Chapter 29

Four months since the class started, Cale was enjoying every lesson he got about business managing. Ang sarap sa pakiramdam na marami siyang natututunan mula sa instructors din nila.

Bukod sa nag-e-enjoy siya, masaya rin siyang magkakaroon siya ng panibagong degree kapag natapos niya iyon.

Hindi credited ang nakuha niyang subjects sa New York dahil iba ang offer ng Eastern University, pero ayos lang iyon sa kaniya. Kung ano ang natutunan niya sa NYU, kung ano ang modules niya roon, tinago naman niya. Dagdag knowledge rin.

Pito sila sa klase. Ang iba ay nag-aaral para maging professor, ang iba naman ay pupunta sa ibang bansa, ang iba ay may-ari din ng kumpanya tulad niya.

Cale intently listened to the instructor. May katandaan na ito at dating CEO ng isang malaking clothing company. Nagbigay ito ng mga example na puwede nilang pag-aralan kung sakaling magkaroon ng problem sa internal.

What Cale loved about it, nagtuto siyang mag-isip ng iba't ibang posibilidad kung sakali ngang mangyari iyon.

Sa kaso kasi niya, hindi lang simpleng kumpanya ang ibinibigay sa kaniya ng parents niya. It was a huge telecommunications company at malalaki rin ang kalaban nila.

Kumportableng sumandal si Cale at nagpatuloy sa pakikinig. Paminsan-minsan siyang nagte-take note, pero mas madalas na focused lang sa sinasabi nito.

Isa pa, excited na siyang lumabas dahil malamang na nasa campus na ang mag-ina niya.

Another hour passed and it was time to go. Dumiretso kaagad si Cale sa parking area para itago roon ang mga gamit niya bago pumunta sa area ng preschool, gradeschool, and playschool.

Mula sa malayo, nakita kaagad niya sa lobby ang mga magulang na naghihintay at naroon na si Keanna. Seryoso itong nakaharap sa phone. Nakayuko pa nga at malamang na hindi napansing papalapit na siya.

Pumuwesto si Cale sa likuran ng asawa niya at nakitang nasa online shopping website ito.

Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Keanna at naramdaman niya ang gulat. "Ano'ng hinahanap mo?" tanong niya bago naupo sa gilid bakanteng upuan.

Tumingin si Keanna sa kaniya at hinalikan siya sa labi. "Nagtitingin kasi ako ng mga pinturang puwede sa room ni baby number two. Ang ganda kasi kapag ang combination, gray and yellow? Tingin mo?"

Pinakita ni Keanna kay Cale ang prospect niyang kwarto. Sa kwarto ni Keeva, dark green and brown ang napili nilang dalawa. Simula kasi nang magbuntis ulit si Keanna, nakaplano nang lilipat si Keeva sa sarili nitong kwarto.

Mayroong sariling kama na hindi mataas para hindi mabaldog, may closet, mga libro sa bookshelves, at play area.

Para sa baby number two, naka-ready lang iyon kung sakali man.

Ipinalibot ni Cale ang braso niya kay Keanna at hinaplos ang malaking tiyan ng asawa. They were on the seventh month and they were just enjoying the pregnancy.

Wala pa rin silang helper sa araw-araw, pero mayroong nagpupunta sa bahay nila. Weekly iyon para sa general cleaning.

Sa pagluluto, madalas na si Keanna ang nakatoka, si Cale naman sa pag-aalaga sa panganay nila.

"Keeva's enjoying?" Ipinatong ni Cale ang baba sa balikat ni Keanna. "Ikaw, hindi ka ba nahihirapan na almost two hours kang naghihintay rito?"

Umiling si Keanna. "Hindi naman. Sa two hours, marami na rin naman akong nagagawa. Bukod sa nakakapagplano ako para sa room ni baby number two, nakakapag-work din naman ako sa phone for inquiries."

"Good, sweetheart. As long as hindi ka bored, sige lang," sagot ni Cale.

Yumuko si Keanna at tiningnan ang kaliwang kamay ni Cale na nakahawak sa tiyan niya. Dahil nga matangkad, ang laki ng kamay nito at halos kalahati ng tiyan niya at nasasakop na.

Seven months to pregnancy, wala nang hirap si Keanna. Noong first trimester lang siya suka nang suka, pero pagkatapos niyon ay naging kumportable na at na-enjoy na nilang mag-asawa.

Mabait na baby rin si Keeva kaya hindi sila nahihirapan.

Sandaling nagpaalam si Cale para silipin ang anak niya sa loob ng playroom nitong mayroong two way mirror para makita ng mga magulang, pero hindi sila makikita ng mga anak nila.

Keeva had her own shadow teacher and was playing with blocks. Nakasuot ito ng simpleng leggings na kulay itim at sweatshirt na kulay purple. Nakatirintas din ang makapal na may kabahang buhok.

Cale smiled as he watched his daughter enjoy. Ibinalik niya ang tingin kay Keanna na naghikab at humaplos sa tiyan.

Sa tuwing nakatingin siya sa mag-iina niya, palaging may kaba kung magiging mabuting ama ba siya. Keanna always assured him that everything was going to be okay, but the fear inside him was inevitable.

Samantalang nilingon ni Keanna si Cale na nakasandal sa malapit sa bintana ng room kung nasaan si Keeva at nakayuko. Nakapamulsa pa ang dalawang kamay nito sa hoodie na suot.

Keanna knew that whenever Cale was quiet, he thought of something like being an excellent father to their children. Siya rin naman, mayroong takot. Pareho sila.

Tumingin si Keanna sa orasan. It was already eleven in the morning.

Pagkatapos nila sa school, didiretso na sila sa trabaho. Sa office na rin sila kumakain at doon na rin pinatutulog ni Cale si Keeva.

Cale looked excited, especially when their daughter ran out of the door. Dumiretso kaagad ito kay Cale na lumuhod naman para salubungin ang anak nila. Mahigpit na nagyakapan ang dalawa na para bang isang linggong hindi nagkita.

"Dada!" Keeva exclaimed and cupped Cale's face for a kiss.

Lumapit si Keanna sa dalawa. Kinausap muna niya ang teacher ni Keeva at inalam ang activities na ginawa, kung kumusta si Keeva sa class, at kung nag-enjoy ba ito.

Muli niyang nilingon ang mag-ama niyang naghaharutan sa gilid at humahagikgik pa nga ang dalawa.

"Kiss?" Keanna squinted and smiled at Keeva.

Tumayo si Cale buhat ang anak nila at hinalikan siya ng anak, may kasama pang hindi sinasadyang sabunot.

Sumakay ito sa likod ni Cale na nakaupo sa may batok hawak ang buhok ng ama. Nagtatawanan pa rin ang dalawa. Siya naman ay nasa likuran na nakasunod sa mag-ama.

Nilingon siya ni Cale at nagsalubong ang kilay nito. Sinabayan siyang maglakad.

"Why?" Cale looked at Keanna.

Umiling si Keanna. "Wala. Ang cute niyong dalawa, eh. Para akong nagpapaaral ng mga anak. Dalawa pa! Sabay ang klase niyong dalawa, ako naman 'yung parent na naghihintay."

Cale leaned to kiss Keanna's forehead. "Thank you, sweetheart, for your sacrifices, too. Dapat natutulog ka talaga ngayon, eh."

"Parang others!" Keanna frowned. "Ang cute n'yo ngang dalawa at marami akong nagagawa kapag nasa school kayo. Mas marami akong nagagawa kasi hindi n'yo ko kinukulit!"

Tawa ang isinagot ni Cale.

Pagdating nila sa parking, naroon ang sasakyan nila. Malaki iyon at pangpamilya. Mayroong carseat si Keeva sa backseat at si Cale rin ang nakatoka sa pag-ayos ng sasakyan ng anak nila.

Mula sa passenger's seat, nilingon ni Keanna ang mag-ama na hindi pa rin pala tapos magharutan.

The giggles? One of the best things in life.


↻ ◁ II ▷ ↺


Gabi-gabing iniinda ni Keanna ang sakit ng paa niya dahil mabigat ang katawan niya. Medyo bumigat siya dahil sa pagbubuntis at hindi naman siya nag-aalala dahil normal naman iyon.

Wala pa si Cale dahil nagpaalam itong sasama sa mga kaibigan nila sa isang bar kaya siya ang nagpatulog kay Keeva sa kabilang kwarto.

Minsan lang din naman magpaalam si Cale sa kaniya at madalas pang ito na mismo ang humihindi kahit na sinasabi niyang ayos lang naman. Nag-aalala itong wala silang kasamang mag-ina.

Siniguro na muna ni Keanna na nakapatay lahat ng appliances na dapat. Nagtitipid rin kasi sila sa kuryente para pasok sa budget.

Mahina siyang natawa sa na-realize. Kung tutuusin, financially able sila, wala silang problema ni Cale sa pera.

Mayroon siyang sariling kita, ganoon din si Cale, pero gusto niyang may limitasyon silang dalawa. Isa pa, mas malaki ang savings nila para sa mga anak nila.

Bago tuluyang pumasok sa kwarto nilang mag-asawa, sinilip muna niya si Keeva na mahimbing na natutulog. Nakabukas ang dimmed lamp nitong kulay green. Mabuti rin at hindi sila nahirapan na mag-isa na lang ito.

Mas nagkakaroon pa ng sepanx si Cale kaysa sa anak nila.

Pag-upo sa kama, binuksan niya ang laptop. Nakita niyang online ang Kuya Sarki niya kaya tinawagan niya ito na kaagad sumagot.

Nasa labas si Sarki at naglalakad. "Hi, Kea! I miss you! Bakit hindi ka pa natutulog? Pauwi na rin ako galing trabaho. Dumaan lang muna ako ng groceries." Ipinakita nito ang paperbag na hawak.

"Patulog pa lang po, Kuya Saki. Miss na kita!" Pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha niya para hindi iyon makita ng kuya niya. "Ang laki na ng tiyan ko, oh! Uuwi ka ba kapag nanganak ako?"

"I will try, Kea." Ipinakita ng kuya niya ang daan pauwi dahil naglalakad lang ito. "See? After mo manganak, magpunta kayo rito ni Cale. Noong nagpunta sina nanay, nag-enjoy sila, eh."

Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Magtatagal ka ba riyan, Kuya Saki? You're enjoying?"

"Surprisingly, oo." Nakita ni Keanna ang malalim na paghinga ng kuya niya. "I like it here, Keanna. Hindi ko alam sa mga susunod kasi nami-miss ko na rin kayo, but we'll see. Sa ngayon, gusto ko munang maglibang dito. Gusto ko munang mag-enjoy."

Ngumiti si Keanna bilang sagot, pero hindi siya nagsalita. Malungkot siya, pero ganoon talaga. Hindi puwedeng palagi silang magkasama at darating ang araw na may kanya-kanya na silang gustong gawin.

Nagkuwento pa ang kuya niya tungkol sa lugar. Masaya nitong ipinakita ang apartment. Simple lang at maliit, pero maganda ang view mula sa balcony na malamang na tambayan ng kuya niya.

Biglang naisip ni Keanna ang parents nila. Wala na siya sa Baguio, wala na rin ang kuya niya.

Alam niyang nasasapatan naman ng parents nila ang presensya ng isa't isa, pero sa tuwing dumadalaw sila ni Cale roon, nakikita niya ang lungkot sa nanay niya lalo kapag paalis na sila.

"Sana kapag nanganak ako, nandito ka, kuya," ani Keanna at hindi na niya napigilan ang luha. "Miss na kita, Kuya Saki!"

Ngumiti ang kuya niya at lumambot ang expression ng mukha. "Miss na miss na rin kita, Kea. 'Di bale, gagawa ng paraan si kuya. Uuwi ako, promise. May gusto ka bang pasalubong?"

"Wala po," Keanna wiped her tears. "Basta uwi ka na lang, okay na 'yon, Kuya Saki. Ang layo naman kasi! Ano ba 'yan, umiiyak na naman ako. Emotional 'yarn?"

"Aasarin ka na naman ni nanay," humalakhak ang kuya niya. "Sige na. Matulog ka na. Late na riyan. Magluluto na rin kasi ako ng dinner ko."

Tumango si Keanna at nagpaalam sa kuya niya, pero hindi natapos doon ang pag-iyak niya. Humagulhol siya dahil miss na miss talaga niya ito. Naalala niyang noong kabataan nila, madalas siyang nakatutulog sa kwarto ng kuya niya dahil nanonood sila ng movie.

Paggising niya, mayroong almusal. Sa opisina, dadalhan siya ng pagkain.

Pilit pinakalma ni Keanna ang sarili dahil baka maabutan siya ni Cale. Imbes na malungkot, binuksan niya ang laptop para maghanap ng email na puwedeng sagutin, para lang ma-divert ang emosyon niya sa ibang bagay.

Tumingin siya sa orasan. It was almost one in the morning and Cale wasn't home yet. Mukhang nag-enjoy. Inaantok na rin siya kaya hahayaan na niya ito.

Bago tuluyang matulog, sinilip na rin muna niya si Keeva na mahimbing pa rin na natutulog.

Pagbalik sa kwarto, kumportableng nahiga si Keanna dahil nitong mga nakaraan, nahihirapan siyang hanapin ang position niya sa pagtulog. Madalas siyang nakatagilid dahil mabigat na mabigat ang tiyan niya.

Kinuha niya ang baby book para tingnan kung kailan ang checkup niya nang maramdaman ang paggalaw ng tiyan niya dahil sumipa ang sanggol sa sinapupunan niya.

Keanna smiled and caressed her tummy. Naramdaman niya ang paninigas sa gilid bago muling gumalaw.

Ipinikit niya ang mga mata. Diretso siyang nakahiga at mayroong dalawang unan sa ulunan niya kaya bahagya siyang nakaangat. Bumukas ang pinto at nagtama ang tingin nila ni Cale.

"Hi, sweetheart," Cale smiled at her. Alam niyang nakainom ito dahil malamlam ang mga mata. "Sorry, ngayon lang ako," anito na dumiretso sa bathroom. "Ligo muna ako, sweetheart. Ayokong lumapit sa 'yo kasi amoy alak pa ako."

Keanna nodded and smiled. Nakabukas ang lampshade sa gilid niya at naghintay. Kung nakainom si Cale, malamang na marami itong kwento sa kaniya.

Napipikit na rin siya dahil sa antok kaya nang lumabas si Cale, naabutan nitong kinakamot niya ang mata niya.

"Hindi ka pa natutulog or nagising ka lang?" Tinutuyo ni Cale ang buhok habang nakatingin sa kaniya. "Na-miss kita. Nakatulog naman ba kaagad si Keeva? Hindi ka naman pinahirapan?"

Umiling si Keanna. "Nope. Actually, natulog siyang mag-isa. Nandoon lang ako sa room niya. Nakaupo ako sa couch and nagbabasa ako ng book tapos nakatulog na siya."

Nagsalubong ang kilay ni Cale at ngumiti. Lumapit ito sa kaniya para halikan ang tuktok ng ulo niya bago nagpaalam na sisilipin muna ang anak nila. Hindi rin makakatiis.

Muling ipinikit ni Keanna ang mga mata. Antok na antok na talaga siya. Hinaplos niya ang tiyan at nag-hum ng kanta at naabutan siyang ganoon ni Cale.

"Ikaw, kamusta inuman n'yo?" tanong niya.

"Okay naman, medyo marami kami," sagot ni Cale at pumwesto sa ibabaw niya. Maingat nitong hinalikan ang tiyan niya. "Na-miss ko lang kayo, eh. Hindi pa sila tapos, pero gusto ko nang umuwi. May pahabol sila sa bahay ni Aston."

Ngumiti si Keanna at hinaplos ang buhok ni Cale. "Sana nagpunta ka muna. Tulog naman si Keeva at inaantok na rin ako."

Pumalibot ang braso ni Cale sa katawan niya. Nakasubsob pa rin ang mukha nito sa gilid ng tiyan niya at hinahaplos pa nga iyon.

"Ano'ng dinner mo, sweetheart?" Inaantok na ang boses ni Cale. "Nagpa-lechon si Suri kanina tapos nagpabili naman si Julien ng inihaw. Ang dami naming nakain."

"Ininit ko 'yung lasagna na padala ni mommy para kay Keeva," ani Keanna at patuloy sa paghaplos ng buhok ni Cale. "Ako, 'yung natirang mechado pa noong nakaraan."

"Hmm." Inaantok na sagot ni Cale. "Sweetheart, sorry."

Nagsalubong ang kilay ni Keanna at tumingin kay Cale na nag-angat ng tingin sa kaniya. "Why?" tanong niya.

"I'm drunk," Cale chuckled. "Sorry, natuwa ako. Medyo may tama ako. Sorry."

"Okay lang," Keanna murmured and brushed Cale's hair. "Matulog ka na, medyo inaantok na rin kasi ako, eh. Halika na rito?"

Bumangon si Cale mula sa pagkakadapa at hinalikan ang tiyan niya. Kinakausap pa nga at kinuwento sa tiyan niya mismo ang tungkol sa mga kaibigan nitong nakasama sa inuman.

"They're all nice," bulong ni Cale at hinalikan ang tiyan niya. "Love ko kayo ni Ate Keeva."

Keanna smiled and waited for Cale.

Nang makahiga na ito, tumabi siya para isiksik ang katawan kay Cale. Ginawa niyang unan ang braso nito na kaagad namang ipinatong ang kamay sa tiyan niya.

"Kanina, habang naglalakad ako pauwi," ani Cale sa mababang boses. "Napaisip talaga ako, eh. Paano kaya kung sa ibang lalaki ka napunta? Ang swerte-swerte niya, Keanna."

Nagsalubong ang kilay ni Keanna at hinarap si Cale. Nakapikit na ito at nakapatong ang braso sa sariling noo.

"Tapos?" tanong niya.

"Tapos alam mo 'yon? Araw-araw ka niyang makikita. Araw-araw ka niyang makakasama," dagdag ni Cale. "Langya, ang swerte, 'di ba?"

Ngumiti si Keanna nang hindi nagsasalita.

"Tapos pakakasalan ka niya, magkakaanak kayo, tapos wala na tayong pag-asa?" Umiling si Cale. "Buti na lang nauna na 'ko. Buti na lang talaga."

Keanna bit her lower lip. "Ano naman kung nauna ka na?"

"E 'di malas nilang lahat wala silang Keanna." Humikab si Cale. "Sweetheart? Alam mo bang fine-flex kita sa lahat ng friends ko?"

"Hoy, nakakahiya ka!" pabulong na singhal ni Keanna.

Nagsalubong ang kilay ni Cale at tiningnan siya. Matagal na matagal nang bigla itong ngumiti. Mali. Ngumisi.

"Langya, asawa ko 'to," anito na ikinatawa niya.

"Matulog ka na, Caleigh."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys