Chapter 6

Nakatalikod si Keanna at nakatigilid ng higa. Nakayakap sa kaniya si Cale. Tulog na ito, pero siya, hindi niya makuha ang tulog niya dahil maraming tumatakbo sa isip niya.

Aware naman siya sa posibleng pagpunta ni Cale sa New York. Hindi pa sila, nagre-review na ito para sa exam na kukunin para sa master's degree. Noong mga panahong iyon, magka-video call pa sila hanggang madaling-araw habang nagbabasa ito ng notes.

Si Keanna rin ang unang sinabihan ni Cale tungkol sa pagpasa nito sa New York University. She was proud of him, she was happy, but scared.

Being an overthinker was one of Keanna's unwanted traits. May tiwala siya kay Cale, pero may pagkakataong nagkakaroon siya ng takot.

Ramdam niya ang higpit ng yakap ni Cale mula sa likuran. Nakatingin lang siya sa liwanag na nanggagaling sa balcony ng kwarto at iniisip ang ilang posibilidad.

Naisip din naman niya na habang mas lalayo pa si Cale, mas magiging focused na lang si Keanna sa business ng pamilya nila. Mas tutulungan na lang niya si Sarki para hindi na siya gaanong mag-isip pa.

Keanna also decided not to tell Cale what she felt. Ayaw niyang magdalawang-isip na naman ito sa pagtanggap o pag-enroll sa America dahil sa kaniya.

Bata pa naman silang dalawa kaya marami pang opportunities lalo sa parte ni Cale. Simula pa lang din naman, alam na ni Keanna ang pinasok niya.

Being with Sean Caleigh Karev was a risk Keanna took, and she had no regrets. She loved him and would always support him, that was for sure.

Bumangon si Keanna nang makita ang kaunting liwanag na nanggagaling sa bintana. Inipitan niya ang buhok bago pumasok sa loob ng banyo para maghilamos at mag-toothbrush.

Naisip ni Keanna na magluto ng almusal.

Paglabas niya ng bathroom, nakadapa si Cale at mahimbing pa rin na natutulog. Hinalikan muna niya ito sa pisngi bago bumaba.

Bumati sa kaniya ang mga helper ng bahay. Nasa hagdan pa lang siya, panay na ang tanong ng mga ito kung may gusto ba siyang kainin.

"Ako na po ang magluluto," prisinta ni Keanna. "Wala pa po ba sina Tita Niana at Tito Cavin?" tanong niya.

"Wala pa, e. Wala rin kaming alam kung kailan sila babalik," sagot ni Celia, ang nakatoka sa kusina. "Ano'ng lulutuin mo, Kea?"

Sumandal si Keanna sa counter hawak ang mainit na mug na mayroong lamang kape. Iniisip niya kung ano ba ang puwedeng iluto nang maalalang nabanggit sa kaniya ni Cale na gusto nitong kumain ng tapsilog.

"May beef po ba kayo na stock, Ate?" tanong ni Keanna.

Tumango si Celia at sinamahan si Keanna na magpunta sa pantry. Mayroong malaking freezer doon na may may iba't ibang meat. Nasa loob din ng pantry ang ref ng mga gulay, shelves na puno ng stock, at kung ano pa.

"Ate, wala po bang lamig na kanin?"

Umiling si Celia. "Magsaing na lang ako. Mabilis lang naman tapos 'yun na lang ang gawin nating sinangag?"

Tumango si Keanna at nagsimulang kumuha ng mga ingredient dahil para siyang nasa mini convenient store na kumpleto lahat ng kailangan niya.

Nakakuha siya ng strip loin para gawing tapa. Hindi na magiging malasang-malasa dahil sandali lang niya maibababad. Kumuha rin siya ng maraming bawang para sa sinangag at itlog.

Mahilig din sila ni Cale sa suka na maanghang kaya siya na rin ang gagawa. Paborito nilang lagyan iyon ng cucumber, maraming sibuyas, sili, at calamansi pa.

Masayang nakikipagkuwentuhan si Keanna sa mga helper na kasama niya sa dirty kitchen. Tumutulong ang mga ito dahil nagpabalat din siya ng mga patatas para gawing side dish lang.

Pare-parehong tumigil sa pagsasalita ang mga kasama niya at nang lingunin niya ang mga ito, nakasandal si Cale sa hamba ng pinto at nakatingin sa kaniya.

"What are you doing?" Cale asked.

Mahinang natawa si Keanna. "Ang gulo naman ng buhok mo!"

"Nabigla ako ng bangon. Akala ko umalis ka," sabi ni Cale at naglakad papunta kay Keanna. "Dapat ginising mo ako, e."

Kahit mayroong tatlong taong nakatingin sa kanila, walang pakialam si Cale na yumakap mula sa likuran ni Keanna habang piniprito nito ang karne.

Ibinaba ni Keanna ang thong na hawak at humarap kay Cale. Inayos niya ang buhok nito gamit ang sarili niyang mga daliri.

"Sarap kaya ng tulog mo! Nakanganga ka pa!" pagbibiro niya. "Naalala ko kasi gusto mo ng tapsilog, kaya nagluto na lang ako."

Cale pouted and hugged Keanna tighter. The helpers were giggling, and Cecil, the oldest helper, spoke.

"Ganiyan na ganiyan ang daddy mo, Cale," sabi nito habang naghihiwa ng patatas. "Halos ayaw bumitiw sa mommy mo. Naglalaba na lang, nagluluto, gusto nakadikit pa rin."

Hindi na nagulat si Keanna dahil na-witness naman niya iyon sa mga magulang ni Cale. Ganoon din naman ang parents niya, pero mas lamang lang talaga ang asaran.

"Maligo ka na," ani Keanna at humarap sa niluluto. "Malapit na rin naman kaming matapos. Para pagbaba mo ulit, kakain na tayo."

Cale groaned. "Fine," he whispered and kissed Keanna's nape.

Iling lang ang naisagot ni Keanna at sinundan ng tingin si Cale na dumukot pa ng isang strip ng beef. Tumigil ito at tumingin sa kaniya.

"Sarap, a. Puwede nang magpakasal sa akin, Manang Cecil!" Nagtaas-baba ang kilay nito.

Natawa si Keanna, pero kaagad na nawala iyon nang muling maalala ang nalalapit na pag-alis ni Cale. Hindi pa man ito nakakapag-enroll, pero dahil advanced nga siyang mag-isip, alam na niya ang mangyayari.

Habang kumakain, napansin ni Cale ang katahimikan ni Keanna. Kasama nila sa lamesa ang Ate Vianne niya na kagigising lang, pero tumingin din ito sa kaniya na parang nagtatanong.

"Do you wanna go somewhere?" Cale caressed Keanna's back. "Wala naman akong planong gawin ngayon, but do you wanna go somewhere?"

"Wala naman, ikaw?" balik na tanong ni Keanna. "Kahit saan naman ako, go lang. Kung gusto mo ring mag-stay na lang dito sa bahay, okay lang din."

Cale nodded and didn't push Keanna.

Paminsan-minsan niyang tiningnan ito habang kumakain at tahimik lang na nakayuko. Natapos sila na ganoon ang sitwasyon bago ito nagpaalam na aakyat dahil gustong maligo.

"Something wrong?" Vianne asked Cale. "Ang tahimik, ha? War?"

"I don't know," Cale responded in a low voice. "We'll talk later. Ikaw, how are you, Ate?" He changed the topic.

Vianne smiled and shook her head. "Same old Vianne."

"What do you mean?"

"Dati pa rin. Walang gustong gawing kung hindi ang matulog maghapon," sarkastikong sagot ni Vianne kahit na alam naman ni Cale ang totoo. "Kausapin mo na. Alam ko namang hindi ka matatahimik nang hindi ka kinakausap."

Tumayo si Cale hinalikan ang tuktok ng ate niya bago umkyat papunta sa kwarto. Wala si Keanna at mukhang nasa loob ng bathroom.

Habang naghihintay, binuksan na muna ni Cale ang laptop niya at nagbasa ng email galing sa kumpanya. Nag-message na rin ang mommy nila na uuwi na ang mga ito galing sa business trip.

Nilingon ni Cale ang pinto ng bathroom nang bumukas iyon. Suot ni Keanna ang oversized T-shirt niya at naka-shorts itong maikli.

"Sweetheart?"

"Hmm?" sagot ni Keanna nang hindi tumitingin kay Cale dahil inaayos niya ang maleta.

"Are we okay?" Cale asked.

Keanna turned around and met Cale's eyes. "Oo naman, bakit? Ano'ng meron?"

"You're too quiet." Cale breathed and closed his laptop. "What's happening?"

Keanna shook her head and walked towards Cale. Hawak niya ang towel na pantuyo ng buhok niya nang agawin nito iyon para tuyuin ang buhok niya.

"This isn't nothing, Keanna," Cale murmured as he carefully dried her hair. "You wanna talk about it, ha?"

"Inaantok lang ako. Maaga kasi akong nagising." Ngumiti si Keanna at tinitigan si Cale. "Matutulog ako mamaya, ha?"

Cale nodded. "Yep, of course. That's it?"

"Oo." Keanna smiled. "Nami-miss ko na rin kasi ang Baguio. Hindi talaga ako sanay na masyadong matagal na wala roon. At saka medyo namamahay ako. Hindi ako makatulog."

Sandaling tumigil si Cale sa ginagawa at matamang tinitigan si Keanna.

"Meron pa naman akong two days and I can extend another day. Gusto mo bang bumalik na tayo sa Baguio? Let's just spend the rest of the days in there," Cale suggested. "Okay rin 'yun so I get to see your family, too."

Keanna smiled and kissed Cale on the lips. They did the nose-to-nose, and he encircled his arm around her shoulders.

Nag-decide silang dalawa na hihintayin lang sina Niana at Cavin bago bumiyahe pauwi sa Baguio.

Tumawag na rin si Keanna sa parents niya tungkol sa pagdating nila ni Cale kinabukasan. Maaga silang bibiyahe para maaga rin silang makarating ng Baguio.

When Keanna fell asleep, Cale answered some emails and did some reports. He didn't touch his laptop whenever his girlfriend was awake.

Kung puwede lang niyang ibigay ang twenty-four hours, ginawa na niya, at sa pagkakataong mas malalayo siya kay Keanna, alam ni Cale na mas mahihirapan siya.

Bago pa niya makilala si Keanna, buo na ang plano niya. College pa lang, gusto na niyang magpunta sa New York para sa master's degree niya at iyon pa nga ang rason para mag-aral siya nang mabuti.

Cale made sure to reach the metrics needed for the universities he had eyed for years. After graduation, he started reviewing for the examinations, and he passed.

And who would've expected that while opening the email, Cale wanted to fail so he wouldn't have to go to New York?

Sumandal si Cale headboard ng kama at hinaplos ang buhok ni Keanna. Nakaharap ito sa kaniya habang mahimbing na natutulog at hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil ayaw na niyang umalis.

Matagal siyang nakatitig kay Keanna bago niya isinara ang laptop at patagilid na humiga para tabihan ang girlfriend niya.

"I can't leave," Cale whispered against Kea's forehead. "I don't wanna leave, sweetheart."

Iniisip pa lang niyang more or less two years siya sa New York, hindi na niya ma-imagine kung gaano iyon kahirap sa kaniya.

One week was hard, three weeks was harder, paano pa ang mga susunod?

Cale knew that he could just go home whenever he wanted to, but with Keanna's personality, she would tell him that he didn't have to.

Mahigpit na niyakap ni Cale si Keanna. Hindi siya natulog at hinintay lang niya itong magising.

Pagbaba nina Keanna at Cale, nasa living room si Vianne kasama sina Cavin at Niana. Pare-parehong tumingala ang mga ito at ngumiti.

"Akala namin hindi na namin kayo maaabutan, e," sabi ni Niana at itinuro ang mga pasalubong na iba't ibang klaseng flavor ng KitKat galing sa Japan. "Mga favorite mo, Kea!"

Tuwang-tuwa si Keanna nang makita ang paborito niyang flavors ng KitKat. Matagal na rin ang huling tour nilang mag-anak doon.

"Thank you po, Tita. Kumusta po pala ang biyahe n'yo?" tanong ni Keanna habang kumakain ng chocolate katabi si Cale. "Si Tatay, nag-aaya siyang mag-Japan, e. Hindi ko lang po sure kung kailan."

"Kea, I have tanong." It was Vianne.

"Gora, Ate."

"Nakilala mo ba ang grandfather mo sa Japan?" tanong ni Vianne. "You don't have to answer if uncomfy, ha?"

Pinanlakihan ni Cale ng mata si Vianne dahil sa tanong nito. He knew the answer.

"Hindi, e. May ibang family kasi ang daddy ni Tatay." Tipid na ngumiti si Keanna. "Hindi na rin kami nabigyan ng pagkakataon. Sa mommy naman ni Tatay, okay naman kami, pero kasi hindi niya talaga bet si Nanay. Aware kami ni Kuya roon."

"Sinabi sa inyo ni Tadhana?" tanong ni Niana.

Umiling si Keanna. "Naku, Tita, isang malaking himala kung sinabi ni Nanay 'yun. She was protecting Tatay's mom kaya wala siyang sinabi sa amin. Growing up, naramdaman namin ni Kuya Sarki 'yun and until now, wala pa rin."

Tahimik ang lahat na nakatingin kay Keanna at nakikinig.

"With Nanay's personality, dedma lang 'yun. But what I also love about Nanay, hindi niya siniraan sa amin si Mommy Cath." Keanna smiled.

Nagkuwento naman sina Niana at Cavin tungkol sa grandparents ni Cale na bago pa man ipanganak si Vianne ay nawala na.

Kita ni Keanna ang lungkot sa mata ng mag-asawa habang pinag-uusapan nila iyon.

Nag-aya rin ang daddy ni Cale na mag-dinner na lang sila sa labas kaysa kumain sa bahay. Dumiretso sila sa isang malaking hotel na pag-aari ng isa sa kaibigan ng mga ito.

Sa mundong ginagalawan ni Cale, hindi makasabay si Keanna, pero hindi niya iyon naramdaman sa mga Karev.

Komportable ang buhay nila, mayroon silang properties, pero ang makilala ang mga kaibigan ng parents ni Cale, ibang level.

Kumakain sila nang may mga lumapit na kakilala ng mga ito. May-ari ng mga hotel, may-ari ng mga bangko, at kung ano-ano pa.

"Don't mind them," Cale whispered.

"Ang lalakas," bulong naman ni Keanna.

Natawa sina Cale at Vianne. Pare-pareho silang tahimik at mukhang naramdaman iyon ng mga kumakausap sa mga magulang nila kaya nagpaalam na ang mga ito.

"That's one thing I hate about this." Vianna shook her head. "Imagine, you're eating, and someone would just randomly talk about something." She even rolled her eyes.

Bahagyang nilingon ni Cale si Keanna na nakatingin din sa kaniya. Natahimik sila, kahit sina Cavin at Niana sa sinabi ni Vianne.

"Anyway," Cale broke the silence, "bibiyahe na po kami ni Kea mamaya around three. I might stay there for three days, Dad. Is that okay?" Cale sounded needy. "Extending for another, Dad. Okay lang?"

Cavin nodded. "Go ahead. By the way," sabi nito na para bang may naalala, "sabi sa akin ni Winslet, tumawag ang NYU sa office kanina kasi hindi ka ma-reach. Are you still planning to enroll?"

Sandaling natahimik si Cale.

Nilingon naman ni Keanna si Cale nang hindi ito sumagot at nanatiling nakayuko at nilalaro ang pasta na nasa pinggan. Wala itong sinabi sa kaniya tungkol sa pagtawag ng NYU.

"Caleigh?" Keanna got Cale's attention. "We okay?"

Cale faintly smiled and nodded. "Yup. I will talk to them after thinking about it thoroughly. I'm still weighing things."

"Ayos 'yan," sabi ni Niana. "Pag-isipan mo munang mabuti. Hindi ka naman nagmamadali, puwede naman dito sa Pilipinas. But it's still your decision."

Nag-iba ang topic nang magsimulang magkuwento ang mommy ni Cale tungkol sa trip sa Japan. Sinabi pa nito na sana ay makasama rin ang family ni Keanna dahil mas marami silang alam na mga tourist spot.

Sa loob ng sasakyan pauwi sa mansion ng mga Karev, tahimik na nagmamaneho si Cale.

"Caleigh?" Keanna held Cale's hand.

"Hmm?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na tumatawag sa 'yo 'yung NYU? Sorry, ha? Gusto ko lang malaman. Are you having second thoughts about it?" tanong ni Keanna.

Tumango si Cale at hinawakan ang kamay niya. "Oo. Sobra. Ayaw kong umalis, e," malungkot na sabi niya. "Mami-miss kita, e."

Keanna's heart clenched because she felt the same. "Alam mo, nalulungkot din ako. Ayaw rin sana kitang umalis kaso sayang 'yung opportunity. Alam kong excited ka rito, you've been wanting this for years."

"What if I don't want it anymore?" Cale immediately responded. "What if I have other plans now?"

"Pag-isipan mong mabuti," suhestyon ni Keanna. "At the end of the day, you'll be the one to decide. Nasa tabi mo lang kami, nasa tabi mo lang ako. Kung sakali man, malayo ako, but I'll be with you along the way."

Cale breathed. "Ang hirap na nga nang isang linggo, e. Hindi naman ako palaging makakauwi."

"Kapag may time ako, e 'di ako ang pupunta sa 'yo." Keanna giggled. "Tapos mamamasyal tayo sa Time Square, ipapasyal mo ako sa campus mo, o kaya pupunta tayo sa iba't ibang states ng America. Road trip!"

Mahinang natawa si Cale habang pinakikinggan ang mga suggestion ni Keanna.

"Tapos pupunta tayo sa Los Angeles. Kapag may time, puntahan na rin natin 'yung Canada. Lahat na!" ani Keanna. "As I was saying, pag-isipan mo mabuti."

Binuksan ni Keanna ang speaker ng kotse ni Cale at saktong Maroon 5 iyon, isa rin sa jams nilang dalawa. They sang Won't Go Home Without You while enjoying the traffic.

Pinanood niya si Cale na kunwaring mag-drums sa manibela. Nagugulo pa ang buhok nito na nawawala sa ayos dahil nagkukunwaring drummer na naghe-headbang pa nga.

"Why are you looking at me like that?" Cale stopped and frowned.

Keanna leaned to kiss Cale on the cheek. "Ayaw kitang paalisin kasi mami-miss kita, e. Pero ayaw ko rin naman na ma-miss mo 'yung opportunities. Two years lang naman."

"Keanna."

Bumagsak ang luha ni Keanna na kaagad niyang pinunasan. "Go do your thing, sweetheart."

"Keanna naman, e."

"Bakit?" Keanna laughed and sang to lighten up the mood. Ibinaling niya ang tingin sa bintana dahil pabagsak na ang luha niya. "Punta na tayo sa Baguio, Cale."

Pagdating sa bahay, sa parking area ng bahay ng mga Karev, hindi kaagad sila bumaba sa sasakyan. Pareho silang tahimik at paghinga lang ng isa't isa ang naririnig nila.

"I'll accept it," Cale said. "Buong araw ko nang pinag-iisipan and surprisingly, I was already expecting that you'd push me to do this. That's very you, Keanna."

Ngumiti si Keanna at hinaplos ang pisngi ni Cale. "Sobrang proud ako sa 'yo. Para naman sa 'yo 'yun. Para sa future mo."

Cale frowned. "Ha?" He shook his head. "It's for us. Everything now is about us."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys