Epilogue

"Keeva, are you ready?" Sinilip ni Cale ang panganay niya at tapos na itong magsapatos. "Are you excited?"

Keeva stood straight and nodded. "Yes, papa. We're going to ride the Ferris Wheel, too? I want! I saw your picture with mama, eh. I want din!"

"We will," Cale chuckled. "Pakikuha mo 'yung comb and ponytails mo, Keeva. Mama's still fixing Kyros kaya ako na mag-braid ng hair mo. Braid or ponytail lang?"

Sumandal si Cale sa pader at hinintay ang sagot ng anak niya. Naningkit pa ang mga mata nito habang nag-iisip kahit na alam na rin naman niyang braid ang sagot, fishtail pa.

"Fishtail, papa." Tumalikod ito at kinuha ang mga gagamitin nila sa sariling vanity sa kwarto.

Naghintay si Cale sa living area. Nagbasa muna siya ng messages galing sa secretary niya dahil nagpaalam siyang hindi na muna papasok. Walang class ang mga anak nila kaya nag-aya siya na magpunta sa kung saan.

Keeva and Kyros chose the amusement park, and Keanna giggled, too.

Naupo si Keeva sa tabi niya at inabot ang suklay at ponytails bago tumalikod. Maingat niyang sinuklay ang mahabang buhok ng anak at tinatanong kung kumusta ang school.

Cale learned how to tie and braid his daughter's hair. Nahirapan siya noong una, pero nag-volunteer naman si Keanna na pagpraktisan niya ang buhok nito kaya naging madali ang lahat sa kanila.

As much as he could, kahit na busy silang mag-asawa, focused sila sa mga anak nila. Keeva was seven, Kyros was five. Ipinagpapasalamat din nila hindi sila pinahihirapan ng mga ito.

"Kee—"

Tumigil sa pagsasalita si Keanna nang makita ang mag-ama niya sa sala. Cale was casually braiding Keeva's hair into a fishtale while their daughter was patiently waiting. Hawak naman niya si Kyros na katatapos lang niyang bihisan.

"Done na kayo?" tanong ni Cale kay Keanna. "We're almost done. Ang ganda ng hair ni Keeva, sweetheart. It's soft and bouncy. Almost . . . almost." Inayos ni Cale ang dulo. "There. All done."

"Thank you, papa," Keeva stood up. Kinuha nito ang maliit na pouch ng ponytail at suklay para ibalik sa kwarto.

Lumapit si Kyros kay Cale at ipinakita ang bagong relong suot. Regalo iyon ng daddy niya sa anak nila noong nag-birthday ito. Ipinakita rin niya ang relong regalo sa kaniya ng daddy niya.

"This was my grandfather's watch," Cale smiled at Kyros. "I never met him because my grandparents passed away even before Tita Vianne was born."

Kyros was looking at his watch.

"One day, when you're older, I'll give this watch to you, too." Ginulo ni Cale ang buhok ng anak niya. "And you're gonna have to take care of it so you can also give this to your son."

Samantalang palihim na nakikinig si Keanna sa mag-ama niya. Lumabas si Keeva at sumali sa usapan nina Cale at Kyros habang nagkukuwento ito tungkol sa mga magulang nila.

Cale told their kids to love their grandparents and it was one thing she loved about her husband. Gusto ni Keanna na marespeto ang asawa niya sa mga magulang nila dahil iyon din ang rason kung bakit marespeto ito sa kaniya.

She knew that her husband was raised right.


↻ ◁ II ▷ ↺



Sa daan, walang tigil sa tawa si Keanna habang pinakikinggan ang mga kwento ni Keeva sa school. Tiningnan niya ang reaksyon ni Cale dahil nagsalubong ang kilay nito, mukhang hindi gusto ang naririnig.

Keeva was talking about Lucien. Anak ito ni Julien at Asia na kaklase ng anak nila simula noong nag-playschool ang mga ito.

"Then what did he do?" tanong ni Cale sa mababang boses. "Next time, kapag kinulit ka niya tapos hinila niya ulit 'yung hair mo, punch him in the face, Keeva."

Nanlaki ang mga mata ni Keanna at mahinang sinuntok ang braso ni Cale. Kinunutan niya ito ng noo. "Hoy! Caleigh?"

"He's always teasing me," pagpapatuloy ni Keeva.

Cale frowned. "Slap him."

"Caleigh!" Nilingon ni Keanna si Keeva. "Keeva, kapag ganoon, tell Lucien na 'wag ka niyang aasarin or isumbong mo siya kay Tita Asia or Tito Julien. Don't hurt him. 'Wag mong gagawin ang sinabi ni papa na punch him in the face. Bad 'yon, 'di ba?"

Tumango si Keeva. "Yes po, mama. I'll talk to Tita Asia if Lucien teased me again," sabi nito at kinausap si Kyros tungkol sa excitement sa amusement park na pupuntahan nila.

Nilingon ni Keanna si Cale at gusto niyang matawa. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa daan at alam niya ang dahilan.

Ayaw nitong maisip na lumalaki na ang anak nila. Eight years old na si Keeva at kinatatakot ni Cale na sa loob ng limang taon, teenager na ito. Hindi handa, ayaw maghanda, at hindi raw maghahanda.

"Natatawa ako sa 'yo," bulong ni Keanna kay Cale na tumingin sa kaniya.

Cale didn't say anything and shook his head.

Hindi naman first time ng mga anak nila sa amusement park, pero first time sasakay ng Ferris Wheel na mataas kaya excited ang mga ito. Nakasakay naman na, pero sa pambata lang dahil ayaw nilang magkaroon ng fear of heights ang dalawa.

Cale and Keanna loved the Ferris Wheel so much, lalo kapag gabi. Gusto nila kapag nasa itaas na sila dahil bukod sa ilaw sa babae, kita nila ang langit na puro naman bituin.

Sa ilang taon nilang mag-asawa, hindi naman palaging masaya at walang tampuhan. May mga pagkakataon pa rin na mayroon silang pinagtatalunan, pero napag-uusapan.

Unti-unti na ring naiwasan ni Cale ang silent treatment dahil sinabihan na ito ni Keanna. Keanna wanted to talk immediately and give space if needed.

Late-night talks were their favorite, though. After a long day of work and being a parent, sa gabi sila nagkakaroon ng panahon para pag-usapan ang kahit na ano. Kahit na simpleng pagkain ng sandwich, napag-uusapan nila hanggang sa mapupunta na iyon sa kung saan.

Padating sa amusement park, bumili kaagad ng cotton candy ang mga anak nila. Keeva and Kyros were walking and hand-and-hand, ganoon din silang mag-asawa. Mabait na ate si Keeva kay Kyros.

Malaking bagay na silang mag-asawa rin ang naging role model ng mga anak nila pagdating sa mga magulang at mga kapatid.

One thing Keanna loved about Cale was he didn't care if looked stupid and funny in front of people for their kids. Suot nito ang headband na mickey mouse kahit na wala naman sila sa Disneyland. Iyon pa ang nabili noong isang taon sa Japan.

"Next year, disneyland ulit tayo?" Nilingon ni Cale si Keanna. "Tingin mo? Sa Japan or sa US naman this time? Sure akong mag-e-enjoy silang dalawa."

"Puwede naman." Humigpit ang hawak ni Keanna sa kamay ni Cale. "Thanks for making time today. Wala kasi silang class dahil foundation day ng school, right? Akala ko kasi busy ka ulit."

Cale gazed at Keanna. "Uunahin ko sila, siyempre. Work can wait. Nagpaalam naman ako kay dad and he said yes. Buti na lang din, chill lang daddy ko, eh. Palibhasa, problema siya ni mommy noon."

Natawa si Keanna sa pagkuwento ni Cale na kung tutuusin, ganoon din naman ito. Clingy sa mga anak nila, pero hindi siya nagrereklamo. Lumaki siya sa household na malapit ang lahat kaya hindi iyon bago sa kaniya.

Pero ang magkaroon ng asawang halos katulad ng tatay niya ay ipinagpapasalamat niya.

May mga rides na puwede nang sumakay si Keeva, pero hindi si Kyros. Ang nangyayari, si Cale ang kasama ng panganay nila, silang dalawa naman ng bunso ang kumukuha ng picture o kaya ay kumakain habang naghihintay.

Walang reklamo si Kyros. Panay ang sabi nito sa kaniya na one day, makakasakay rin ito, at excited pa nga. Walang inggit na naramdaman kay Keeva na mukhang nag-e-enjoy pa sa extreme ride.

Nilingon ni Keanna si Kyros na kumakain ng popcorn. "Are you enjoying it?"

"Yes, mama," Kyros looked at her.

Ngumiti si Keanna dahil parang maliit na Sean Caleigh ang katabi. Wala man lang nakuha sa kanila kahit man lang hibla ng buhok dahil ultimong pagka-wave ng buhok ni Cale, naipasa nito sa mga anak nila.

Keanna leaned to kiss her son's forehead. Kinuha niya ang phone at kinuhanan ng stolen shots ang bunso niya.

Nakasuot ito ng simpleng maong na short at pinarisan ng kulay gray na T-shirt. Walang kahit na anong print. Ang sapatos naman ay puting converse. Mana sa tatay.

"Mama!" Yumakap sa likuran niya si Keeva.

Keanna smiled and looked at Keeve. "Nag-enjoy ka? How's papa? Was he scared?"

"Ako pa ba?" Binuhat ni Cale si Kyros. "You ate popcorn? You want ice cream?"

Kyros nodded. Nagpaalam na muna si Cale na bibilhan sila ng ice cream kaya si Keeva na ang kasama ni Keanna. Kinuhanan din niya ng picture ang panganay nila para mayroong ma-send sa group chat kasama ang mga parents nila.

Simpleng jogger pants na itim na pangbata ang suot ni Keeva. Hindi ito mahilig sa dress tulad niya. T-shirt din ang madalas nitong suot at simpleng rubber shoes.

Role model nga talaga silang mag-asawa.

Kumain sila ng ice cream at sandaling nagpahinga bago nagpunta sa iba pang parte ng amusement park. Medyo malaki iyon ngunit walang masyadong tao dahil weekday. Iyon din ang rason kung bakit nila naisipang umalis para iwas sa dami ng tao.

Naunang naglakad si Keanna, tumakbo naman si Kyros para hawakan ang kamay niya. Sa kabilang kamay naman si Keeva na tinuro ang malaking Ferris Wheel. Halatang excited ang mga ito.

Samantalang mula sa likuran, inilabas ni Cale ang phone niya para kuhanan ng picture ang mag-iina niya. Nagtatawanan ang mga ito at halos parang magkakapatid lang.

Iyon ang madalas na compliment na nakukuha nila dahil siguro bata silang bumuo ng pamilya.

Sandaling huminto si Cale sa paglalakad at pinanood ang mag-iina niyang papalayo sa kaniya. May mga pagkakataong napapaisip siya kung sakali mang hindi sila nagkatuluyan ni Keanna. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tuwing iniisip niyang wala ito sa buhay niya, malamang iba ang takbo niyon, malamang na wala pa siyang dalawang anak.

Cale would never change his path against anything and if they didn't happen, and there would be a chance for him to choose what future he would be in, he would always choose Keanna.

Nilingon ni Keanna si Cale na seryosong nakatayo at nakatingin lang sa kanila. Nagsalubong ang kilay niya at sandaling binitiwan ang mga anak nila. Sinabihan niya si Keeva na hawakan si Kyros dahil lalapitan lang sandali si Cale.

"Ano'ng nangyari?" Kinakabahang tanong ni Keanna. "Sweetheart? Bakit?"

Cale gave her a warm smile. "Nothing! I was just admiring you three."

"Nakakainis ka!" Mahinang hinampas ni Keanna ang dibdib ni Cale. "Kinabahan ako! Akala ko kung ano'ng nangyari."

Pumalibot ang dalawang braso ni Keanna sa baywang ni Cale at tumingala. Ngumuso siya at hinalikan naman siya nito sa labi bago umakbay at sumunod sa mga anak nilang naglalakad na maghawak kamay.

Dumiretso sila sa Ferris Wheel. Iilan lang ang nakapila.

Keeva and Kyros couldn't stop talking about how high and beautiful the ride was. Excited ang mga itong makita ang mga tao sa ibaba.

"Naalala mo noon na kapag nasa taas tayo, we're kissing?" Cale murmured against Keanna's ear. "Hindi na puwede ngayon."

Keanna chuckled. "True lang din. May checkpoint ka pa naman. Kyros doesn't like it whenever you're kissing me in public."

Natawa si Cale.

It was their turn and their kids sat together. Silang dalawa naman sa kaharap na upuan.

Cale and Keanna watched their kids having fun. Tinuturo ng mga ito ang iba't ibang rides na kita mula sa itaas at natutuwa na kahit nasa pinakatuktok na sila, nakatingin pa rin sa baba.

Inihilig ni Keanna ang ulo sa balikat ni Cale at pinagsaklop ang kamay nila. No words, they just enjoyed their new favorite view.

It used to be the lights and stars and people around them. Sanay rin silang may pinakikinggan sa tuwing nasa Ferris Wheel. They loved music, they shared music together.

This time, their favorite view was their kids admiring the views they used to love. And this time, their favorite music was their kids' giggles.

No words, Cale kissed the top of Keanna's head and whispered. "I remembered something, sweetheart."

"Ano 'yon?" Tumingin si Keanna Cale.

"Naalala ko noong first Ferris Wheel natin, New Perspective by Panic! At the Disco ang tugtog mo. It was the reason why I became interested in your playlist, too," Cale muttered.

Ngumiti si Keanna. "Iyon din ang reason kung bakit interesado ako sa playlist mo. Kasi alam mo 'yung kantang 'yon."

"And now, you gave me a new perspective, Kea," Cale said and looked at their kids. "This new perspective," he smiled. "0:50, New Perspective."

Kinuha ni Keanna ang phone at tiningnan ang lyric ng kanta. She automatically smiled and didn't say a word.

Yup. A new perspective.


KEANNA AND CALEIGH SIGNING OFF

0:50 ——|———————3:47
New Perspective — Panic! At The Disco


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys