Chapter 28

Halos walang inasikaso sina Keanna at Cale para sa first birthday ni Keeva. Dahil nag-volunteer ang parents nila pati na ang mga bestfriend ng nanay niya na mag-ayos.

Pinapili sila ng theme at napili nila ang simpleng pastel birthday party. Lahat lobo, cookies, cake, at mga decoration ay kulay pastel. Yellow, pink, blue, purple, and green pastel, to be exact.

Inayos ni Keanna ang damit ni Keeva. Naka-yellow tutu dress ito na pinasadya ng mommy ni Cale at ng nanay ni Keanna kay Yannica. Pangarap iyon ng nanay niya para kay Keeva.

Bumukas ang pinto at nagsalubong ang tingin nilang mag-asawa. Mahinang natawa si Cale na sumalampak din sa carpeted floor ng kwarto at hinalikan sa pisngi ang anak nila.

"Cute!" Hinaplos ni Cale ang tutu dress ni Keeva. "Ang extra naman nitong anak 'ko na 'to! Ang dami niyang gift sa baba, sweetheart. Mukhang magpapadala tayo ng van para iuwi 'yon sa Metro."

Tawa lang ang sagot ni Keanna dahil hindi na iyon shocking. Hindi naman ganoon karami ang invited, pero sapat para mapuno ang events place na pag-aari din naman nila.

Galing sa Metro ang ilan sa mga bisita tulad ng bestfriends ng parents ni Cale pati na ang mga kababata niya sa mga ito. Medyo malayo na rin ang agwat ng edad niya maliban sa anak ng Tita Valentina at Tita Winslet nila na kasabayan niyang lumaki.

Nagulat si Cale nang biglang tumayo si Keanna at iniwan sila ni Keeva sa sahig. Dumiretso ito sa bathroom ng kwarto at narinig niya ang sunod-sunod na pagsusuka. Halos araw-araw ganoon ang pinagdaraanan ng asawa niya.

Hinayaan niya itong matapos dahil ayaw ni Keanna na naroon siya kapag nagsusuka ito. Nag-aalala siya, pero space pa rin.

Samantalang sa loob ng bathroom, nakaharap si Keanna sa salamin. Isang linggo na siyang nahihirapan dahil sa araw-araw na pagsusuka, pero normal naman iyon sa pagbubuntis niya.

Dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula nang malaman nilang buntis siya. Ang akala nila ni Cale, hindi sila nakabubuo dahil walang signs, hanggang sa makitang dalawang buwan na pala siyang buntis. Magtatatlong buwan na sa kasalukuyan.

Paglabas niya, nakaupo si Cale sa kama at nakaharap sa pintong nilabasan niya. Kinuha raw muna ng mommy nito si Keeva para makapag-ayos silang dalawa.

Lumapit siya at kaagad naman nitong hinawakan ang kamay niya.

"Nahihirapan ka ba?" tanong ni Cale.

"Medyo." Naupo siya nang patagilid sa legs ni Cale. "Inaantok ako. Noong buntis ako kay Keeva, antukin din ako, eh. Inaalala ko tuloy 'yung work."

Hinalikan ni Cale si Keanna sa pisngi. "Mabuti nga nag-hire ka na ng manager. Hindi naman puwedeng ikaw lang. Now that you're carrying our baby, we should be a little careful. Tingin mo?"

Nag-agree si Keanna at inihilig ang ulo sa balikat ni Cale. Pumikit siya dahil umiikot ang paningin niya. Mukhang mahihirapan siya sa first trimester at mabuti na lang din na kasama niya si Cale.

Nang mahimasmasan, bumaba sila at naabutang nagkakasiyahan ang lahat. Tuwang-tuwa ang lahat kay Keeva na nasa gitna at sumasayaw sa tugtog. Performer nga yata ang anak nila at sanay na sanay ito sa tao.

Pumuwesto sa likod ni Keanna si Cale at yumakap pa nga. Pareho silang masayang nakatingin sa anak nila na inaasikaso ng dalawang lola.

Their parents and siblings were already aware of the pregnancy. Wala pa silang ibang nasasabihan at wala pa rin naman silang balak ipagsabi bukod sa pamilya nila.

Malamang kaya nag-volunteer na ang mga ito para sa birthday ni Keeva—para hindi na mahirapan si Keanna.

Hinayaan ni Keanna ang nanay niya kasama ang mommy ni Cale sa pag-aasikaso kay Keeva. Tuwang-tuwa ang mga magulang nila lalo na at unang apo ng pamilya at magiging dalawa na nga.

Nag-hire sila ng host at mayroong mini performances ang mga matatanda dahil wala naman masyadong bata. Mga anak lang din ng imbitado ang naroon.

Masaya si Cale na nakapunta ang ate niya. Ilang beses niya itong tinawagan at pumunta alang-alang sa pamangkin na ipinagpapasalamat niya.

Walang nakaalam ng issue ng pamilya nila, sila lang. They wanted to remain that way lalo na at posibleng gamitiin iyon ng kahit na sino laban sa kanila.

Sa paanong paraan? Hindi nila alam.

Nilingon ni Keanna ang kuya niyang kausap ang Tito Juancho nila. Nagtatawanan ang mga ito.

Naramdaman ni Keanna ang lungkot dahil tatlong araw na lang din, aalis na ang kuya niya. Hinintay lang talaga nitong matapos ang birthday ni Keeva kaya magtatagal din sila sa Baguio hanggang sa maihatid ito sa airport.

"Sweetheart." Inabot ni Cale ang juice bago naupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya. "We good?"

Keanna nodded and smiled. Muli niyang inihilig ang ulo sa balikat ni Cale habang nakatingin kay Keeva. Nakasalampak ito sa sahig na mayroong foam at hinahayaang maglaro. Naglalakad na ito kaya attentive ang grandparents lalo na ang daddy ni Cale.

Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Keanna at ipinalibot ang braso sa baywang ng asawa.

The party was fun but Keanna wasn't in good condition. Sumasama naman siya sa mga palaro, sa pictures, at sa pag-entertain ng mga bisita, pero ramdam niya ang pagkahapo.

Nang makatulog si Keeva sa kalagitnaan ng party, nagpaalam din si Keanna na ihihiga muna ang anak nila sa kwarto ngunit nang sumilip si Cale, tulog din ang asawa niya.

Keeva used Keanna's arm as a pillow as his girls were sleeping soundly. It was just four in the afternoon, and the two looked peaceful. Cale didn't make a sound.

Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa mag-ina niya. In a few months, magiging apat na sila.

Malalim na huminga si Cale. Noon, silang dalawa lang ni Keanna. Wala sa pag-uusap nila ang kung ano man ang mayroon sila. Siguro sa parte ni Cale, gusto niyang si Keanna na ang huli at bubuo silang dalawa ng pamilya.

Napaaga lang, pero masaya sila.

Maingat na lumabas si Cale at natanggap ang message ng ate niya na magpunt sa rooftop ng transient house. Maganda ang view roon dahil kita ang ibaba ng city ng Baguio. Pagdating sa itaas, naabutan niya itong nakaharap sa kawalan.

"Akala ko hindi ka pupunta, eh," ani Cale at hinalikan sa pisngi ang ate niya. Pumalibot ang braso nito sa baywang niya at pareho silang tumingin sa kawalan. "Thanks for coming here, Ate Vianne."

"Anything for you," sagot ni Vianne na tumingala sa kaniya. "Ikaw pa ba? Malakas ka sa 'kin, eh."

Natawa si Cale at malalim na huminga. "Wala ka pang balak umuwi? We miss you."

"Wala. Kung paulit-ulit lang din ang issue ni dad, ayokong umuwi." Rinig ni Cale ang inis sa boses ng ate niya. "Hindi ko ma-gets si daddy, eh. Wala namang ginagawang masama si Gabo sa kaniya. Hindi ko alam kung anong inaarte ni daddy sa parteng hindi niya matanggap."

Humiwalay si Cale sa ate niya at sumandal siya sa railing para harapin ito. "Lalo mo lang dinadagdagan 'yung galit ni daddy kay Kuya Gabo sa pag-alis mo, eh. He misses you, you know?"

"Tss." Vianne rolled her eyes. "Tapos kapag nasa bahay ako, hindi naman ako pinapansin. Kapag nasa bahay ako, ramdam kong ayaw niya sa 'kin."

"Maybe dad's not ready to let his baby girl go," ani Cale at nag-cross arms. "Look, I'm a dad, Ate Vianne, and now that Keeva's getting bigger, nalulungkot ako."

Umiling si Vianne at nag-cross arms din tulad niya. "You and dad are different. Dad's paladesisyon. Mom was right."

Cale chuckled and tsked. "Mahirap I-let go ang princess, Ate Vianne. Dad's life literally revolved around you. Aside from mom, ikaw ang nag-iisang babae sa buhay ni daddy and for sure, letting you go was so hard for him."

"He'll lose me more kapag pinilit niya ang gusto niya," pabalang na sagot ni Vianne. "Hindi lahat ng gusto niya, makukuha niya."

"I know where you're coming from, Ate Vianne," umiling si Cale. "But at least talk to dad. Nami-miss ka niya, I swear. He's focusing on Keeva na lang kasi nami-miss ka ni daddy."

Mahinang natawa ang ate niya at hindi na ito nagsalita o sumagot sa sinabi niya. Kinamusta na lang niya ito nitong mga nakaraan. Tama rin ang mommy nila. Hindi puwedeng pilitin ang ate niya sa bagay na hindi nito gusto dahil lalong nagrerebelde.

Bumalik sila sa party at halos kumpleto pa rin doon.

"Pasensya na po kayo, ha?" Kinuha ni Cale ang atensyon ng mga bisita. "Antok na antok na po kasi si Keanna kaya sinabayan na rin muna ng tulog si Keeva. Parating na rin po pala 'yung mobile bar na na-rent namin."

Pare-parehong natuwa ang mga ito lalo na ang mga kaibigan nila ni Keanna. Sa mismong events place ay mayroong malaking bahay na ginawang transient. Maraming kwarto na puwedeng tulugan ng mga bisita nila kung gugustuhin.

Inabutan siya ng beer ni Aston ngunit tinanggihan niya iyon.

"Hindi ka iinom?" tanong nito.

Umiling si Cale. "Hindi puwede. Baka magising si Keeva, eh. Ako ang mag-aalaga. Kayo na lang, enjoy kayo. Mamaya aakyat na rin muna ako."

"Maki-bonding ka muna rito," sabi naman ni Vitto, ang pinsan ni Aston na kaibigan din niya. "Minsan lang naman, eh. Minsan lang din ako lumabas."

Natawa si Cale. "Next time, babawi ako. Hindi lang talaga puwede ngayon kasi medyo masama ang pakiramdam ni Keanna."

Hindi na nagpilit ang mga kaibigan niya at nagsimula na lang magkwentuhan ulit. Napag-usapan nila ang tungkol sa college life nila na halos puro sila kalokohan at madalas pang hindi pumapasok.

"Tang ina, naalala ko pa noon na nasa lounge tayo," sabi ni Aston at umiling. "Natutulog lang tayo roon kasi ayaw pumasok sa class."

"Oo, tapos kapag exam na, wala tayong masagot," sagot ni Cale. "Naalala kong muntik pang may muntik ma-suspend kahit na isa sa may-ari ang pamilya ng school. Hindi exempted."

Nagsalubong ang kilay ni Heather, isa rin sa barkada nila. "Dapat lang naman, 'no? Ano kayo, special?" singhal nito.

Habang nakikinig si Cale sa kwetuhan, isa-isa niyang tiningnan ang circle of friends niya lalo ang mga nakasama niya noong college. Happy-go-lucky sila at laman noon ng mga bar. Wala silang ginawa kung hindi ang gumimik, pero sa kasalukyan, iba-iba na rin sila ng buhay.

May kanya-kanyang pamilya na ang iba, busy sa businesses ang iba, at nag-e-enjoy pa rin ang iba pa.

Sa parte ni Cale, wala siyang pinagsisisihan. Masaya siya sa kung ano ang mayroon sila ni Keanna.

Maaga siyang nagpaalam para tingnan ang mag-ina niya at saktong pagpasok ng kwarto, siya namang paglabas ni Keanna ng bathroom at pinupunasan nito ang bibig.

"Nagsuka ka ulit?" tanong niya at ipinalibot ang braso sa baywang ng asawa niyang malamlam ang mga mata. "I love you."

"I love you," Keanna hugged Cale tighter. "Medyo nahihilo ako. Marami pa bang bisita sa baba?"

Tumango si Cale. "Kumpleto pa sila, actually."

Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Bakit hindi ka muna maki-bond kasama sila? Natutulog pa naman si Keeva. Baka magpahinga na lang din muna ako ka—"

"Dito lang ako," sagot ni Cale. "Do you wanna eat something? Puwede akong lumabas sandali."

Nag-isip si Keanna kung mayroon ba, pero wala siyang gusto dahil alam niyang isusuka lang din naman niya iyon. Nanghingi na lang siya ng sabaw at bumalik sa higaan.

Tumabi sa kaniya si Cale at ginawa niyang unan ang braso nito na nayakap sa kaniya. Hinahaplos ni Cale ang tiyan niya at ramdam niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.

"Excited ka na ba next week?" tanong ni Keanna. "Ako, excited ako. Papasok ka na ulit sa school."

"Excited rin." Mahinang natawa si Cale. "Natawa talaga ako noong na-realize natin na kung kelan naka-enroll na ako, saka naman natin nalaman na magkaka-baby ulit tayo. Timing ba 'yon?"

Keanna chuckled. "Siguro. Naalala mong nag-inquire na rin ako for playschool ni Keeva sa EU? Nakita ko 'yung play area for toddlers, ang ganda niya. May personal teacher din daw si Keeva aside from group plays."

"Yup. Alam mo bang sabi ni Tito KA, ginawa raw talaga 'yun noon pa, noong sila pa lang dahil marami silang magpipinsan. Doon sila nag-start mag-aral kaya halos lahat sila, from toddler to college to master's degree ng iba, roon na talaga sila lumaki at nag-aral."

Dahil magsisimula na rin ang pasukan ni Cale, inaalala ni Keanna na sana ay hindi na siya masyadong mahirapan sa paglilihi sa susunod na buwan lalo kapag napasok na nila ang second trimester. Maganda rin ang schedule na nakuha ni Cale dahil halos dalawang oras lang ang klase nito sa school, sakto sa oras ng playschool ni Keeva kaya sabay-sabay rin silang uuwi.


↻ ◁ II ▷ ↺



Uhaw na uhaw si Keanna nang magising. Tatlong araw pa silang nag-stay sa Baguio pagkatapos ng birthday party ni Keeva. Gusto rin munang makasama ni Keanna ang pamilya niya.

Habang nag-aalmusal, nakaupo si Keeva sa high chair katabi ang nanay at tatay niya. Nagluto raw kasi ang mga ito ng baked macaroni na paborito ng anak nila.

Ibinaba naman ni Cale ang mainit na gatas para sa kaniya. Tapsilog ang almusal nila at hiwa-hiwa na ang beef.

"Sweetheart, gusto mo ng pickled cucumber?" tanong ni Cale habang nakaharap sa ref.

Tumango siya bilang sagot at inayos ang buhok. Pickled cucumber ang paborito niyang kainin nitong mga nakaraan at halos papakin niya iyon lalo kapag sobrang anghang.

"Keeva," pagkuha niya sa atensyon ng anak na kaagad na ngumiti. Nag-beautiful eyes pa nga. "Kiss mama?"

Nag-flying kiss lang si Keeva dahil naka-strap ito sa high chair at bumalik sa pagkain.

Panay ang hikab niya kahit na kagigising lang niya. Ramdam niya ang pagkahapo at sakit ng ulo. Kinabukasan ay babalik na rin sila sa Metro dahil may mga aayusin sila ni Cale sa opisina lalo na at mahahati na ang oras nila dahil sa schooling.

"Padalhan mo 'ko ng picture kapag nag-school na 'tong si Keeva, ha?" Bilin ng nanay niya at ibinalik ang atensyon sa anak niya. "Mag-school na ang baby ko? Mas excited ang naynay, eh."

"Sumama ka kaya sa Metro sa first day niya, 'Nay?" suhestiyon ni Keanna.

Mahinang natawa ang tatay niya. "Baka umiyak ka na naman, 'Nay?"

Ngumuso ang nanay niya at hinarap si Keeva para subuan ng baked mac. Ngumiti lang si Keanna dahil naalala niya na hanggang college, sa first day, naghatid ang mga ito sa kanila ng kuya niya.

Hindi nila pinagtatawanan ang separation anxiety ng nanay niya. Natatawa lang sila na dumarating ito sa puntong iiyak talaga.

Alam nilang magkapatid ang nakaraan ng nanay niya kaya alam din niya na matagal pinag-isipan ng kuya niya ang pag-alis nito lalo na at malulungkot ang nanay nila.

Pero tama rin ang sinabi ng tatay nila na hayaan ang kuya niya sa kagustuhan nitong umalis na muna. Mahirap dahil malayo, pero ganoon talaga. Hindi puwedeng sa Baguio lang sila lalagi dahil may sarili na rin silang gustong gawin.

. . . but Baguio would always wait for them, that was for sure.

Nang matapos kumain, nagpaalam si Keanna na babalik sa kwarto at si Cale naman ang naiwan sa baba kasama ang parents ni Keanna na nilalaro si Keeva.

Cale and Keanna were always thankful that their families were open. One call away nga lang kung tutuusin.

Ang mga susunod na buwan ay magiging challenge para sa kanila, pero handa sila ni Keanna at planado ang lahat lalo na ang tungkol sa second baby.

Pagpasok ni Cale sa kwarto, lumabas naman si Keanna galing sa bathroom. Bagong ligo ito. Suot nito ang simpleng fitted na puting T-shirt at maluwag na short.

Bumaba ang tingin niya sa tiyan ng asawa niya. Mayroong umbok na ikinangiti niya.

Hinawakan niya ang kamay ni Keanna at naupo siya sa gilid ng kama. Nakatayo si Keanna sa harapan niya at inangat ang T-shirt na suot nito.

"Hi," Cale murmured against Keanna's tummy. "Naalala ko noong si Keeva, malaki na 'yung tiyan mo. It feels nice to watch this tummy grow from the start, sweetheart," he said.

"Noong si Keeva, tagong-tago ako, eh." Kinagat ni Keanna ang ibabang labi. "Hindi na 'yun mauulit ngayon. Ang cute rin kapag nagpi-picture ka weekly sa tiyan ko! You're keeping track."

Cale looked up. "Oo. Ang cute, eh. Lalo kapag magkakasama tayong tayo ni Keeva sa picture, tapos lumalaki 'yung tummy mo? It's a memory I'd keep forever, sweetheart."

Keanna smiled and kissed the top of Cale's head. Bigla niyang naalala ang tampo sa kaniya ni Cale noon tungkol sa hindi niya pag-iisip na magkasama pa rin sila sa hinaharap.

Sa araw-araw, simula nang ikasal sila, walang nagbago sa pakikitungo ni Cale. Mula noong araw na ligawan siya—mali—dahil simula noong araw na magkakilala sila, mabait na si Cale sa kaniya.

"What's going on?" Cale asked and faced her. "Kapag tahimik kang ganiyan, kabado ako, eh. What's going on inside your head, sweetheart?"

Umiling si Keanna. Kinuha niya ang phone ni Cale na nasa gilid ng kama at nakita ang wallpaper na picture nilang dalawa ni Keeva. Silang dalawang mag-ina lang.

"Ang cute nitong picture na 'to," sabi ni Keanna.

Picture nila iyon noong nagpunta sila sa isang resort. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok nila ni Keeva at halos natatakpan ang mukha nilang mag-ina, pero pareho silang nakangiti.

Nahiga siya sa kama at sumunod si Cale. Dumapa ito habang nakayakap sa kaniya. Nakasubsob ang mukha sa leeg niya kaya nakakuha siya ng pagkakataon para muling halikan ang tuktok ng ulo nito.

"Grabe. Before this year ends, apat na tayo," bulong ni Cale at hinaplos ang tiyan niya. "Naalala mo ba 'yung isa sa unang kantang binigay ko sa 'yo?"

Keanna frowned. "What song?"

Cale looked at her and caressed her cheek. "I just can't get enough of you; it's that perfume that you wear," he paused. "It's the way you kiss my cheek when you think that I'm asleep."

Ngumiti si Keanna. Oo naman. Naalala niya iyon.

Naalala niyang nasa Ferris Wheel silang dalawa, monthsary nila, at ang simpleng ngitian ay nauwi sa tawanan.

"I love it so much," Cale murmured.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys