ALC: Kabanata 12
Hello kela --
@MiHanUiKaZsuMi @MissLorrainEBM @vanillatwilight @jhenjhenjhen16 @angxlicamarie @yannie07 @CarminaChia @tiniweenee @Xieliza_Mherl @mylesarizo @Blue_Nymphs @MissGoneGirl @LJmakai @Kheemoe @EtherionScarlet @ireneheight @KhateRenshelle @AngelmatetOliveros @chellearcelan @LhynSnobera @kotorihikari @joanamatubang @ShainiggsisLOVE @mika_shhaito01
Thank you! :)
ALC: Kabanata 12
Buong magdamag ay naging tahimik lang ako matapos ang pag amin ni Cash sa akin. Hindi ako nakapag salita dahil sa isang katotohanang gumugulo sa isipan ko.
Yung mga titig niyang alam kong nakita ko na noon ay hinding hindi ko na maiiwasan pa. Nakikipagtawanan siya ngayon sa mga kaibigan niya tungkol sa mga pambabae niya noon.
"Para ka namang may pinagluluksa diyan." Pang aasar sa akin ni Monet dahilan para bumaling ako sa kanya. "Ano ba? May boyfriend ka na!" Ngisi niya at hinampas ang braso ko, tinitigan ko si Monet at inilingan ko siya. Umangat ang labi niya at mukhang nakuha niya ang gusto kong iparating.
Alam kong hindi ako namalikmata kanina, alam kong luha ang nakita ko sa mga mata niya pero bakit nang mawala lang sandali ang pagtitig ko sa kanya ay nakita ko na ang pag ngisi niya. Binati niya pa si Cash matapos ang insidenteng yon.
"So paano? Mukhang matatagalan na naman bago makumpleto ang barkada?" Ngisi ni Axel nang lahat kami ay nakalabas na ng restaurant, nauna nang umuwi sila Kuya Ethan at Claire dahil inaantok na raw si Claire.
"Mas madali na ngayon, nandito na si Tyler." Halakhak ni Cash at inakbayan si Tyler na kanina pa hindi mawala ang ngisi sa labi.
"Next week? Bar tayo!" Anyaya ni Axel, tumikhim si Cash at lumipat ang pag akbay niya sa akin. "Pass muna ako diyan." Sabi niya na may halong paglalambing sa boses, tumitig sa akin si Tyler at Axel na nginingitian kaming dalawa.
"Kapag may girlfriend pass kaagad?" Halakhak ni Axel, "Sumama ka kaya Althea?" Patuloy niya.
Marahan kong inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Cash at hindi ko alam kung lumabas ba sa mukha ko ang pagkailang.
"No. Kayo nalang, sumama ka Cash." Wala sa sariling bulong ko at lumapit ako kay Monet.
"Come on. Kasama naman ang Kuya mo, hindi ba Tyler papayag ka? Saka isa pa, hindi na bata yang kapatid mo." Bungisngis ni Axel at tinapik sa braso si Tyler.
Ngumiti siya at nagkibit balikat. "Nasa tamang edad na yan. Wala na akong magagawa kung anong desisyon ang gusto niyang pasukin." Tawa niya na hindi manlang nagbibigay tingin sa akin.
"Alright!" Sigaw ni Cash.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ngayon 'to. Bakit mas tumindi yung pagbabaga ng puso ko sa tuwing may sasabihin siyang sa tingin ko ay hindi ko nagugustuhan.
Pero alam kong kahit anong mangyari mananatiling isang lihim ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Nagawa kong itago noon at lumayo siya, ngayon pa kayang matagal na kaming hindi nagkita?
"Ihahatid mo ba sila Monet, Cash?" Biglang pagbabago ni Tyler ng usapan. "Yes, Kuya." Pang aasar ni Cash sa kanya kaya naman sinuntok siya nito sa tiyan.
Minura niya si Cash at lumapit siya kay Monet para halikan 'to sa pisngi. "Ingat kayo." Aniya, sumunod na lumapit si Axel kay Monet at hinalikan din ito sa pisngi para magpaalam.
Lumapit din siya sa akin at napalunok ako nang tignan niya ako sa mata ko, isang marahan na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Ingat." Sabi niya at hindi ko alam kung paano nangyari dahil isang mabilis na halik sa pisngi ko ang ginawa niya gamit ang mainit niyang labi na nagpakaba sa akin ng sobra sobra!
Tumalikod na siya at hindi na ako binigyan ng pangalawang tingin saka sumakay na sa lumang kotse niya.
Ramdam ko ang panghihina ko dahil sa halik na iyon at hindi pu-pwedeng ganito.
__
Humiga sa tabi ko si Monet nang matapos na rin siyang mag-shower. Alas dose na kami nakauwi dito sa unit ko mula sa dinner kasama sila Cash at alam kong kahit hindi ako magsalita ay nararamdaman ni Monet na may problema ako.
Tumagilid siya at ramdam kong nakatitig siya sa akin kahit pa sa kisame nakatutok ang mga mata ko. "Hindi mo gusto si Cash ano?" Biglang bulong niya, hindi ako umimik pero naramdaman ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtulo ng luha ko.
Pinunasan niya iyon. "Ang hirap niyang tanggihan sa harap ng mga kaibigan niya." Patuloy niya.
Kung tutuusin kaya kong gawin iyon. Pero dahil kaibigan ko si Cash, nahirapan akong wasakin ang damdamin niya.
"Sa tingin ko ramdam ni Cash yon, dahil nung pauwi tayo kanina hindi ka umiimik. Nauna ka pa sa aking maglakad papasok ng tower. Nagkausap kami kanina, sorry daw." Kwento niya, tumagilid ako at tinitigan ko si Monet na ngayon ay may pag aalalang pagtitig sa akin.
"Monet, mabait si Cash. Kung tutuusin napaka-swerte ko para magustuhan niya." Umiiyak na bulong ko. Humawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko at kinagat ko ang ibabang labi ko bago sabihing. "Pero, hindi pala matuturuan ang puso. Oo, maaaring yung puso ang pumipili ng mamahalin natin, pero hindi ko naman akalain na wala pala 'tong sini-sino. Dahil kapag tumibok na 'to, mahirap na palang pigilan." Mas lalong lumandas ang luha sa mga mata ko.
Alam kong hindi naiintindihan ni Monet ang gusto kong sabihin. Ayoko rin namang ipaalam sa kanya dahil hindi magandang tignan at higit sa lahat, hindi tama.
Niyakap ako ni Monet at hinayaan niya akong umiyak nang umiyak sa balikat niya hanggang sa makatulugan ko na iyon.
__
"Coffee tayo." Yaya ni Monet sa akin matapos ang trabaho namin, inilingan ko siya nang hindi ko inaalis ang tingin sa laptop ko.
Narinig kong huminga siya ng malalim pero hindi ko pa rin pinansin iyon, nagpatuloy ako sa pagsagot sa mga emails sa akin. "You sure? Aabutin ka na naman ng madaling araw dito, mabuti nga at maaga na tayong nakakauwi ng dalawang araw." Aniya, tumigil ako sa pagtipa at nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"One hour nalang, tatapusin ko lang ito." Sabi ko, nagkibit balikat siya at nagpaalam na sa akin.
Sa dalawang araw na lumipas ay pilit kong inaabala ang sarili ko para makalimot sa kung ano mang weirdong pakiramdam ang mayroon ako ngayon. Dalawang araw na rin akong hindi nagpapakita kay Cash at alam kong tinatawagan niya ako, dahil nagtext siya kay Monet na nakapatay ang cellphone ko.
Pinili ko kasing h'wag na munang makipag usap sa kahit na sino bukod kay Monet at sa mga katrabaho ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko yung kirot sa puso ko sa isiping wala na siyang pakialam sa akin.
Oo nga at pinili kong ganito na sana siya, na walang pakialam sa akin at wala nang nararamdaman na kung ano. Pero bakit sobrang sakit? Bakit bawat paglunok ko may bumabara sa lalamunan ko?
Nang lumipas na ang isang oras ay lumabas na rin ako ng office ko. Wala na ang mga staff namin doon kaya naman malaya na akong naglakad patungo sa elevator.
Mas gusto ko yung ganito, yung tahimik yung paligid ko mas nakakapag isip ako ng maayos at mas gumagaan ang pakiramdam ko.
Dahil napansin ko sa sarili ko, the more na may nakapalibot sa akin mas nahihirapan akong magtago ng totoong nararamdaman ko. Hindi katulad kapag mag isa ka, malaya mong naipakakawala yung totoong nararamdaman mo.
Sinilip ko ang wrist watch ko at napahinga ako ng malalim nang makita kong alas otso na ng gabi at medyo kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Masakit na rin ang paa ko dahil sa suot kong heels, idagdag pa yung pagpara ko sa mga taxi na may mga nakasakay naman pala.
Ilang sandali pa ay nakatiyempo na ako ng taxi na walang sakay. Huminto na yon sa harap ko pero nang bubuksan ko iyon ay biglang nagsara non at tinapik tapik ang ibabaw ng taxi dahilan para umalis iyon sa harap ko.
Bumaling ako sa nagsara ng pinto ng taxi at napaatras ako ng kaunti nang makita kong si Tyler pala.
Seryoso niya akong tinitigan sa mga mata ko habang nakapamulsa ang isang kamay niya. Nakakulay maroon na half sleeve polo siya at neck tie na itim, magulo ang kanyang buhok na mas lalong bumagay sa kanya. "Nasaan si Cash? May boyfriend ka, pero magta-taxi ka?" Sermon niya sa akin dahilan para kumawala ang dimples sa pisngi niya, napakurap ako at hindi makapag salita. Para bang ang kaninang pagod na nararamdaman ko napalitan ng matinding kaba na akala mo may marathon akong sasabakan!
"A..anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling sagot ko sa kanya. Napansin ko ang pagkairita sa mga mata niya nang hilahin niya ang bag ko na nakasabit sa braso ko at nauna na siyang maglakad.
Para naman akong de remote control na sumunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at hinayaan niya akong makasakay doon, ibinigay niya sa akin ang bag ko bago niya tuluyang isinara ang pinto at umikot sa harap para makasakay sa driver seat.
Maingat niyang pinaandar ang kotse paalis sa tower ng opisina namin ni Monet. Kahit luma na itong kotse niya ay napapanatili pa rin niya ang magandang makina nito at ang aircon na talaga namang tumatagos sa balat ko ang lamig. Sa natatandaan ko ay itong kotse na 'to ang napili niyang bilhin nung tumuntong siya ng college. Mahilig siya sa mga lumang bagay at kadalasan ay pumupunta pa siya sa mga biddings para lang makuha yung gusto niya.
Sa sobrang kaba ko ay hinawakan ko ang dulo ng dress ko na hanggang kalahati nalang ng hita ko ngayong nakaupo na ako.
"Hahatid ko sana yung mga papers na pinadala mo sa secretary ko. Pero sabi ng guard wala nang tao sa loob kaya iniwan ko nalang sa kanya." Pagbukas niya ng usapin.
"O..okay, kukuhanin ko nalang sa susunod na araw." Sabi ko, naramdaman kong bumaling siya sa akin. "Wala kang pasok bukas?" Usisa niya sa akin, bakit ba pakiramdam ko mas lalong bumabagal ang oras ngayon?
"Wala, binigyan ako ni Monet ng holiday dahil sa ilang araw na over time. Double pay sana, pero naisipan kong dalawin sila Mama bukas." Paliwanag ko sa kanya.
"I see." Matipid na sagot niya, nag stop light kaya naman mas naramdaman ko ang tensyon sa aming dalawa o ako lang ang nakakaramdam ng tensyon na 'to?
Napapitlag ako nang marinig kong tumunog ang cellphone niya. Bago yon at ngayon ko lang nakita iyon, ngumisi siya at mabilis na sinagot iyon gamit ang bluetooth earphone habang nagmamaneho.
"Grandma!" Masiglang bati niya, tumingin nalang ako sa labas ng bintana pero hindi maiwasan ng tainga ko ang pakikinig dahil sa magandang boses niya.
"I'm good, how are you?" Para siyang bata na giliw na giliw sa kausap. Bawat halakhak niya ay naghahatid ng kiliti sa tainga ko. Ipinikit ko ang mata ko at pilit kong pinapakalma ang sarili ko, hindi na maganda 'tong nararamdaman ko.
"What? Pinainom mo ba ng gatas yan bago matulog?" Napamulat ang mata ko dahil sa tono ng pananalita niya na punong puno ng pag aalala. "Bakit ayaw kumain? Isang buong araw?" May halo ng pagkairita ang boses niya.
"Tsk, pakausap nga." Naiinis na sambit niya. Gusto kong kumawala sa sasakyan na ito ngayon na dahil kung hindi ako aalis, yung puso ko ang kakawala.
"Sweetheart.." Malambing na tawag niya na naghatid ng kirot sa puso ko. "Kaunting araw nalang, uuwi na kayo ni Lola dito sa Pinas. Kaunting tiis nalang, magkakasama na tayo. H'wag nang matigas ang ulo, kumain ka na, makakasama yan sa baby." Pag aalala niya, mariin kong ipinikit ang mata ko at para akong tanga na kumanta kanta sa isip ko para lang pagtakpan ang kumikirot na pakiramdam ko!
What happened to you, Althea? Hindi ba't iyan naman ang gusto mo? Ang makitang masaya siya sa iba at hindi sayo? Dahil kung sayo lang siya mapupunta alam mong hindi tama! H'wag kang umasta na para bang iniwanan ka!
Nagpanggap na lamang akong tulog hanggang sa maramdaman ko nalang na ginigising niya ako. Nang imulat ko ang mata ko ay laking pasasalamat ko dahil sa wakas ay nakarating na rin sa tower ng condo ko.
"Anong oras ka aalis bukas?" Tanong niya habang inaalis ko ang seat belt ko. "Maaga, mga alas singko siguro." Sagot ko.
"Alright, i-kumusta mo nalang muna ako kela Mama." Sabi niya, tinanguan ko siya kahit pa sa isip ko ay may nagsusumigaw na sabihin kong sumama siya sa akin. But, no, hanggang sa isip nalang iyon.
"I will. Salamat sa paghatid." Sabi ko at akmang bababa na sana ako pero nagsalita pa siya nang hindi ako tinitignan.
"Buksan mo phone mo, dalawang araw nang patay." Sambit niya na nagpakaba sa akin pero mabilis na nilipad ang kaba ko nang magpatuloy siya. "Since wala ka sa trabaho bukas, i-a-update kita regarding sa mga investors na pwedeng humawak sa inyo after three months." Sabi niya, tumango nalang ako at mabilis na bumaba.
Natapilok pa ako at halos mapamura ako sa sobrang sakit pero inayos ko ang lakad ko pa rin ang paglalakad ko h'wag lang niyang mapansin ang epekto niya sa akin. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng tower ay bigla nalang akong parang lumutang sa ere at halos manlaki ang mata ko nang makita kong buhat buhat na niya ako!
Amoy na amoy ko ang mabangong pangangatawan niya! "K..ku--" Tatawagin ko na sana siya pero inunahan na niya akong magsalita. "Kailan ka pa naging clumsy?" Pagputol niya sa sasabihin ko.
Nag init ang mukha ko at hindi ko na alam kung paano pa ako nakakahinga ng maayos ngayon! Paano niya napansin iyon, gayong sinikap kong maging normal ang paglalakad ko.
Humakbang na siya sa loob ng elevator at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil kaming dalawa lang ang nasa loob non. Binibingi ako ng katahimikan at ng mabigat niyang paghinga.
Maingat niya akong iniupo sa mahabang sofa ng unit ko at napalunok ako ng hubarin niya ang heels ko at sandaling pinindot ang kanang paa ko na natapilok kanina. Mainit ang palad niya at tumatagos iyon sa balat ko.
"May ice ka ba sa fridge mo?" Untag niya na hindi manlang ako tinitignan. "Yeah." Namamaos na sagot ko sa kanya, mabilis siyang tumayo at tumungo sa kitchen ko.
Narinig ko ang pagbasag niya ng ice cube doon sa lagayan at ilang sandali pa ay bumalik na siya dala dala ang isang planggana na may lamang yelo.
"Towel?" Tanong niya, tatayo na sana ako para ako na ang kukuha pero pinigilan ako ng nagbabanta niyang boses. "Just tell me kung saan!" Garalgal na sambit niya, lumunok ako at nag iwas ng tingin sa kanya. "Sa kwarto ko, first cabinet." Pabulong na sagot ko, mabilis siyang humakbang papasok sa kwarto ko at wala pang isang minuto ay bumalik na siya dala dala ang puting towel.
Lumuhod siya sa harap ko at nilagyan ng yelo ang towel na kinuha niya sa loob saka marahan niya akong inihiga sa mahabang sofa. Umupo naman siya sa paanan ko at nag init ang mukha ko nang ipatong niya sa ibabaw ng hita niya ang paa ko saka dinampi dampi ang malamig na towel na iyon sa paa ko.
Napapangiwi pa ako dahil sa pagkirot nito at inilalayo ko pa iyon sa kanya pero mabilis niyang hinampas ng mahina ang paa ko. "Ang likot mo." Pagsusungit niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Binalot kami ng katahimikan pero ilang sandali pa ay siya na rin ang bumasag non.
"Si Cash..." Pag uulit niya sa kaninang tanong niya sa akin habang maingat na idinadampi sa namamagang parte ng paa ko ang towel na may yelo.
"Wala." Sagot ko, tinitigan ko siya na ngayon ay nakatuon lamang ang mga mata doon sa paa kong hawak hawak niya. Kinakausap niya ako pero hindi niya pinagbabangga ang mga mata namin.
"Nag away ba kayo? Kasasagot mo palang sa kanya, nag away kaagad kayo?" Sunod sunod na tanong niya at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-galaw ng adams apple niya.
Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil wala naman akong dapat isagot sa kanya. At saka isa pa, maayos na yung ganito. Yung maisip niyang may namamagitan sa amin ni Cash.
Muli kaming natahimik pero sa pangalawang pagkakataon ay ako naman ang bumasag ng katahimikan na iyon.
"O..okay ba si Cash?" Hindi ko alam kung bakit naitanong ko sa kanya iyon. Napatigil siya sa pagdampi sa paa ko at tumitig siya sa akin na halos tumagos sa buong katauhan ko. Yung singkit niyang mata na nangungusap pero hindi ko makuhang basahin ngayon.
Nag iwas siya ng tingin sa akin. "I don't know." Sagot niya na nagpadismaya sa akin.
"Hindi mo alam? Pero kaibigan mo siya diba?" Nawawala na yata ako sa sarili ko, bakit ba may gusto akong makita sa mukha niya pero hindi ko makuha!
"Magkaibigan kami. Yes, kilala ko siya sa mahabang panahon pero hindi ako babae para sabihing maayos siyang maging boyfriend. Come on, Al, alam mong babae lang ang pinapatulan ko. And besides, narinig kong nagdate na kayo sa loob ng apat na taon, hindi pa ba sapat yon para ikaw ang sumagot ng tanong mong yan." Bumubungisngis na sabi niya na nagpaawang sa labi ko, ibinalik ko ang lakas ng loob ko at kahit pa magmukha na akong baliw sa katatanong sa kanya ay ginawa ko pa rin.
"Magkapatid tayo, hindi ba tamang hingin ko ang opinyon mo bilang nakatatandang kapatid ko." Sambit ko na muling nagpatigil sa kanya doon sa ginagawa niya sa paa ko, nakita ko ang pagtaas ng dibdib niya dahil sa paghugot ng malalim na hininga.
Tumingin siya sa akin at halos magwala ang lahat ng mayroon ako sa katawan ko nang sagutin niya ang tanong ko. "No. Hindi kayo bagay." Mariin na pahayag niya!
Pakiramdam ko ay lumutang ako ng ilang segundo pero nabawi iyon nang dugtungan niya. "Demonyo si Cash. Anghel ka." Ngisi niya at umiling iling. "Kaibigan ko si Cash, sa tingin mo ba hahayaan kong mapunta siya sa kapatid ko kung alam ko kung paano siya kumilos sa mga babae?" Ang marinig mula sa kanya ang pag aalala sa akin bilang kapatid ko ang nagpalunok sa akin ng sobra sobra.
"Marami nang dumaan na babae kay Cash at sa tingin ko naman wala pang dumadaan na lalaki sayo." Malamig na sambit niya habang titig na titig sa akin, nagtaasan ang balahibo ko dahil sa mga titig na iyon.
Tumahimik na ako at hinayaan ko na siya sa ginagawa niya sa paa ko, pero muli siyang nagsalita. "Wala naman diba?" Biglang bulong niya.
Tinitigan ko lang siya at piniling h'wag sagutin ang tanong niya. Ang tanga ko, bakit ba ako nagtatanong sa isang ito kung alam ko namang masyado ko nang tino-torture ang sarili ko.
Bakit pa ba ako gumagawa ng issue para sa aming dalawa gayong alam kong magkakapamilya na siya.
Sa kaiiwas ko ng tingin sa kanya ay dumako ang mga mata ko doon sa sapatos ko na putol ang isang takong. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko manlang naramdaman iyon kanina, akala ko ay maayos lang ang lakad ko.
"Hindi ka pa makakalakad ng maayos bukas. Ihahatid na kita ngayonsa Zambales." Sabi niya na nagpaangat sa labi ko! Mabilis kong inalis ang paa ko sa ibabaw ng hita niya at pinilit kong tumayo.
Nagtaas siya ng tingin sa akin. "Maayos na! Hindi na kailangan!" Masiglang sabi ko kahit na kumikirot pa ito. Ayoko nang makasama siya sa mahabang biyahe.
"Alright. Maglakad ka." Nangingiting utos niya sa akin habang nakahalukipkip. Lumunok ako at taas noong sinubukang maglakad sa harap niya pero dalawang hakbang palang ay napaluhod ako sa harap niya at napahawak ako sa dalawang hita niya!
"Damn it! Tayo!" Sigaw niya at mabilis niyang inilayo ang hita niya sa pagkakahawak ko saka inalalayan nalang niya akong makatayo at umupo sa single sofa.
Narinig ko ang mahinang pagmumura niya. "Come on, Althea Lauren.." Mabigat na paghinga niya. "Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw niya at tinalikuran ako sandali.
Muli siyang humarap sa akin at kita ko ang pamumula ng mukha niya. Kahit pa galit siya sa pagsasalita ay lumalabas ang malalim na dimples niya. "Aayusin ko ang gamit mo at ihahatid na kita ngayon." Mariin na pagbabago niya ng usapan at humakbang patungo sa kwarto ko!
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at umiling iling ako! "God, Althea, ang daming pwedeng bagsakan sa harap pa talaga niya?" Pagalit ko sa sarili ko!
Nang makasakay na kami sa kotse niya ay magkasabay kaming huminga ng malalim. Binuhat niya rin ako kanina dala dala ang bag ko na inihanda niya kanina para sa pagpunta ko sa Zambales, halos matawa pa ako dahil ang dami niyang nilagay na damit. Sinabi ko nalang sa kanya na may mga damit pa naman ako doon at hindi na kailangan ng marami.
Dumaan kami sandali sa drive-thru para bumili ng pagkain at sandali muna kaming tahimik na kumain sa gilid ng kalsada bago pa namin tinahak ang daan papuntang Zambales.
"Kaya ko naman bukas. Maaga pa yata ang meeting mo bukas." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya talaga dahil naabala ko pa siya at higit sa lahat mas lalo lang nahihirapan ang sarili ko sa pakikisama sa kanya.
"Tsk, matulog ka nalang. Madali lang namang magbiyahe." Malamig na sabi niya, tumango tango ako para iwasan na ang pakikipag usap sa kanya.
Ipinikit ko ang mata ko pero ilang sandali pa ay naramdaman kong huminto kami kaya napamulat ulit ako. Nag tanggal siya ng seat belt at napakilos ako nang ihiga niya ang inuupuan ko at hinila mula sa likod ang coat niya saka ikinumot sa akin iyon.
"Magpahinga ka na." Namamaos na sambit niya at pinasadahan niya ng tingin ang mata ko. Kahit sandali lang iyon ay naramdaman ko ang pagkalabit ng puso ko.
Hindi ko alam kung saan ako liliparin ng puso ko, pero hangga't kaya ko, hangga't napipigilan pa, sana matutunan ng puso ko na umiwas, matutunan ng sarili ko na h'wag magpaapekto sa bawat pagkilos at pananalita niya.
Gumalaw galaw ako at napaungol ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng paa ko. Dahan dahan akong umupo at laking gulat ko nang mapansin kong nasa kama ko na ako dito sa Zambales! Rinig na rinig ko na rin ang alon ng beach dahil nakabukas ang pintuan ng terrace ng kwarto ko at hinahangin ang puting kurtina nito.
Anong oras kaming nakarating dito? Dahan dahan akong tumayo at sinubukan kong maglakad pero napapamura ako sa isip ko sa tuwing mararamdaman ko yung sakit!
Nang mabuksan ko ang pintuan ay napalundag ako sa gulat nang makita ko si Mama na may dala dalang tray ng pagkain.
"Gising ka na!" Masiglang bati ni Mama at humalik siya sa pisngi ko. "Ma..hindi mo naman po kailangang gawin yan." Sabi ko at kinuha ko ang tray sa kanya at kahit nahihirapan ako ay bumalik ako sa loob para ilagay ang tray doon sa bed side table ko.
Umupo ako sa gilid ng kama, ganoon rin si Mama.
"Kumusta na ang paa mo? Pagang paga ah, mag iingat ka sa susunod ha?" Puna ni Mama, natigilan ako dahil hindi ko alam kung bakit ba ang lalim ng tulog ko kagabi?
"Ma, a..anong oras kami dumating dito?" Usisa ko.
"Mag a-alas dos ng madaling araw. Nagulat nga kami ni Manang saka ng Daddy mo, nag-pe-prepare kasi kami ng pagkain para sana ngayong pagdating mo. Bigla nalang narinig ko yung sasakyan ng Kuya mo, tapos nung lumabas kami buhat buhat ka na niya, akala ko kung anong nangyari sayo." Pag aalala ni Mama at napalunok ako dahil sa kahihiyan sa kanya.
"Si...si, K-kuya?" Hindi magkandaugaga ang dila ko sa pagbanggit ng salitang yon.
"Nasaan pa nga ba? Nasa dagat na naman, naglalangoy. Mabuti nga at hindi nangingitim yang kapatid mo, namumula lang ang mukha at dibdib kapag nagbababad sa dagat kagaya ng Daddy mo." Sagot niya sa akin at tumayo siya para ayusin ang blanket sa kama ko na mabilis kong pinigilan.
"Ako na po, Ma!" Sabi ko, ngumiti si Mama at umiling. "Kumain ka na diyan, pagkatapos maligo ka na. Alas dose na ng tanghali yan pa rin ang suot mo!" Pang aasar sa akin ni Mama at halos manlaki ang mata ko nang malaman ko ang oras.
"Ma! May meeting si Kuya ngayon diba?!" Sigaw ko, tumawa si Mama at umiling.
"Hindi ko pinaalis ang Kuya mo, minsan lang yan magpunta dito. Mabuti nga at napilit kong ipa-cancel niya ang meeting niya." Masayang sambit ni Mama, nasapo ko ang noo ko dahil ako ang dahilan kung bakit na-cancel ang meeting niya. For sure, masama ang loob niya dahil alam kung pagdating sa trabaho seryoso ang isang iyon.
Kumain na ako at pagkatapos ay naligo na rin. Alas dos na ng hapon at abala ako sa paghahalungkat ng mga gamit ko sa isang cabinet ko, nang naagaw ng atensyon ko ang mahinang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko na kanina pa nakabukas.
Bumaling ako doon at nakita ko siyang mukhang katatapos lang maligo dahil nakasabit pa sa leeg niya ang puting tuwalya habang naka-top less at suot lamang ang kulay blue na beach short. Pulang pula ang mukha at dibdib niya, magulo ang buhok niya na sa tingin ko ay kapupunas niya palang.
Naglakad siya palapit sa akin at doon ko lang napansin na may hawak hawak siyang medyo malaking paper bag na may tatak na kilalang brand ng sapatos.
"Ayos na ba ang paa mo?" Tanong niya at inilapag sa kama ko ang paper bag na hawak niya kanina. Tinanguan ko siya at ganoon rin siya habang sinusuri ang paa ko.
"I'm sorry, naabala ko pa ang meeting mo." Nahihiyang paumanhin ko, nagtaas siya ng tingin sa akin at umiling. "Walang kaso."
"Nagpunta akong Harbor Point kanina, sa susunod ganyang kataas lang ang bilhin mong sapatos." Sabi niya at napatingin ako doon sa paper bag.
Kinuha ko iyon at binuksan. Hindi ko maitago yung kinang ng mata ko dahil sa ganda ng sapatos na one inch lamang ang heels. Tama ang sukat nito na para bang kasama niya ako nung binili niya ito. "Di mo kailangan ng mataas na sapatos gaya ng mga secretary mo." Sabi niya.
Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nginitian ko siya. "Thank you, pero--"
Nagkamot siya ng batok niya at tinalikuran na ako saka nagpaalam sa akin na siyang nagpakalabog ng sobra sa puso ko.
"Isukat mo na. Babalik ako. Nagluto ako ng meryenda, dadalhan kita."
Lumunok ako at bahala na kung ano man pero pinilit kong makabuo ng salita.
"Thank you...Tyler."
***
A/N: Happy 100K+ reads JBIAG! :) Thank you so much sa patuloy na pagbabasa ng story ng isang author na napakatagal mag update! Hahaha! Ingat kayo palagi. Salamat po ulit! :) Sana nag enjoy kayo kahit papano.
Akin Ka sa FRCA, one email add per vote daw po. :) Nasa fb ko yung link kung pano magvote. Hanggang Sept.25. Thank you babies! :*
Love lots, god bless!
Mornight! 4:11am na dito sa AUH. :/ Duty ulit bukas. Ang bilis matapos ng day off.
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top