ALC: Kabanata 11

ALC: Kabanata 11

Hindi ko na alam kung nakailang tasa na ako ng kape ngayong gabi na ito. Dalawang araw lamang ang lumipas ay ibinigay na sa amin ang perang kakailanganin para sa business namin ni Monet kaya naman naging sobrang abala na kami sa pag aayos ng mga designs.

Maging ang pinsan ni Monet na si Winnie ay halos hindi na rin nakakatulog ng maayos kakaturo sa mga bagong staff tungkol sa mga designs na ginawa niya from Paris. Malaking tulong talaga ang capital na inilagay niya para sa business namin ni Monet, dahil sa totoo lang, kung wala siya ay hindi maisasa-katuparan ang lahat ng ito.

Bukas na rin ang factory na binili ni Monet para sa pagtahi ng ilang damit at marami na rin kaming staff.

Sa susunod na buwan naman ay ipapaayos namin ang maliit na building namin ni Monet para mas maging kaaya aya itong tignan sa tuwing may panibagong investors.

"Tapos na ang mga first designs na ilalabas natin sa grand opening. Sa tingin ko ay model nalang ang kulang." Ani Winnie nang matapos ang paglalagay ng ilang design sa dress na nakasuot sa isang mannequin.

Mabilis na inilista ni Reah iyon at bumaling sa akin, "Model? Masyadong magastos kung mag-ha-hire tayo ng model para lang sa isang gabi." Sabi ko, isang gabi lang kasi kailangan ng model at sa tingin ko ay dagdag gastos lang iyon.

Ibinaba ni Monet ang hawak na papel at tumingin kay Winnie, "Eh bakit hindi kaya tayo ang magsuot niyan sa gabing iyon?" Natatawang suhestiyon niya na nagpangisi sa akin.

"Why? Sa paraan na yon mas makakatipid tayo, saka isa pa magaganda naman tayo. Sexy pa. Si Reah, si Jen, si Winnie at ikaw!" Sigaw niya na nagpabilog sa dalawang mata ko. "Out ako diyan!" Sigaw ko, tumawa siya at umiling.

"Hindi naman tayo ang rarampa, basta sa gabing yon dapat suot natin ang designs ni Win. Yung mga models? H'wag mo na problemahin yon, Winnie, dahil may mga kaibigan akong pwede kong pakiusapan." Litanya ni Monet na nagpapalakpak sa aming lahat.

Ang sarap lang sa pakiramdam na unti unti ay natutupad na namin ni Monet ang mga pangarap namin. Kahit na medyo napanghihinaan ako ng loob patukol sa top ten na hinihiling niya sa buong team namin. May tiwala naman ako sa mga designs ni Winnie, actually, lahat nang iyon ay masasabi kong pang international ang dating. Ultimo sa mga damit para sa sports lover ay masasabi kong kakaiba iyon.

Magaganda rin ang tela na napili ni Winnie para sa gagamitin. Sa mga bags naman ay masasabi kong bumabagay sa bawat damit na nagagawa namin. Mahusay ang kamay nitong si Winnie, hindi na ako magtataka dahil sa Paris pa siya nag aral para maging magaling na designer at laking pasasalamat ko dahil pumayag siya sa hiling namin ni Monet na maging exclusive designer ng company namin.

Lahat kami ay nasa board room nang biglang may kumatok at halos bungisngis ako nang makita ko kung sino ang niluwa ng pintuan na yon. "Coffee para sa lahat?" Nakangising sambit niya at tumili naman si Monet habang nakatingin sa akin, tumawa nalang ako at umiling.

Tuluyan na siyang pumasok at inabutan niya ang mga staff namin ng kape at ang huli ay sa akin kung saan may naka-post pang papel sa gilid at may nakasulat na..

*Dinner tomorrow?*

Tinawanan ko siya at kinuha ang kape. "Oh, paano? Mag break muna tayo for thirty minutes?" Sabi ni Monet at sabay sabay silang tumayo at lumabas ng board room.

Umupo kaming dalawa sa magkatabing swivel chair at dahan dahan akong sumimsim ng kape.

"Alauna na ng madaling araw, bakit naisipan mo pang pumunta dito?" Usisa ko sa kanya, sa madalas na kasama ko siya ay masasabi kong komportable na akong makipag usap sa kanya.

"Ilang araw na kitang hindi nakikita, masyado na ring toxic sa trabaho kaya naisipan kong puntahan ka. Hindi mo rin sinasagot ang text at tawag ko." Kunyareng pagtatampo niya, tumawa ako. "Busy. Alam mo na, nang-ha-hard time ang investor namin." Nguso ko na tinawanan naman niya.

"Hanggang ngayon ba hindi pa rin tapos yang away niyo ng Kuya mo?" Natatawang sambit niya, umirap ako sa kawalan. Bigla niyang pinisil ang pisngi ko kaya naman hinampas ko ang kanyang braso. "Cash!" Sigaw ko at tinignan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Hindi naman kami magkaaway, trabaho lang walang personalan." Hindi ko alam pero may kung anong bumara sa dibdib ko na naging dahilan para tunggain ko ang mainit na kape na mabilis ko rin namang naibuga dahil sa init nito!

Panay ang halakhak ni Cash nang inabutan niya ako ng tubig na nakapatong doon sa may gilid ng lamesa. "Anong akala mo sa dala kong kape? Coffee shake?" Ngisi niya.
Humila ako ng tissue para punasan ang bibig ko at sinamaan ko siya ng tingin na siyang nginisian lang naman niya.

"Bukas ng gabi?" Pagbabago niya ng usapan, ilang beses na ba kaming lumalabas ni Cash? Hindi ko na mabilang iyon, naging maganda ang samahan naming dalawa bilang magkaibigan kahit na kadalasan ay tampukan na kami ng asaran ng ilang kaibigan namin gaya ni Axel at Monet.

"Saan ba?" Usisa ko sa kanya, hinawakan niya ang kanyang baba at sandaling natigilan. "Okay lang ba sayo kung may kasama tayo?" Biglang tanong niya, tinanguan ko siya.

"Bakit may ipapakilala ka ba sa akin?" Natatawang tanong ko sa kanya, ngumisi siya at para bang medyo nag aalinlangan siyang sabihin sa akin kung sino ang makakasama namin bukas ng gabi.

"Pumayag ka muna." Pagpupumilit niya, "Oo nga diba?" Natatawang sagot ko, sandali siyang umayos ng upo at tumikhim.

"Actually, welcome party iyon para sa Kuya mo." Sambit niya na nagpaangat sa labi ko, hindi ko magawang makahagilap ng dapat isagot sa kanya dahil heto nanaman ang nakababaliw na pintig ng puso ko.

"Si Axel, Ethan at asawa niya, Monet, ako at ikaw." Patuloy niya, sandali akong lumunok at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Hey, alam kong hindi pa kayo masyadong nagkakaayos ng Kuya mo. Pero pagbigyan mo naman sana ako na makumpleto tayong lahat." Sabi niya at napatingin ako sa kamay niyang humawak sa ibabaw ng kamay ko, marahan niyang pinisil iyon at hinuli niya ang mata ko.

"Please, Al? Matagal tagal na rin magmula nang hindi kami nagkasama samang magkakaibigan." Aniya, nakwento sa akin noon ni Cash na malapit silang apat na magkakaibigan, siya, si Cash, Axel at Ethan.

"Get together niyo pala yan, bakit niyo kami isasama ni Monet?" Usisa ko sa kanya. Hinila niya ang swivel chair na inuupuan ko para mapalapit ako sa kanya.

"Please? Importante ang gabing yon sa akin." Pakiusap niya at nakipag sukatan ng tingin sa akin, nakikiusap iyon na para bang sinasabing hindi siya makakapayag na aayawan ko sa unang pagkakataon ang imbitasyon niya.

Lahat na yata ng damit ko sa cabinet ay nailabas ko na at nakakalat sa kama.

"Come on, ang dami dami mong magandang damit pero bakit hindi ka makapili?" Bungisngis ni Monet at inilibot niya ang paningin sa mga damit kong nagkalat sa kwarto.

"Walang maganda." Bulong ko at hinila pa ang ilang damit na naka-hanger.

Nakaligo na ako at ang tanging suot ko lang ay ang bathrobe ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapili ng isusuot ko sa gabing ito.

Napapayag ako ni Cash sa gusto niya kahit pa buong magdamag ay kumakalabog ang puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung gaano ba kaimportante kay Cash ang araw na ito, noong una ay naisip kong baka birthday niya pero kalaunan ay naalala kong magka-month nga pala kami ng birthday.

Narinig ko ang paghalakhak ni Monet kaya naman bumaling ako sa kanya. "Ano bang sinabi sayo ni Cash at ganyan ka nalang kabahan?" Usisa niya, napatingin ako sa suot niya at hindi ko maiwasang mainggit dahil mabuti pa siya ay nakagayak na.

"Wala naman, hindi lang talaga ako komportable ngayon sa mga nakikita kong damit dito sa cabinet ko." Sagot ko sa kanya, ngumisi si Monet dahilan para mas lalong maningkit ang kanyang mata.

"Loka!" Sigaw niya at tumayo na siya saka hinalungkat ang mga damit ko at mabilis niyang hinila doon ang isang kulay beige na dress na hanggang kalahati ng hita ko, tube iyon at sa naaalala ko ay isang beses ko pa lamang iyon na nasusuot.

"Maganda 'to ah. Masyado ka namang nagpapa-impress diyan kay Cash eh sa tingin ko naman lokong loko sayo ang mokong na yon kahit ano pang itsura mo." Tawa niya at ibinigay sa akin ang damit saka pinilit na niya akong pagbihisin dahil maya maya lang ay parating na rin si Cash na siyang susundo sa aming dalawa.

Nang matapos akong magbihis ay tinitigan ko ang itsura ko sa salamin. Napakagat ako sa labi ko dahil napansin kong medyo tumaba yata ako at ang dibdib ko ay medyo kapansin pansin sa suot ko.

"Monet!" Sigaw ko, pero hindi siya sumasagot. "Alexandra!!" Sigaw ko ulit na siyang nagpaangil sa kanya.

"Makatawag ka naman para kang si Mommy!" Hiyaw niya sa akin habang nakatutok ang kanyang mata doon sa cellphone. "Look at me." Pakiusap ko at saka humarap ako sa kanya. Nagtaas siya ng tingin sa akin at sumilay sa kanyang labi ang magandang ngiti.

"Ang sexy!"

"Are you kidding me? Tumaba ako!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

"Gaga! Mas maganda ang katawan mo ngayon kesa noong nakaraan, mas nagkalaman ka na, hindi ka na mukhang kawayan na liliparin sa kung saan." Pang aalaska niya saka lumapitsa akin upang tignan ako ng malapitan.

"Ganda, bagay sayo. Saka kumorte yang B cup size 34 mo!" Bungisngis niya na nagpabilog sa dalawang mata ko! "Alexandra!!" Sigaw ko na tinawanan na naman niya kahit kailan talaga ay ganyan na siya magsalita.

Sandali pa akong nag ayos at maya maya pa ay tumungo na kami sa parking kung saan sinabi ko kay Cash na hintayin na lamang kami para hindi na siya mapagod pa sa pag akyat sa unit ko. Pinuno naman ako ni Monet ng mapanuyang titig dahil sa pamumuring natanggap ko mula kay Cash.

Alas nuebe ng gabi kami dumating sa Limbaga 77 cafe restaurant sa Timog. Hindi ko maiwasan ang magtaka dahil hindi naman ito ang unang beses na makapunta ako dito, may accoustic band ngayon na tumutugtog sa ikalawang palapag ng restaurant na ngayon ko lamang nakita.

Nang makaakyat kami sa taas ay nandoon na si Axel,Kuya Ethan, Claire at siya na naghahalakhakan.

"Bro!" Sigaw ni Cash at lumapit sa kanya saka nagtapikan ng braso. "Ilang araw ka na dito sa Pinas pero ngayon ka lang nagparamdam." Ngisi ni Cash sa kanya, napalunok ako nang lumipat ang tingin niya sa akin na para bang sinusuri ang suot ko, napalunok ako dahil sa kaba at laking pasasalamat ko dahil kinausap na siya ni Cash.

Nakasuot siya ng white polo na tinupi hanggang siko niya at ang neck tie niyang itim ay naka-lose, mukhang kagagaling niya lang sa trabaho nang dumiretso siya dito. Bukas rin ang dalawang butones ng polo niya, black pants at dirty white na chuck taylor shoes. Walang pagbabago, mahilig pa rin siya sa makaluma na masasabi kong bumabagay naman sa kanya.

Hinila ko naman si Monet papunta doon sa long table kung saan nakapwesto sila Kuya Ethan. Kaagad akong tinabihan ni Cash habang si Monet naman ay mabilis na nilantakan ang pagkain na nakahain na sa harap namin.

Napuno namin ng kwentuhan ang restaurant at kapansin pansin rin na kami lang ang tao ngayon dito.

"May banda na pala ngayon diba sa Limbaga?" Sabi ko kay Cash na nginisian naman niya.

"Yes. Kanta ka mamaya?" Anyaya niya na mabilis kong inilingan.

"Hanggang kailan ka ba dito sa Pinas?" Narinig kong tanong ni Kuya Ethan sa kanya kaya mabilis akong bumaling sa kanya. Ngumiti siya na naging dahilan para magpapansin na naman sa akin ang pagkalalim lalim na dimples niya.

"I don't know. Maybe one year? Depende kung may dahilan para magtigil dito." Sambit niya saka ininom ang mocktail na nasa harap niya.

Ngumiti si Kuya Ethan. "Kilala kita. Hindi ka babalik dito ng hindi pang matagalan." Humalakhak siya at tumikhim.

"Business minded akong tao, kung saan may pera doon ako." Pagtatanggol niya sa sarili na inilingan ni Kuya Ethan.

"Really? Hindi ba dahil kung saan ka dalhin niyang--" Natigilan si Kuya Ethan nang pabiro siyang suntukin nito!

"Alright." Bungisngis ni Kuya Ethan at bumaling sa asawa niyang si Et Claire.

"Pero seryoso, hindi ko naisip na maiisipan mong ayusin yang buhay mo. Buong akala ko nga ay habang buhay ka na lang mambababae bro!" Pang aalaska ni Axel na tinawanan naman ng lahat.

"Yeah right." Bulong ni Monet sa tabi ko na abala pa rin sa pagkain. "Naaalala mo paba bro? Nung time na makikipagtitigan ka sa babae? Astig bro! Matik na maghuhubad na ng panty ang babae sa harap mo." Ngisi ni Axel na naging dahilan para pabiro siyang suntukin nito!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko na siya magawang tawagin katulad ng dati kahit manlang sa isip ko. Pero may nagtutulak sa katauhan ko na tawagin nalang siya sa paraang alam kong mali na minsan ko nang ginawa noon.

"Gago. Hindi na uso sa akin yan!" Singhal niya kay Axel, bigla namang nagsalita si Monet na ikinalaglag ng panga naming lahat.

"Why? Masyado ka na bang loyal kay Ella Reyes kaya bigla nalang hindi naging uso sayo ang mga babae?" Patay malisyang tanong ni Monet habang ngumunguya.

"Ella Reyes? Yung nasa twitter mo?" Tanong ni Cash sa tabi ko at umakbay siya sa sandalan ng inuupuan ko na kaagad nahuli ng mata niya. No, namamalikmata lang din siguro ako at nag-iisipna binabantayan niya ang bawat pagkilos ko.

Kinuyom ko ang kamao ko at umiling ako, damn it, ano bang nangyayari sa akin?

"Yeah." Sagot niya at muling sumimsim ng mocktail niya.

"Seriously? Kailan ka naging loyal bro?" Tawa ni Axel, ngumisi lang siya at nakita ko kung paano kuminang ang mga mata niya.

Masaya akong makita na maayos na siya ngayon, na nakaya na niyang magmahal ng iba. Pero hindi ako masaya para sa sarili ko dahil hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam na bumabalot sa pagkatao ko.

"Para saan ba ang get together na 'to? Mukhang espesyal ah?" Ngisi ni Ate Claire habang hinihimas ang namimilog na tiyan. Titig na titig naman sa kanya si Kuya Ethan na asawa niya at para bang ang masaya siyang nasa tabi niya ito. Ikalawang pagbubuntis na ni Ate Claire at sa pagkakaalam ko ay lalaki ang nasa sinapupunan niya ngayon.

Tumikhim si Axel. "Para saan nga ba?" Biglang bumaling sa akin si Axel at nginisian ako ng makahulugan.

Kumunot ang noo ko at napansin kong lahat sila ay nakatitig sa akin. Pero ang mga titig niya ang hindi ko makayanang tagalan dahil namumuo ang tensyon doon.

Naramdaman ko ang palad ni Cash na umakbay sa akin. "H'wag niyo nga akong pangunahan." Ngisi niya sa tabi ko.

Tumayo si Axel at tumungo doon sa bandang kanina pa tumutugtog. Kinausap niya ang singer at ngumiti ito sa kanya bago inabot ang mic.

Sandali siyang tumikhim habang hawak hawak ang mocktail na inorder niya kanina. "Napaka espesyal ng gabing ito. Unang una sa lahat dahil matapos ang apat na taon, nakumpleto na naman tayong magkakaibigan. Masaya, dahil nadagdagan tayo, si Monet na siyang napagtiisan kaming samahan ni Cash sa tuwing magkakasabay sa bar, si Althea na pumalit sa pwesto ng Kuya niya." Litanya nito at panay naman ang pagngisi naming lahat dito sa hapag.

"Pero may dahilan ang gabing ito. Napakaimportante nito para sa matalik kong kaibigan." Narinig kong tumawa si Cash.

"Pero bago tayo tumungo sa espesyal na gabi ng kaibigan kong yon. Inaanyayahan ko ang nag iisa kong kaibigan na napakatinik sa lahat ng kababaihan!" Sigaw ni Axel sa mic na naging dahilan para magsigawan sila Cash.

"Bro, isang kanta naman diyan para maalis ang kaba ni Cash!" Hiling ni Axel, bumaling ako kay Cash at kinunutan ko siya ng noo.

"Magpapakasal ka na ba?" Ngisi ko, nginitian naman niya ako at pinisil niya ang pisngi ko.

Imbis na sagutin niya ako ay kinantiyawan niya si Tyler...na tinatawag ni Axel doon sa harap. "Isang kanta lang!" Sigawan nilang lahat. Pinagtutulakan naman siya ni Kuya Ethan panay ang halakhak.

Nakangiti siya ngunit sa likod ng mga ngiti na yon ay muli kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko noong gabing inamin niya sa akin ang nararamdaman niya.

"Come on, bro! Isang kanta lang!" Halakhak ni Cash.

Nanatili siyang nakatitig sa akin bago tuluyang tumayo. Nagpalakpakan naman sila Kuya Ethan.

Sinundan ko siya ng tingin na ngayon ay pabirong ihahampas kay Axel ang mic. Ngumingising bumalik naman si Axel sa upuan niya nang matapos nang kausapin ni Tyler...ang gitarista ng banda. Nagsimula nang tumugtog ang banda at nagsigawan naman sila Kuya Ethan para punuin siya ng pang aasar.

He is now looking at me. At hindi ko nagugustuhan ang pagtindig ng balahibo ko dahil sa pagtitig na iyon, hindi ko naman magawang takasan ang mga titig niya dahil mabilis na niya akong naikulong sa emosyon na pinaparamdam na sa akin ngayon ng mga mata niya.

Nakapamulsa ang kaliwang kamay niya habang ang kanan naman ay nakahawak sa mic. Magulo ang kanyang buhok at kumikinang sa malalim na emosyon ang mga mata niya. Pero mas lalong nanlamig ang kamay ko nang sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko ang magandang boses niya.

~~ I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say~~

Titig na titig siya sa akin at hindi naman mapakali ang abnormal na pagtibok ng puso ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at sumimsim ako ng juice na nasa harapan ko, hindi ko naiwasan ang sunod sunod na pag ubo dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang mga titig niya.

~~ I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel
This feeling I have for you inside
I'm a hopeless romantic I know I am
Memorized all the lines and here I am
Struggling for words I still don't know what to say~~

Hinawakan ko ang batok ko at hindi ko alam kung bakit ko pasimpleng ibinalik sa kanya ang pagtitig ko. At halos pagsisihan ko iyon dahil hanggang ngayon ay sa akin pa rin nakatutok ang pagtitig niyang humahalukay sa buong pagkatao ko!

~~ Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say, my heart is floating in tears
When you pass by I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time~~

Pinilit ko ulit iiwas ang mga mata ko pero nahuli naman ni Kuya Ethan ang pagkatuliro ko na simple niyang nginisian! Nakita niya ba akong kinakabahan sa mga titig ni Tyler?

Gosh, Althea! Natural hindi! Masyado na akong napa-praning. Siguro ay nakangitian ko lang si Kuya Ethan kaya ganon na lamang din siya ngumisi sa akin, tinanguan ko siya at pinili kong tumitig nalang lamesa hanggang sa matapos na ang pagkanta niya.

Panay ang sigawan nila Kuya Ethan at Cash, samantalang ako naman ay nakatulala pa rin sa kawalan.

"Naks. Habang tumatagal bro, nagiging kadiri ka na!" Sigaw ni Axel sa mic. "Para ba yan doon sa Ella Reyes mo? Pauwiin mo nga dito yan nang makita naman namin ang nagiging dahilan ng kalokohan mo!" Pang aalaska ni Axel na tinawanan ng lahat.

Nagtaas ako ng tingin at ngayos ay nakaupo na siya ulit sa harap ko. Nahuli niya ako pero siya na rin ang umiwas ng tingin saka kumagat sa ibabang labi niya bago niya tinungga ang isang bote ng tubig doon sa tabi ng mocktail niya.

"Ngayon naman, tinatawagan ko ang kaibigan kong si Cash, siya talaga ang espesyal sa gabing ito eh. Hindi na torpe!" Ngisi ni Axel.

Pero laking gulat ko nang tumayo si Cash ay inilahad niya kanyang kamay sa harap ko. Nagtaas ako ng tinginsa kanya at napalunok ako nang makita ko ang kasiyahan doon.

"Sus..." Ngisi ni Monet sa tabi ko at pinagtulakan niya ako na naging dahilan para mapatayo ako!

Nanginginig ang tuhod ko nang alalayan ako ni Cash patungo doon sa harap. Tahimik na sila Axel pero naririnig ko ang mahinang pagtili ni Monet at Ate Claire.

Pinisil ko ang kamay ni Cash at tinitigan ko siya ng may halong pagtatanong pero nginitian niya lang ako. Marahan niyang binitawan ang kamay ko at may dinukot siya doon sa bulsa niya, isang kwintas iyon na may pendant na maliit na bilog na white diamond.

"Cash.." Pabulong na suway ko sa kanya, hindi ko nagugustuhan ang kabang bumabalot sa akin ngayon lalo na at may nararamdaman akong pagtitig na tumatagos sa katauhan ko.

"It's been four years, Althea. Sabi ko noon, hindi ko gagawin ito dahil masyado ka pang bata. But now, you're a twenty three years old woman, a beautiful woman na kahit saang anggulo ay maganda sa paningin ko." Ngisi niya at nagsisigaw na naman si Axel.

Lumapit siyang lalo sa akin at napasinghap ako nang tanggalin niya ang kwintas na suot ko na regalo sa akin ni Tyler.

"Cash.." Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang suwayin!

Sa pagtanggal niya ng kwintas na iyon pakiramdam ko ay bumigat ang puso ko. Ipinahawak niya sa akin iyon at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pilak na kwintas na hawak hawak niya kanina. Bumaling ako sa kanya at naramdaman ko ang galit sa mga mata niya!

Nang matapos isuot sa akin ni Cash ang kwintas ay lumuhod siya sa harap ko na naging dahilan para takpan ko ang bibig ko. Tumingala siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago sinabi ang mga salitang mas lalong nagpabigat sa puso ko.

"Be my girlfriend, Althea..." Malambing na hiling niya, akala ko noon masarap sa pakiramdam kapag may nagpapahayag ng damdamin para sayo.

Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Noong unang beses na aminin sa akin ni..Tyler, ang nararamdaman niya ay bumigat ang puso ko, nanikip ito at para bang nahihirapan akong huminga. At alam kong ang dahilan non ay ang katotohanang hindi ko maaaring tanggapin ang damdaming gusto niyang ibigay para sa akin.

At ngayon, sa pangalawang pagkakataon, mabigat na naman ang pakiramdam ko, nahihirapan na naman akong huminga dahil nakahanda si Cash sa damdamin niya para sa akin, pero hindi ko pupwedeng tanggapin iyon.

Hindi pwede dahil alam kong iba ang gusto ng puso ko, iba ang gusto nitong puso ko. Gustong ibigay ng puso ko ang lahat para sa unang taong nagpahayag ng maling pagmamahal.

Pero parehong mali. Dahil kung mamahalin ko ang nauna ay mawawala sa akin ang mga taong pinahalagahan ko ng buong buhay ko at hindi ko kakayanin iyon. At kung pipiliin ko namang mahalin ang pangalawa, masasabi kong niloko ko ang sarili ko at masasaktan ko si Cash na siyang itinuri kong matalik na kaibigan.

Awtomatikong tumulo ang luha ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko para sa dalawang taong importante sa akin. Marahan kong pinisil ang kamay ni Cash saka pinilit ko siyang patayuin. Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit na naging dahilan para umatras ako sa sasabihin ko.

Nagsigawan sila Axel at isang magandang pagtugtog ang ginawa ng banda dito sa harap namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagkadismaya, bumaling ako sa kanya at ngayon ay hindi ko na magawang basahin ang emosyon sa mga mata niya.

Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Cash at hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o nanlalabo ang dalawang mata ko dahil nahihilam ito sa luha?

Pero hindi nakaligtas sa akin ang luhang minsan ko nang nakita mula sa mga mata niya.

***

A/N: Kumusta na kayo? Grabe. Pasensya na sa matagal na update. :/ Basta mag iingat kayo palagi! At ipagpray natin ang mga nangyayari diyan sa Pinas, ang dami nang gulo sa gobyerno dahil mag-eeleksyon na naman. Basta, ingat kayo palagi guys! Thank you sa pagbabasa.

P.S

Nominated daw ang Akin Ka sa 2015 Filipino Readers Choice Award! :D Vote tayo? Hihi. Nasa facebook yung link kung paano. Basta thank you sa lahat. :">

P.P.S

Ibabalik ko ulit ang bati section! :)So sa mga susunod na chapters baka mabasa niyo nalang ang pangalan niyo bago magsimula ang kabanata. ;)

Love lots!

Ate Ash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top