Chapter 9
Cale was busy reading a document inside his dad's office when his mom arrived. May hawak itong envelope at masama ang tingin sa daddy niya.
"Mom, what's wrong?" Cale asked.
"Wala naman." Niana shook her head. "Nakita ko lang naman 'tong envelope na ibinalik ni Gabo kahapon."
Tahimik na nakinig si Cale sa mommy niya na pinagagalitan ang daddy niya. Naka-cross legs siya at ipinaglalandas ang daliri sa labi dahil kita niya kung paanong tumiklop ang daddy niya.
"Sinabi ko sa 'yong hindi lahat madadaan mo sa pera, Cavin. Naiirita ako sa 'yo. Please lang. Sinasabi ko sa 'yong sa ginagawa mo, mas magkakaroon kayo ng gap ni Vianne. Hindi nakakatulong 'tong ginagawa mo." Umiling ang mommy niya at ibinato sa lamesa ang envelope. "Cale, hindi ko na alam ang gagawin ko."
Pagkasabi niyon ay lumabas ng office ang mommy niya. Nanatili naman tahimik ang daddy niya na hinihilot ang sintido.
Tumayo si Cale para tingnan kung ano ang laman ng nasabing envelope at kung bakit galit na galit ang mommy niya. Isa pa, mentioned si Gabo at ang ate niya.
"What did you do, Dad?" Cale murmured as he opened the envelope. Sa gulat niya, napatitig siya sa daddy niya. "Dad, seryoso? This?"
Mayroong papeles sa loob ng envelope. Kasulatan iyon na iiwanan ni Gabo si Vianne kapalit ng iba't ibang properties, pera, at kung ano-ano pa. Hindi makapaniwala si Cale.
"Dad, hindi ko ine-expect sa 'yo 'to. You're better than this," Cale scolded his dad. "Dad, Vinder si Gabo, tingin mo kailangan niya 'to? What's this? A joke? A test?" He shook his head. "Sa ginagawa mo, Dad, mas mawawala si Ate Vianne."
"You don't understand. It's not really about the money," Cavin babbled.
Cale shook his head. "Dad, whatever your reason is, hindi ka pakikinggan ni Ate Vianne kapag nalaman niya ang tungkol dito. I suggest you get ready. Kapag sinabi 'to ni Gabo kay Ate, hindi ka na namin mapagtatanggol ni Mommy."
Lumabas si Cale ng office ng daddy niya para puntahan ang mommy niya sa isang conference room dahil mas gusto nitong doon nagtatrabaho. Naabutan niya itong nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa laptop.
"Cale." Niana breathed. "Hindi ko na alam gagawin ko sa daddy at Ate Vianne mo. Minsan hindi ko na alam kung paano pa ako gigitna sa kanilang dalawa. Pareho silang may problema, pareho silang may point."
Naupo si Cale sa isa ring swivel chair malapit sa mommy niya at hindi sumagot. Nakikinig siya sa mga hinaing nito tungkol sa daddy at ate niya dahil parehong hindi nagkakaintindihan.
"Enough na nga," Niana muttered. "So, what's up?"
"I'm having second thoughts," Cale said while looking down. "Parang ayaw kong tumuloy, Mom. I . . . I don't know. I have two weeks left and the closer it gets, the more I am convinced I don't want it."
Sabay na lumingon sina Niana at Cale nang marinig ang pagbukas ng pinto. It was Vianne smiling widely at them. Mayroon itong hawak na box ng cookies na ginawa mismo nito dahil nahilig sa pagbe-bake.
"Hi! Ang serious naman ng atmosphere!" ani Vianne at ibinaba ang box ng cookies sa lamesa. Ginamit din nito ang phone sa loob ng conference room para tumawag sa office ng daddy nila para tawagin ito.
Seconds later, Cavin was with them.
Nag-observe si Cale kung magkakaroon ba ng alitan ang daddy at ang ate niya, pero normal naman ang lahat. Kahit ang mommy niya ay naghihintay. Mukhang walang alam si Vianne tungkol sa ginawa ng daddy niya.
"So, what's with the atmosphere kanina?" tanong ni Vianne kina Cale at Niana. "Ang tahimik ninyong dalawa and looks like you're talking about something serious."
Cale shook his head. "I'm leaving in two weeks, right?" he mumbled. "I'm having second thoughts."
"Then don't come," sagot ni Cavin. "Kung ayaw mong pumunta, don't. If you feel like having second thoughts, I think to choose the latter. You won't be having second thoughts if you're so sure."
"Wow." Vianne shook her head and clapped. "For the first time, pareho kami nang gustong sabihin ni Dad. We're actually thinking the same, Daddy."
Hindi sumagot ang daddy nila na nilingon ang mommy nilang tahimik lang na nakikinig bago tumingin sa kaniya.
"They're right. Kung hindi mo talaga gustong pumunta sa New York, then don't. May mga school naman dito sa Pilipinas na nag-o-offer nung gusto mong kuhanin sa NYU. You really don't have to leave, hindi naman kailangan sa credentials mo," sabi ni Niana. "Your dad and I used to have private lectures from experts, puwede naman na ganoon na lang ang gawin mo."
Umayos nang pagkakaupo si Cale at huminga nang malalim. His family were all supportive on whatever path he would take. Sinasabi ng mga ito na mag-isip muna siya nang mabuti para hindi siya mahirapan sa mga susunod.
"If you think staying here in the Philippines is best for you, do it," sabi ni Vianne. "Hindi mo naman kailangang palaging the best, Cale. The company will run. This company will be okay. You're pressuring yourself too much."
Cale had a lot to say to Vianne, but chose not to. Gusto niyang sabihin na sana ay tulungan siya nito, pero ayaw niyang bigyan ito ng pressure.
Vianne was clear about not wanting to be part of the company. Their dad was actually okay with it, hindi lang talaga ito boto sa boyfriend ng ate niya.
They bonded inside the conference room. Masarap mag-bake si Vianne at nagpaplano itong magbukas ng café kaya sa kanila na muna iyon pinatitikman. Suportado naman nila ito sa kung ano ang gustuhin.
"By the way, aakyat ako ng Baguio bukas," ani Cale sa parents niya. "I might stay there for a week. Okay lang po ba?"
"Of course." Cavin nodded. "Kung tutuusin dapat hindi ka na pumapasok sa office. One week ago pa 'yung leave na naka-ready sa 'yo but you're still here. Hindi ko rin alam kung bakit."
Vianne chuckled. "Ang workaholic naman kasi! 'Wag ka nang umalis. Dito ka na lang sa Pilipinas mag-aral. Mami-miss kaya kita and I'm sure that you'll miss Kea the most."
Natahimik si Cale dahil si Kea ang malaking dahilan kung bakit ayaw na niyang umalis. Ayaw lang niyang sabihin sa kahit na sino, but Kea was actually the reason why he had second thoughts.
"Kea would understand, for sure," Vianne said and shrugged. "But aren't you afraid na sa two years, maraming puwedeng magbago?"
"Vianne," their mom uttered.
Vianne shook her head. "No, Mom. Let's face it. Two years is long, and a lot can happen. If he's having second thoughts, then don't go. Kung ayaw mo talaga, e 'di 'wag! Don't let other people's judgment cloud your mind. Alam kong pressured ka dahil dito sa company, but you have your own life."
Cale was aware that Vianne was talking about their dad. Hindi naman pinupuwersa ng daddy nila ang kumpany. Tanging si Gabo ang issue nito, walang iba.
"Anyhoo," Vianne stood up and walked towards Cale. Yumakap ito sa likuran, "whatever your plan will be, I'll support it. I'll miss you, though." She kissed his cheek.
Natawa si Cale dahil kung ano-ano pa ang ipinarinig nito sa daddy nila bago nagpaalam na umalis.
Cavin and Niana even advised Cale to think about it. Mahaba pa naman ang dalawang linggo para mag-backout siya. Kung ayaw niya talaga, okay lang naman at walang problema.
Cale knew that if Keanna said a single word about him leaving if she would tell him not to go, that would be the answer.
↻ ◁ II ▷ ↺
Nakaharap si Keanna sa salamin ng comfort room ng opisina nila. Galing siy sa pharmacy dahil may kailangan siyang i-confirm. Dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan at nag-notify na ang period tracker niya na sobrang delayed na siya.
Regular ang menstruation ni Keanna, pero hindi niya napansin dahil naging busy siya nitong mga nakaraan. Halos hindi sila matahimik dahil fully booked lahat ng transient nila at hindi nakatutulong na mayroong pang ongoing project.
Pumasok siya sa loob ng cubicle para sunduin ang nasa pakete. Kailangan niyang kumuha ng sample ng ihi para ipatak. Isa lang naman ang binili niya.
May kaba siyang nararamdaman habang nakatingin sa puting stick. Unti-unti nang nagkakakulay ang nasa gitna. May isang pulang linyang lumabas at kapag mayroon pang isa, positive na buntis siya.
Yumuko si Keanna habang naghihintay.
Dalawang buwan na rin simula nang pumunta si Cale sa New York para mag-enroll at ayusin ang accommodation nito. Hindi naman nagtatagal dahil weekly pa rin silang nagkikita at nagpupunta ito sa Baguio.
Sa loob ng dalawang buwan, walang palya ang pagbisita ni Cale tuwing weekends. Alam din niyang maayos na ang lahat sa New York, alam din niyang dalawang linggo na lang ay aalis na ito dahil magsisimula na ang klase.
Ramdam ni Kea ang bilis ng tibok ng puso niya pati na ang panginginig ng kamay niya habang naghihintay sa resulta ng pregnancy test.
Ayaw niyang silipin, pero hindi pa man niya totally naihaharap sa kaniya, nakita na kaagad niya ang dalawang pulang linya at wala siyang ibang naging reaksyon kung hindi ang huminga nang malalim.
Itinago niya kaagad iyon sa bulsa ng pantalong suot niya bago lumabas para maghugas ng kamay.
Nanatili siyang nakatitig sa sarili. Namumuo ang luha sa mga mata niya dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon.
Magiging masaya ba na magkakaanak na sila ni Cale?
Malulungkot ba na aalis na ito?
Matatakot ba na maging dahilan pa ito ng hindi pag-alis ni Cale, e dalawang linggo na lang?
At marami pang kung ano-anong pumapasok sa isip niya.
Naisip ni Keanna na magpapa-checkup na lang siya para makumpirma. Possible na false-positive lang, pero posible rin na totoong positive dahil may nangyayari naman talaga sa kanila ni Cale.
Pareho silang hindi maingat. Siguro dahil naramdaman nila ang pagkasigurado sa isa't isa, pero hindi nila inisip ang mga plano tulad na lang ng pag-alis ni Cale sa susunod.
Bumalik si Keanna sa opisina niya at nagsimulang magtrabaho. Ginawa niyang busy ang sarili para hindi maisip ang tungkol sa posibleng dinadala niya.
Keanna yawned and she heard Sarki chuckle. "Antok na antok? Sa bagay, ang lakas ng ulan kaya medyo malamig," sabi nito na ibinaba ang box ng ensaymada. "Meryenda muna tayo."
Bukod sa ensaymada, may dalang juice si Sarki na pinagsaluhan nila. Tumigil muna siya sa trabaho at nakipagkuwentuhan.
"Kailan ka pala pupunta ng Metro, manong?" tanong ni Keanna bago sumubo ng tinapay.
"Sa isang araw kaya maiiwanan muna kita rito," sabi ni Sarki at umupo nang maayos. "May gusto ka bang ipabili sa Metro?"
Umiling si Keanna dahil halos lahat naman ng nasa Metro, nakukuha na rin nila sa Baguio. Bigla niyang naalala na nag-message nga pala sa kaniya si Cale na pabiyahe na ito papunta sa Baguio.
"Kuya, dadating pala si Cale mamaya. Baka malapit na rin 'yun, alam ko nasa biyahe na siya," ani Keanna.
"Malapit na rin pala siyang umalis, 'no?" pagpapaalala ni Sarki. "Kumusta ka naman?"
Pinilit ni Keanna ang matawa para hindi mahalata ng kuya niya ang nararamdaman, pero alam din niyang hindi siya makakapagsinungaling dito.
"Sa totoo lang, nalulungkot ako. Long distance naman na kami ever since, pero mas malungkot kasi 'yung ngayon, Kuya Sarki, kasi hindi na lang basta kapag gusto namin biglang magkita, puwedeng pumunta. Masyado nang malayo 'to, e," pag-aamin ni Keanna. "Isa pa, time differences."
Ngumiti si Sarki. "Puwede ka namang magpunta ng New York, ha? And knowing Cale, alam kong gagawa ng paraan 'yun para magkita kayong dalawa. Alam ba niyang nararamdaman mo?"
Umiling si Keanna bilang sagot at tipid na ngumiti. "Hindi po. Hindi naman kasi makakatulong. Supportive naman ako sa kaniya, Kuya, siguro normal lang din talaga 'yung nararamdaman ko. Pero hindi ko naman nanakawin sa kaniya 'yung pangarap niya."
"Still, okay rin na alam niya and aware siya." Tumayo si Sarki. "Kung inaantok ka, umuwi ka na muna. Kanina ka pa hikab nang hikab."
"Ayaw ko! Ang busy kaya!" Natawa si Keanna. "Mas gusto ko rin maging busy, wala akong magawa sa bahay kaya rito na lang muna ako."
Nagpaalam si Sarki at pumasok na ito sa sariling opisina.
Nang maiwang mag-isa si Keanna, ilang beses siyang huminga nang malalim at pinakiramdaman ang nakaumbok sa jeans niya. Hindi niya alam ang gagawin doon. Gusto niyang itapon, pero gusto rin niyang itago.
Kinakabahan siya pagdating ni Cale at hindi alam kung paano itatago ang sitwasyon o nalaman. Cale would notice she was hiding something so she had to prepare herself.
Ayaw rin naman niyang magbigay ng false hope lalo na at hindi pa sigurado. Naisip ni Keanna timbangin muna ang sitwasyon bago magdesisyon.
Muling humikab si Keanna at hindi niya alam kung ilang beses na ba iyon. Ramdam na ramdam niya ang antok at pagod. Para siyang hinihila ng kama kaya halos ipahinga niya ang sarili sa sandalan ng swivel chair.
Itinago niya ang pregnancy test sa loob ng bag niya. Hindi naman nakikialam si Cale roon kaya hindi nito makikita ang laman.
Keanna continued working to ease her mind until Cale arrived.
↻ ◁ II ▷ ↺
Dumaan muna si Cale sa isang café para bumili ng pasalubong kay Kea. Mahilig ito sa lemon cake kaya iyon ang binili niya. Nagpadagdag din siya ng lasagna.
Sigurado siyang nasa office pa ito lalo na at alas-tres pa lang naman ng hapon. Malamang na busy ito dahil hindi nagre-reply sa mga messages niya o baka mayroong kausap na kliyente.
Basta didiretso na lang siya sa office.
Sa dinaanang café, mayroong may-edad na babaeng nagtitinda ng bulaklak. Bumili lang siya ng isang pirasong sunflower para kay Keanna dahil hindi naman ito mahilig sa ganoon.
Buong relasyon nila, bilang ang beses na binilhan niya ang bulaklak ang kasintahan dahil palagi nitong sinasabi na sa susunod, ipangkain na lang nila.
Pagpasok sa opisina ng mga Tomihari, naabutan ni Cale na nakatayo sa front desk si Sarki at kinakausap ang receptionist. Sumalubong ito sa kaniya.
Nagkumustahan muna sila at itinanong ni Sarki ang tungkol sa pag-alis niya. Sabay pa nga silang nagpunta sa office ni Keanna at naabutan itong mahimbing na natutulog.
"Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na umuwi na siya kung inaantok siya, panay ang hikab niya kanina pa, e." Natawa si Sarki at tinapik ang likuran ni Cale. "Maiwan na kita."
Tumango si Cale at pumasok sa loob ng opisina ni Keanna. Wala pa ring sofa kahit na ilang beses na niyang sinabi. Ganoon pa rin ang itsura at walang pagbabago.
Tahimik niyang ibinaba ang box ng cake na nabili niya pati na ang bulaklak sa ibabaw ng lamesa ni Keanna. Kinuha niya ang visitor's chair at itinabi iyon sa upuan ng girlfriend niya.
"You look exhausted, sweetheart," Cale whispered and removed the hair covering Keanna's face. "I don't wanna go."
Ipinatong ni Cale ang siko sa lamesa at sinapo ang baba para lang titigan si Keanna na mahimbing na natutulog. Hinaplos niya ang likuran nito at hinayaang magpahinga dahil hindi niya kayang gisingin kahit sa tuwing magkasama sila.
Samantalang naramdaman ni Keanna na mayroong nakahawak sa likuran niya dahilan para magising siya at si Cale ang una niyang nakita. Nakangiti ito at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi."
Keanna scratched her eyes and immediately wrapped her arms around Cale's neck. "Hi, Caleigh," she whispered and kissed him on his jaw. "Kanina ka pa? Sorry, nakatulog ako."
"It's okay," Cale responded and kissed Keanna's shoulder. "Gusto mo na bang umuwi? Sabi ni Kuya Sarki, puwede ka na raw umuwi kung gusto mo? Do you wanna?"
Tumango si Keanna at naramdaman iyon ni Cale. Walang salita o kahit na ano at hindi pa rin ito bumibitiw sa pagkakayakap sa kaniya. Mahigpit na mahigpit lang na nakayakap sa kaniya.
Cale frowned. There was something about the hug, and he couldn't explain it but didn't bother asking. For some reason, his heart clenched by the way Keanna hugged him . . . at naramdaman niyang mas mahihirapan siyang umalis.
"Everything okay, sweetheart?" Cale asked.
Umalis si Keanna sa pagkakayakap sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng labi. "Yup. Kumusta ang biyahe mo?" Nilingon nito ang dala niyang nasa lamesa. "Thank you."
"No prob," Cale responded. "All good, mabilis lang 'yung naging biyahe ko. Ikaw, how's your day?"
Sandaling natahimik si Keanna at inisip kung sasabihin ba niya kay Cale ang nalaman niya. Kung tutuusin, wala siyang kailangang sabihin dahil kapag ibinigay na niya kay Cale ang stick, alam na nito kung ano iyon.
"Okay lang naman, inaantok lang ako." Ngumiti si Keanna. "By the way, tiningnan ko kanina 'yung s-in-end mong picture ng nakuha mong apartment sa New York. Ang ganda ng view, ha?"
Nakita ni Keanna kung paanong nagbago ang itsura ni Cale. Ngumiti ito at nagsimulang magkuwento.
"Namili ako ng magandang kama at saka malapit 'yun sa school. At least kahit hindi ako magsasakyan, puwede ko lang lakarin," natutuwang sabi ni Cale. "Sa area lang din maraming kainan kaya excited ako. Hindi ko kailangang magluto."
Hinayaan ni Keanna na magkuwento sa kaniya si Cale tungkol sa trip nito sa New York noong nakaraan dahil inayos ang apartment na titirhan.
"Kapag nag-visit ka roon, I'll tour you." Mababa ang boses ni Cale. "Keanna, do you want me to leave?"
"Siyempre ayaw ko, pero dalawang taon lang naman!" natutuwang sabi ni Keanna. "At saka puwede ka namang umuwi, for sure madalas naman tayong nasa video call tulad noon, kaya walang magbabago."
Cale stared at Keanna. "Promise? Promise walang magbabago? Promise we'll communicate? Promise we'll be open and honest and loyal and faithful?"
"Cale talaga!" Keanna stood up. "Uwi na tayo, gusto ko talaga matulog."
"Keanna." Hinawakan ni Cale ang braso niya. "Promise?"
Naramdaman ni Keanna ang kakaibang tibok ng puso niya habang nakatitig kay Cale. "Ayaw kong mag-promise at alam mo 'yan. Pareho nating hindi alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod. Okay?"
"Keanna. You trust me, right?" Cale asked.
Keanna nodded without saying anything.
"Thank you for trusting me." Cale leaned to kiss Keanna's lip. "Please know na hindi ako gagawa ng kahit na anong ikasisira nating dalawa. Ayaw kong umalis. 'Yan ang totoo. I was actually waiting for you to say na 'wag na ako umalis."
"Hindi ko gagawin 'yun." Keanna chuckled.
Cale sighed. "I know." He smiled and hugged Keanna tightly. "I know na hindi mo gagawin 'yun. Isang sabi mo lang, hindi ako tutuloy."
Nakagat ni Keanna ang ibabang labi at pumikit siya dahil sa sinabi ni Cale. Alam niyang seryoso ito at kapag nalaman nito ang tungkol sa dinadala niya, mas malamang na hindi na ito aalis.
"Tumuloy ka. Okay lang ako rito," Keanna murmured. "We'll be okay here. Pagbalik mo, okay pa rin kami rito. Your first plan first, then we'll do the second, okay?"
Cale nodded.
"We'll be okay."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top