Prologue

"Hey, sweetheart?" Cale uttered. "You awake?"

"Hmm? Yup. Nagbabasa ako ng notes. Why?" Keanna responded and gazed at her monitor. "Ikaw, inaantok ka na ba?"

Umiling si Cale at nakatitig sa camera, ganoon din si Keanna. Pareho silang natahimik at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

"I miss you, Kea." Cale bit his lower lip. "Hindi pa ako makapunta sa Baguio. I have so much going on right now, sweetheart. I'm so sorry."

Keanna chuckled and lightly shook her head. "It's okay. Gusto mo bang ako naman ang luluwas? It's okay, really."

Mahabang katahimikan ang sandaling namayani sa kanilang dalawa dahil hindi sinagot ni Cale ang tanong ni Keanna. Hindi na rin naman inulit ni Keanna ang tanong at yumuko para tingnan ang notes niya.

Alam ni Kea na hindi papayag si Cale lalo na kung magmamaneho siya nang ganoon kalayo. Hindi rin naman ito papayag na sasakay siya ng bus para lang doon.

Sa kulang isang taong relasyon nila, si Cale ang palaging nagpupunta sa Baguio para sa pagkikita nila. Kung magpupunta man si Kea sa Metro, si Cale pa rin ang nagmamaneho.

"Cale, seryoso ako." Hindi nakatiis si Keanna. "Ako na lang muna ang pupunta riyan sa Metro. Marunong naman akong mag-drive."

Cale frowned. "Aren't you busy?" he asked.

"I can make time." Keanna warmly smiled. "Magpapaalam ako kina Nanay at Tatay bukas ng umaga. Tatanungin ko na rin si Kuya kung may balak ba siyang lumuwas. If yes, sasabay na lang ako sa kaniya."

Keanna noticed that Cale's aura instantly changed. Bigla itong nagkuwento tungkol sa ginawa maghapon. Nakangiti nitong ipinakikita sa kaniya ang presentation na tinatapos para sa isang business meeting na pupuntahan nito.

Cale even asked if his proposal was okay.

Pinanood lang ni Keanna kung paano ito mag-present at magsalita. It was one of many things she would flex about Cale. Natural ang pagiging businessman nito kahit na minsang natatakot.

"Galing!" Keanna cheered. "Ano'ng isusuot mo bukas? And I think, you should be sleeping. Maaga ang presentation mo, right?"

Hindi sumagot si Cale at nakatitig lang ito sa screen. Hindi alam ni Keanna kung ano ang nakikita nito o kung siya ba ang tinitingnan.

"If it weren't for this business proposal I've been working on, I'd be there with you," Cale babbled. "I miss you so much, sweetheart."

Tipid na ngumiti si Keanna para itago ang lungkot dahil siya mismo, nami-miss na niya ito.

"Ako na nga kasi pupunta." Keanna's nose scrunched and her eyes squinted. "I can drive, sweetheart. Baka nakakalimutan mo."

"Of course, I know that!" Cale whined. "But are you sure? I mean . . ."

Keanna rolled her eyes and shook her head. "Inform ko lang bukas sina Nanay tapos sasabihan kita, okay? Tingin mo, mag-drive na lang ako or bus?"

"What if you take the bus and I'll pick you up?" Cale suggested. "Susunduin kaagad kita kung saan man once you're here in Metro?"

"Sige." Mahinang natawa si Keanna. "'Wag ka na malungkot! Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa. Ito na, pupunta na ako. Miss na miss mo naman ako!"

Cale smiled. "You have no idea."

"Sus." Umirap si Keanna habang nakaharap sa camera. "Papapakin mo lang ako, e."

Malakas na natawa si Cale at kitang-kita ni Keanna kung paano ito humalakhak sa sinabi niya. Napahawak pa nga ito sa dibdib habang naniningkit ang mga mata at humahagalpak.

Tawang-tawa rin si Keanna sa sinabi ngunit mas lalo sa reaksyon ni Cale na para bang wala nang bukas sa katatawa.

Tatlong linggo na rin silang hindi nagkikita at iyon ang mahirap simula noong maging sila. Magkalayo at halos bilang ang araw ng pagkikita dahil may kaniya-kaniya silang commitments.

Cale was in the Metro, helping with Karev Telco management and was in training. Keanna, on the other hand, was busy with their family's business. Siya ang nakatoka sa transient houses nila sa Baguio dahil busy ang kuya niya sa ibang properties nila.

Araw-araw silang nagkakausap ni Cale lalo na sa gabi bago matulog. Madalas din silang magbasa o mag-aral tungkol sa businesses nila nang sabay.

. . . via video call.

Video calling became their means of communication, and it became part of their day-to-day routine, before going to sleep, upon waking up, and sometimes at work.

Sa opisina, madalas na naka-on lang ang camera nilang dalawa. Nag-uusap sila habang nasa sari-sariling opisina at nagtatrabaho nang sabay dahil iyon lang muna ang magagawa nila.

They met through a friend a year ago. They shared interests in everything and clicked until Cale decided to court Keanna.

Keanna liked the connection between them, leading to where they currently were.

Happily in a long-distance relationship.


↻ ◁ II ▷ ↺


"Hoy, Virginia." Naningkit ang mga mata ni Tadhana, ang nanay niya. "Bakit para kang natatae? Ano'ng meron?"

""Nay!" paninita ni Sarki, ang kuya niya. "Kumakain tayo, ano ba?"

Umirap si Tadhana ang tinitigan si Keanna. Nakaramdam siya ng takot sa tingin ng nanay niya kaya nakagat niya ang labi dahil wala talagang maitatago rito, parang may superpowers palagi.

"Keanna, 'wag mo akong pinapaulit sa tanong ko," pagbabanta ng nanay niya. "Buntis ka?"

Malakas na natawa si Keanu. "Palaging ganiyan ang tanong mo kay Kea. Bakit, gusto mo na bang maging lola?"

"Gunggong ka." Inirapan ni Tadhana si Keanu. "Nagtatanong lang! Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Para kang 'di mapakali."

Mahinang natawa si Sarki at nilingon si Keanna. "Kung ano man 'yan, sabihin mo na. Kukulitin ka ni Nanay at wala kang kawala. May nangyari ba?"

"Hala, may nangyari na?"

"'Nay!" Umiling si Sarki. "Nanay, ano ba?"

"Nagtatanong lang, e. Galit na galit?" Umirap si Tadhana. "Pero, Keanna. Ano nga?"

Huminga nang malalim si Keanna at tiningnan ang tatay niyang naghihintay rin sa kaniya. Nilingon niya ulit ang nanay niyang naniningkit pa ang mga mata na parang sinusubukang basahin ang nasa isip niya.

"Kasi po, gusto ko sanang pumunta sa Metro," ani Keanna at ngumiti. "Magpapaalam po ako na hihingi ako ng isang linggong off, pupunta po ako sa Metro."

"G lang!" Nagpatuloy si Tadhana sa pagkain. "Kelan mo balak umalis?" Nilingon nito si Keanu. "'Tay, pa-check mo muna 'yung kotse ni Kea. Pa-full tank mo na rin."

Ngumiti si Keanna. "Bait naman, 'Nay! Penge na rin ng allowance?"

"Allowance. Allowance mo mukha mo!" singhal ni Tadhana. "Pande-date n'yo lang ni Cale 'yan, e. Ayain mo siya sa fishball-an. Doon kayo mag-date!"

"Ayaw ko, 'Nay! Allergic 'yun sa street foods, e."

"Kaya nga sinasabi ko sa 'yo, magtrabaho kang mabuti para may pambili ka n'ung mga mamahaling pagkain ni Cale! Nag-jowa ka ng may-ari ng kumpanya, dapat marunong kang mag-keep up!" ani Tadhana. "Pasalamat ka talaga mabait 'yang sina Niana dahil kapag ikaw, inapi nila? Lintik lang ang walang ganti."

Tawang-tawa si Keanu na may aksyon pa si Tadhana sa pagsasalita.

Umiling si Keanna at natatawa. Wala naman kasing naging problema sa mga magulang ni Cale. Noong una, takot pa siya dahil malayo ang agwat ng pamumuhay nila, pero hindi niya naramdaman iyon dahil welcoming ang mga magulang nito.

Sabay na pumasok sina Sarki at Keanna kaya naman isang kotse na lang ginamit nila. Ipatitingin kasi ni Keanu ang kotse ni Keanna para sa pagbiyahe niya sa Metro.

"Kaya mo ba? Gusto mo, ihatid na lang kita?" tanong ni Sarki.

Ang singkit na mata ni Keanna ay lalong naningkit habang nakatingin sa kuya niya. "Excuse mo lang yata 'yun para makita mo si Yuan."

"Keanna," diin ni Sarki habang nakatingin sa kaniya. "Seryoso ako. Ano, ihahatid kita?"

"Uy, hindi tumanggi!" pang-aasar ni Keanna. "Pero kaya ko namang mag-drive, Kuya. Pareho kayo ni Cale, masyado n'yo akong bine-baby!"

Natawa lang ang kuya niya at sinabi nitong ihahatid lang siya sa opisina dahil kailangang puntahan ang isang transient house nila na under construction.

Pagdating sa office, kaagad na binuksan ni Keanna ang FaceTime. Sa ikalawang ring, sumagot kaagad si Cale na nakatitig sa kaniya.

"Good morning, sweetheart." Cale smiled at Keanna. "I added a new song to our playlist. I'm gonna have to go in a minute. May meeting kami nina Daddy. I'll see you after?"

Keanna nodded. "Good luck! Kumain ka ba muna?"

Umiling si Cale. "Hindi pa. After the meeting siguro kas—" Huminto ito sa pagsasalita at kinausap ang secretary na nagsabing ready na ang lahat. "Sweetheart, call you later? I love you."

"I love you," Keanna responded and watched Cale fix his hair and tie.

Ipinatong pa niya ang siko sa lamesa at sinapo ang baba habang pinanonood itong ayusin ang sarili para sa meeting.

"Love you, Kea. Listen to the song. At 0:30, please."

"Yep. Love you, Caleigh."

Nang mamatay ang tawag, binuksan ni Kea ang playlist nila ni Cale. It was a shared playlist at kapag mayroon silang bagong kantang nagugustuhan, inilalagay iyon doon.

Minsan ay sabay silang nakikinig.

Pagbukas niya ng playlist, pamilyar na sa kaniya ang bagong kanta. It was Hey There Delilah by Plain White T's.

Hinanap niya ang 0:30 at pinakinggan iyon.

Keanna automatically smiled and chuckled. She immediately messaged Cale.

Caleigh, listened to it! My answer is at 2:47. I love you. Good luck!


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys