Chapter 5

Cale woke up hugging Kea. It was one of his favorite mornings ever since he met his girl. Sa tuwing magkasama sila, kung puwede lang niyang patigilin ang oras, gagawin niya.

Ginawang unan ni Keanna ang braso ni Cale habang mahimbing na natutulog. Ilang araw na lang ang natitira at magkakahiwalay ulit sila. They had to face weeks of torture of not seeing each other again.

Madilim pa ang kwarto nila. Cale wasn't sure what time it was, and he actually didn't care. He was busy thinking about what he would do with Keanna the whole day.

Samantalang gising naman si Keanna. Nakapikit ang mga mata niya habang dinadama ang pagsuklay ni Cale sa buhok niya. Mukhang malalim ang iniisip nito at ganoon din naman siya lalo na at bilang na ulit ang mga araw.

Keanna could feel the warmth of Cale's body. They were both naked and having skin to skin contact. Natatabunan ng init ng katawan nila ang malamig na kwarto at iyon ang paborito ni Cale kapag nasa Baguio ito.

Naramdaman din ni Keanna ang paghalik ni Cale sa noo niya at mas mahigpit pa siyang niyakap. Ipinikit lang niya ang mga mata habang nakasubsob sa leeg nito.

Maingat na gumalaw si Cale para kunin ang phone niya. It was ringing and it was from his secretary. Wala naman silang usapan dahil aware ito na nag-off siya nang isang linggo.

Bumangon si Cale at inayos ang kumot ni Kea bago sinagot ang tawag sa bathroom ng kwarto. It was already nine in the morning and he had no idea.

"Sir Cale, I apologize po," bungad ng secretary niya. "Since wala po sina Sir Cavin and Ma'am Niana, kayo po ang pinatatawag para po sa emergency meeting dahil nagkaroon po ng problema sa isang investor. Meeting is at one in the afternoon po."

Nasapo ni Cale ang noo at sumandal sa counter. Pina-explain niya sa secretary ang nangyari at ipina-email ang lahat ng dokumentong kailangan niyang basahin.

Wala ang parents niya dahil nasa Qatar ito para sa isang business meeting at kaaalis lang daw nang madaling-araw.

Nagtataka si Keanna kung bakit nakakunot ang noo ni Cale paglabas ng bathroom. Bumangon na rin siya at isinuot ang T-shirt nitong nasa gilid ng kama.

"Good morning." Cale faintly smiled at Keanna. "Kanina ka pa gising?"

"Slight." Keanna walked toward Cale for a hug but confirmed that something was off. "Ano'ng nangyari?" she asked.

Cale sighed and help Keanna's hand. Naglakad sila papunta sa living area ng kwarto at naupo sa sofa. Patagilid namang pumuweesto si Keanna sa legs ni Cale.

"You're gonna be okay here?" Cale caressed Kea's back. "Sweetheart, kailangan ko kasing magpunta sa office. May emergency meeting daw and since wala si Dad, ako ang pupunta."

Keanna understood and nodded. "Oo naman. Dito lang muna ako. Bilhan mo na lang ako ng donuts bago ka umuwi." She chuckled.

Hindi naman maiiwasan ang mga ganoong sitwasyon lalo kay Cale at aware si Keanna na anytime, puwedeng mangyari iyon.

They bathe together, and Keanna chose what Cale would wear. She even fixed his tuxedo and his tie before kissing him goodbye.

Malungkot, pero may mga pagkakataon kasing hindi palaging pabor sa kanila ang sitwasyon.

Sabay silang bumaba para kumain ng almusal bago umalis si Cale, pero naabutan nila si Vianne na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV habang kumakain ng pancake na walang syrup.

"Good morning, Ate. Aga mong nagising, ha?" Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Vianne. "May lakad ka ba today?"

"Wala naman." Nilingon ni Vianne si Cale. "Ikaw? Bakit ka aalis? 'Di ba, hangga't nandito si Kea, hindi ka papasok sa work?"

Cale chuckled. "Emergency meeting, and since you're here, can you not leave the house and be with Kea, Ate? Please?"

"Cale!" Pinanlakihan ni Keanna ng mata si Cale. "Okay lang ako. Mag-work na lang din muna ako hab—"

"Nah." Vianne got up and encircled her arms around Kea. "Sasamahan mo akong manood ng movie mamaya sa studio. Doon tayong dalawa habang hinihintay si Cale."

Cale and Keanna agreed. Sabay-sabay silang kumain ng almusal at pinag-uusapan ang tungkol sa opisina. Inaasar din kasi ni Vianne si Cale tungkol sa pag-alis nito dahil hindi magawang lumabas ng bahay.

"Sweetheart, it's 11:15!" paalala ni Kea.

Nakaupo sila sa sofa at nanonood ng TV. Ayaw umalis ni Cale kaya natatawa sina Kea at Vianne.

Inihiga pa ni Cale ang ulo sa balikat ni Kea at bumulong, "I don't wanna go. I just wanna stay here."

"Umuwi ka na lang kaagad," sagot ni Kea at hinaplos ang panga ni Cale. "Sige na. Baka ma-traffic ka. Ma-late ka pa."

"The meeting won't even start without me. Bahala silang maghintay," Cale murmured in his deep and vibrating voice before kissing Keanna's shoulder. "Nakakainis naman kasi, e."

Mahinang natawa si Keanna at nanatiling nakatingin sa TV para magmukhang hindi interesado dahil ramdam niyang ayaw talagang umalis ni Cale. Mas humigpit pa nga ang pagkakayakp nito.

"Fine." Cale stood up lazily and leaned to kiss Keanna on the lips. "I'll be back as soon as I can."

"Donuts, please?" Keanna smiled and kissed Cale back.

Lumapit na rin muna si Cale kay Vianne at hinalikan ang ate nito sa tuktok ng ulo bago nagpaalam sa kanilang dalawa.

Naiwan silang dalawa sa living area, pero nag-aya si Vianne na umakyat papunta sa studio para manood ng movie.

The studio or tambayan as Cale called the place was a perfect place for movie and bonding. Maganda ang mga upuan na puwedeng ihiga. Malaki ang screen na para silang nasa movie house.

Mayroong popcorn and coffee maker sa loob, mayroong vendo machine na hindi na kailangan ng coins, at malaking fridge na puno ng pagkain tulad ng ice creams, chocolates, beers, and the like.

Ipinaayos talaga iyon ng parents ni Cale na mahilig sa movie kaya naman pati sila ay damay. Minsan pati friends ng mga Karev ay sa studio na ang tambayan.

Hinayaan ni Keanna si Vianne na manood ng movie. Kung tutuusin, nagtaka siya na wala itong balak umalis ng bahay dahil mas madalas itong wala.

LED strip lights lang ang nagsisilbing liwanag bukod sa malaking projector screen.

"Alam mo, naiinggit ako sa inyo ni Caleigh," basag ni Vianne sa katahimikan. "Don't get me wrong. I know it's me, I chose a different path, but I also wanna feel what it's like to have breakfast with the family na kasama si Gabo."

Nilingon ni Keanna si Vianne. Magkatabi sila at iisang blanket ang gamit nila habang nanonood ng action movie na pinili ni Vianne.

"I don't know if Daddy's being judgmental. Siya naman ang nag-hire kay Gabo, siya naman ang dahilan kung bakit kami magkasama, and I love him so much, Kea." Inihiga ni Vianne ang ulo sa balikat niya. "I love him so much and I don't know what to do anymore. Ayaw kong nag-aaway kami ni Daddy, but I also wanna fight for Gabo!"

Hindi alam ni Keanna kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang totoong nararamdaman ni Vianne, kung ano ba talaga ang sitwasyon, dahil hindi siya nagtatanong kay Cale.

Alam din ni Keanna na ayaw makialam ni Cale sa sitwasyon ng ate nito at ng ama kaya kahit nahihirapang mag-isa sa kumpanya, hinahayaan na lang nito kung ano ang mangyayari.

Nakatulog si Vianne habang nanonood ng movie. Walang magawa si Kea kaya naman nanood pa siya ng isa pang movie hanggang sa siya rin ay makatulog.


↻ ◁ II ▷ ↺



Nagising si Keanna nang maramdaman ang paghalik ni Cale sa noo niya. Kararating lang nito galing sa opisina at tipid na nakangiti.

"Nakatapos naman ba kayo ng movie?" natatawang tanong ni Cale. "Looks like you both passed out."

Hindi namalayan ni Keanna na napatagal ang tulog niya. It was already six in the evening at kung kararating lang ni Cale, matagal ang inabot ng meeting.

"Nakatapos naman ako ng tatlo. Si Ate Vianne, nakatulog, e." Inihiga ni Keanna ang ulo sa balikat ni Cale. "How are you? Gusto mong matulog na muna?"

Pumalibot ang braso ni Cale sa balikat niya at hinalikan siya sa pisngi. "Not really. I actually wanna ask you kung gusto mong umalis? Joy ride muna tayo?"

Keanna sensed something, so she agreed.

Inaya nila si Vianne, pero tumanggi ito at sinabing bibigyan naman silang dalawa ng privacy.

The whole drive was quiet. Keanna had no idea about the destination and let Cale decide. Kinakain nila ang donut na dala nito at inuna ang dessert bago sila tumigil sa isang magandang restaurant na mayroong drive-in movie.

"Ang ganda." Nanlaki ang mga mata ni Keanna habang ipinalilibot ang tingin sa lugar. "Caleigh, ang ganda rito!"

Hinawakan ni Cale ang magkabilang baywang ni Keanna at tinulungan siyang makasakay sa likod ng sasakyan. Nagtaka pa nga siya kung bakit 4x4 car ang sinakyan nila na bihirang gamitin ni Cale at iyon pala ang purpose.

May fairy lights ang buong lugar bukod sa malaking projector sa gitna. Sa right side naman ay may restaurant slash café na puwedeng bilhan ng pagkain. Mayroon din daw servers na pupunta sa kanila.

"Ano'ng movie for tonight?" tanong ni Cale sa server.

"50 First Dates po, sir." Bahagyang yumukod ang lalaki.

Hawak ni Keanna ang menu at nag-order sila ng puwedeng kainin. Mayroon silang comforter at unan. Ginawang komportable ni Cale ang likurang bahagi ng 4x4 truck nito para sa kanilang dalawa.

Napanood na nila ang movie, but it was a fun experience. Habang ongoing ang movie, napansin ni Kea na tahimik si Cale. Hawak nito ang kamay niya, pero hindi nagsasalita.

"Ano'ng nangyayari?" bulong ni Kea at ipinagsaklop ang kamay nilang dalawa. "Caleigh?"

"I'm okay," Cale assured. "Hindi ka ba galit sa nangyari today?"

Keanna frowned and stared at Cale. "Uy, hindi. Naintindihan ko naman. You don't need to worry much about me. Alam ko kung ano'ng nangyayari."

Malalim na huminga si Cale. "Minsan gusto kong magalit kay Ate Vianne. A little help would be appreciated, sweetheart. Gusto kong magalit na iniisip niya palagi 'yung sarili niya, but what can I do? I don't wanna see her do something she doesn't even like. Ayaw kong magtrabaho siya just because she thought she needed to. Ayaw kong dumagdag sa pressure ni Daddy sa kaniya, but sometimes, it's just too . . . tiring."

Keanna quietly caressed Cale's hand. No words from her. She would listen but wouldn't say anything. It was a family matter, and her opinions wouldn't be valid.

"I'm sorry for ranting, sweetheart," Cale murmured against Keanna's temple. "Nag-uumpisa pa lang ako, pero ganito na. I'm so sorry, Keanna."

"Hey." Umayos ng upo si Keanna at hinarap si Cale. "Wala ka namang dapat ikahingi ng sorry. Palagi naman nating napag-uusapan 'to, 'di ba? Hindi natin puwedeng palaging inuuna ang sarili natin, e. Also, alam ko ang iniisip mo."

Cale frowned. "What?"

"Iniisip mo na baka iiwanan kita kasi wala kang time sa akin? Na baka magsawa ako sa sitwasyon natin?" tanong ni Keanna at tumango naman si Cale. "See, I was right."

"You are."

"Caleigh." Keanna caressed Cale's cheek. "Mahal kita."

Cale instantly smiled and pulled Keanna for a hug. He buried his face in her neck, inhaling his favorite scent against her neck.

For Cale, the assurance from Keanna was enough.

"I love you," Cale whispered. "Don't ever forget that."

Keanna's love language was words of affirmation. Her words were her strength, while Cale's was physical touch. He was extra clingy and touchy.

Sa limang love languages, quality time lang ang kulang sa kanila. It was their biggest enemy due to work and distance. Medyo struggle pa si Cale sa physical touch dahil hindi niya madalas kasama si Keanna.

Receiving gifts? It was usual for them to send something randomly—minsan food from delivery services or flowers.

Acts of service? Sometimes, they exchange tasks they weren't familiar with. For example, Keanna was good at marketing but struggled with business planning. That was when Cale would step in. Cale was good at it.

Keanna, on the other hand, would help Cale with ideas and such.

After the movie, they decided to drive to nowhere while blasting a song. They both loved Imagine Dragons, and while at the red light, they were singing to Thunder and slightly headbanging.

Next was Enemy, their favorite. Kaya nilang kantahin iyon nang hindi nagkakamali sa lyrics. Madalas pa na todo bigay si Cale at lumalabas pa ang ugat sa leeg.

They were into calm music but Imagine Dragons was a different case.

Malakas na malakas ang base ng sasakyan ni Cale kaya ramdam nila iyon sa loob habang kumakanta at tumatawa.

Bumili sila ng ice cream cone sa McDonalds. Si Keanna ang may hawak ng ice cream ni Cale habang nagmamaneho ito. Inikot lang nila ang Metro. Wala silang balak lumabas ng city kaya kahit traffic, mas gusto pa nila dahil mas tumatagal ang oras.

Kung ang iba, ayaw ng traffic, sina Keanna at Cale naman ay gusto nila. Red lights actually gave them more time. Traffic made everything slow.

And for Cale and Keanna, it was precious.

It was past midnight when they decided to go home. Imbes na dumiretso sa bahay, sa park sila huminto. Nasa likod ng kotse ni Cale ang isang basketball kaya naglaro sila.

Tinanggal ni Keanna ang suot na hoodie at naiwan ang puting sando. Itinaas naman ni Cale ang manggas ng polo niya hanggang sa siko para maging komportable.

Dating gawi, sila lang ang magkalaban. Wala na silang pakialam kung anong oras na at alam ni Keanna na bumabawi si Cale sa naubos na oras dahil sa meeting nila.

Napatitig si Keanna kay Cale habang tumatakbo ito, nagdi-dribble, bago nag-shoot.

Basang-basa na ang buhok nito dahil sa pawis. Nakabukas na rin ang butones ng suot na long-sleeved polo hanggang sa may bandang dibdib, at parang walang pakialam na mamahaling Italian shoes ang ginagamit sa basketball.

"Staring too long, sweetheart." Cale breathed and threw to ball at her. "Your turn."

Keanna shook her head and did the same while Cale was observing. He even winked and squinted.

"Looking good, baby." Cale bit his lower lip.

Nakasuot ng simpleng ripped jean si Keanna at puting sando na walang kahit na anong print. Pinarisan niya ito ng itim na Converse. Basa na rin ang buhok niyang naka-bun at hinihingal na sa kakalaro.

Nang makaramdam ng pagod, pareho silang naupo sa swing para magpahinga. Ramdam ni Keanna ang hingal.

"Caleigh?"

"Hmm?" Cale faced Keanna. "Yes, sweetheart?"

Keanna smiled genuinely. "When's your flight?"

Cale looked down. "I was still thinking about it. I'm still having second thoughts about it. Medyo matagal, e. Parang ayaw kong tumuloy? Okay naman ako rito, 'di ba?"

"Sayang." Humawak si Keanna sa chain ng swing. "It's a good opportunity. Pinaghirapan mo rin 'yung exam para doon."

Sinalubong ni Cale ang tingin ni Keanna. "Kea, that's almost two years. Ngayon pa lang, nahihirapan na tayo sa time nating dalawa. Lalayo pa ako. Kea, I might decline."

"Puwede ka namang umuwi, 'di ba? Puwede rin naman akong mag-visit sa New York kung sakali man. Kailangan mo rin naman kasi para sa Karev Telco." Tumayo si Keanna at lumuhod sa harapan ni Cale para magpantay ang mukha nila. "Two years, mabilis lang 'yun! Mabilis lang na magugulat ka, tapos na."

"But I will miss you," Cale muttered.

Keanna chuckled and kissed Cale's lips. "Ako rin naman, but we're still young. You can still get all the opportunities you want then we'll settle down. For now, masasabi kong grab anything you can."

Cale remained stoic.

"Maghihintay ako rito sa Pilipinas," Keanna assured. "Hihintayin kita rito, I promise."

"Promise?" Cale murmured.

Keanna nodded. "Basta balikan mo ako."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys