ALC-DTC: Kabanata 37

Dedicated kay Kuya @warletselda85 , Kuya! Haha, salamat sa pagbabasa. Hindi kita makakalimutan kasi isa ka sa mga unang male reader ko dito sa wattpad. Nakakatuwa lang. Salamat po Kuya! God bless!

At sa inyo, sorry alam kong sobrang late yung promise na update ko na dapat kanina pa! May pinuntahan kasi ako at di ko naman alam na gagabihin pala ako. Anyway, salamat po ng marami sa patuloy na suporta! Love lots, Sweethearts! :) <3

ALC-DTC: Kabanata 37

Panay ang halik ni Tyler sa balikat ko ngayong nakaupo na kami dito sa loob ng kubo.

"I'm sorry..." Bulong niya habang nakalapat ang labi niya sa balikat ko. Ngumiti ako ng marahan saka hinaplos ang kamay niya. Kanina pa siya hingi nang hingi ng tawad sa akin pero alam kong hindi naman dapat.

"Mahal kita, Tyler." Sagot ko sa kanya saka naramdaman kong hinigpitan niya ang yakap sa aking bewang .

"Hinding hindi kita pababayaan." Pangako niya sa akin at saka hinalikan ako sa noo.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang hapdi mula sa pagitan ng hita ko. 'Yon ang nagiging katibayan ng pagmamahalang pinagsaluhan namin kanina. Masayang masaya ang puso ko at kahit na alam kong mali, hindi ko 'yon pinagsisihan.

Ilang sandali pa ay nagpasiya na rin kaming bumalik sa bahay. Naligo na muna ako bago lumabas ulit sa kwarto.

Tinitignan ko ang nakasaradong pintuan ng kwarto nila Dad. Hindi ko maiwasang hindi huminga ng malalim dahil sa guilt na nararamdaman ko hanggang ngayon.

"Hey," Napabaling ako kay Tyler na ngayon ay hinihila na pasara ang pinto ng kwarto niya. Bagong paligo na rin siya at suot niya ang white sando na medyo maluwag ng kaunti saka itim na boxer short.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko nang maalala ko kung paano ako makulong sa mga bisig niya. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon naaalala ko ang bawat reaksyon ng gwapong mukha niya kung paano ko ipinaubaya ang buong sarili ko sa kanya.

"Ah, nagugutom ka ba?" Usisa ko sa kanya saka naglakad ako patungo sa may hagdan. Sumunod naman siya sa akin at mabilis niyang pinadulas sa isa't isa ang kamay naming dalawa.

"Ayos lang, ikaw, ikaw ang kailangan kumain para bumalik ang lakas mo." Nasa boses niya ang pag aalala pero awtomatikong nag init at namula ang pisngi ko. Hindi kasi nakaligtas sa kanya ang panghihina ko kanina nung naglakad kami pabalik sa bahay, binuhat na nga niya ako dahil sa panginginig ng tuhod at hapding nararamdaman nitong nasa pagitan ng hita ko.

"Okay." Yun nalang ang nagawa kong isagot sa kanya at magkahawak kamay pa rin kaming bumaba. Naramdaman ko yung lungkot sa puso ko nang makitang nasa ibabaw na ulit ng piano ang family picture namin na ngayon ay wala na ang salamin. May bakas pa rin iyon ng dugo na nanggaling sa kamay ni Dad kanina. Isipin ko palang na nasaktan niya ang mga kamay niya dahil sa akin ay para bang hindi na kinakaya ng paninikip ng puso ko.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi saka tumingala kay Tyler habang nakayakap siya sa bewang ko. "Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nagawa natin kay Dad." Bulong ko, nasa mga mata din ni Tyler ang galit sa kanyang sarili na alam kong pilit na naman niyang tinatabunan.

"Alam kong mahirap, Sweetheart. Pero pinapangako ko sayong hindi ako titigil hangga't hindi tayo napapatawad ni Dad." Pag aalo niya sa akin saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

---

Alas sais na ng umaga nang pareho na kaming nakagayak ni Tyler patulak pabalik sa Manila dahil na rin may mga naiwan pa kaming trabaho at alam kong kailangan ko nang harapin si Monet.

"Ma..." Tawag ko kay Mama nang buksan niya ang pinto ng kwarto nila ni Dad, kumirot ang puso ko nang makita ang pamamaga ng mata niya. Isang purong ngiti ang ibinigay sa akin ni Mama saka hinawakan ang kamay ko. "How are you?" Namamaos ang boses ni Mama, umiling ako at tinitigan siyang mabuti.

"Ma, alam kong hindi ka okay." Nag aalalang sabi ko, mas lalong ngumiti si Mama dahilan para lalong maningkit ang namamaga niyang mata.

"I'm okay, huwag mo na akong isipin." Aniya na mas lalong nagpasakit sa puso ko.

"S..si Dad?" Usisa ko saka tumingin sa kwarto nila, marahan akong hinila ni Mama pababa.

"Lumuwas na ang Dad mo kaninang four o'clock," Napaawang ang labi ko dahil hindi ko manlang naramdaman ang pag alis ni Dad kahit pa hindi naman ako masyadong nakatulog dahil sa kaiisip.

Nang makababa na kami sa may sala ay nandoon na si Tyler at hinihintay ako, kaagad siyang lumapit kay Mama at hinalikan ito sa noo habang nakaalalay siya sa bewang.

"Good morning." Bati ni Mama sa kanya, "Pabalik na kayo ng Manila?"

Tumango ako kay Mama, "Ma, I'm sorry." Pakiramdam ko kasi ay walang kapatawaran ang lahat ng kasalanang nagawa ko.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko at nasa mga mata niya ang lungkot na may halong kasiyahan, hinawakan niya ang kamay naming dalawa ni Tyler saka kami nginitian ng marahan.

"Walang ibang mahalaga para sa akin kundi ang makita kayong masaya. So, stop blaming yourself Althea, hindi kasalanan ang magmahal. Siguro ay may pagkakamali kayo pero sa kabila non may mga bagay na matutunan kayo na sana ay pahalagahan niyo." Payo ni Mama, hindi ko na naman mapigilan yung pagtulo ng luha ko. Alam kong mali na magsinungaling kami sa kanila ni Dad, dahil unang una hindi ka dapat nagsisinungaling sa mga taong mahal mo. Hindi mo dapat dinadaya ang damdamin nila sa isang kasinungalingan para lang maging masaya sila dahil mas masakit pala 'yon.

"Galit ang Dad niyo hanggang ngayon, pero naniniwala ako na in God's will, lahat maiintindihan niya para sa inyo. I'm praying na sana mawala na ang galit sa puso niya, sa haba ng panahon ngayon ko nalang ulit siyang nakitang galit sa akin. But it doesn't matter, kasi alam kong mas mangingibabaw ang pagmamahal niya para sa inyo." Ngiti ni Mama sa amin, sa buong buhay ko never kong nakita na inaway o sinaktan ni Dad si Mama, puro kasiyahan lang ang ibinibigay niya para dito at isang pagmamahal na walang sino man ang makakapantay.

"Just give him some time, mabuting tao ang Daddy niyo." Dagdag niya saka niyakap kaming dalawa ni Tyler, "Ikaw naman Tyler, siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin si Althea." Bulong ni Mama habang tinatapik tapik ang likod naming dalawa. Naramdaman kong inilahad ni Tyler ang braso niya sa aming dalawa ni Mama upang mayakap kaming pareho.

"I won't, siya lang yung pinaka tamang nangyari sa buhay ko, Ma. Hinding hindi ko siya sasaktan dahil hindi ko kakayaning mawala siya." Pangako ni Tyler na nagpalambot sa puso ko.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami kay Mama, ibinilin namin sa kasambahay na tawagan kami kaagad kapag nagkaroon ng problema.

--

Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko kaya naman bumaling ako sa kanya at ngumiti.

"Kanina mo pa hinahalikan ang kamay ko ah." Buong biyahe kasi namin ay wala siyang ginawa kundi gawaran ng maliliit na halik ang ibabaw ng kamay ko. Hapon na rin nang makarating kami dito sa Manila at nakatigil na ngayon ang kotse niya sa tapat ng company namin ni Monet. Pinili kong magpahatid sa kanya sa office ko para sana makausap na si Monet dahil alam kong may pagtatampo rin siya sa akin.

Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya na isa sa mga kinahuhumalingan ko noon pa man.

"Alam kong hindi pa dapat ako tuluyang maging masaya dahil hindi pa tayo napapatawad ni Dad. But, I'm so damn happy right now dahil sa pagmamahal mo. And...." Napansin kong namula ang mukha niya at nag iwas siya ng tingin sa akin na para bang nahihiya.

"You look so beautiful in my eyes since last night, Sweetheart. Di ko na mapakalma yung puso ko, pakiramdam ko mas lalo akong nabaliw sayo." Nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya, kinagat niya ang ibabang labi dahilan para mas lalo kong makita ang malalim na dimples sa kanyang pisngi. Lumunok ako ng sunod sunod bago pa siya muling lumingon sa akin.

Mas lalong lumalim ang pagtitig niya at nakabalot do'n ang matinding pagmamahal.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nahihingi ng tuluyan ang mga kamay mo kay Dad, handa akong saluhin kahit ilan pang suntok maging sa akin ka lang habang buhay." Mariin na sambit niya na nagpabilis ng sobra sa puso ko.

"I...I love you, Tyler." Yun lang ang tanging naisagot ko pero kitang kita ko ang malakas na epekto no'n sa kanya.

Napapikit ako nang sandali niya akong bigyan ng malalim na halik, "Mahal na mahal kita, Althea." Mainit na bulong niya sa pagitan ng labi naming dalawa.

Lutang na lutang akong naglakad papasok sa company namin ni Monet, bukod sa panghihina ng tuhod at sa hapdi na nararamdaman ng pagitan ng hita ko ay nanlalambot din ang puso ko ngayon. Nakakapagtaka mang isipin pero parang nalusaw ako sa mga salitang binitiwan niya para sa akin.

Humugot ako ng napakalalim na paghinga bago ko tuluyang pinihit ang door knob ng opisina ni Monet, nakatutok siya do'n sa laptop niya na kunot na kunot ang noo.

Tumikhim ako dahilan para mag-taas siya ng tingin sa akin, nakaramdam ako ng kaba dahil blangko ang ekspresyon niya. Isinara niya ang laptop saka tumayo at naupo do'n sa mahabang sofa.

Humalakipkip siya at nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa sahig.

"Monet..." Halos ikuyom ko na ang kamao ko dahil nanlalamig ako sa kaba.

"I..I'm sorry."

"Althea, bakit kailangang kay Jonathan ko pa marinig ang lahat ng paliwanag tungkol sa nangyari sa bahay niyo kagabi?" Malamig na tanong niya sa akin, nag init ang paligid ng mata ko alam kong mali na itago sa kanya ang lahat ng ito dahil kaibigan ko siya.

"Sasabihin ko naman, kaso napupuno talaga ako ng takot. Natatakot akong mahusguhan ng mga tao sa paligid ko." Nanginginig na ang lalamunan ko sa pagsasalita. "At sa tingin mo ganon ako? Althea, buong pagsasama nating dalawa never kitang hinusgahan." Nasa boses niya ang pagkainis.

"Alam ko, pero iba kasi Monet, alam mong mortal na magkaaway kami umpisa palang. Tapos biglang ganito? Biglang malalaman mo nalang na may relasyon kaming dalawa na hindi dapat mangyari!" Hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko at ang pagtulo ng luha ko ay dumiretso na.

"H..hindi ko naman sinasadiya! Hindi ko sinasadiyang mahalin siya!" Humihikbing sambit ko! Inilagay ko sa aking mukha ang dalawang kamay ko at do'n umiyak nang umiyak.

Hanggang sa naramdaman kong yumakap na sa akin si Monet.

"Nakakainis ka! Nagtatampo ako sayo tapos iiyakan mo ako!" Narinig kong umiiyak na rin siya ngayon, "Makikinig ako, Althea. Kaibigan mo ako, hindi kita huhusgahan dahil alam ko kung sino at anong klaseng tao ka." Nauutal na sambit niya habang mas lalo akong niyakap.

"I'm sorry!"

"Sorry din! Dahil dapat sinabi ko din sayo na kinukulit ako ni Cash, hindi ko maikwento sayo dahil alam kong may nakaraan kayo." Mahinang sambit niya, umiling iling ako saka yumakap ng pabalik sa kanya.

"Monet, hindi mo naman kailangang sabihin sa akin yon. Dahil hindi naman naging kami ni Cash diba? Ako ang may matinding kasalanan sayo."

Bigla siyang tumawa dahil ngayon ay inaako na naming pareho ang mga kasalanan namin sa bawat isa. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala pa si Monet sa akin, dahil siya ang pinaka matalik kong kaibigan noon pa man.

Naupo na kaming dalawa at nagsimula na kaming mag usap tungkol sa mga sikretong itinago namin sa isa't isa.

---


Kahit kailan hindi naging option sa akin na sumuko nalang kay Althea. Kahit pagod na pagod na ako at sobrang nasasaktan ay pinili ko pa ring panindigan yung nararamdaman ko para sa kanya, dahil baka mawala ako sa sarili kung hahayaan ko nalang na tuluyan na siyang mawala. Basta ang alam ko lang, I will continue to fight for her kahit pa wala akong kasiguraduhan kung sa akin ba talaga siya babagsak.

Ako na yata ang pinaka gago sa buong mundo, dahil sa tuwing may mga lumalapit sa akin na babae noon ay hindi ko lahat pinapalagpas. I just don't want them to feel na hindi sila karapat dapat magustuhan kaya lahat sila pinapatos ko kahit pa alam kong mali, kahit pa alam kong isang kasalanan 'yon dahil ginagamit ko sila upang matabunan ang damdamin ko para kay Althea. I choose to be a gentleman sa lahat ng babaeng nakikilala ko para makuha sila, ibinibigay ko ang lahat maliban lang sa kanya.

Maliban lang kay Althea.

Dahil sa kanya ako naging masama and at the same time naging mahina.

Pilit kong tinatabunan ang nararamdaman ko dahil magiging isang baliw ako kahahabol sa kanya at 'yon ang hindi ko gugustuhing mangyari sa buhay ko. I won't beg someone to love me dahil kung gusto niyang umalis sa tabi ko, hindi ko siya pipigilan. Kung ang paglayo sa akin ang makakapag pasaya sa kanya, go on.

Why would I beg for someone to stay? Isang kagaguhan lang yon, nakakababa ng pagkalalaki. Just because I'm a gentleman, it doesn't mean I will beg for someone to stay in my life. I will never beg for someone to stay where they don't want to be.

Never.

But, I was wrong… who would have thought na lahat ng sinabi ko ay kakainin ko lang pala dahil sa hindi ko mapigilang sumasabog na pagmamahal ko para sa kanya.

Yes, I begged her to stay, kahit na pakiramdam ko nakakababa na ng pride at ego ko 'yon bilang isang lalaki. I know that I should be mad at myself for being so pathetic, begging her to stay with me and fight for us kahit na alam kong parang wala namang patutunguhan. Yet I'm not. I have no regret begging her to stay. Walang wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nagawa ko para sa kanya.

Dahil tangina.

Mas masakit pala kung wala siya.

At ngayon, dumating na ang pinaka kinatatakutan ko, ang mag-makaawa kay Dad dahil ni minsan hindi rin ako nag-makaawa sa kanya na ibigay ang lahat ng gusto ko. Sanay akong nakukuha ko ang lahat sa paraang kaya kong gawin.

"Ilang beses ko pa bang uuliting sabihin sayo na tumayo ka diyan at umalis ka sa harapan ko!" Singhal ni Dad sa akin ngayong nakaluhod ako sa harapan niya at hindi ko na mabilang kung gaano karaming suntok ang dumapo sa mukha at katawan ko.

Masakit? No, dahil mas masakit kung magpapatuloy na hindi namin matatanggap ni Althea ang kapatawarang hinihingi namin mula sa kanya.

"Please, Sir...I know that I am not a perfect man for, Althea, but I promise that I will love and respect her with all my heart. Kahit siya na lang ang patawarin niyo at huwag na ako." Mariin na pakiusap ko na mas lalong nagpa-angil sa kanya. Hindi ko na iisipin yung bawat kirot sa lintik na dibdib ko, ang importante sa akin ngayon ay mapatawad niya si Althea sa pagkakasalang ako naman ang nagsimula. Dahil hindi ko kakayaning makitang malungkot at nasasaktan siya.

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Paano mo masisikmurang halikan at angkinin ang kapatid mo?!" Dinig na dinig sa buong opisina ang malakas na pag sigaw niya.

Hindi ko naiwasan ang magpakawala ng mapait na pag ngisi na labis niyang kinagagalit sa akin sa tuwing magtatagpo ang galit namin sa bawat isa. "Simula't sapul naman hindi siya naging isang kapatid sa mga mata ko. I'm always thinking, how does it feel to wake up next to her every single morning? Wala pa man din pero alam kong sobrang saya no'n." Para na naman akong gago na nanaginip ng gising para sa aming dalawa ni Althea, wala na akong pakialam kung gaano pa kasakit ang mga pasa sa mukha ko dahil napapalitan 'yon ng kasiyahan sa tuwing maiisip kong mahal ako ng babaeng kinalolokohan ng pagkatao ko.

"I can clearly see our future so perfectly in my head, nakakatawa dahil noon pa man pinangarap ko nang magkaroon ng pamilya kasama siya. She's the only reason kung bakit sineryoso ko ang kumpanya, pinatayuan ko siya ng isang bahay kung saan kami bubuo ng pami-" Nanatili akong nakangisi kahit pa muli na namang dumapo sa mukha ko ang matigas niyang kamao. Matatag pa rin ako sa malalim na pagtitig at mabilis niyang paghinga dahil sa galit at poot para sa akin.

Sa pang ilang pagkakataon ay pinunasan ko ang dugo mula sa aking bibig. Di na rin alintana sa akin ang lasa nito, kahit anong hirap kakayanin ko maging sa akin lang ng tuluyan si Althea at maging masaya lang siya.

"This is not what I've been dreaming about for Althea! Hindi ganito ang iniisip ko kung paano ko ibibigay ang mga kamay niya sa isang lalaki! At mas lalong hindi para sayo! Hindi ganito!" Marahas niyang sinipa ang swivel chair dahilan para matumba ito!

I can see the desperation in his eyes, naiintindihan ko kung gaano niya kamahal si Althea. Kung gusto niya akong itakwil bilang anak, tatanggapin ko basta ibigay niya lang sa akin ang pinakamamahal ko.

"I'm sorry, Dad. Please, patawarin niyo si Althea." Nahihirapang sambit ko dahil ang dugo sa bibig ko ay hindi humihinto.

Umiling iling siya at malakas na sinuntok ang pader na siyang nagpapitlag sa pagkatao ko.

"Damn it, hindi ganito yung ipinagdarasal ko para sa inyong magkapatid." Garalgal na sambit niya. "Mas lalong lalo na kay Althea."

Umangil siya dahil sa sobrang galit sa sarili.

"I keep on praying to God, to give her a man who is willing to sacrifice himself for her, a man that won't give up on her sa kahit na anong paghihirap pa ang harapin nila." Hindi ko na napigilan ang matinding pagkirot mula sa kaliwang bahagi ng dibdib ko, dahil dinig na dinig ng dalawang tenga ko kung paano manginig ang boses ni Dad sa nagbabadiyang pag iyak na sa tingin ko ay kanina niya pa pinipigilan.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago naihilamos ng marahas sa kanyang mukha ang mga kamay niya. "I can't promise na matatanggap ko kayo sa madaliang panahon. Sana lang maibigay mo sa kanya ang pagmamahal na ibinigay sa akin ng Mama niyo, because I want her to experience that kind of love. Yung pagmamahal na walang sino man ang makakapantay. Because if you're just going to hurt my daughter kagaya ng ginagawa mo sa mga babae mo noon, tandaan mong kakalimutan kong sariling anak kita."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top