ALC: Kabanata 9
ALC: Kabanata 9
Naging abala ako buong linggo dahil na rin sa pakikipag meeting ko sa ilang clients na inalok namin para magkaroon ng branch ng M&A Clothe's Line. Pinag sama ang initial naming dalawa ni Monet para sa kumpanya.
Medyo mahirap makipag usap sa ilang clients dahil ang iba sa kanila ay nag-da-doubt sa amin ni Monet, bago pa lang daw kasi ang company at baka malugi lamang sila kung basta nalang silang papayag sa alok namin.
"Sumasakit na ang ulo ko." Sambit ni Monet habang hinihilot ang kanyang sintido. Nandito kami sa pantry ng opisina ko at napili naming magkape nalang muna matapos ang mahabang pag-rereview sa mga napapayag naming clients.
"I feel you." Namamaos na sabi ko saka sumimsim sa mug ko, ilang araw na rin kaming inuumaga ng uwi dahil kaming dalawa lang naman ang magtutulungan dito. Saka isa pa hindi pa namin kayang kumuha ng maraming manpower dahil wala pa kaming ipapasweldo kung sakali.
Tama na muna ang secretary kong si Reah at secretary ni Monet. Isama na rin namin ang lima pang na-hire namin nito lang nakaraang buwan.
Medyo malaki lang ang building na pinag-tatrabahuhan namin ni Monet dahil itong building na ito ang ginamit rin noon ng parents niya noong nagsisimula pa lamang silang magtrabaho. Nagkakabiruan na nga kaming dalawa na baka magiba na ito o hindi kaya ay baka naman binahayan na ng multo.
Pero paunti unti ay pinapa-renovate namin ang ilang parts para magmukhang bago ulit ito at maging matibay.
"Siya nga pala, sinagot mo na ba yung email ng kapatid mong hilaw?" Ngisi ni Monet sa akin habang ngumunguya ng cookies.
Oo nga pala, nawala na rin sa isip ko iyon dahil sa dami ng trabaho.
"Gosh." Bulong ko habang nakikipag titigan kay Monet, humalakhak siya at pumalakpak. "Nagagaya ka na sa secretary mong malilimutin!" Biro niya sa akin at nag sulat siya sa planner ko ng pagkalaki laking reminder patukol doon sa email na yon.
Sa isang buwan na namin kailangan ang pera dahil after two months ay mag o-open kami ng isang fashion show para sa mga unang naka-line up na damit na ilalabas namin sa market.
"Tandaan mo, parating na yung mga telang inorder ko from Paris. Pero don't worry, inabunohan ko nalang muna." Sabi ni Monet sa akin, ngumiwi ako at nag sorry dahil sa akin nakalinya ang bayarin para sa mga tela from Paris.
Kay Monet naman nakalinya ang mga machine na gagamitin sa factory. Samantalang sa mga designs naman ay ang pinsan niyang fashion designer ang bahala.
Kinabukasan ay maaga pa rin akong gumising kahit na mag-aalas tres na ng umaga akong nakauwi sa condo unit ko na nasimulan ko palang hulugan last month.
Day off ko rin ngayon pero napaka rami kong paper works na baon.
Binuksan ko ang laptop ko at nag-check ako ng mga emails. Nahirapan pa akong lunukin ang laway ko nang makita ko sa pangalawang pagkakataon ang pangalan niya na nakalinya sa mga bagong mails.
Binuksan ko iyon at halos manlaki ang mata ko dahil nakasaad doon na balak na niyang i-cancel ang pag-invest sa amin ni Monet dahil sa matagal kong hindi pag sagot! At mas lalong gumapang ang kaba sa akin nang sabihin niya doon na may ibang company na siya na balak pagbigyan na sa tingin niya ay mas interesado.
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng center table at dinial ko number ni Dad. Pero bigo ako dahil hindi niya iyon sinasagot.
"Come on, Dad, answer the phone." Nanginginig na sambit ko dahil sa kaba, pero ilang sandali pa ay nasapo ko ang noo ko dahil nakita ko ang number niya doon sa ilalim ng email niya sa akin!
Mariin kong kinagat ang labi ko at dali dali kong tinipa ang numerong nandoon. Tatawagan ko ba?
Shit.
Para sa amin ni Monet!
Matagal nag-ring cellphone niya, tumingin pa ako sa wall clock ko at nakita kong alas otso na ng umaga. Tulog pa rin ba siya ng ganitong oras? Sa pagkakaalam ko ang mga CEO na tulad niya ay madilim pa lang gising na dahil sa mga meetings na naka-line up. Bibihira kong makita si Dad na inaabot ng liwanag bago magising. Namatay na ang tawag sa kabilang linya kaya dinial ko ulit iyon.
Limang beses pang nag ring iyon at halos gumapang ang pintig ng puso ko nang may pumindot non! Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga mula sa kabilang linya at ang tahimik na paligid doon ay nakakabingi.
"Hello?" Sagot niya gamit ang bagong gising na boses na parang medyo inaantok pa.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at humugot ako ng malalim na hininga bago pa ako tuluyang nakapag labas ng salitang namumuo sa lalamunan ko.
"Good morning, Mr.Cortezano." Pinilit kong maging pormal ang pagbati ko kahit pa kinakabahan ako.
I don't know why I feel this way? Na para bang natatakot akong harapin or kausapin siya? Dahil siguro ito sa takot ko na tuluyan niyang i-cancel ang investment!
Narinig ko ang pag-galaw niya sa kabilang linya. Tumikhim siya ng isang beses bago muling nagsalita. "Yes, good morning?" Patanong na sagot niya sa akin.
"Ah, this is Althea Cortezano from M&A Clothe's Line. Gusto ko sanang makipag kita ngayon regarding sa investment? I'm sorry kung hindi kaagad ako nakapag-response sa email mo, medyo naging abala lang ako these past few days." Walang kwentang dahilan ko! Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko dahil wala akong maisip na idadahilan. Sa pagkakaalam ko ang mga investors ay hindi tumatanggap ng dahilan na 'busy ako kaya hindi ko nagawa', damn it, kami yung nangangailangan ng pera kaya kami dapat ni Monet ang naghahabol.
"Uhm, yeah? Do you still need the money? You're not answering my email kaya naman sinubukan kong i-alok sa iba. Gusto kong lumago ang pera ng kumpanya ko." Ulit niya sa sinabi ko gamit ang pormal na boses.
"Oo sana?" May halong pakiusap ang boses ko pero mukhang hindi yata umepekto iyon dahil nanatili ang malamig na boses niya.
"Alright. I'll give you a chance. Just make sure na ready kayo sa reports. But, remember, hindi kasi ako nagbibigay ng special treatment sa mga pinag-i-invest-an ko. Kahit sino pa. I make sure na may mapapala ako." Paalala niya, naiintindihan ko yon. Kung tatanga tanga ka sa business, babagsak ka talaga at hindi biro ang maglabas ng malaking pera sa panahon ngayon.
"Yes, I'm really sorry. Uhm, okay lang ba today? After lunch, pupunta ako sa office niyo." Sabi ko na kaagad niyang tinugunan.
"How about tomorrow morning? Ako na ang pupunta sa office niyo. Cause I have plans for today." Suhestiyon niya na hindi ko naman tinanggihan.
Mabilis na niyang pinutol ang tawag ko sa kanya kahit na hindi pa man lang ako nagpapaalam. Pero baliwala na sa akin iyon dahil nakakaramdam ako ng tuwa dahil makukuha na namin ni Monet ang perang kakailanganin namin para sa company!
Isa rin kasi ang perang yon na kailangan namin para makapag-hire ng bagong tauhan dahil habang tumatagal ay hindi na dumadali ang trabaho naming dalawa.
Masaya kong sinimulan ang araw ko sa pagtapos ng mga paper works ko habang nakikinig ako sa isang palabas doon sa tv nang biglang umalingawngaw ang tunog ng door bell sa buong unit ko.
Mabilis akong tumayo at sumilip sa hole ng pinto ko. Napakunot ang noo ko nang makita ko doon si Mama kaya mabilis kong binuksan iyon!
"Mama?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko at mabilis kong itinapon ang sarili ko sa kanya kahit pa alam kong wala pa akong ligo!
"Surprise!" Sigaw ni Mama sa tainga ko habang hinahaplos ang likod ko ngayong yakap yakap ko siya. Pero unti unting nawala ang ngiti ko nang mapansin ng gilid ng mata ko ang dalawang lalaki na nakatayo sa gilid namin ni Mama.
Kumalas ako kay Mama at bumaling sa kanila, lumunok muna ako bago nagsalita.
"Dad.." Hindi ko alam pero biglang humina ang boses ko ngayon, tumingkayad ako para halikan sa pisngi si Dad.
"Tignan mo itong bunso ko, abalang abala na. Nakakalimutan na kami ng Mama niya." Pagtatampo ni Dad sa akin at inakbayan ako. "Dad, naman." Paglalambing ko.
Binalingan ko naman siya ng tingin na ngayon ay nakatitig lang sa akin. He is wearing a black polo na itinupi hanggang siko niya, bakat doon ang mas lalong gumandang hubog ng pangangatawan niya. Tinernuhan niya iyon ng maong pants at kulay itim na sapatos din.
Natural ang pagkakagulo ng kanyang buhok at masasabi kong parang mas lalo siyang tumangkad. Ang mga mata niyang medyo singkit kagaya ng kay Dad ay mas lalong lumalim ang pagtitig. Walang pagbabago, masasabi kong kalolokohan pa rin siya ng ilang kababaihan.
"How are you?" Naramdaman ko ang pamilyar na pagtindig ng balahibo sa aking batok nang marinig ko na ng harapan ang boses niya. Napatingin siya sa may bandang dibdib ko kaya mabilis kong hinawakan iyon at halos mapamura ako sa isip ko nang maramdaman ko ang kwintas na bigay niya sa akin noong huling pag uusap namin. Kahit huli na ay tinakpan ko pa rin iyon ng kamay ko. Suot ko pa rin iyon dahil sinabi ko kay Mama noon na ito ang peace offering na binigay niya sa akin.
"Oh, hi." Wala sa sariling sambit ko at napaatras pa ako sa pagkakaakbay sa akin ni Dad nang tumungo siya upang halikan ako sa aking pisngi! Kaagad dumaplis sa ilong ko ang mabangong pangangatawan niya na katulad pa rin ng dati.
"Alam kong day off mo ngayon. Kaya naisipan naming dito na mag-lunch! Nag-grocery na kami kanina para maihanda na yung mga iluluto. Paniguradong mahaba habang kwentuhan ito dahil ngayon nalang ulit tayo nakumpleto." Biglang sabi ni Mama at doon ko lang napansin na may dala dalang siyang mga plastik bags.
"Ah, pasok na tayo sa loob!" Anyaya ko at nauna na ako doon sa sala. "Naku, Ma, pasensya na magulo, kahit kasi day off ko nagtatrabaho pa rin ako dito." Paliwanag ko at inayos ko ang nagkalat na papel sa sofa, center table at sahig.
Tinulungan naman ako ni Mama. Pumasok ako sa kwarto ko para ilagay ang mga gamit ko doon at nang muli akong lumabas ay nakita kong inililibot niya ang kanyang paningin sa buong unit ko.
Kumpara doon sa unit niya dati masasabi kong maliit ito. Natigilan siya sa pagmamasid nang maramdaman niya ang presensya ko, hindi ko makaya ang pagtitig niya.
"San sila Mama?" Usisa ko.
"Nasa kitchen mo, nagluluto sila ni Dad." Diretsong sagot niya sa akin.
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako sa ideyang wala na siyang weirdong nararamdaman para sa akin dahil normal na ang pakikipag usap niya ngayon. Pero sa nararamdaman kong gaan ng puso ko, sa tingin ko ay sapat na dahilan na ito para maging kalmado ako.
So, ito pala ang sinasabi niyang plano kanina?
"Maliit lang ang unit mo. Nabayaran mo na ba ito ng buo? Or nagma-monthly ka pa?" Biglang tanong niya, tumikhim ako at halos masaktan na ako sa pagpisil sa kamay ko na binabalingan ko ng kaba.
"Nagma-monthly ako, hindi ko kayang bayaran ng isang bagsakan." Medyo natatawang sagot ko sa kanya at muli niya akong tinitigan. "Di ka pa rin humihingi ng pera kela Dad?" Kunot noong tanong niya na nagpaangat sa labi ko.
"I'm sorry, pero sana manlang kahit itong unit mo pinasagot mo na sa kanila, and besides karapatan mo yun bilang anak." Diretsong sambit niya, ngumuso ako at hinayaan ko siyang magmasid pa sa buong unit ko. Alam ko kung anong pinupunto niya, pero hindi purket anak ako eh habang buhay na akong dedepende sa mga magulang namin. Kailangan ko ring tumayo sa sarili kong paa kahit na hindi ganoon kadali.
Ginalaw niya rin ang ilang figurine ko sa sala. "Magkano ba ang monthly mo dito?" Muling untag niya.
"Eleven thousand." Sagot ko, tumango tango siya na para bang sinabi niyang pwede na. Umupo siya doon sa single sofa at gusto kong matawa dahil nagmukha siyang higante doon sa upuan na yon, pang maliit na gaya ko lang kasi iyon.
"By the way, tungkol sa investment, ayaw mo bang magtry ng ibang business? Masyado nang common ang clothing line, saka hindi ka ba natatakot? Kalaban mo sila Luke, number one ang clothing line nila sa Pilipinas at kahit kailan hindi pa sila natatalo." Biglang pagbabago niya ng usapan, sa tono ng pananalita niya ay nararamdaman kong pure business lang ang lahat ngayon.
Ang M Clothe's Line ang tinutukoy niya na pagmamay ari nila Kuya Ethan at sa pagkakaalam ko rin ay kabilang na rin siya sa partnership nito.
Lumunok ako. "Alam ko naman yon. Mahirap talunin sila Kuya Ethan, dahil matagal na rin ang clothing line nila. Ika nga nila, subok na. Pero iba naman kasi yung sa amin ni Monet. Hindi naman kami naghahangad pa na maging number one, ayaw naming makipag kompitensya." Litanya ko na nagpataas sa kilay niya, hinilamos niya ang isang palad sa mukha na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko saka siya pumangalumbaba.
"You're kidding me. Hindi kayo nakikipag compete? Pinasok niyo ang ganyang business, for what? Para sa wala lang? Parang sinabi mo na rin na hindi dapat ako mag-invest sa inyo dahil walang pupuntahan ang pera ko?" Hindi makapaniwalang sabi niya na nagpagapang ng inis sa buong katawan ko. Masyado na yatang mainitin ang ulo niya, yun ang napansin ko simula nang makausap ko siya kanina nung tinawagan ko siya.
Naiintindihan ko ang pinupunto niya. Pero ang sa amin kasi ni Monet ay mas gusto muna naming mag-focus kung paano namin mas palalaguin pa ang clothing line namin at kung paano kami kikita ng malaking halaga nang hindi pa nakikipag-compete sa iba. Ibang level na kasi ng usapan iyon, dahil alam naming hindi pa namin kaya. Siguro kapag may malaking halaga na kami ay magagawa na rin naming makipag sabayan sa malalaking company. Sa ngayon ay focus muna kami sa opening.
Magsasalita na sana ako pero natigilan na ako nang tawagin na kami ni Mama mula sa kusina. Sandali kaming nagtitigan na dalawa na para bang may pagbabanta ang mga titig namin.
Sa huli ay ako na rin ang sumuko at tinalikuran ko na siya para tumungo sa kusina. Mabilis lang ang pagluluto nila Mama dahil adobong manok lang pala ang putaheng niluto niya.
"Ala una na pala ng hapon, mabuti nalang at yung madaling lutuin lang ang nirequest ng Kuya mo kanina." Sabi ni Mama, naramdaman ko namang nasa likod ko na siya pero hindi ko siya nilingon.
Tinulungan kong maghain si Mama at pagkatapos magkatabing naupo sila Dad doon sa pang-apat na tao na lamesa ko.
Hihilahin ko na sana ang upuan ko nang siya na mismo ang marahan na humila noon para sa akin. Napangiti si Mama sa ikinilos niyang iyon. "Thank you." Bulong ko at naupo na rin.
"Ikaw na ang mag lead ng prayer Dad." Hiling ni Mama kay Dad na nagpangiti sa akin at sabay sabay kaming pumikit para pakinggan ang prayer ni Dad.
Matapos iyon ay magana na kaming kumain habang si Dad naman ay panay ang usisa sa aming dalawa tungkol sa mga trabahong nararanasan namin. Lalo na sa kanya na matagal na panahon nag-tigil sa Japan.
Mga hapon ay naisipan ko nang maligo dahil nagyaya sila Dad na mag inuman daw kaming apat sa unit ko. Panay ang halakhak namin ni Mama sa mga korning jokes ni Dad habang nag iinuman kami, pero nang lumipas ang tatlong oras ay sumuko na si Dad dahil hindi na raw siya sanay mag inom.
Inalalayan siya ni Kuya na ipasok sa kwarto ko kasama si Mama at nang lumabas siya ay solo na lamang siya. Tahimik kaming uminom hanggang sa siya na rin ang bumasag ng katahimikan naming dalawa.
"Kumusta ka na? I mean, kumusta naging buhay mo?" Sabi niya habang hawak ang isang bote ng alak sa kaliwang kamay. Sa simpleng pagsasalita niya ay lumalabas ang napakalalim na dimples niya.
Tumungga muna ako bago ko siya sinagot. "O..okay naman, naka-graduate ako, nagkaron kami ng mini business ni Monet. Online shop? Mga damit din at bags pero may kinukuhanan kami, hanggang sa maisip namin na bakit hindi kami magtayo ng sariling samin? And, umalis na rin ako sa restaurant." Litanya ko habang dinadama ko ang pagtitig niya ngayong nagsasalita ako.
Ramdam kong namumula na ang mukha ko dahil sa alak na iniinom ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko.
Bumaling ako sa kanya. "I..ikaw? Kumusta ka na? Big time ka na ah." Biro ko sa kanya, ngumisi siya at nasisilaw ako sa malalim na biloy niya.
"Okay naman. Natapos ko yung masteral ko. Tinulungan ko sila Lola sa Japan, medyo tagilid na kasi ang company natin doon nung dumating ako. At syempre, walang pagbabago, sumasali pa rin ako sa mga sports competition, hindi pwedeng hindi." Kwento niya, ito na yata ang pinaka mahabang conversation naming dalawa na hindi kami nagbabangayan. Ganito pala yung pakiramdam? Yung normal lang ang lahat at wala kang alalahanin. Natutuwa akong malaman ang lahat ng achievements niya sa buhay, kung dati ay halos mag away pa sila ni Dad para lang magtrabaho siya, ngayon naman ay nakikita kong dedicated siya sa ginagawa niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na naging maayos ang lahat ng bagay sa amin.
Hanggang sa bigla siyang nagtanong.
"Do you have a boyfriend?" Naibuga ko ang iniinom kong beer, humila siya ng tissue doon sa center table ko at pinunasan ang bibig ko! Mabilis kong kinuha sa kanya iyon at ako na ang nagpatuloy.
Sandali pa akong lumunok bago ko siya tuluyang hinarap. "Boyfriend?" Ngisi ko.
Kinagat niya ang labi niya at tumango.
Humalakhak ako. "Wala akong panahon diyan." Nag iwas ako ng tingin at muling uminom.
"How about, Rylie? May nabalitaan ako." Aniya, tumawa ako. Siguro ay nabalitaan niya kela Mama na madalas kaming lumabas ni Cash.
"Ah, si Cash. Hmm, ano bang matatawag yon? Dating?" Wala sa sariling sagot ko, sa paraan kasi ng paglabas labas namin ni Cash ay madalas niya akong bigyan ng dose-dosenang bulaklak at iba't ibang regalo na tinatanggihan ko pero pilit niyang ibinibigay at iniiwan sa tapat ng pintuan ng unit ko.
Tumango tango siya at lumagok ng alak na hawak niya. Hindi ko alam kung tama ba ang itatanong ko sa kanya, pero kahit na kinakabahan ako ay bumaling pa rin ako sa kanya at inusisa siya.
"Ikaw?" Naramdaman ko ang panlalamig ko dahil sa kalokohang tinatanong ko. Tinignan niya ako ng buong pagtataka.
"Sa..sabi ni Lola, may girlfriend ka na." Patuloy ko, mas lalo siyang tumitig sa akin at naningkit pang lalo ang singkit niyang mata na parang nagtatanong.
"Ilang months or years na kayo? E..Ella Reyes, tama ba?" Gusto kong sampalin ang sarili ko. Pero naisip kong wala namang masama sa itinatanong ko. Ginagapangan lang ako ng kaba dahil ngayon na lang ulit kami nagkausap na dalawa.
Umangat ang labi niya at ngumiti siya na naging dahilan para mas lalong lumabas ang dimples niya. "Ah, nasa Japan pa siya, two years." Nangingiting sagot niya sa akin, matagal tagal na rin pala sila?
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig, dahil baka iniisip niya na ini-stalk ko siya kahit na si Monet lang naman ang gumagawa non. "Really? B..bakit hindi mo sinama?" Diretsang sambit ko, mas lalo siyang napangiti at masasabi kong masayang masaya siya.
Inubos niya ang laman ng bote na hawak niya, sandali niyang binasa ang kanyang labi gamit ang dila niya kaya nag iwas ako ng tingin. God. Bakit naiilang ako sa ganitong pagkakataon?
"Uuwi siya, kasabay ni Lola, maybe next month? Hindi kasi marunong bumiyahe mag isa yon, gusto non may kasama." Sagot niya, pero dinugtungan niya pa iyon habang ngumingisi na nagpa-angat sa labi ko.
"Buntis kasi siya. Kaya kailangan si Lola ang kasama."
***
AN: At kagaya ng mga iniiwan kong mensahe para sa inyo tuwing pagkatapos ng update.... Maraming salamat sa pagbabasa. Hehe. Malapit na ulit akong bumalik sa desyerto. Huhu. I love you guys!
Ate Ash.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top