Chapter 27
Cale wrapped his arms around Keanna's waist as they watched his parents played with Keeva. Dalawang araw na sila sa mansion ng parents niya para bumisita. Isang araw lang dapat, pero hindi sila pinaalis ng daddy niya.
"Dad loves Keeva so much," ani Cale at hinalikan ang balikat ni Keanna. "My baby is super spoiled!"
Nilingon ni Keanna si Cale at sinamaan ito ng tingin. "Wow, ha? Kung makapagsalita ka naman, Caleigh, parang hindi ka ganiyan kay Keeva? If I know, mas malala ka pa sa daddy mo."
"Makes sense." Tumaas pa ang dalawang balikat ni Cale.
Bumalik ang tingin nilang dalawa sa balcony kung nasaan ang parents ni Cale. Mukhang ang isang araw ay aabot pa nga ng isang linggo, pero ayos lang naman sa kanilang mag-asawa iyon.
About another baby, they had been trying for almost three months and no luck. Kung kailan planado na, saka naman sila hindi makabuo. Dagdag siguro na stressed si Keanna nitong mga nakaraan sa dami ng trabaho.
Sa naisip, malalim na huminga si Keanna at naglakad papunta sa kama. Iniwan niya si Cale sa bintana na nilingon siya.
Ilang araw na ring napapansin ni Cale na tahimik ang asawa niya. Wala naman itong sinasabi sa kaniya, pero alam niyang malalim ang iniisip nito. Kung ano iyon? Wala pa siyang idea.
Kahit na kasal na sila, nirerespeto pa rin nila ang privacy nilang dalawa. May mga bagay na kailangang gawin nang mag-isa at iyon ang isa sa pinahahalagahan nila.
They learned from their parents that they were married but didn't own each other.
Hindi dahil mayroon na silang singsing at kasal na sila, sasakalin nila ang isa't isa. May mga bagay na kailangan pa rin nilang gawin nang sila lang. Pero sanay rin silang dalawa na pinag-uusapan ang bagay-bagay o desisyon para sa pamilya nila.
"Sweetheart?" Kinuha ni Cale ang atensyon ni Keanna. Nagtama ang mga mata nila. "Something wrong? Okay lang kung hindi mo sasabihin. I just asked."
Malalim na huminga si Keanna. "Napapaisip lang kasi ako lately, sweetheart."
"About what?" tanong ni Cale.
"Kasi 'di ba, we're trying? Bakit kung kailan planado, saka naman tayo hindi makabuo?" mababa ang boses ni Keanna at malungkot na yumuko. "Dahil ba stressed ako lately?"
Naupo si Keanna sa gilid ng kama at sumunod si Cale. Hinawakan niya a ng kamay ng asawa at hinalikan ang likod niyon.
"Maybe?" pag-aamin ni Cale. Ayaw niyang mag-sugarcoat. "Busy ka rin talaga lately and it's okay. Hindi naman tayo sobrang nagmamadali, eh. Kung makakabuo tayo, okay lang. Kung hindi pa, we have lots of time. Sa ngayon siguro sa ngayon, chill lang muna tayo?"
Kinagat ni Keanna ang ibabang labi at inihilig ang ulo sa balikat ni Cale. Naramdaman kaagad niya ang pagkakahalik nito sa tuktok ng ulo niya habang hinahaplos ang kamay niya.
"Siguro nga dahil sobrang busy ako lately," mahinang sambit ni Keanna. "Sorry, ha? Medyo hindi ako focused kay Keeva lately. Medyo marami talagang ginagawa sa office."
Cale frowned and chuckled. "No problem. Sabi ko naman sa 'yo, kaya ko naman, eh. Kasama ko naman si daddy kaya maayos lang. Kapag nasa office ko naman si Keeva, si mommy naman ang nag-aalalaga sa kaniya."
"Medyo nahihiya kasi ako kay mommy," sagot ni Keanna. "Baka mamaya nahihirapan siya kay Keeva."
"Believe me when I say na sobrang natutuwa siyang alagaan si Keeva," paniniguro ni Cale. "Nag-offer nga siya na puwede naman nating iwanan si Keeva rito sa bahay. Wala naman siyang ginagawa lately dahil pinatigil na siyang mag-work ni daddy, 'di ba?"
Twenty minutes away ang layo ng subdivision ng parents ni Cale sa kanila kaya madali lang silang makapunta. Ayaw lang talaga silang pakawalan.
Sinabi ni Keanna kay Cale na gusto na muna nitong matulog. Binigyan na muna niya ng space ang asawa at nagpunta sa parents niya para ibigay rin ang extracted milk ng anak nila.
Expected ni Cale na iiyak si Keeva o kaya sasama sa kaniya kapag nakita siya, pero mas sumiksik pa nga ito sa daddy niya na ikinatawa nila ng mommy niya. His daughter just showed him that the lolo was loved.
Tuwang-tuwa naman ang daddy niya.
Kahit malapit nang mag-isang taon ang anak nila, para pa rin itong manika lalo na kapag nakabagsak lang ang buhok na medyo mahaba na.
"May plano na ba kayo sa birthday ni Keeva?" tanong ng daddy niya.
"Baka sa Baguio ganapin, dad, okay lang po ba sa inyo?" sagot naman ni Cale. "Hindi pa naman po sigurado, pero kung sakali man, baka sa isang transient houses na lang po gaganapin."
Tumango ang daddy niya. "Walang problema. If you guys need help, let us know. Anything for the baby doll," anito at hinalikan si Keeva sa pisngi.
Wala pa silang plano ni Keanna maliban sa venue. Posible ngang sa Baguio, pero depende pa rin iyon sa situwasyon lalo na at medyo busy si Keanna nitong mga nakaraan.
Pumasok siya sa loob ng bahay para kumuha ng snack. Nakaramdam siya sandali ng gutom. Pumasok din ang mommy niya at sumunod sa kaniya kaya ipinagpalaman niya ito ng sandwich na mayroong peanut butter.
"How's life, Caleigh?" Kumuha ng juice ang mommy niya sa ref. "Nakaka-miss ka pa rin dito sa bahay, but I'm happy that you and Kea are settling down."
"We're good po." Sumandal si Cale sa counter at humarap sa mommy niya. "We're actually planning for a second baby, mommy. Do you think it's okay? I mean, gusto rin kasi namin ni Keanna na same 'yung age differences like me and Ate Vianne. Nahirapan po ba kayo ni daddy?"
Naningkit ang mga mata ng mommy niya. "We got help. Hindi naman ako iniwan ni dad mag-isa. He was there noong ikaw na ang ipinagbubuntis ko. You're aware about the first pregnancy, pero bumawi naman," natawa pa ito. "But we got the help we needed and you can, too!"
Ngumiti si Cale at tiningnan ang juice na hawak bago ibinalik ang tingin sa mommy niya. "I decided not to pursue NYU permanently, pero nag-inquire na po kami ni Kea sa Eastern U for master's degree," dagdag niya. "We also talked na baka ipasok namin sa playschool ng EU si Keeva."
"That's a great plan! Akala ko nga itutuloy mo pa 'yung NYU. Keanna's not here. Can you be honest with me?" His mom breathed, and he nodded without a word. "Do you still want it?"
Hindi sumagot si Cale at naghintay lang.
"I mean, it was your dream to study abroad. Do you still want to pursue o napipilitan ka na lang na humindi dahil may pamilya ka na?" diretsong tanong ng mommy niya.
Umiling si Cale. "Hindi na po. I thought I'd miss it, but I didn't. Okay na po sa 'kin na hindi. Parang kahit wala si Keeva, hindi ako makakatagal sa NYU. Grabe 'yung homesickness ko noon, eh."
Natawa ang mommy niya. "I miss you and Vianne around the house. Alam ko naman noon na darating 'yung araw na aalis din kayo, pero parang hindi ako nahanda. Ikaw, you have your own family na. Si Ate Vianne mo, medyo pasaway."
Ngumiti si Cale at yumuko. "Nag-aaway pa rin ba sila ni daddy?"
"Nalulungkot ako kasi hindi sila nag-uusap." Yumuko ang mommy niya at hindi nakatakas sa kaniya ang lungkot sa mukha nito. "Hindi ko naman kayo pinalaking ganoon, pero wala akong magawa, Cale. Ilang beses ko nang kinausap si Vianne. Ilang beses ko na ring kinausap ang daddy mo, pero hindi ko sila ma-tame na dalawa."
"Mom."
His mom smiled bitterly. "Hindi naman ako manhid. Sa harapan ko, alam kong okay sila. Alam kong nag-uusap sila at alam kong ayaw lang nila akong saktan," she continued and Cale noticed how his mom's voice cracked. "Pero hindi naman ako manhid sa parteng alam kong hindi sila maayos."
"Do you want me to talk to Ate Vianne?" Cale offered.
Umiling ang mommy niya. "Ayokong pati kayong magkapatid, magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Okay nang ako na, Caleigh. One day, your ate's gonna need you and please, be open."
Tumango si Cale at sinundan ng tingin ang mommy niya nang magpaalam itong lalabas na para dalhan ng pagkain ang daddy niya.
Mula sa kusina, kita niya ang parents niyang masayang nilalaro ang anak niya. Umamin din sa kaniya ang mommy niya at nakiusap na mag-stay muna sila sandali para sa daddy niya.
His dad was stressed out and angry. Tuluyan na rin kasing sumama ang ate niya sa boyfriend nito at pare-pareho silang walang alam kung nasaan. Cale had been contacting his sister, but no avail.
Kung tutuusin, wala nang pakialam si Cale sa daddy at ate niya. Hindi na bago ang away ng mga ito, ang bangayan, pero hindi niya gustong nakikitang nalulungkot ang mommy niya dahil doon.
Umakyat na muna si Cale sa kwarto at naabutang mahimbing pa ring natutulog si Keanna.
Walang tigil ang meeting ng asawa niya nitong mga nakaraan kaya siya na ang nag-aalaga kay Keeva kahit na nasa office siya at mayroong sariling trabaho. They still didn't want to get a nanny for their baby. Kaya pa naman niya.
Madalas na nagigising si Cale na gising si Keanna at mayroong mga proposal na tinatapos.
Sinamahan siya nitong mag-inquire sa EU para sa posibleng pag-enroll niya ng master's degree, pero naisip niyang hindi pa panahon lalo na at stressed si Keanna. He also had to make some adjustments.
Bukod sa request ng parents niyang mag-stay pa sila sa mansion, panahon din iyon para mas makapagpahinga si Keanna. Halos hindi nito nahahawakan si Keeva dahil ultimong mga helper sa bahay nila, pag-aagawan pa ang anak nila.
Sa tuwing gusto niyang magpahinga silang dalawa, pupunta sila roon para mas makatulog si Keanna. Napansin niya iyon noong nakaraan.
Keanna was at home and she trusted all the people inside their home kaya mas nakakapagpahinga ito. Simula noon, inaaya niya si Keanna sa bahay ng parents niya para makatulog nga ito.
↻ ◁ II ▷ ↺
Tuwang-tuwa si Keanna habang vini-video si Cale at Keeva na nakasakay sa merry-go-round. Naisipan nilang magpunta sa isang amusement park dahil wala naman silang gagawin.
It was a weekday and their jobs were done. Inaya niya itong magpunta sa malaking mall na mayroong rides sa loob.
Walang masyadong tao at kung tutuusin, sina Cale at Keeva lang ang nakasakay sa buong merry-go-round. Mas mukhang masaya pa nga ang ama kesa sa anak nilang hindi pa gaanong appreciated ang ganoong lugar.
Cale and Keanna used to love parks. Lahat ng rides, kaya nilang sakyan, pero nitong mga nakaraan, mas gusto na lang nilang magpahinga kahit na mayroon silang time para umalis.
May mga pagkakataong iniiwan nila si Keeva sa parents ni Cale o kaya sa parents ni Keanna kapag nasa Metro ang mga ito.
Nagsisimula na ring maglakad si Keeva kaya medyo alagain na ito. Pareho naman silang walang reklamo ni Cale. Kung tutuusin, excited silang dalawa.
Umakbay si Cale kay Keanna habang naglalakad sila sa mall at naghahanap ng puwedeng makainan. Buhat din niya si Keeva dahil ayaw nitong magpababa sa stroller.
"Cale?"
Hinanap ng mga mata nina Cale at Keanna ang nagsalita. Babae iyon at hindi sila nagkamali nang makita si Julia, ang ex-girlfriend ni Cale noong college.
Kilala naman ito ni Keanna, pero base lang sa kwento ni Cale at sa pictures.
"I knew it was you!" Nakangiti si Julia at inilahad ang kamay kay Keanna. "Hello!"
"Hello," Keanna accepted the handshake and smiled warmly.
Cale smiled, too. "Julia, this is my wife, Keanna and our baby girl, Keeva," pagpapakilala niya sa mag-ina niya.
"Nakita ko nga na ikinasal na kayo! Congratulations, ha?" Natutuwang sabi ni Julia.
"Thank you," pagpapasalamat ni Keanna habang nakatingin kay Julia. Isa ito sa magandang naging ex ni Cale. Palagi niya itong nakikita sa mga commercial at sa magazine dahil model ito na nakilala sa Eastern University.
Sandaling nakipagkwentuhan si Julia sa kanila bago ito tuluyang nagpaalam. Sa mga exes, walang kaso sina Cale at Keanna sa isa't isa.
Cale knew Keanna's exes. Dalawa lang naman iyon. Isa noong highschool, isa rin noong college. Kilala rin ni Cale ang mga naka-talking stage niya na hindi naman natuloy.
Keanna knew some of Cale's exes at wala siyang masabi sa mga ito kung hindi magaganda naman talaga. Wala rin naman siyang naging problema dahil kahit na isa, walang nagtangkang maki-communicate sa asawa niya kahit noong sila pa.
"Minsan, napapaisip ako kung bad boyfriend ka ba kaya hindi ka binabalikan ng mga ex mo," pagbibiro ni Keanna habang naglalakad papunta sa kung saan.
Mahinang natawa si Cale. "Mabait kasi akong boyfriend noon," sagot nito. "Walang bitter break-up, mutual lahat."
Tumaas ang dalawang balikat ni Keanna dahil may katotohanan naman iyon. Agree siya sa parteng mabait na boyfriend si Cale. Kung tutuusin, pinag-isipan niya kung bakit ito hiniwalayan ng ibang naging girlfriend dahil kung tutuusin, good catch na.
Hanggang sa maalala niya ang kwento ni Yuan at Vianne na ikinatawa niya.
"Why are you smiling like that?" Cale asked in a curious tone. "Sweetheart, what's going on?"
"Naalala ko kasi 'yung kwento ni Ate Vianne at Yuan kung bakit ka nila hinihiwalayan," ani Keanna at humawak sa braso ni Cale. "Kuripot ka raw na boyfriend, sweetheart. Hindi ka raw bumibili ng mga Chanel bags, Louis Vitton, at hindi mo dinadala sa mga mamahaling lugar."
Cale snorted. "Nag-aaral pa lang ako noon, ano'ng ipambibili ko? My allowances were from my parents. I wasn't working yet kaya bakit ko sila bibilhan when we're both students?"
Ngumiti si Keanna dahil pareho sila ng principle sa bagay na iyon.
"Aware ako riyan," natawa si Cale. "May mga ex akong ikinalat na kuripot talaga ako. Wala naman akong pakialam. My last name shouldn't be the reason why they're dating me."
Tama naman at natuwa si Keanna na ganoon ang mindset ni Cale dahil maraming kabataan sa kasalukuyan ang hindi iyon iniisip.
Kung tutuusin, isang taon na silang magkasama sa iisang bahay, never silang nag-over sa budget. Naka-set pa rin ang monthly budget nila at kapag mayroong sobra, iyon ang ginagamit nilang dalawa sa date—except kapag special occassions.
Noong first anniversary nila, umalis silang dalawa at iniwan ang anak nila sa mga lolo at lola nito.
Bago umuwi, dumaan na muna sila sa grocery para bumili ng stock sa bahay. Naisip ni Keanna na sa dinner, magluluto siya ng carbonara para sa kanila ni Cale. Nagsisimula na ring mag-solid foods si Keeva at madalas gulay ang pinakakain nila.
Si Keanna ang nag-drive dahil nakita niya ang pagod sa mukha ni Cale sa pag-aalaga kay Keeva buong maghapon. Hindi siya nagkamali dahil pag-uwing palang, dumiretso na ang mag-ama sa kwarto at nahiga.
Keeva slept on Cale's chest, and both were still wearing their outside clothes.
While fixing the groceries, Keanna's phone rang. It was Sarki asking if he could come to their house. O kung nasa bahay siya ay magpunta na lang sa park kung walang ginagawa. Mukhang mayroon itong pinuntahan sa village.
Nagkita silang dalawa sa park at naabutan niya ang kuya niyang nakaupo sa bleacher na mayroong indoor basketball court.
"Kuya." Naupo siya sa tabi nito. "Ano'ng nangyari?"
Tipid na ngumiti ang kuya niya at kumportableng sumandal. "Wala naman," mababa ang boses nito. "Napadaan lang ako."
Alam ni Keanna na hindi nagsasabi ng totoo ang kuya niya. Bukod sa kaniya, isa lang ang dahilan kung bakit ito nagpunta sa village, pero hindi siya magtatanong at hahayaan niya itong magsabi sa kaniya.
"I wanna talk to you about something."
Nilingon ni Keanna ang kuya niya at tumango siya. "Ano 'yun, kuya?"
"Nagpaalam ako kina nanay at tatay na aalis muna ako, pero gusto ko rin munang magpaalam sa 'yo," sabi ng kuya niya. "Nakatanggap ako ng offer sa Netherlands. It's an office work and I'm planning to go. Kaso iniisip kita."
Bumagsak ang balikat ni Keanna dahil hindi siya sanay na masyadong malayo ang kuya niya sa kaniya.
"Nag-agree naman sila nanay at tatay kung gusto kong tanggapin. Okay lang naman siguro?" Tumingin ang kuya niya sa kaniya. "Tingin mo?"
Ayaw sabihin ni Keanna na ayaw niya, pero magsisinungaling siya. "Okay lang naman po, Kuya Saki. Kung ano sa tingin mo ang mas okay, gawin mo."
"I think I needed to breathe and grow?" Sarki chuckled. "Gusto ko naman 'yung ginagawa ko, pero para akong sinasakal nitong mga nakaraan. Siguro one to two years, alis muna ako?"
Ngumiti si Keanna, pilit iyon. "Oo naman, kuya. Sa business naman, sila nanay naman ang bahala sa Baguio, nandito naman ako sa Metro. Gawin mo kung ano 'yung gusto mo. Matagal ka na rin namang nagwo-work sa business natin, eh."
Tumango ang kuya niya at malalim na huminga. "Thank you. Pero kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo kaagad ako. Uuwi kaagad ako at iiwanan ko 'yung work ko sa Netherlands."
"Kuya talaga," ani Keanna at mahinang sinuntok ang braso ng kuya niya. "Aalis ka ba kaagad? Hintayin mo muna 'yung birthday ni Keeva next month!"
"Oo naman!" Umakbay sa kaniya ang kuya niya. "Next month pa naman 'yung alis ko kung sakali. May mga aayusin pa rin akong papeles kaya for sure, nandito pa ako sa birthday ni Keeva."
Kinagat ni Keanna ang ibabang labi para pigilan ang luha. Nalulungkot siya at hindi siya sanay. "Mag-visit kaya kami roon kapag okay na? Tingin mo, kuya?"
"Why not? Sama mo sina nanay at tatay para makapag-tou—"
"Kuya, kailangan ba talaga?" pagputol ni Keanna. "Hindi naman sa pinipigilan kita, pero ang layo mo. What if kailanganin kita? Wha—"
Natawa si Sarki. "Cale! You'll need Cale. Asawa mo siya kaya siya ang unang taong kailangan mo. Puwede mo naman akong tawagan, eh. At saka hindi naman ako forever sa Netherlands. Gusto ko lang huminga."
Yumuko ang kuya niya at sigurado siyang mayroon itong kinalaman sa kasalukuyang problema sa relasyon.
"Paano na s—"
"We broke up," Sarki gazed at her with a smile. "We decided to break up, Kea. Hindi na namin puwedeng ipilit, eh. Mas magkakasakitan lang din kasi kami. We decided to remain friends, but for now, we needed to part ways."
Naintindihan niya ang sinabi ng kuya niya kaya tango lang ang isinagot niya. Inimbitahan niya itong magpunta sa bahay nila dahil ang luto siya ng carbonara, pero hindi na tumuloy dahil kailangan nitong bumalik sa Baguio.
Uwian lang pala ito dahil mayroong kailangang kausapin.
Nagluluto si Keanna nang yumakap si Cale sa likuran niya. "Too quiet," sabi nito at hinalikan siya sa pisngi.
Humarap siya kay Cale at niyakap ito nang mahigpit.
Samantalang nagtaka si Cale kung bakit at nang magsimulang humikbi ang asawa niya, naalarma siya. Roon na rin nagkwento si Keanna tungkol sa nangyari. Kung problema niya ang ate niya, si Keanna naman ay nalulungkot sa pag-alis ng kuya nito.
"Punta na lang tayo sa Netherlands kapag na-miss mo si Kuya Sarki." Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Keanna. "Gusto mo bumili ng private plane?"
Nanlaki ang mga mata ni Keanna at mahinang sinuntok ang dibdib ni Cale. "Hoy, grabe! Ang OA, ha? Hindi!"
Naramdaman ni Keanna ang paggaan sa dibdib niya dahil sa mga biro ni Cale. Alam niyang pinatatawa lang siya nito at alam din niyang mabigat din ang dinadala nito sa sariling kapatid.
Muling yumakap si Cale sa likuran niya habang pinanonood nila si Keeva na naglalaro sa carpeted floor ng living room.
"She's getting bigger, sweetheart," Cale murmured, singing against her ear while slowly swaying.
Iyon ang kantang palagi nitong kinakanta sa anak nila lalo na kapag matutulog. The moment Cale sang the song after giving birth, Keanna knew that she chose the right man to marry.
"Nothing's gonna hurt you, baby. As long as you're with me, you'll be just fine."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top