Chapter 30

Nagising si Cale nang wala si Keanna sa tabi niya. Napapadalas na silang ganoon kahit na sinasabi niya sa asawa niyang gisingin siya kapag kailangan ng tulong lalo na kay Kyros.

Dalawang buwan na simula nang manganak si Keanna.

Kyros Nikolai ang ipinangalan nila sa anak at malayo sa second name ni Keeva na tagalog word. Wala kasi silang tagalog word na puwedeng ipangalan sa lalaki. Hindi nila type.

Tumingin si Cale sa orasan. It was just three in the morning and his wife wasn't in bed. Sinilip niya ang crib ni Kyros, wala rin ito.

Lumabas siya at narinig ang boses ni Keanna sa kwarto ni Keeva. Idikinit pa niya ang tainga sa pinto para makumpirma ang narinig. Tama siyang kumakanta ang asawa niya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakaupo si Keanna sa gilid ng kama ni Keeva at tinatapik ito habang kalong na sumusumo si Kyros.

Keanna was singing Stolen by Dashboard Confessional and Cale quietly listened. Nakapatay rin ang ilaw sa kwarto ngunit nakabukas ang lamp shade sa gilid ng kama ni Keeva. Dimmed lang iyon.

Hindi alam ni Cale kung papasok ba siya o hindi. Paniguradong kapag pumasok siya, mawawala ang antok ni Keeva at mawawala ang pinaghirapan ng asawa niya.

Malalim siyang huminga bago maingat na isinara ang pinto. Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ni Keanna, pero nag-message siya via phone na gising siya at nasa living room.

Uminom siya ng tubig at sandaling ipinikit ang mga mata. Pagod siya sa maghapon dahil nagsabay ang exam at importanteng meeting. Naiwan naman sa bahay si Keanna para sa mga anak nila.

Habang naghihintay kay Keanna, naisipan ni Cale na magluto ng sopas para may makain sila kahit na madaling araw pa lang. Panay ang hikab niya, pero iniinda niya iyon.

Samantalang maingat na tumayo si Keanna nang mahimbing nang makatulog si Keeva. Binuksan niya ang white noise ng kwarto para hindi ito magising at iniwan ang dimmed lampshade para hindi matakot kapag nagising.

Antok na antok na siya dahil buong maghapon siyang gising dahil wala si Cale. Medyo naging fussy at clingy rin si Kyros kaya buong maghapon niya itong buhat sa newborn wrap na nabili nila ni Cale.

Paglabas niya ng kwarto, nakita niyang bukas ang ilaw sa sala at narinig ang tunog ng kaldero. Sumilip siya at nakita si Cale na nasa kusina, nakasandal sa counter, humikab, hawak ang sandok.

"Gising ka pala," aniya at naglakad papunta sa kusina.

"Nag-message ako," Cale smiled warmly.

"Naiwan ko 'yung phone ko sa room," sagot ni Keanna. "Kanina ka pa ba gising?"

Umiling si Cale. "Hindi naman masyado. Nagising ako kasi wala ka sa tabi ko. Ano'ng nangyari kay Keeva? Sumilip ako kanina, pero hindi ako tumuloy kasi baka magising lalo, eh."

"Nagising siya tapos umiiyak na pumasok sa room natin." Naupo si Keanna sa dining chair at humikab. "Itong si Kyros, buong maghapong fussy, sweetheart. Okay naman siya, pero ang clingy niya. Nasa wrap lang siya kanina kasi ayaw niyang magpababa."

Lumapit si Cale kay Keanna at hinalikan ang tuktok ng ulo ng asawa. "Next time, gisingin mo ako."

Ayaw ni Keanna dahil galing sa school at trabaho ang asawa niya. Ni hindi nga nito narinig ang pag-iyak ni Keeva dahil sa pagod at antok kaya hinayaan na niya.

"Gusto mo na bang i-consider 'yung napag-usapan natin noong nakaraan na kukuha na tayo ng helper?" Hinaplos ni Cale ang pisngi ni Kyros na mahimbing na ring matutulog. "Tingin mo? Mas okay 'yun para sa 'tin."

Kumportableng sumandal si Keanna sa upuan. Muli siyang humikhab na ikinatawa nilang mag-asawa bago tiningnan si Kyros na mahimbing na natutulog.

"Actually, maghapon kong pinag-isipan 'yung tungkol sa pagkuha natin ng helper at naisip kong oo, kailangan natin," sabi ni Keanna. "Gusto kong maging realistic sa parteng medyo kulang na ako sa tulog. Siguro 'yung titingin lang kay Keeva kapag kailangan kong matulog? Tingin mo?"

Tumango si Cale. "Kahit stay out and as needed? Nandito naman ako sa gabi kaya matutulungan kita, pero sa maghapon, let's be realistic na kailangan talaga ng help."

"Agreed," Keanna faintly smiled. "Ano'ng niluluto mo?"

"Sopas, gusto mo ba?" tanong ni Cale. "Medyo malapit na ring maluto. We can eat before you sleep. Ako na muna kay Kyros habang matutulog ka."

Umiling si Keanna at sinabing magkwentuhan na lang din muna sila tungkol sa maghapon dahil halos hindi sila nagkita.

Mayroon naman silang prospect kung saan sila kukuha ng helper. Galing iyon sa pag-aari ng mga Alonzo—na kaibigan nila at nasa iisang village lang—dahil hindi basta-basta ang mga taong hina-hire.

"They're trained and we can apply," ani Cale habang pinalalamig nang kaunti ang sabaw ng sopas para kay Keanna. "Some are nurses, too. Gusto mo bang nurse na lang iyong ma-hire natin? Okay lang sa 'kin. As far as I know, mas mahal."

Tumango si Keanna. "Mas okay nga para may proper training and knowledge. Trained sila pagdating sa bata?"

"Yup." Cale nodded.

"Hindi naman siya house helper kung tutusin, magiging help ko talaga siya sa pag-aalaga kay Keeva," dagdag ni Keanna.

"Wait." Inilabas ni Cale ang phone at binasa ang messages ni Suri sa kaniya noong isang linggo tungkol sa ahensya. "Do you wanna hire someone with double degree?"

Keanna frowned. "What do you mean?"

"Sabi ni Suri, mayroong options. Meron tayong puwedeng ma-hire na registered nurse for Keeva at the same time, she's a licensed teacher. Maganda rin iyon kasi bukod sa maalagaan niya si Keeva, parang may tutor na rin kung sakali."

"Ang galing!" Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Caleigh, ang galing non! Maraming nagha-hire ng mga ganon sa kanila?"

Tumango si Cale. "As far as I know, oo, lalo sa mga anak ng mga negosyante at politician na ipinaaalaga sa iba."

"Uy." Nakaramdam si Keanna ng guilt. "Hindi naman siguro ako masamang nanay kung pipiliin kong humingi ng tulong sa iba, 'di ba? Minsan kasi sa social media, nabasa ko 'yun, eh. May nabasa ako–"

"Sabi ko sa 'yo, stop reading comments about such." Tumigil si Cale sa pagkain at tinitigan ang asawa. "We all have different decisions and struggles. Sa parteng ito, gusto man nating panindigan na kaya nating dalawa, imposible. Ayaw mo naman akong patigilin sa pag-aaral."

Umiling si Keanna. "Oo, ituloy mo na lang, sweetheart. Kaya nga naisip ko na ring kumuha tayo ng puwedeng tumulong sa 'tin sa ngayon. Kapag hindi ka na masyadong busy, kaya na nating dalawa, for sure."

Nang matapos kumain, nag-stay sa living room sina Keanna at Cale. Si Cale na ang may hawak kay Kyros na mahimbing pa ring natutulog, nakahiga naman si Keanna habang nanonood sila ng movie.

It was four in the morning, and they were both sleepy.

Tinitigan ni Cale si Kyros. Kamukha niya ito at halos wala man lang nakuha ang mga anak nila kay Keanna. Masyadong malakas ang dugo nilang mga Karev kaya nahihiya siya sa asawa kahit na sinabi naman nito na walang kaso.

Yakap ni Keanna ang unan at comforter na kinuha nito sa kwarto nila. Hinaplos niya ang baywang ng asawa niya at ngumiti.

"Sweetheart, matulog ka na muna. Ako nang bahala kay Kyros," sabi ni Cale. "Gusto mo bang pumasok sa room?"

Tumango si Keanna. "Oo. Puwede bang doon ka na lang manood ng movie para kasama ko pa rin kayo?"

Nag-agree si Cale at sumunod kay Keanna. Sinilip muna nito si Keeva at sinabing mahimbing nang natutulog. Sa kwarto, hininaan ni Cale ang TV, sapat lang para marinig niya. Buhat pa rin niya si Kyros.

Nilingon niya si Keanna. Wala pang sampung minuto, nakatulog na ito. Nakakuha siya ng pagkakataong titigan ang mukha ng asawa niya. Walang nagbago. Dalawa man ang anak nila, si Keanna ay si Keanna.

Medyo nagkalaman ito noong nagbuntis, pero kaagad na nabawi noong nanganak. Hindi rin muna ito pumapasok sa opisina, pero nagtatrabaho sa bahay kapag mayroong time.

Kahit na hawak niya si Kyros, nag-register si Cale para sa pagkuha ng helper sa ahensya ng mga Alonzo. Maraming requirement ang kailangan niyang ipasa kaya sinumulan na niya para mabilis din na-approve lalo na at kailangan ni Keanna.

Ilang beses niyang sinabi sa asawa niyang titigil na muna siya sa pag-aaral, pero hindi ito pumayag. Ayaw ni Keanna dahil minsan na niyang itinigil noon, gusto ni Keanna na sa pagkakataong ito, matapos na niya.

Cale smiled and thought about how lucky he was with Keanna. Wala siyang naririnig na reklamo mula sa asawa niya kung hindi suporta pa nga.

He knew she married the right woman, the woman he loved the most, and the mother of his children.

Naisip din niya na ang swerte ng mga anak niya dahil kay Keanna.

Nasa ibabaw niya si Kyros at tinatapik ang likuran ng anak. Hindi nahirapan si Kea sa panganganak hindi tulad noon kay Keeva.

Cale and Keanna decided just to have two kids. Gustuhin man nilang bumuo ng malaking pamilya, hindi puwede dahil mayroon silang responsibilidad sa kaniya-kaniyang pamilya.

Muli niyang nilingon si Keanna. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa niya. In a short period of time, they built a family. Wala sa plano, pero ito na yata ang pinakamagandang walang planong nangyari sa kanila.



↻ ◁ II ▷ ↺



Tulak ni Cale ang stroller nina Keeva at Kyros. The stroller could accommodate toddlers and infants. Maaga siyang nagising, ganoon din si Keeva. Inilabas na muna niya ang mga anak nila para hindi magising si Keanna.

Natatawa si Cale dahil daldal nang daldal si Keeva. Bulol pa ito at halos hulaan na niya kung ano ang sinasabi, pinabubuksan lang pala iyong hawak na biscuit.

Mahimbing namang natutulog si Kyros kahit na maingay ang ate nito. Sanay na rin dahil wala talagang tigil ang boses ng panganay nila.

Hindi mana sa kanila ni Keanna dahil hindi naman sila ganoon. Sabi ni Keanna, mukhang mana ito sa nanay niya dahil hindi natatahimik.

"Cale!"

Tumango si Cale kay Julien na papalapit sa kanila kaya huminto siya sa paglalakad.

"Hello, Keeva!" Lumuhod si Julien sa lebel ng anak niya. "Cale, pumapayag ka ba sa arranged marriage?"

Nanlaki ang mga mata ni Cale sa tanong ni Julien. Nakaloloko itong nakangisi sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin at nagmura gamit lang ang bibig. Walang tunog.

Classmates ang mga anak nila sa playschool.

Ngumisi si Julien bilang sagot. "Magka-edad naman sila ni L—"

"Manahimik ka," singhal ni Cale kay Julien. "Umalis ka na nga sa harapan ko. Naiirita ako sa pagmumukha mo."

"Grabe naman!" Tumayo si Julien at naglakad palapit sa kaniya. "Kamusta pala 'yung master's mo? Ang busy mo, eh. Tatay na, estudyante pa, CEO pa. Kamusta ka naman? Hindi ka pa ba napapagod? Kung sabagay, ang sarap maging tatay, 'no?"

Sinilip ni Julien si Kyros na mahimbing na natutulog. Totoo naman. Ang pagiging tatay ang isa sa naging paborito niya bukod sa pagiging asawa ni Keanna.

Sabay silang naglakad at pinag-uusapan ang village. Mayroon kasing parteng nire-renovate para daw sa mga bata. Hindi sigurado si Cale kung malaking playground o montesorri sa loob mismo ng village nila.

Naunang magpaalam si Julien. Umikot pa muna si Cale bago umuwi at naabutan si Keanna na nagluluto ng almusal. Mukhang kagigising lang nito. Pagtingin din niya sa orasan, seven na rin pala ng umaga. Hindi niya namalayan ang oras.

"Tulog si Kyros?" tanong ni Keanna. "Naligo na ako. Puwede na akong mag-latch sa kaniya."

Kinuha ni Cale si Kyros at ibinigay kay Keanna na naupo sa dining area. Pinunasan naman niya si Keeva at pinaghugas na ng kamay para makakain na rin sila ng almusal.

It was a weekend and they had no plans until something popped up into Cale's mind while staring at his wife. Magulo ang mahabang buhok nito. Basa pa dahil kaliligo lang, pero hindi pa nagsusuklay.

Naalala rin niya ang message ng parents niya na puwedeng iwan ang mga bata sa mga ito kung sakali

"Sweetheart?" Kinuha niya ang atensyon ni Keanna na agad tumingin sa kaniya. "Gusto mong umalis?"

"The babies," Keanna frowned and pouted. "Gusto ko sanang magpunta sa Salon, sweetheart. Ang haba kasi ng buhok ko tapos ang daming postpartum falling hair. Puwede kaya?"

Cale nodded and mentioned what his parents offered. Kaagad na pumayag si Keanna dahil gusto na rin talaga nitong magpagupit kaya pagkatapos kumain ng almusal, tinawagan niya ang parents niya na dadalhin ang mga bata roon.

"Next week na pala darating si Jeneca." Iyon ang na-hire nilang magiging caregiver ng mga anak nila. "Patapos na raw kasi 'yung training niya kaya makakahinga ka na nang maayos," ani Cale.

"Thank you sa pagsama mo sa 'kin ngayon." Hinalikan ni Keanna ang pisngi ni Cale. Nasa tapat sila ng red light kaya nakakuha siya nang pagkakataong halikan ang labi ng asawa. "Last week pa kita inaaya, eh. Let's date?"

Keanna nodded. "Sige. Na-miss kitang ka-date, eh. After salon, saan tayo pupunta?"

"Hindi tayo pupunta sa department store, ha?" paalala ni Cale dahil alam niyang may posibilidad na ang date nila, mapunta pagbili ng mga gamit ng anak nila.

Sa pagkakataong iyon, hindi papayag si Cale.

Dumiretso sila sa Salon na gustong i-try ni Keanna. Nasa loob iyon ng isang mall at pagpasok nila, may ilang mga babaeng nakapuwesto habang inaayos ang buhok, ginugupitan, at ang iba ay nagpapa-footspa.

Pinaupo si Keanna sa isang bakanteng upuan. Nagpaalam si Cale kung puwede ba siyang maupo sa katabing bakante dahil gusto niyang makakwentuhan ang asawa.

Tiningnan ni Cale ang mga offer ng salon. "Sweetheart, gusto mong magpa-footspa?" tanong ni Cale. "Dali na! May budget naman tayo!"

Ngumiti ang mga nasa likot nilang uma-assist kay Keanna.

"Dali! Tayong dalawa! Magpapa-footspa rin ako kapag nagpa-footspa ka!" ani Cale at nilingon ang babaeng nasa gilid niya. "Puwede ba 'yon? Habang may treatment sa hair niya, naka-footspa kami?"

Tumango ang babae at tinawag ang mag-aasikaso sa kanila. Natuwa si Cale dahil first time niyang gagawin iyon kasama si Keanna.

Oo, sinasamahan niya itong magpagupit noon ng buhok, pero dahil walang ibang gustong gawin, hindi nila nasubukan ang kasalukyang ginagawa nila.

Nilingon ni Keanna si Cale. Natatawa siya dahil humahagikgik ito dahil nakikiliti sa pagkaskas sa talampakan. Ito pa nga ang namili ng cutics niya, pero ayaw niya niyon. Linis lang ang gusto niya.

"This is fun," Cale uttered while playing with Keanna's hand. "We should do this every month, sweetheart. Hindi na kasama sa budget, treat ko na sa 'ting dalawa. Lalo sa 'yo. You deserve this so much."

"True ba?" Sumibi si Keanna. "Sige, gusto ko. Ang relaxing niya. Siguro next time, pa-massage naman tayo? Or something relaxing na puwede nating gawin after days of working and pag-aalaga sa baby."

Cale agreed. "Yes, sweetheart. Gusto ko rin," he kissed the back of her hand.

Pinaiklian ni Keanna ang buhok. Ang dating hanggang likuran ay naging hanggang balikat. Maikli, pero sapat para maipitan pa rin niya lalo na at kailangang walang sagabal pagkasumususo si Kyros.

Nang matapos sila sa salon, nag-aya si Cale na kumain. Nagpunta sila sa isang Japanese restaurant at sa unang pagkakataon simula nang manganak kay Kyros, nakakain siya nang payapa.

"Busog ako," natawang sabi ni Keanna. "Na-miss kitang ka-date, Caleigh. Bigla kong na-miss ang ex-boyfriend ko!" pagbibiro niya.

Tulad noong magkasintahan pa lang sila, magkatabi sila kapag kumakain kaya nakakuha si Keanna ng pagkakataong iihilig ang ulo sa matipunong braso ni Cale. Pinagsaklop naman nito ang kamay nila at hinalikan pa ang tuktok ng ulo niya.

"Bango ng hair, ha? Amoy treatment," ani Cale na natatawa.

Natawa rin si Keanna. "Ang sarap sa feeling nung paa ko, Caleigh. Wala na akong kalyo. Thank you sa treat mo today. Ano'ng gusto mong treat ko? Wala pa kong nabibili, eh."

"Kahit ano," sagot ni Cale. "Kiss mo na lang ako." Ngumuso ito na kaagad na hinalikan ni Keanna. "Kiss lang gusto mo?"

Tumango si Cale. "Oo, kiss lang muna," ngumiti ito. "Bagay sa 'yo ang short hair, sweetheart. Hindi ka naninibago? It's my first time seeing you like this, medyo naninibago ako. You look younger pala. Parang wala tayong dalawang baby na uuiwan."

"Mamaya na tayo umuwi." Mas iniksik ni Keanna ang sarili kay Cale. "Nami-miss kitang solohin, eh. Lagi kang inaagaw sa 'kin ni Keeva."

"Ikaw naman, lagi kang inaagaw ni Kyros," natawa si Cale. "Imagine, noong wala pa tayong baby, after natin mag-date, we'll roadtrip to nowhere. O kaya naman sa bahay lang tayo, manonood ng movie. Ngayon, pag-uwi natin, may dalawang baby tayo. Everything now was about them, Keanna."

Keanna looked at Cale. Nakapatong ang baba niya sa balikat nito. Salubong ang tingin nila. Hinalikan ni Cale ang tungki ng ilong niya.

"Kaya nga we'll setup a date every two weeks?" Keanna frowned. "Tingin mo? 'Tapos let's do whatever we want. Kung ano tayo before the babies, let's do it again. I still want us to do whatever we want. Siguro minsan, kasama ang babies, pero minsan tayong dalawa lang."

Cale agreed.

"Agreed with everything is now about the babies." Keanna smiled. "How's Ate Vianne pala? Hindi ko pa siya nakakausap."

Mahinang natawa si Cale. "Hayaan na natin siya. It's now about her and Kuya Gabo. Just him and her. Bahala na sila," anito. "How's Kuya Sarki naman?"

Keanna smiled. "As far as I know, he's okay. Sa huling usap namin, okay naman daw siya. Wala pa siyang planong umuwi at mag-settle ulit dito sa Pilipinas."

"Nagkaayos na ba sila?"

Umangat ang dalawang balikat ni Keanna. "I don't know, sweetheart. Nahihiya akong magtanong. Bahala na rin sila. It's just between them. Okay na 'yon."

Cale wrapped his arms around Keanna. "That's true. Tayo naman, everything's just about our babies. . . and us. I'm contented, Keanna."

Keanna breathed and smiled. "Me too, Caleigh. Me too."





T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys