ALC-DTC: Kabanata 28

Dedicated kay @Katey_perry natawa ako sa pahabol mong comment na may sumpa ang paradise ni Tyler! Meron nga ba? :) Thank you sa pagbabasa!

At syempre, thank you din sa inyong lahat! Love you, Sweethearts! *hearts everywhere*

ALC-DTC: Kabanata 28

"Tyler, nababaliw ka na ba?!" Bulyaw ko sa kanya saka akmang sasakay na ulit ako sa kotse niya pero mabilis niya akong nahila sa braso ko at hinarap sa kanya.

"Come on, wala ka bang tiwala sa akin?" Panay pa rin ang ngisi niya, pero ako sobra sobang kinakabahan.

Nandito kami ngayon sa bahay namin sa Zambales at hindi ko gusto yung pakiramdam na mag stay kami dito na dalawa lang kami. Lalo na at nandito ang mga katiwala namin dito sa beach.

"Tiwala? Tyler, kapag nakita tayo nila Manong Lester, mabubuking na nilang lahat ang sikreto natin!" Sigaw ko sa kanya pero nanatili siyang kalmado.

"Relax, Sweetheart, sa tingin mo ba hindi ko naisip yun?" Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mata ko.

"Sweetheart." Tawag niya sa akin, hanggang ngayon ay hindi maiwasan ng puso ko na makiliti sa tuwing tatawagin niya ako sa ganoong paraan.

"Bago mo pa maisip yang mga tumatakbo ngayon sa isipan mo, nagawan ko na ng paraan. Pinag-bakasyon ko silang lahat. Si Manong Lester, pati na rin yung mga kasambahay." Paliwanag niya na nagpaawang sa labi ko.

"Pero..."

"Pero? Baka malaman nila Mama? Sa December pa dadating sila Mama." Huminga siya ng malalim, "Darating naman talaga yung panahon na malalaman nila ang lahat, Althea, pero magtiwala ka lang sa akin. Kaya natin 'to at nakakasigurado akong matatanggap nila ang lahat kapag nakita nilang mahal talaga natin ang isa't isa." Paninigurado niya sa akin, bumuntong hininga ako dahil kinakabahan pa rin ako.

"Lika nga dito." Sabi niya saka hinila ako at hinalikan niya ako sa noo ko saka niyakap at hinaplos haplos niya ang braso ko. Mainit ang palad niya at nagiging paraan iyon para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko mula sa malakas na hangin na humahampas sa katawan ko.

"Relax ka lang, gusto kong palitan ng saya lahat ng mapapait na alaala na binigay ko sayo dito sa kinalakihan nating lugar." Bulong niya habang yakap yakap pa rin ako.

"I want you to know na dito sa lugar na 'to, natutunan kong magmahal ng sobra sobra." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa matatamis na salitang binibitawan niya ngayon.

"The day that you came to my life was the best moment that I will never ever forget, Al. Dahil alam kong tumibok kaagad ang puso ko para sayo." Aniya na nagpabasa sa paligid ng mata ko, inihiwalay ko siya sa pagkakayakap sa akin at tumingala ko upang pagtagpuin ang mata naming dalawa.

I can see in his eyes how much he loves me, pakiramdam ko ay malulunod ako sa pagmamahal na iyon na para bang ang hirap hirap suklian dahil sobra sobra ang ibinibigay niya.

"Thank you, Tyler, I promise mamahalin din kita kagaya ng pagmamahal mo sa akin." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko na mabilis niyang pinunasan, ngumiti siya at hinaplos haplos ang pisngi ko.

"Don't cry, Sweetheart, gusto ko simula ngayon ngingiti ka nalang dahil mahal kita at kaya kitang ipaglaban." Sabi niya na tinanguan ko naman.

Kahit na puno pa rin ng pag aalala ang kalooban ko dahil nandito kaming dalawa sa bahay sa Zambales, pinilit kong kalimutan iyon para sa kanya. Gusto kong suklian yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin ngayon.

"Sarap noh?" Kumindat pa siya nang sabihin niya iyon ngayong kumakain na kami ng hapunan na niluto niya. Nandito kami ngayon sa kubo kumakain at napakaganda talaga sa pandinig yung bawat hampas ng alon doon sa dagat.

"At magaling ka pala talagang magluto." Puri ko sa kanya, pinagmasdan ko siya ngayon na maganang maganang kumakain. Ewan ko pero napapansin ko ang pag galaw galaw ng biceps niya sa simpleng pagkilos niya lang habang kumakain.

Nakasando siyang kulay itim na fitted sa katawan niya at boxer short na pilit kong iniiwasan na tamaan ng mata ko dahil may kakaiba akong napapansin. Lumunok ako at nag isip ng ibang mapag uusapan.

"Siya nga pala, si Lola?" Tanong ko sa kanya dahil hindi na ulit ako nakadaan sa bahay niya matapos kaming magpunta sa Batangas.

Sandali siyang uminom ng tubig, "Uhm, tumawag si Lolo Nathan last yesterday, pinauwi si Lola sa Japan dahil may sakit daw siya." Natatawang sabi niya na siyang tinawanan ko din.

"Hay naku, yang si Lolo Nathan gagawin ang lahat huwag lang mawalay ng matagal sa kanya si Lola." Sabi ko, naalala ko pa noon kung paano magpanggap si Lolo na may sakit siya para lang magpa lambing kay Lola, dahil kapag alam ni Lola na wala siyang sakit ay bihira siyang lambingin nito. Alam na alam kong sobrang healthy pa nilang dalawa kaya tiwala akong hindi sila basta basta magkakasakit pa.

"Parang ako, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin." Seryosong sambit niya na nagpaubo sa akin ng sunod sunod! Humalakhak naman siya at pagkatapos ay tumayo siya para painumin ako ng tubig.

Panay ang haplos niya sa likod likod ko. "Palagi ka nalang nabubulunan." Ngisi niya.

"Palagi mo kasi akong ginugulat!" Umuubong sigaw ko sa kanya matapos kong uminom, ngumisi siya.

"Bakit? Masama ka rin bang ginugulat?" Biro niya saka tumayo ng diretso sa harap ko na mas lalong nagpaubo sa akin ng sunod sunod dahil doon sa nakikita ko ngayon. Tumalikod ako at lumabas ng kubo saka nagpaypay ng mukha gamit ang kamay ko, naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

"Wooh! Ang init ha!" Sigaw ko habang patuloy sa pagpaypay. Hindi naman ako noon naiilang sa pangangatawan nito, pero bakit ngayon ay para bang umuusok ang tenga ko sa kahihiyan sa tuwing nakikita ko siya sa ganitong ayos.

"Mainit? Edi palamigin natin!" Ngisi niya at nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang sando niya! Bumulaga sa akin ang magandang hubog ng katawan niya.

"Hoy! A-anong ginagawa mo?!" Hiyaw ko sa kanya at umatras ako, pero nginisian niya lang ako at hindi ko alam kung paano niya ako nahila at binuhat na parang bagong kasal! Napasigaw ako ng malakas at nagpapadiyak ako sa bisig niya nang tumakbo siya patungo sa dagat!

"No! My God! Tyler! No!" Sumisigaw na halakhak ko pero puro ngisi lang ang isinagot niya sa akin.

"Kesa naman mainitan tayong pareho, edi magpalamig tayo!" Sigaw niya at ilang sandali pa ay mabilis na kaming lumubog sa dagat!

Mabilis akong nakawala sa bisig niya at pinunasan ko ang mukha ko dahil sa tubig na nagpapigil sa hininga ko.

Hinampas ko ang dibdib niya na siyang pinagsisihan ko dahil parang ako pa ang nasaktan!

"Ang lamig lamig, Tyler!" Sigaw ko sa kanya, ngayon ay tanging liwanag ng buwan nalang ang nagiging ilaw naming dalawa pero aninag na aninag ko pa rin ang gwapong mukha niya.

Humalakhak siya, "Sabi mo kasi mainit!" Panunuya niya sa akin saka pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko na naghatid ng mainit na pakiramdam upang maibsan ang lamig ng tubig.

Nakatalikod ako ngayon sa kanya habang yakap yakap niya ako at hindi ko maiwasan ang paglunok dahil may naramdaman akong gumalaw doon sa likod ko. Ramdam na rin ng leeg ko ang mainit na buga ng hininga niya.

"Ah, Tyler? Si Kate? Nasaan na pala siya?" Gumawa nalang ako ng mapag uusapan para naman medyo mawala ang pagkailang ko. "Si Kate? I don't know, hindi ko na rin matandaan kung kailan kami huling nagkita. But, nagkaintindihan naman kaming dalawa, hindi ko alam kung friends bang maitatawag iyon. Pero wala naman kasing kami." Paliwanag niya sa akin at napakagat ako sa dila ko nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"P..pero, diba may nangyari sa inyo?" Nahihiyang bulong ko, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Huminga siya ng malalim, "Yes, pero isang gabi lang yun. Hindi na naulit pa at saka kung may nangyari man sa amin wala na yun, sobrang tagal na non. Saka isa pa, matapos kong aminin sayo four years ago kung gaano kita kamahal, huminto na ako sa pambababae. Dahil kahit anong gawin ko ikaw pa rin eh, hindi na mabago. I'm sorry, alam ko iniisip mo ang gago ko para gumamit ng iba." Nasa boses niya ang pagsisisi at panghihinayang sa mga panahong nasayang namin.

Humawak ako sa braso niya. Kahit basa ang balat niya ay naramdaman kong tumaas ang balahibo niya at parang may muli na namang nabuhayan ng dugo doon mula sa likod ko na mas lalong nagpatuyo sa lalamunan ko! Pilit kong pinakalma ang sarili ko at huminga ng malalim.

"No, it's okay. Nangyari naman lahat ng iyon nung hindi pa tayo, so ano pang sense kung magseselos ako diba?" Paninigurado ko sa kanya, totoo namang wala pa akong karapatang magselos nung mga panahon na iyon dahil wala namang kami noon. Napapikit ako nang halikan niya ang balikat ko.

"Thank you, Sweetheart." Bulong niya doon, damang dama ko ang pag galaw ng labi niya sa balikat ko pero nanatili akong matatag sa pagtataksil ng katawan ko para sa kanya.

Tumikhim ako, "Pero, may naalala ako."

"Ano yun?" Usisa niya, "Si..Yuri? Sino siya? Sigurado ako hindi siya basta isang hayop lang, dahil sa kwento ni Lola nung sinundo natin siya noon, nag aaral si Yuri." Natatawa pero may pait sa boses ko.

"Si Yuri, parehas kayo ng mga gusto, may pagkakahawig din kayo. Nakilala ko siya sa Japan, kasing edad mo, nag aaral pa siya hanggang ngayon dun sa Japan. Nabaling yung atensyon ko sa kanya nung nandoon ako, naging kami sa loob ng isang buwan, pero tinigilan ko rin kasi wala talaga, ikaw at ikaw pa rin yung tumatakbo sa isip ko. Yung boses mo parang gagong ayaw tumigil sa pandinig ko, nababaliw na talaga ako sayo noon pa man." Kwento niya na nagpakabog sa puso ko.

"Pero," Magsasalita pa sana ako pero hinarap niya ako sa kanya at habol hininga ako nang haplosin niya ang pisngi ko habang nilulunod ako ng malalim na pagtitig niya sa akin. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero mukhang naaagaw na naman ng atensyon niya ang buong pagkatao ko dahil sa mga titig niya sa akin.

"Al, maniwala ka, mahal na mahal kita at hinding hindi ako magsasawang alalahanin sa lugar na 'to kung paano kita sinimulang mahalin." Bulong niya.

"Ty..." Tawag ko sa kanya.

"Damn it, di ko mapigilan." Bulyaw niya sa sarili at ilang sandali pa ay nilamon na niya ng mainit na halik ang labi ko na pikit mata ko namang natutunang tugunin!

Parang may libo libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa mainit na labi niya na ngayon ay patuloy na humahalik sa akin ng sobrang lalim! Kumapit ako sa braso niya at hindi ko napigilan na magpakawala ng mahinang halinghing nang hapitin niya ako sa bewang ko at mas lalong inilapit sa katawan niya na naging dahilan upang mas lalo kong maramdaman ang gising na gising niyang pag aari doon sa gitna naming dalawa!

"Tyler!" Hiyaw ko sa pagitan ng halik namin nang tumakas ang kamay niya patungo doon sa buttoks ko at marahan na pinisil iyon.

Nagising ako sa kahibangan ko kaya naman humiwalay ako sa pagkakahalik niya at kahit hingal na hingal ako ay nagawa kong magsalita.

"No..." Bulong ko saka nagmadali akong maglakad para umahon mula sa dagat. Narinig ko kung paano niya murahin ang sarili niya kasabay non ang pagsunod niya sa akin!

Hinang hina akong naglakad sa buhangin at para bang kahit anong oras ay babagsak ako dahil sa panginginig ng tuhod ko.

"Sweetheart," Hinihingal na tawag niya sa akin pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Mabilis siyang nakatakbo at hinarang niya ako, kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling iling ako.

"Mali..." Bulong ko.

"I'm sorry!" Desperadong sambit niya at mabilis niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa. "Alam ko, hindi ka pa handa. I'm sorry, I'm sorry." Paulit ulit na bulong niya saka kinulong niya ako sa bisig niya upang pakalmahin ako sa kabang nararamdaman ko.

Masaya ako pero bakit ganon? Bakit napupuno nanaman ako ng pangamba?

---

Katatapos ko lang maligo ngayon at tinitigan ko ngayon ang sarili ko sa harap ng salamin dito sa cr habang hawak hawak ko ang labi ko. Kusang bumabalik sa alaala ko yung masarap na pakiramdam kung paano niya ako halikan. Marahan kong tinampal tampal ang pisngi ko.

"Gumising ka, Althea. Mahiya ka." Bulong ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim bago ko pa napag desisyunang lumabas ng restroom.

Napapikit ako sa gulat nang tumambad siya sa akin na ngayon ay naka top less saka boxer lang at bagong paligo na rin! "Are you alright?" Nasa boses niya ang pag aalala.

Marahan kong iminulat ang mata ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya saka tumungo doon sa kama at nagkumot sa makapal na blanket.

"Ayos lang ako, hi-hindi lang talaga ako sanay ng ganito. Naninibago lang ako." Sabi ko sa kanya, naglakad siya palapit sa kama at naupo siya doon sa gilid.

"Natatakot ka ba sa akin?" Usisa niya.

---

"Natatakot ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya, fuck you Tyler. Panay na ang mura ko sa sarili dahil alam ko sa sarili kong muntik ko nang magawa.

"No! I'm sorry, kung ganito ako. Promise, masasanay din ako." Paninigurado niya at inabot niya ang kamay ko at napapikit ako ng mariin dahil ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.

Tumayo ako at huminga ng malalim. "I guess, I'll just sleep in my room." Sabi ko saka naglakad na patungo doon sa pinto.

Kung hindi ako lalayo ngayong gabi alam kong mawawala ako sa sarili ko kahit sa simpleng haplos lang niya. Damn it, di ko siya kayang galawin lang ng basta basta. Masyado ko siyang mahal para lang madaliin ang isang gabi para sa aming dalawa. Nakaya kong si mariang palad lang ang takbuhan ko sa loob ng apat na taon at magagawa ko pa ring magtiis para sa kanya. I'm gonna save all my bullets for you, Sweetheart, I promise.

"Ty!" Sigaw niya na nagpahinto sa akin.

Come on, calm down, big monster. Hindi ka pwedeng basta basta tumayo at tumigas dahil lang sa simpleng pagtawag niya sayo.

"Good night, I...love you." Pikit mata kong ninamnam ang mga salita na iyon. Kinuyom ko ang kamao ko at mahirap man pero mabigat kong inilakad ang dalawang paa ko patungo sa kanya saka mabilis ko siyang siniil ng halik. Her lips and her kisses was the sweetest thing that I've ever tasted. She turn me on with every kisses pero kaya kong pigilan iyon, kakayanin ko. Ang sarap lang kainin ng labi niya at hindi ko pagsasawaan iyon, matagal kong pinangarap 'to kaya naman hindi ko sasayangin sa wala. Sisiguraduhin kong ako ang una't huli para sa kanya.

Ako ang magiging una't huli sa labi hanggang sa pinakaiingatan niya.

"Good night, Sweetheart. I love you." Sambit ko at hinalikan ko muli ang noo niya. Ramdam ko yung paghahabol niya ng hininga and that's how I love it, gusto kong naghahabol siya ng hininga dahil sa mga halik ko.

----

Hindi ko na alam kung anong oras akong nakatulog dahil sa good night kiss na ibinigay sa akin ni Tyler kagabi. Hanggang ngayon ay parang lumulutang pa rin ako sa ere.

Nanatili akong nakapikit nang maramdaman kong pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Mas lalo kong mariin na ipinikit ang mata ko nang humiga siya sa tabi ko at ipinatong niya ang ulo ko sa braso niya. Napahinga ako ng malalim dahil sa bango ng pangangatawan niya.

"Good morning, Sweetheart." Paos ang kanyang boses dahil siguro kagigising lang din niya, naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko, tungki ng ilong at sumunod ang maliit na halik sa labi.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang napaka gwapo niyang mukha na ngayon ay tinutunaw ako ng pagtitig.

"Nasabi ko na bang, ang gwapo mo?" Ngisi ko na nagpapula sa pisngi niya.

"Ang aga mong buhayin ang dugo ko." Seryosong sabi niya at napalunok ako.

"Tyler!"

"Joke lang!" Aniya saka niyakap ako at pinapak niya ako ng halik na siyang nagpahalakhak sa akin ng sobra sobra!

"Tama na! Nakikiliti ako!" Hiyaw ko pero hindi siya tumigil sa halip ay hinuli niya ang labi ko ng isang matamis na halik na nagpapikit sa akin ng dahan dahan.

Unti unti na akong nawawala sa ulirat nang makarinig ako ng malakas na pagkabasag ng kung ano. At sa pag mulat ng mga mata ko hindi ko napigilan ang kabang gumapang sa buong katauhan ko.

Nakita ng dalawang mata ko si Mama na nanginginig at matama kaming tinititigan ni Tyler, nasa paanan niya ang basong mukhang nabitawan niya kani-kanina lang!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top