ALC: Kabanata 10



ALC: Kabanata 10

Mabilis kong itinikom ang bibig ko at humawak ako sa batok ko habang sinusukat niya ang pagtitig ko sa kanya. Pakiramdam ko sa unang pagkakataon ay hinalukay ang buong sistema ko sa hindi ko maintindihan na dahilan.

Ngumiti ako, "Wow, magkakaroon na pala ako ng pamangkin." Sabi ko, ngumiti siya saka tinungga ang panibagong beer na binuksan niya. Hindi bat ang saya? Madadagdagan na ang pamilyang iniingatan namin noon pa man.

"Alam na ba nila Mama?" Usisa ko sa kanya dahil bakit wala namang binabanggit sa akin si Mama or Dad.

Ngumiti siya at umiling. "Di pa." Ngisi niya, siguro ay humahanap pa siya ng tiyempo.

Ngumiti rin ako at inubos ko na ang natitira pang isang bote. Matutulog na ako dahil may trabaho pa ako bukas at may meeting pa ako sa kainuman ko ngayon.

"Ayaw mo na?" Biglang untag niya nang mapansin niyang nilapag ko na ang bote sa center table at inilayo sa akin ang ilan pang alak.

Pilit akong tumingin sa kanya at ngumiti. "May meeting pa tayo bukas. Kailangan kong paghandaan yon, hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi walang special treatment sayo pagdating sa trabaho. Kahit sino pa. Kahit pa kapatid mo." Mariin na sabi ko sa kanya, umangat ang labi niya pero kaagad siyang nakabawi at tumawa ng mahina.

"Alright. Siguro ay mag inuman nalang ulit tayo kapag naging successful na ang business mo." Panunuya niya sa akin na tinawanan ko naman.

Bigla siyang napatingin sa dibdib ko at alam kong yung kwintas na bigay niya ang pinagmamasdan niya ngayon. Hinawakan ko iyon at tumawa ako. "L..lagi ko pa ring sinusuot, sabi ko kasi kay Mama peace offering mo sa akin 'to nung birthday ko. Gusto ni Mama palagi kong suot, bagay daw sa akin." Paliwanag ko kasunod non ang pagkagat ko sa dila ko dahil pag gamit ko ng pangalan ni Mama. Ang totoo ay hindi ko alam kung bakit gusto ko palaging suot ito, para bang nawawala ang takot na nararamdaman ko sa tuwing suot ko ito.

Hinuli niya ang mata ko at marahan siyang ngumiti. "Bagay naman talaga sayo." Sambit niya at muling uminom ng alak na hawak niya.

Binalot na kami ng katahimikan kaya naman tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko kung saan nadatnan ko sila Mama at Dad na magkayakap na natutulog doon sa kama ko. Napangiti ako dahil nakakatuwa silang pagmasdan, nag ingat ako na h'wag makagawa ng ingay para hindi sila magising at kumuha na ako ng blanket doon sa cabinet ko para ilatag dito sa sofa ng kwarto ko at doon ako matutulog.

Sandali muna akong nag shower at nang patulog na ako ay bigla ko siyang naalala. Saan siya matutulog? Muli akong tumayo at dahan dahan ko siyang sinilip doon sa sala, tahimik lang siyang nakaupo habang hawak ang lumang cellphone niya at kunot noong pinagmamasdan iyon. Nang mapansin kong magtatagpo ang mga mata namin ay mabilis ko na ulit isinara ang pintuan ng kwarto at humiga na ako sa sofa.

Pilit kong ipinikit ang mata ko at hinayaan ko nalang na liparin na ako ng antok.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, madali na akong nag gayak at nagpaalam na rin ako kay Mama. Ang sabi niya ay nahihiya siya sa akin dahil nakatulog na silang dalawa ni Dad doon sa bed ko pero ayos lang naman sa akin iyon. Tinanong pa ako ni Mama kung umuwi kagabi si Kuya dahil nang magising sila ay hindi na nila ito naabutan, sinabi ko na lang na may meeting kaming dalawa ngayon at baka umuwi na muna yon sa tinutuluyan niya.

Nang makarating ako sa office ay nandoon na si Monet at ang secretary naming dalawa. Na-email ko na siya kahapon na ngayon ang meeting namin with Kuya at talaga namang tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay tuloy na tuloy na ang business naming dalawa.

"Maayos na ba ang lahat?" Tanong ko kela Reah at tinanguan naman nila ako. Ginagapangan na ako ng kaba ngayon, oo nga at kilala ko na ang ka-meeting namin today, pero mas nakakakaba pala kapag alam mo kung sino siya.

"Ang problema, hindi kaya maliitin niyang Kuya mong hilaw ang function room natin?" Usisa ni Monet at napakagat ako sa labi ko dahil maliit lamang ito, tamang tama lang sa bago pa lang nagsisimula sa isang business.

Magsasalita na sana ako pero napapitlag ako nang biglang may tumikhim sa may pintuan at nang iangat ko ang tingin ko ay siya na pala iyon. Lumunok ako ng sunod sunod nang mahuli niya ang mga mata ko bago niya ibinaling iyon kela Monet.

"Good morning." Pormal na bati niya. Naka-coat and red tie siya at bumagay sa messy niyang buhok ang malalim na mga mata niya.

"Oh! Good morning!" Sigaw ni Monet nang matauhan siya at nag-madaling buksan ang projector.

Inilahad naman nila Reah ang kanilang kamay na nagsasabi sa kanya na maupo na. Tinanguan niya ang mga ito at tahimik na naupo doon sa gitna.

"Pasensya na, maliit lang--"

"No, it's alright. Nagsisimula palang naman kayo. Let's start, I still have meeting pagkatapos nito." Putol niya sa sasabihin ko saka nginitian ako. Tumango na ako at tumayo na doon sa harap para simulan ang presentation, nanginginig ang tuhod ko dahil sa titig na nararamdaman ngayon ng balat ko. Unti unti kong nilunok ang kabang nararamdaman ko at nagsimula na akong magsalita.

Pero kahit anong gawin kong paglunok sa sarili kong kaba ay nandoon pa rin iyon. Hindi ko magawang marinig ang sarili ko dahil yung mabilis na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko ngayon. Para bang alam ko kung ano yung mga sinasabi ko, pero nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Natigilan ako nang magtaas siya ng kamay. Tumingin ako sa kanya at marahan niyang ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang dalawang kamay niya bago tuluyang nagsalita. "Wala na akong masasabi sa presentation mo. But, how will you get the customer foot in the door at a boutique?" Usisa niya, sa pagtitig niya ngayon ay masasabi kong sinusubukan niya ang kakayahan ko.

"Like what you said, target natin ang mga teenager at mga sports minded. Paano, Ms.Althea?" Seryosong usisa niya, lumunok ako at tinatagan ko ang pagtitig sa kanya. Sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay para bang nagtayuan lahat ng balahibo ko.

"Meeting with them in person can help us to create regular customer and we make sure that we're not dropping by empty handed. We will going to dressed our collection and prepared with a business card." Sagot ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya. Tumayo siya at sandaling huminto ang pagtibok ng puso ko nang lumapit siya sa akin, pinaglalaruan niya ang ballpen na hawak niya. Kaagad kong naamoy ang mabangong pabango niya at halos tingalain ko na siya dahil sa katangkaran niya.

Sandali niya akong tinitigan sa mata bago siya bumaling kela Monet na sinusundan siya ng tingin.

"Meeting with the customer in person?" Natatawang tanong niya. "How sure are you na lahat ng customer ay magiging interesado sa business na 'to? Hindi kaya sabihin nilang may mga importanteng bagay pa silang aasikasuhin kaysa dito sa business na sinasabi niyo. Gaya ng sabi mo, Ms.Althea, you're going to wear your collection para i-present." Aniya at isa isa niya kaming tinignan nila Monet at ang huling titig niya ay sa akin dumapo.

"What are you wearing today, Ms.Althea? Isa ba yan sa collection niyo?" Usisa niya, gusto kong kainin na ako ngayon ng kinatatayuan ko dahil alam kong may mali na naman ako. Pero bakit ba pakiramdam ko ay hiyang hiya ako.

Umiling ako na hindi inaalis ang aking mata sa mga titig niya. Nagkibit balikat siya at sumeryoso ang mukha niya, ang kanyang singkit na mata ay mas lalong naningkit.

Biglang tumayo si Monet at hindi na napigilan ang mag-salita. "Actually, Mr.Cortezano, we are still waiting for the investor para sana matustusan yung mga babayaran sa materials bago kami magsimula, pero may mga designs na kaming naihanda. At ikaw sana yung investor na yon." Paliwanag ni Monet na mukhang hindi pa rin niya nagustuhan dahil nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

"That's my point. Sinasabi niyong investor ako pero hindi niyo ako tinuturing na customer, paano ko isusugal ang pera ko sa ganitong walang sample ng kahit isa manlang sa collection niyo?" Mahinahon pero medyo mataas na ang boses niya, hinila niya ang kanyang neck tie at huminga ng malalim. "Ito ang sinasabi ko. Maraming clothing lines dito sa Pinas na mahirap higitan kaya inalok kita kahapon ng ibang business." Suway niya sa akin, naramdaman ko ang titig sa akin ni Monet pero sinawalang bahala ko iyon. Aanhin ko naman ang ibang business kung hindi naman ako masaya? Ito, ito ang talagang gusto ko, gusto namin ni Monet. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

"Alright. Mag-i-invest ako. Pero sa isang kundisyon." Mariin na sambit niya, bumaling siya sa akin at halos hindi ko kayanin ang matalim na pagtitig niya. "Patunayan niyo sa akin sa loob ng isang buwan na kaya niyong mapasama sa top 10 clothing lines ng Pilipinas." Hamon niya na nagpaangat sa labi ko!

Top ten? Niloloko niya ba kami? Nagsisimula pa lang kaming gumawa ng pangalan sa linyang 'to tapos sa loob ng isang buwan gusto niyang mapasama kami sa sampung pinaka kilalang clothing lines ng Pinas na pinangungunahan ng mga Cando?

"W..what?! Are you serious?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko na ikinagulat ni Monet! Lumapit siya sa akin at hinila niya ako sa braso ko pero hindi ako nagpapigil sa kanya. "Bago palang kami, tapos gusto mong makasama agad kami sa top 10? Mr.Drake Tyler Cortezano, sinabi ko na sayo hindi pa kami pwedeng makipag-compete!" Sigaw ko na halatang ikinagulat niya, pero mas lalong lumalim ang titig niya sa akin dahil sa mga salitang binitawan ko.

"Althea, ano ka ba." Tawag sa akin ni Monet pero hinawi ko ang kamay niya.

Ngumisi siya na naging dahilan para mas lalong lumabas ang malalim na dimple niya na kanina pa nagsusumigaw para pansinin ko. "I'm challenging you, Ms. Althea Lauren Cortezano." Titig na titig siya sa mga mata ko at hindi ko na napigilan ang panginginig ng tuhod ko sa lakas ng emosyong bumabalot sa mga mata niya.

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Monet. "At kapag hindi namin nagawa?" Halata sa boses ni Monet na kabado siya.

Binato niya ang ballpen na hawak doon sa lamesa na ikinagulat nila Reah na abala sa pag-ta-type ng ilang pinag uusapan namin. Humalukipkip siya at sinukat niya ang mga mata ko. "You have to pay me....double." Mariin na sambit niya na nagpabilis ng paghinga ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga gusto niyang mangyari.

Kaya nga kami naghahanap ng investor ay para magkapera hindi para sumugal at gumawa ng isa pang utang. "Deal!" Sigaw ni Monet na nagpabilog sa dalawang mata ko! Hinarap ko siya at tinitigan ko siya ng buong pagtataka pero umiwas siya ng tingin sa akin.

"Mukhang mas malakas ang loob mo Ms.Monet--?"

Tumikhim si Monet at ipinagpatuloy ang pangalan. "Alexandra Monet Lim."

"Ms.Lim, aasahan ko kayo." Aniya pero hindi ko na hinintay pa na matapos ang pag uusap nila. Lumabas na ako at dumiretso sa opisina ko!

Doon ko nilabas lahat ng sama ng loob ko! Panay ang pagmumura ko sa isip ko habang sunod sunod akong tumungga ng malamig na tubig at ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sunod sunod na mahinahong pagkatok.

"Come in!" Habol hiningang sigaw ko at halos maibuga ko ang iniinom ko nang pagkabukas ng pintuan ay siya ang iniluwa noon.

Nasa kaliwang braso niya ang nakatuping coat na kanina ay suot niya. Nakatupi naman ang white polo niya hanggang siko na nagiging dahilan para makita ko ang mga ugat doon sa kanyang braso. Gulo na rin ang neck tie na kanina ay maayos ang pagkakabuhol.

"Tapos na ang meeting." Sabi ko na para bang pinapaalis ko siya, umupo ako doon sa swivel chair ko at nagkunyaring may binabasa sa laptop ko na naka-off naman.

"Yeah. Gusto ko lang makita ang office mo." Napaka lalim ng boses niya na para bang kay tagal kong hindi narinig iyon kahit pa kagabi lang kami huling nag-usap.

Yeah, kagabi nga lang kami nag usap pero parang kanina naman ay hindi na naman kami magkakilala. Naiintindihan ko naman na trabaho lang ang lahat, pero bakit pakiramdam ko ang hirap hirap ng gusto niyang mangyari?

Hindi ako umimik, hinayaan ko siyang maglakad lakad sa opisina ko hanggang sa pinili niyang maupo doon sa kaharap kong upuan sa gilid ng table ko. 

"Congratulations, maganda ang presentation mo kanina." Puri niya sa akin na halos hindi ko mapaniwalaan.

"Really? Parang kanina lang gusto mong ipamukha sa akin na mali lahat ng sinabi ko." Paghihimutok ko na tinawanan naman niya, nagtaas ako ng tingin sa kanya na pinagsisihan ko dahil mabilis niyang hinuli ang mga mata ko. That fcking gray eyes na minana niya rin kay Dad ay nagpapakaba sa akin ng husto.

"Masyado kang mainit kanina, trabaho lang yon." Natatawang sabi niya na nagpapalabas sa dimples niya, nanginig ang mata ko at gustuhin ko mang iwasan ang nakakapanindig balahibong pagtitig niya ay hindi ko lubusan na magawa.

"Maganda ang presentation mo. Nakulangan lang ako ng kaunti, masyado kasing madali. Hindi mo manlang pinahirapan ang sarili mo." Seryosong aniya.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. "Mahirap ang pinapagawa mo." Pilit kong pinapahinahon ang boses ko.

Mas lalo niyang binalot ng titig ang buong pagkatao ko at muling nagsalita na para bang pinapangaralan niya ako.

"Althea, sinusubukan ko kung hanggang saan ang kaya mong gawin kapag gusto mo ang isang bagay. Hindi ba't sabi mo kay Dad, ito ang gusto at pangarap mo? Gusto kong makita kung anong kaya mong gawin para ipaglaban yang sinasabi mong gusto mo." Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

Pero mas lalo akong kinabahan sa sumunod na sinabi niya. "Simula pa lang, pero parang sumusuko ka na kaagad."

Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa boses niyang unti unti kong nararamdaman ang lambing. "Hindi ka pa ba aalis?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim, bago may inilapag na brown envelope sa gilid ng table ko.

"Napirmahan ko na lahat ng kailangan niyo ni Ms.Lim." Sabi niya, kinuha ko iyon at binuksan.

Umangat ang labi ko dahil nandoon na nga ang lahat lahat.

Narinig kong ngumisi siya. "Parang pakiramdam ko pinagtatabuyan mo na kaagad ako, samantalang nasa akin pa ang kailangan mo." Tawa niya, kinagat ko ang ibabang labi ko at nahihiyang tinignan siya.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon? Naghalo halo na kasi ang kabang nararamdaman ko kanina mula sa meeting. Maging yung inis na kanina lang ay gumapang sa akin dahil sa ginawa niyang pakikipag usap sa amin ni Monet. At ngayon, yung paunti unting lumalambing na boses niya na nagpapahina sa katauhan ko.

Tumayo na siya at inayos ang neck tie. "Gusto sana kitang yayain mag lunch, pero may meeting pa ako. Marami ka yatang hindi na-ikwento sa akin kagabi." Aniya na nagpalunok sa akin. Kung tutuusin ay ayoko na munang makipag kwentuhan ulit sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na may hindi ako gustong nararamdaman para sa kanya at sa tingin ko ay gusto ko nalang itong ibaon sa limot.

"Hindi bale, may next time pa naman." Aniya at napaangat ang labi ko sa sumunod na sinabi niya.

"Matagal tagal rin tayong magsasama sa trabahong 'to. I would really like the opportunity to contribute to what you have created here. Gusto ko rin makita kung paano ka lumaban, kung hanggang saan ang kaya mo at kung hindi ka ba matitibag sa salitang pagsuko."

Gaano katagal? Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin sa katawan sa tuwing malapit siya sa akin. Pero alam ko, alam kong kaya kong pigilan ang sarili ko kagaya noon.

Pero hanggang saan?

***

AN: I know. :( Matagal na naman akong mag update. I'm sorry, guys, back to normal life na naman ako dito sa desyerto. :/ busy na naman ang buhay.

Pero promise. Tatapusin ko lahat ng story ko, kahit abutin ulit ng ilang buwan kagaya ng Somewhere Down The Road.

Basta maraming salamat babies! Ingat palagi.

Love lots.

Ate Ash.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top