Chapter 8

Keanna had no idea that Cale was admiring her while she was busy talking to a client, and he could listen to her explaining things the entire day if he had a chance.

The office door was open, the reason why he could hear his girl. Mukhang mayroon itong bibilhing bagong property. Nabanggit din naman kasi ni Keanna na lumalago ang real estate ng mga Tomihari.

Nakaharap naman si Cale sa laptop at paulit-ulit na binabasa ang email na natanggap niya galing sa New York University. Nakalista roon ang mga requirement na kailangan niyang ipasa at ilang bagay na kailangan niyang gawin para sa admission.

Pumasok si Keanna sa loob ng opisina niya at naabutan si Cale sa sofa at nakaharap sa phone ngunit kaagad iyong itinago nang makita siya.

"Sorry." Dumukwang ng halik si Keanna sa labi ni Cale bago dumiretso sa sariling swivel chair. "Kausap kasi ni Kuya yung mga 'yun. Nakatira sila sa medyo mataas na parte ng Baguio and interested na ibenta 'yung property, mukhang gusto rin naman ni Kuya."

Itinago ni Cale ang phone at hinarap si Keanna. "Ikaw, nakita mo na ba 'yung place?"

"Yup." Nagsimulang mag-type si Keanna para na rin mag-send ng report tungkol sa naging pag-uusap nila ng kliyente. "Para gawing transient, actually sobrang ganda niya kasi ang ganda ng view lalo sa sunrise at sunset. Medyo may kamahalan lang talaga kasi maganda talaga 'yung view. Nakadepende 'yung magiging desisyon kay Kuya kasi siya naman ang mag-aasikaso n'on."

Tumango-tango si Cale at pumunta sa may table ni Keanna para tingnan ang pictures ng sinasabi nitong property. Maganda nga at paniguradong bebenta iyon, pero may kamahalan.

"Are you sure na okay lang na nandito ako sa office mo?" Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Keanna. "Baka nakakaistorbo ako?"

"It's okay. May ida-draft lang akong email and contract na pinapaayos ni Kuya sandali kasi site viewing siya sandali tapos puwede na raw akong umalis," sagot ni Kea. "May gusto ka bang puntahan?"

Umiling si Cale at naupo sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa ni Keanna. "Wala naman. After this, kung gusto mo, mag-ikot lang tayo sandali tapos uwi na?"

"Sige, wala rin akong balak gawin. Gusto mo tapusin na lang natin 'yung series na hindi ko matuloy panoorin kasi nga medyo busy ako?" Nag-stretch si Keanna. "Parang gusto kong tapusin kasi after ng small vacation ko, magiging busy na ulit ako."

"Sure," Cale responded and stood up. "Let's finish it."

Nagsimulang magtrabaho si Keanna kaya naman hindi na muling nagsalita si Cale para mas mabilis itong matapos. Ipinalibot naman niya ang tingin sa opisina ng girlfriend niya.

Maliit lang iyon kumpara sa sarili niyang opisina. Gusto niyang mag-suggest na maglagay ng maliit na sofa para kapag gustong matulog o magpahinga ni Keanna, puwede, pero alam niyang hindi ito papayag.

Keanna was a little workaholic, and Cale knew that.

Sa maghapon, hindi ito tumitigil at madalas na kapag magkausap sila sa video call habang nagtatrabaho, seryoso ito sa ginagawa. Siya na minsan ang gumagawa ng paraan para magpaalam at hindi na ito maabala.

Mayroong bintana sa gilid ng lamesa ni Keanna. Wala ring bookshelves o kahit na anong naka-display. Mayroong shelf, pero para sa mga papeles. Mayroon ding filing cabinet na walang design, and Cale would say that his girlfriend's office was boring.

Hindi kumikibo si Keanna, pero base sa pagtingin ni Cale sa opisina niya, alam niyang marami itong gustong sabihin. Minsan na rin kasi nitong sinabi na magandang ayusin ang opisina niya and she got the message.

For Cale, her office was boring . . . and she wasn't wrong when Cale looked at her.

"Ano?" kalmadong tanong ni Keanna habang nakatingin pa rin sa computer. "Ano'ng gusto mong i-suggest?"

Cale chuckled. "Sweetheart, I'm really sorry, but your office really does suck," he said. "Please, ayusin natin?"

Natawa si Keanna at tinitigan si Cale. Aware naman siya na pangit talaga ang office niya dahil bukod sa kulay puting pintura, walang kahit anong arte. Kahit mismong parents niya, basher ng opisina niya dahil para daw kulungan.

"Ayaw ko kasing ayusin. Ayaw kong maging komportable sa lugar na 'to," sabi ni Keanna. "Making my office like this makes me look forward to going home. Para alam kong itong lugar na 'to, for work lang, at hindi ko puwedeng gawing comfort zone."

"But you're spending most of your time here." Cale walked towards her and leaned on the table. "At least make it a little appealing. 'Yung tingin mong magugustuhan mo bilang opisina mo kasi, sweetheart, to be honest, your office is super boring. Malayong-malayo sa personality mo."

Inirapan ni Keanna si Cale. "Pag-iisipan ko. For now, don't mind my office, please? Malapit na po akong matapos para makaalis na tayo rito sa boring office ko."

Natahimik sandali si Cale at pilit na pinoproseso ang boses at tingin sa kaniya ni Keanna bago nito ibinalik ang mata sa computer na kaharap. Bigla siyang napaisip na baka na-offend ba niya ang girlfriend niya sa pangingialam sa opisina nito.

"Kea, did I offend you?" he asked.

Keanna shook her head without saying anything and continued typing.

"Sweetheart?"

"Hmm?"

"Galit ka?"

"Hindi nga," sagot ni Keanna.

Napanguso si Cale at lumuhod sa gilid ni Keanna. "Sweetheart? Galit ka yata, e. Na-offend ba kita? Uy."

"Baliw, hindi. Wait lang, doon ka muna. Compose muna ako ng email para matapos ko na 'to, para makauwi na rin tayo." Nagpatuloy si Keanna sa pag-type nang hindi tumitingin kay Cale. "May gusto ka bang kainin? Puwede akong mag-message kina manang sa bahay para magpaluto."

Umiling si Cale at tumayo na. Bumalik siya sa pagkakaupo sa visitor's chair para hintayin si Keanna. Bigla niyang naisip ang mga sinabi niya at sa pananahimik ng girlfriend niya, mukhang na-offend ito.

Muling ipinalibot ni Cale ang tingin sa opisina. Pangit naman kasi talaga.





It took another thirty minutes until Keanna completed her task. Tahimik na rin naman si Cale na naghihintay sa kaniya at napansin niyang kahit isang beses, hindi nito inilabas ang phone.

"Tara na? Nagpaluto na lang ako kay Manang Andeng ng sinigang na beef, gusto ko ng sabaw." Nag-stretch si Keanna at humikab. "Inaantok na rin kasi ako."

Ngumiti lang si Cale at tumayo na ito. Walang naging sagot kahit nang makarating sila sa parking area pauwi.

Sa loob ng kotse, inobserbahan ni Keanna si Cale dahil hindi pa rin ito nagsasalita. Diretso itong nakatingin sa daanan at hindi siya nililingon.

"Caleigh?" pagkuha niya sa atensyon nito.

Bahagyang lumingon si Cale, pero walang ngiti. "Yes, sweetheart?"

"Ang tahimik." Hinaplos ni Keanna ang batok ni Cale. "Ano'ng nangyari?"

"Galit ka?" Cale sounded like a little child. "Sorry kung na-offend kita."

Kumunot ang noo ni Keanna dahil wala naman siyang sinasabing na-offend siya o hindi rin naman siya galit. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito hanggang sa nag-process na sa kaniya ang sinabi nito.

"Uy, hindi! Hala, tungkol ba 'to sa office ko?" nagtatakang taong ni Keanna at tumango naman si Cale. "Uy, hindi ako offended! Hala uy, sweetheart, hindi."

Cale's brows furrowed, and his expression became softer. "Kasi hindi ka na nagsalita after. I t-thought you were mad or offended. Ang cold kasi kanina."

Mahinang natawa si Keanna at umiling. "Nasa Baguio tayo kaya cold," pagbibiro niya.

"Keanna naman, e."

"Hindi ako offended kasi totoo naman," paniniguro ni Keanna. "Kung iniisip mo is 'yung tungkol sa pananahimik ko, I was composing an email, sweetheart. Sorry."

Marahas na umiling si Cale at hinawakan ang kamay ni Keanna para pagsaklupin iyon. "No, I'm sorry for offending you, pero pangit kasi talaga ang office mo, sweetheart. I'm sorry for offending you, but I'm not sorry about telling the truth."

Malakas na natawa si Keanna at hindi alam kung ano ang mararamdaman. Agree naman siya sa parteng iyon kaya hinayaan na niya. Hindi rin naman siya offended, pero tawang-tawa siya sa reaksyon ng mukha ni Cale.

Pagdating sa bahay, kaagad silang dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit bago muling bumaba para kumain ng lunch. Sinabi ng mga helper na mayroong pinuntahan ang parents niya kaya wala na naman ang mga ito.

Tinawagan ni Keanna sina Tadhana at sinabi nitong nagpunta sa isang transient house para sa maintenance.

"Caleigh, mami-miss ulit kita," ani Keanna habang sinasandukan niya ng kanin ang pinggan ni Cale. "Aalis ka na bukas."

"Sorry," Cale apologized. "Babalik ako next week kapag hindi ako masyadong busy. I'll make time."

Ngumiti si Keanna. "Uy okay lang. Okay pa naman tayo sa video call!" magiliw niyang sambit. "At saka practice na rin para kapag nagpunta ka sa New York, sanay na tayo."

Kaagad na ibinaba ni Cale ang kutsara at tinidor dahil sa sinabi ni Keanna. "Sweetheart, please? Can we not talk about it."

"Caleigh, sa totoo lang, kailangan nating pag-usapan. We've been avoiding this conversation since yesterday? Napansin ko na ayaw mong pag-usapan. Ilang beses akong nag-open ng topic, but you're dodging it." Keanna sighed. "Ayaw kong pag-usapan natin 'to via video call, Caleigh. Aalis ka na bukas. Can we at least talk about this?"

Maayos na sumandal si Cale sa upuan at huminga nang malalim. Naghintay lang si Keanna dahil alam niyang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol doon, pero hindi puwedeng hindi. Kahit siya mismo ay napapaisip na.

"Cale, ano ba ang plano mo?" tanong ni Keanna. "Gusto kong malaman para alam ko rin kung paano ako."

Cale breathed. "I'm planning to accept it," he said lowly. "But I don't wanna be away from you."

Natawa si Keanna at ipinakita kay Cale na pinagtatawanan niya ang sinasabi nito kahit na ang totoo, nalungkot siya sa tono ng boses ng boyfriend niya.

"Ano ka ba? Ilang beses na natin 'yan pinag-usapan! Excited nga ako kasi napag-usapan natin na after graduation mo, lilipad ako sa New York para kasama ako sa picture mo."

Cale warmly smiled. "Mami-miss mo ba ako?"

"Cale naman. Ano bang klaseng tanong 'yan?" Keanna laughed. "Oo naman, pero sure ako na makikita kita araw-araw sa video kaya okay lang. Basta 'wag kang mambababae, ha."

"Alam mo ang sagot ko riyan." Cale frowned. "Are you sure na okay lang sa 'yo na tanggapin ko? It's gonna be two years, Keanna."

Keanna nodded without hesitation. There was fear, but they needed to grow separately. May buhay si Cale at hindi niya nanakawin iyon. May buhay rin siya sa Baguio para sa businesses ng pamilya nila at hindi niya tatakasan iyon.

"I'll accept it then," Cale said and held Keanna's hand. "Mag-email na ako mamaya na tatanggapin ko na."

Keanna scrunched her nose and smiled. Natuwa siya sa desisyon ni Cale kahit na mayroong kirot sa dibdib niya. Natatakot siyang mas maging malayo sila, pero kailangan ni Cale ang nasabing program. Kailangan nito iyon para sa pagpapatakbo ng isang malaking kumpanya.

Karev Telco wasn't just a company; knowing that Cale would have to handle it soon, Keanna knew she shouldn't be selfish.


↻ ◁ II ▷ ↺



Inside Keanna's room, they started watching Harry Potter and the Deathly Hallows. Nasa part two na sila at kahit na ilang beses na iyon panoorin ni Keanna, paulit-ulit pa rin.

Ginawang sandalan ni Keanna ang katawan ni Cale. Pareho silang tahimik at kahit nakakadalawang pelikula na, walang nagbubukas ng topic o kahit na ano hanggang sa halikan ni Cale ang tuktok ng ulo niya.

"Maaga raw bibiyahe bukas si Kuya Jess para dalhin 'yung kotse mo," ani Cale dahil kotse nito ang ginamit nila paakyat ng Baguio. "Tapos siya na rin ang magda-drive ng kotse bukas pagbalik namin sa Metro."

Nakagat ni Keanna ang ibabang labi, pero hindi siya nagpahalata. "Sige. Gusto mo bang magpabili ako nng mga puwede mong dalhin?"

Umiling si Cale at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Keanna. "Hindi na." Hinalikan nito ang balikat niya. "Wala naman akong gustong iuwi at saka ang dami ng dala mo noong nakaraan. Okay na 'yun."

"Sige," sagot ni Keanna. "Kapag may gusto ka, sabihin mo na lang para makapagpadala ako sa Metro."

Cale chuckled. "If ever I want something, pupunta na lang ako rito. Baka bumalik na tayo sa routine na every weekends akong aakyat dito sa Baguio. Tatapusin ko na lahat ng work every week para Friday to Monday morning, nandito ako."

Walang sagot si Keanna at nanatiling nakatutok sa TV. Wala siyang gustong sabihin lalo na at ayaw niyang mag-expect.

Ramdam ni Cale ang pananahimik ni Keanna, pero hindi niya ito pinilit na magsalita. He caressed her hand using his thumb as they watched. Paminsan-minsan din niyang hinahalikan ang gilid ng ulo nito o kaya naman ay ang balikat.

"Mahal kita," bulong ni Cale habang nakalapat ang labi niya sa gilid ng noo ni Keanna.

"Mahal din kita." Lumingon si Keanna sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng labi bago nagpatuloy sa panonood.

Cale's heart tightened knowing in the next few months, there was a possibility of them being away. Malayo naman na sila, pero iba ang magiging sitwasyon and it was making him think twice.

Kinagabihan, nagpaluto sina Tadhana at Keanu ng dinner para sa kanilang lima. Galing din kasi sila sa La Union kaya naman seafood ang nakahain.

Nakikita ni Tadhana kung paanong alagaan ni Cale si Keanna na ito pa ang nagbabalat ng hipon. Nakikita ni Keanu na ulitimo kanin, si Cale pa ang magsasandok, pero ramdam ang tensyon sa dalawa.

Nagkatingnan pa sina Tadhana at Sarki dahil doon. Nakikipagtawanan sa kanila ang mga ito, pero biglang tatahimik.

"Anong oras ka pala bibiyahe bukas?" tanong ni Tadhana. "Nakausap ko kanina sa call si Niana, nakisuyo siya ng lettuce kaya bumili ako kanina sa palengke."

Nagbago ang expression ng mukha ni Cale. "Tita, I'm sorry. Si Mommy talaga."

"Hoy! Ayos lang, parang others!" ani Tadhana at mahinang natawa. "Nagpadagdag na rin ako ng ibang gulay. Binilhan ko rin si Niana ng walis tambo panlinis niya sa mansion n'yo."

Natawa si Cale. "Sure po ako na dadalhin ni Mommy 'yan sa office."

"Baliw talaga 'yun si Niana," ani Tadhana. "Pero don't worry, nakabili naman na ako and nakausap ko na si Niana. Sorry lang talaga, marami kang ilalagay sa trunk."

"Okay lang po. Ako nga po 'yung nahihiya sa mga pakisuyo ni Mommy," sabi ni Cale at nilingon si Keanna bago ibinalik ang tingin kina Tadhana at Keanu. "By the way po, may sasabihin po ako."

Nanlaki ang mga mata ni Tadhana at suminghap. "Magpapakasal na ba kayo?"

"Nanay!" paninita ni Keanna. "Nanay talaga parang ano."

Nagtawanan silang lahat dahil sa reaksyon ni Keanna na bigla na lang ring humalakhak.

"Napaka talaga nito ni Nanay!" Keanna shook her head.

"Charot lang, e. Ang defensive!" Tadhana rolled her eyes and looked at Cale. "Ano 'yun?"

Muling nilingon ni Cale si Keanna bago hinarap ang mga magulang nito. "Napag-usapan naman na po namin ni Keanna and we had a talk po. Kasi natanggap po ako sa New York Univeristy para po sa master's degree ko and tatanggapin ko po siya."

Sandaling natahimik ang lamesa. Nagkunwari si Keanna na masaya siya at ayos lang ang lahat kahit na ang totoo, ayaw niyang makinig.

"Bale two years po 'yun kaya baka hindi rin po ako masyadong makakapunta rito." Cale smiled. "Pero ayon lang po. Napag-usapan naman na po namin ni Kea and we both decided na tutuloy po ako."

"Magandang opportunity 'yan," sabi ni Keanu. "Maganda rin na napag-usapan ninyo nang maayos."

Cale and Keanna agreed.

Iniba na rin ni Tadhana ang conversation nang maramdaman ang kakaibang hangin na nagmumula sa dalawa. Ganoon din si Sarki na nagsimulang magkuwento na lang tungkol sa site viewing nito buong maghapon.


↻ ◁ II ▷ ↺



Sa tuwing umaalis si Cale sa Baguio, madalas na madaling-araw at hindi na niya ginigising si Keanna. Gabi pa lang, nag-uusap na sila at nagpapaalam.

Cale always hated saying goodbye to Keanna. That was the reason why he would leave without waking her up.

Pero sa pagkakataong iyon, hindi aware si Cale na gising si Keanna. Nakapikit lang siya, pero hindi siya gumagalaw at nagkukunwaring tulog.

Hindi siya makatulog at nang maramdamang bumangon na si Cale, mas nagkunwari pa siyang tulog. Naririnig niya ang bawat kaluskos, ang bawat paggalaw, pero hindi siya nakibo.

Nakita ni Keanna na alas-kwarto na ng umaga. Narinig din niyang nabuhay ang makina ng sasakyan ni Cale dahil sports car iyon na medyo maingay. Malamang na dumating na ang driver na nagdala ng kotse niya.

Yakap ni Keanna ang sarili nang marinig na papalapit sa kaniya si Cale. Naamoy niya ang pabango nito, naramdaman ang paghawak nito sa baywang niya na, at marahang humaplos ang hinlalaki nito sa balat niya.

Ilang malalim na paghinga ang naramdaman ni Keanna na tumama sa mukha niya. She could feel the warm air coming from Cale's nostril as well as his minty breath.

Keanna remained unmoving but waited, until she felt his lips pressed against her cheek, forehead, tip of her nose, and lips.

She wanted to open her eyes but didn't.

"I love you, Keanna," Cale whispered and kissed her forehead.

Nanatiling nakapikit si Keanna. Nawala na ang amoy, nawala na ang pagkakahawak ni Cale, at tanging ang pagsara na lang ng pinto ang narinig niya.

When she heard the door close, Keanna opened her eyes, and tears started rolling down. She silently cried until she heard Cale's car.

Pinakinggan niya ang makina ng sasakyan ni Cale hanggang sa unti-unting nawala ang malakas na tunog dahil papalayo na.

Keanna hugged herself, and her phone beeped.

It was a message from Cale.

Hi, sweetheart! I know you're awake. I love you. The One by Kodaline. 1:40, Keanna.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys