong matulog?" Pagbabago niya ng usapan, ngumisi si Mama na parang bata at kumapit sa braso ni Tyler.
"Dun tayong tatlo sa kwarto mo!" Desisyon ni Mama na nagpalaki ng dalawang mata ko!
"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Mama, hinila naman ako ni Mama at magkakasabay kaming unakyat doon sa mala-modern antique na hagdan ng bahay at sa unang pinto ay doon kami pumasok.
Sa amoy palang ay nakumpirma ko na kaagad na sa kanyang kwarto ito, simple pero masasabi kong napaka ganda.
"Kasya naman tayo diyan sa double king size bed mo!" Hiyaw ni Mama at mas lalo pa kaming hinila na dalawa saka tumalbog kaming tatlo doon sa malaking kama!
Nasa gitna naming pareho si Mama at magkakasunod na paglunok ang nagawa ko nang maamoy ko ang mabangong pabango niya sa bed sheets. "Sobrang laki nitong kama mo anak, mag aasawa ka na ba?" Pagbibiro ni Mama na nagpaubo kay Tyler, hinampas naman ni Mama sa braso ito at humalakhak.
"Kung makaubo ka naman parang wala kang balak. Noong pinapagawa mo pa 'tong bahay mo, nabanggit sa akin ng Lola mo na dito mo raw ititira ang mapang aasawa mo. Maganda yan, naghahanda ka na para sa future niyo." Litanya ni Mama, dito? Ibig sabihin ay dito sila maninirahan ni Ella Reyes kasama ang anak nila.
"Yang malaking picture frame na yan? Na walang laman? Plano mong papintahan ng litrato niyo ng mapapang asawa mo at ng mga anak niyo." Dagdag pa ni Mama, narinig kong tumikhim si Tyler.
"Mukhang napapadalas ang kwentuhan niyo ni Lola." Malamig na sambit niya at nahalata iyon ni Mama. Tumagilid si Mama sa kanya para matitigan ito. "Ikaw naman, kinukulit ko kasi ang Lola mo. Tinatanong ko kung may girlfriend ka bang talaga doon sa Japan? Aba, anak, mag-tu-twenty eight ka na sa December, wala ka bang balak magpakasal? Bigyan mo na ako ng apo!" Bulyaw ni Mama sa kanya.
"Tsk." Patunog niya, "Ma, naman, nagmamadali ka masyado." Iritableng sabi niya na nagpatahimik kay Mama. Narinig ko ang malungkot na tawa ni Mama.
"Hindi naman. Gusto ko lang naman makita ang magiging pamilya mo, kung sino ba ang mapapang asawa mo? Aalagaan ka ba niya kagaya ng pag aalaga ko sayo? Kung ilang supling ba ang magiging apo ko. Gusto ko, bago ako mamatay makita ko yon. Pati si Althea, gusto kong may makilala siyang mabuting lalaki katulad ng Daddy mo, sa ngayon si Cash palang ang nakikita kong umaaligid sa kapatid mo." Litanya ni Mama na nagpakirot sa puso ko, bakit ba naiisip ni Mama ang mga bagay na 'to? Bakit kailangang isipin niyang mawawala siya?
"Ma naman. Kung magsalita ka parang gusto mo na kaming iwan. Ano ka ba, Ma? Makikita mo pang mag asawa yung magiging anak ko!" Singhal ni Tyler at narinig ko ang panginginig ng boses niya.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Alam mo namang traydor ang sakit ko. Traydor ang puso, kung sa pag ibig nga hindi mo malabanan ang puso, paano pa kaya yung talagang literal na sakit sa puso?" Ngisi ni Mama, hinilamos ni Tyler ang mukha niya at huminga ng malalim.
"Isusumbong kita kay Dad!" Inis na inis na sigaw niya at tumayo na siya saka dinukot ang cellphone sa bulsa! "Tyler anak!" Natatawang sigaw ni Mama at pilit hinihila sa braso ito!
Umupo rin ako at halos matawa ako sa pangungulit ni Mama kay Tyler.
"Tsk, Ma!" Sigaw niya at itinaas ang cellphone saka pinindot iyon upang tawagan si Dad.
"Hello, Dad? Nandito ka pa sa Manila, right?" Kunot noong bungad niya nang matawagan na si Dad.
"Anak!" Tumatawang bulong ni Mama.
"Sunduin mo dito sa bahay ko ang asawa mo, Dad. Hindi ko makaya ang pagdadrama niya, ako ang magkakasakit sa puso sa sinasabi niyang mawawala na daw siya." Seryosong sambit niya at kaunting inilayo ang cellphone sa tainga, narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Dad!
"No! Drake, h'wag ka ngang maniwala diyan sa anak mo!" Tawa ni Mama, niloud speaker naman ni Tyler ang tawag at narinig ko ang pag aalala sa boses ni Dad.
"I'm on my way, Kei Marie, mag uusap tayo mamaya." Ma-awtoridad na sambit ni Dad at pagkatapos non ay nag busy na sa kabilang linya.
"Tyler!" Sigaw ni Mama, "Iuuwi niya ako sa Zambales! Gusto ko kayong makasama ng kapatid mo!" Sigaw ni Mama, umiling si Tyler. "Kulit mo kasi Ma, walang mawawala!" Sigaw niya sa aming dalawa ni Mama saka iniwanan kami sa kwarto.
Panay naman ang halakhak ni Mama at panay ang sabi niya sa akin na parehong pareho magalit si Dad at Tyler. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Dad at mabilis rin silang umalis ni Mama.
"Let's go." Biglang sabi niya na hawak hawak ang susi ng kotse. "Huh?" Pagtataka ko.
"Dahil ba sa mga tinurok sayong gamot kaya naging ulyanin ka na?" Usisa niya na nagpaawang sa bibig ko, lumabas na siya ng bahay at ako naman 'tong sumunod sa kanya.
Panay ang sigaw ni Monet doon sa dance floor kasama ang mga staff namin habang ako naman dito ay sumisipsip ng alak na inorder ko. Ngayong gabi nga pala ang party na ipinangako namin sa lahat ng staff at kasama din namin ngayon sina Tyler, Cash at Axel.
"Nakakatawa 'tong si Monet!" Halakhak ni Axel nang tumungga ng beer doon sa boteng hawak. "Nababaliw na yan." Ngisi ni Cash, kami naman ni Cash ay nakakaramdam ng pagkailang sa isa't isa, pero kahit papaano ay nakukuha kong sagutin ang mga ngiting binibigay niya sa akin.
"She's cute." Puri ni Tyler na nagpabaling sa akin sa kanya. "Babaero." Hindi ko na napigilan ang pagbulong ko kaya naman mabilis kong kinagat ang labi ko.
"What?!" Tumatawang tanong sa akin ni Tyler habang pinupunasan ang labi na may alak. "Ha?" Patay malisyang sagot ko.
Ngumisi siya at umiling. Maya maya lang ay bumalik na si Monet na pawis na pawis mula sa pagkakasayaw. "Grabe! Hindi ko inexpect na mas lalong lumala sa pagsasayaw yang si Winnie!" Halakhak niya at tumungga ng alak, umupo siya sa tabi ko.
"Kumusta? Balita ko may sakit ka? Kaya ba hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi?" Usisa niya sa akin, tumango nalang ako sa kanya bilang sagot dahil ayokong malaman niya ang nangyari sa akin sa pagkain ng seafood. Laking pasasalamat ko din dahil bumalik na sa normal ang itsura ko dahil sa mga gamot na tinurok sa akin pero kahit papaano ay nakakaramdam pa ako ng pagkahilo.
Biglang tumawa ng malakas si Cash at Axel. "Seriously, bro?!" Sigaw ni Axel!
"Gago!" Sigaw ni Tyler, hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila dahil mula nang bumalik si Monet galing sa dance floor ay kaming dalawa na ang nag kwentuhan.
"Hindi ako naniniwala! Ikaw? Walang sex life sa Japan? Come on, bro, daming seksing japanese dun!" Sigaw ni Axel na nagpangiwi sa aming dalawa ni Monet dahil mukhang kabastusan na naman ang pinag uusapan nila.
"Ulol, hindi ako papatol sa Japanese."
"Pero, may lahi kang Hapon!" Tawa ni Cash saka tumungga ng alak. "Lahing hapon? Wala pa ngang kalahati yon." Pagtatanggol niya sa sarili.
Pero natigilan kaming lahat nang biglang may magsalita sa likod namin na babae. "Pero, si Tyler ang kilala kong kahit may kaunting dugong Japanese eh maipagmamalaki mo talaga, madilim man o maliwanag." Lumingon kaming dalawa ni Monet at halos hindi ko napigilan ang pag ubo ko ng sunod sunod! Para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko doon sa huling tagay ko ng alak.
"Come on, Kate! Walang kupas!" Sigaw ni Axel at tumayo pa siya para alalayan si Kate patungo sa tabi ni Tyler, umusod naman siya para bigyan ito ng space at umupo sa tabi niya.
Umakbay naman si Tyler sa kanya habang umiinom ng alak. Hindi ko alam pero napupuno na talaga ako.
Mabilis akong tumayo at nagpaalam na pupunta sa rest room, sumunod naman sa akin si Monet na sa tingin ko ay mabuti na rin dahil makokompronta ko na siya tungkol sa kanilang dalawa.
"Grabe, ang landi ha?"
"Monet, may relasyon ba kayo ni Tyler?" Diretsong tanong ko na nagpaangat sa labi niya at kasunod non ang malakas na pagtawa niya.
"Ako? At yang Kuya mo magkakarelasyon? Never!" Hindi niya mapigilan ang pagtawa.
"Eh kung ganoon, ano yung sinasabi mong magaling sa pagkapa?!" Tumaas ang boses ko na nagpagulat sa kanya.
Tumawa siya. "Hey, chill!" Halakhak niya.
"Ginugulat mo ako. Magaling sa pagkapa?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin, nag iinit na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Ano bang pakialam ko sa buhay niya? Ang sa akin lang naman hindi pa ha siya kontento na magkakapamilya na siya? Bakit kailangan pa ng maraming babae?!
"Y..yung ano! Nung isang araw? Sa unit mo!" Nauutal na sabi ko.
"Ah!" Sigaw niya. "Yun ba? Kasi nga napundi yung ilaw ko sa unit ko. So, bumili ako ng light bulb para sana palitan, sumakto nung araw na yon pinadaan ko siya sa unit ko para sa mga payment slips na ibibigay ko. So nakiusap na rin ako sa kanya na baka pwedeng palitan yung ilaw, at ako naman si tanga wala manlang flash light para ilawan siya sa pagkakabit, yung cellphone naming dalawa hindi sapat yung ilaw, so ang nangyari kinapa kapa niya sa dilim yung butas para sa light bulb and then ting! May ilaw na! Teka nga--" Litanya niya na nagpaawang sa bibig ko.
"Ano bang iniisip mo?!" Patuloy niya.
"So..walang nangyari sa inyo?" Bulong ko at para bang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko. "My god! Althea! Ang laswa ng isip mo!" Halakhak niya at lumabas na siya ng cr.
Sumigaw ako at ginulo gulo ko ang buhok ko dahil sa kalokohang bumabalot sa utak ko! Ano bang nangyayari sa akin?
"Siguro araw araw kayong merong labanan sa dilim?" Iyon ang naabutan kong usapan nila sa gitna ng mesa. Panay naman ang inom ko ng alak at ramdam kong nakatitig na naman siya sa akin dahil napapaso ako.
"Hey, dami mo nang naiinom." Suway sa akin ni Cash, nginitian ko siya at umiling saka tumungga pa ako ng isa pa.
Kailangan kong gisingin ang utak ko sa mga bagay na hindi ko naman naiisip noon. My god, magtu-twenty three na ako pero yung utak ko late pa ring mag isip. Bakit ko ba kasi pinag isipan ng masama si Monet?
"Hindi nga eh. Naninibago ako dito kay Tyler, dahil simula nang bumalik siya from Japan palagi lang kaming nagla-lunch or dinner. Feeling ko nga mananaba na ako sa kaka-treat niya sa akin." Kwento ni Kate, oh edi sila na ang palaging sabay kumain.
Gosh.
Nagtatalo ang konsensya at puso ko. Hindi ko gusto yung kaunting kirot na bumabalot sa puso ko at yung bigla biglang pagsingit ng konsensya ko sa bawat maririnig kong salita.
"Nagbago na. Good boy na yata? Niyayaya ko nga kahit one night lang, ayaw!" Biro ni Kate na nagpahalakhak kela Cash.
Dahan dahan akong bumaling sa kanya at halos pagsisihan ko iyon dahil nakatitig pa rin siya sa akin! Malalim iyon at malamlam, pero kahit sa akin nakatuon ang mga mata niya, nakapatong naman ang bisig niya sa balikat ni Kate at hinihiligan pa ni Kate ang balikat niya na sa tingin ko ay mas gusto kong ako ang nakakulong. Damn it, nanginginig ang buong katawan ko sa selos na bumabalot sa akin.
Alak.
Alam kong mapapakalma ako nito. Ganun daw yun eh, kapag pakiramdam mo natetense ka, uminom ka lang ng alak. Pero isang kalokohan pala, dahil mas maraming alak ang inumin ko mas lalo kong gustong sumabog.
Inirapan ko siya at sa ilang pagkakataon tinungga ko ulit ang alak na sinalin ko sa shot glass, punong puno iyon at halos mapapikit pa ako sa diretsong pag inom ko.
"Asa ka na ba ngayon kay Mariang palad?" Tumatawang tanong ni Axel kay Tyler na tinawanan ng lahat. Ako naman itong walang kaalam alam sa pinagsasasabi nila.
"Wow, Ella Reyes, Kate tapos Maria? Dami mo namang babae." Ngumingising sabi ko, rinig ng tainga ko ang pagkabulol ko dahil siguro sa alak? Ewan ko, biglang lumakas ang loob ko at para bang hindi ko na mapigilan ang bibig ko. Bumibilis din ang pintig ng puso ko na sa tingin ko ay abnormal na.
Nagtawanan silang lahat. Tumingin ako sa kanya at kahit nagbu-blur na ang paningin ko ay napapamura pa rin ako sa kagwapuhan nitong babaero na 'to. Ang galing naman, kaya siguro kapag nag ba-bar siya maraming naaakit sa kanya kasi kapag nakarami ka na ng alak mas lalo siyang gumagwapo.
Nginitian ko siya at nakita kong umangat ang labi niya kasunod non ang pag-galaw ng adams apple niya. Halos maningkit na ang mata ko sa pag ngiti sa kanya at muling gumalaw ang adams apple niya.
May gusto akong itanong sa kanya, pero kailangan ko pa ng lakas ng loob kaya naman uminom pa ulit ako ng tequila at vodka na nasa harap namin. "Shit. Tama na." Suway sa akin ni Cash pero hinampas ko ng mahina ang braso niya.
"Ano ba?" Tawa ko. "Althea, anong nangyayari sayo? Hindi ka naman lasengga ah." Tawa ni Monet at hinaplos haplos ang likod ko.
"Hoy! Ikaw!" Sigaw ko at dinuro ko 'tong walangyang gwapo sa harapan ko na may akbay akbay na napaka seksing babae.
"Mamili ka! Isa lang dapat!" Hindi ko alam kung bakit sa pandinig ko ay puro 'H' at 'S' na yata ang pananalita ko.
"Si, Ella ba? Si Kate? O si...Maria? Isa isa lang! Confuse lang? Hindi makapili?! Nakakainis ka na eh, nananakit ka ng damdamin!" Sigaw ko na nagpatawa sa kanila.
"Lasing na si Althea, ihahatid ko na siya." Narinig kong sabi ni Monet.
"Lasing? Hindi ako lasing noh! Nakakalahati palang natin yung tequila at vodka lasing kaagad?!" Sigaw ko, hinila ni Cash sa kamay ko yung shot glass at para bang sumama ang loob ko sa kanya.
"Lasing ka na. Baliko na yung dila mo, madaldal ka na rin." Tawa ni Monet.
Siguro nga ay madaldal ako at nabubulol pero hindi ako lasing. Sadiyang malakas lang ang loob ko ngayon sa hindi ko malamang dahilan.
Itinaas ko sa ere ang hintuturo ko at ngumiti ako. "Mag-ccr ako." Paalam ko.
"Samahan kita!" Sigaw ni Monet.
"No! Kaya ko! Malaki na ako!" Ngisi ko at tumayo na ako, muntik pa akong madapa pero nagawa kong pigilan at tinawanan ko pa sila.
Paekis na ang lakad ko at hindi ko alam kung bakit ligayang ligaya ako ngayon sa nararamdaman ko. Para bang may nailabas akong tinik na matagal nang nakatusok sa katawan ko, pero may natitira pa.
Papasok na sana ako ng cr nang biglang may humablot sa akin sa braso!
"Oh!" Tawa ko at tinuro ko ang gwapong mukha niya. Seryoso iyon at matalim ang pagtitig sa akin. "Umuwi na tayo." Ma-awtoridad na sabi niya.
Tumawa ako at dinuro ko ang dibdib niya. "Wow..may abs ka ano?" Tawa ko at tinusok tusok ko ang dibdib niya, kumunot ang noo niya at hinuli niya ang kamay ko!
Sa pagkulong niya sa kamay ko ay nakaramdam ako ng matinding kaba. Para bang may sasabog sa dibdib ko! "Umuwi na tayo, lasing ka na." Aniya.
Ngumuso ako. "Dinala mo ako dito, tapos uuwi tayo. Nakakatawa ka. Galit ka lang eh, kasi di ka makapili sa mga babae mo!" Bulyaw ko sa kanya at tatalikuran ko na sana siya pero hinila niya ulit ako.
"Althea Lauren..." Mariin na tawag niya sa akin at para bang nag aalab sa galit ang mata niya. "Oh? Kilala mo ako?" Ngisi ko.
"Kilala rin kita. Kaya lang nakalimutan ko ang pangalan mo. What's your name again?" Ngiti ko sa kanya pero nagmura siya.
"Tangina. H'wag kang ngumiti ng ganyan."
"Ano?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang binulong niya. Yung pagmumura lang ang narinig ko at napaka seksi non!
"Ulitin mo nga yon! Magmura ka ulit!" Sigaw ko sa kanya pero napaatras ako dahil mas lalong nag alab sa galit ang mata niya.
Napahiyaw ako nang buhatin niya ako na parang sako ng bigas! Umikot ang mundo ko at nabibingi ako sa sariling sigaw ko! Pinaghahampas ko ang likod niya!
"Fuck you! Mamatay na babaero!" Sigaw ko habang sinusuntok suntok ko ang likod niya pero hindi ko alam kung nabibingi na ba ako dahil puro pag ngisi lang mula sa gwapong babaerong hindi ko maalala ang pangalan!
"Ella Reyes! Kate! Maria Palad! Dami mong babae! Isa lang dapat!" Sigaw ko!
"Damn it, are you fucking jealous?!" Sigaw niya na hindi ko manlang marinig dahil sa ingay sa paligid. Isa lang ang sigurado kong naririnig ko sa bawat pananalita niya, iyon ang mapaglarong pag-ngisi niya!
Pero bago pa magdilim ang paningin ko ay bumulong ako ng salitang ni sariling tainga ko ay hindi nakarinig. "Oo."
***
A/N: Thank you sa pagbabasa babies! Wala munang bati section ngayon. Anong oras na kasi akong nakapagtype ng update dahil ayaw gumana ng wifi namin kanina dito sa flat. So, thank you guys! I love you!
Love lots.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top