Chapter 25
Busy si Keanna sa paglilinis ng kusina. Katatapos lang nilang mag-breakfast ni Cale at sakto namang nagising si Keeva. Salitan naman sila sa pag-aalaga sa anak nila.
Apat na buwan na rin ang nakalilipas nang manganak si Keanna at sa araw-araw, hindi naman sila pinahirapan ng anak nila. Mabait na baby si Keeva dahil hindi ito iyakin at madalas na sila pa ni Cale ang mag-i-insist na buhatin na lang.
Masaya sina Cale at Keanna nang sila lang, pero simula nang dumating si Keeva, mas may isasaya pa pala sila.
Wala sa plano nila noon ang mag-anak kaagad. They were young and had lots of things to do, but no regrets.
Siguro kung babalikan nila ang panahon, naisip nilang pareho na mas naging maingat at planado ang lahat. Walang pagsisisi pagdating kay Keeva, pero ayaw nilang i-normalize ang pagbubuntis nang hindi handa.
Mayroon silang mga planong hindi na natuloy, mga na-postpone na gawain, at mga trabahong hindi na naasikaso. Again, no regrets, but it could've been prevented.
Sinilip ni Keanna ang mag-ama niya. Nakaupo si Cale sa hammock na nasa likod ng bahay nila na mayroong punong nagsisilbing silong kalong si Keeva. May hawak itong librong pambata at mukhang binabasahan ang anak nila.
Bigla niyang naalala ang tatay niya. At the age of three, Keanna learned to read because Keanu had been reading her stories since she was born.
Nope. Mali.
Simula nang ipagbuntis siya ng nanay niya, binabasahan na siya ng libro at nakikita niya iyon kay Cale. Bago matulog, nagbabasa si Cale ng kahit na anong libro para kay Keeva.
Sa tuwing nasa garden ang mag-ama, kung hindi naglalaro ay nagbabasa rin ng libro.
"Ano'ng binabasa n'yo?" Lumapit si Keanna sa mag-ama.
Ngumiti si Cale at ipinakita sa kaniya ang librong The Little Prince na regalo sa kanila ng mommy ni Cale.
Lumebel si Keanna kay Keeva na kaagad na tumingin sa kaniya. Their daughter round eyes were glistening. Bumagay rin sa maliit na mukha ng anak nila ang mahabang pilikmata nito na dahilan para mas lalo itong magmukhang manika.
Apat na buwan pa lang ang anak nila, naka-clip na ang buhok nito sa harapan dahil medyo natatakpan na ang mga mata kaya naman panay ang nood ni Cale ng mga video sa internet kung paano ayusin ang mahabang buhok ng mga sanggol.
"Hello, Keeva." Hinawakan ni Keanna ang maliit na kamay ng anak na huwamak din sa daliri niya. "Nagbabasa kayo ng dada? Hindi pa ikaw hungry?"
Keeva's hand and legs moved as Keanna talked to their daughter. Humahagikgik pa nga ito habang nakatingin sa kaniya.
"Ano'ng oras tayo pupunta sa bahay?" tanong ni Cale.
"Kahit after lunch na lang siguro. Patulugin na rin muna natin si Keeva kasi for sure, kapag dating sa inyo, hindi 'yan makakatulog." Tumayo si Keanna. "Ayusin ko na muna 'yong mga dadalhin nating gamit. Dumating na rin daw sina nanay, e."
Nag-invite ang parents ni Cale para sa wedding anniversary ng mga ito at mag-i-stay sila sa mansyon ng mga Karev ng dalawa hanggang tatlong araw. Naroon din kasi ang parents ni Keanna.
It was just a simple family gathering.
Pag-akyat ni Keanna sa kwarto, nilinis niya ang kama nila. Katabi nilang matulog ang anak nila at mayroon lang crib na kunektado sa mismong kama.
Cale wanted Keeva to stay with them until their daughter was two. Keanna was okay with it. Wala namang kaso sa kaniya.
Mula sa kwarto nila, sumilip si Keanna sa bintana at nakita si Cale na hinahalikhalikan ang leeg ng anak nilang humahagikgik pa nga.
Keanna knew she made the right the decision and she chose the right man to marry. Bilang asawa, maalaga si Cale at hindi ito nagkukulang sa kaniya. Kahit may anak na sila, Cale was still the Cale she knew from the very start.
As a father, no words could describe how loving Cale was. Paglabas pa lang ni Keeva, hindi naramdaman ni Keanna ang hirap dahil kay Cale. He was right. They could do it on their own.
No helper, no Yaya for Keeva. It was just them—from groceries to laundries. It was them.
Every two weeks nga lang, nagpapa-general cleaning sila sa bahay. Nagha-hire sila ng cleaning company para ma-maintain pa rin.
Keeva was breastfed and Keanna didn't expect it would be easy. Sa mga nababasa rin kasi niya, na-expect na niyang mahihirapan siya.
Again, Cale was a big help, and Keeva was a good baby.
Nagpatuloy si Keanna sa paglilinis ng kwarto nila at nag-empake na rin ng gamit nila. They were excited. As always.
↻ ◁ II ▷ ↺
Hindi nagkamali sina Keanna at Cale sa parteng hindi na naman nila mahahawakan ang anak nila dahil kasama na naman ang mga lolo at lola.
Nakaupo si Keann sa bar counter at nakikipag-usap naman si Cale sa Ate Vianne nito.
Keeva was everyone's baby. Halos hindi ito naibababa hindi katulad kapag nasa bahay lang sila na madalas na nasa kama o nasa crib.
Pagkatapos buhatin ng daddy ni Cale, tatay naman ni Keanna, tapos ang mga lola naman. Minsan si Sarki, minsan si Vianne.
"Sweetheart?"
Nilingon ni Keanna si Cale. "Hmm?"
"Gusto mo bang umalis mamayang gabi?" tanong ni Cale. "Wala lang. Since Keeva's with our parents, date tayo?"
Keanna stared at Cale and nodded. It was a good idea. Wala na rin silang date nitong mga nakaraan. Magkasama naman sila sa bahay at grocery na rin ang nagsisilbing date nila kapag umaalis ng bahay.
Every two weeks na nagpupunta ng Manila ang parents ni Keanna, minsan ay sila naman ang nasa Baguio. Whoever was free, sila ang magpupunta.
The day went well and Cale asked their parents if could date his wife. Everyone agreed. Malamang, gustong-gusto para tuluyang masolo ang apo.
In no time, Cale and Keanna were on the road. Medyo gabi na rin at traffic. Walang idea si Keanna kung saan sila pupunta ni Cale hanggang sa huminto sila sa isang mamahaling hotel.
Nilingon ni Keanna si Cale. "Caleigh, don't tell me . . ."
Cale chuckled and shook his head. "No. Nagpa-reserve ako ng dinner sa roof top. Since hindi naman tayo nag-over sa budget this month and we still have something, naisip ko na mag-date tayo rito."
Ngumiti si Keanna at hinalikan ang pisngi ni Cale.
Pagdating nila sa rooftop ng Royal Hotel, iginiya sila ng isang staff sa table na pina-reserve ni Cale. Maganda ang view dahil kita ang malaking Mall, ang Ferris Wheel, at nagkatinginan sila roon.
Both remembered the first time they met.
"I have a question, Sweetheart," Cale squinted, and Keanna nodded as a response. "Do you think our lives would be different if we remained friends like the first plan?"
Tumaas ang dalawang balikat ni Keanna. "Hindi ko alam, siguro? Pero sure ako sa part na walang Keeva at wala akong asawang Cale ang pangalan."
Cale and Keanna talked about the past. Totoo naman na hindi nila gustong maging sila noong una. They became good friends because of mutual friends.
Madalas silang nagkakausap via messages at nagse-send ng mga movie at kanta para i-share sa isa't isa. Kapag mayroong bonding ang magkakaibigan, pinag-uusapan nila ang kung anong movie recommendation nila na napanood.
One day, Cale asked Keanna to leave their friends and walk to nowhere. There, he confessed to liking Keanna, and she declined. Friends lang sila until Keanna saw Cale's effort and tried it.
They had their previous relationship that didn't work. Ang nakakatawa, hindi nila iyon napag-usapan simula nang maging sila. For them, it was irrelevant.
Ang mahalaga ay ang sila.
"Nakaka-miss naman si Keeva," umiling si Cale. "Parang nakakalungkot din pala kapag hindi natin siya kasama."
"Akala ko ako lang," natawa si Keanna. "Hindi ko sinasabi kasi baka isipin mo, bored ako. Hindi ako bored, ha? I like this. Dapat yata once a month natin 'tong gawin, e. Pero true, nakaka-miss si Keeva."
Sandali silang natahimik nang pareho nilang lingunin ang city lights.
"Sweetheart, may balak ka pa bang magpunta sa New York?" tanong ni Keanna. Takot siyang itanong iyon, pero hindi na niya napigilan. "You don't have to answer. Gusto ko lang malaman kung ano ang plano mo."
Cale remained quietly and gazed at Keanna.
"Nakita ko kasi 'yong e-mail sa 'yo last time and I was wondering if itutuloy mo na ba 'yon this year?" Uminom si Keanna ng tubig. "Nag-iisip na rin kasi ako ng plano if ever man."
Cale frowned. "What plans?"
"Na kung sakali mang maisipan mong ituloy ang NYU, baka uuwi na muna ako sa Baguio para may kasama ako kay Keeva. Okay lang naman sa 'kin. From time to time naman, alam kong uuwi ka," pagpapatuloy ni Keanna. "Sabihan mo lang din ako para hindi ako mabibigla, ha?"
Uminom ng wine si Cale at nilingon ang city lights bago ibinalik ang tingin kay Keanna. "Actually, I wanna talk to you about it."
Kinabahan si Keanna sa tono ng boses ni Cale. Seryoso ito.
"I . . ." Cale paused and subtly smiled. "I decided not to continue. Okay naman ako nang wala ang NYU. It was a dream when I was still younger, but it's different now."
Keanna's face softened. "D-Dahil ba sa 'min ni Keeva?"
Tumango si Cale. "Yes," ngumiti siya. "I'll choose you and Keeva. No questions asked. Mas okay na 'ko rito. Kung sakali mang gusto kong ituloy ang master's degree ko, EU offers business course and I'll stay here. Win-win."
"Thank you." Keanna sat comfortably. "Sa pagpili mo sa 'min ni Keeva."
Cale frowned. "Alam kong tapos na tayo roon at alam kong hindi ko na dapat balikan. Kung sinabi mo sa 'kin noon, hindi ako aalis. Walang magiging option kasi hindi naman na ako aalis. Walang magiging option kasi tayo kaagad 'yung pipiliin ko."
Keanna nodded and smiled. Cale knew that Keanna was still guilty about what happened. Sa tuwing naalala rin niya ang silent treatment na nangyari, ayaw na niyang maulit iyon.
Sa tuwing naalala ni Cale ang galit na naramdaman niya kay Keanna dahil sa pagtatago nito, hindi niya ulit gustong dumating sila sa ganoong sitwasyon.
Nagpaalam si Cale na pupunta muna sa restroom. Si Keanna naman ay nagpunta sa may railing ng rooftop at pinanood ang city lights na nasa harapan nila.
Malamig ang simoy ng hangin, pero nami-miss niya ang lamig ng Baguio. Nasanay na rin siya sa init ng Manila, pero may mga pagkakataong gusto niyang bumalik kung saan siya lumaki.
. . . pero tulad ni Cale, kailangan niyang magsakripisyo.
Awtomatiko siyang ngumiti nang maramdaman ang dalawang matitipunong brasong pumalibot sa katawan niya.
Ipinatong ni Cale ang baba sa balikat niya. "Gusto mo mag-check in?"
Bahagyang nilingon ni Keanna ang asawa. "Akala ko ba nami-miss mo na si Keeva?"
"May iba rin akong nami-miss, e." Kinagat ni Cale ang ibabang labi at mahinang natawa. "Kung gusto mo lang. It was just a suggestion."
Humarap si Keanna kay Cale. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa railing na para bang na-corner na siya.
"Gusto mo?" tanong ni Keanna. "Okay lang naman. Keeva's gonna be okay. Maraming mag-aalaga sa kaniya. Gusto mo ba?"
Cale leaned to kiss Keanna's lips and whispered. "Yes, please."
Naintindihan ni Keanna si Cale. Kung tutuusin, pareho silang may pangangailangan dahil bago pa umalis is Cale papuntang New York noon nang huling may mangyari sa kanila.
Cale respected her decision about making love. Simula kasi nang magbuntis at manganak siya, wala siyang pakiramdam pagdating sa sex. Wala siyang gana.
Nitong mga nakaraan, sinubukan naman nila. Keanna knew she liked it, too, but the situation wasn't okay. Every time they would try, their newborn would wake up.
Tinawagan na muna ni Keanna ang nanay niya kung okay lang ba si Keeva. Natutulog na raw ang anak nila. Sina Niana at Tadhana ang nakatoka sa pag-aalaga.
Cale and Keanna held hands. They did get themselves a room. Ang usapan, hindi sila sa mamahaling kwarto. Magtitipid sila dahil may budget.
"Kahit sa room, may budget?" natawa si Cale pagsara ng pinto. "This room si small."
Nilingon ni Keanna si Cale. "Kama lang naman ang gagamitin natin, 'di ba? Ano bang gusto mo, pati sa sofa?"
Cale raised his brow and chuckled. "Kahit saan."
Keanna shook her head and walked toward Cale. Ipinalibot niya ang braso sa leeg ng asawa at hinalikan ito sa pisngi.
"Thank you kasi nag-wait ka." Keanna rested her head against Cale's chest. "Thank you kasi hindi mo ako pinilit."
Naramdaman niya ang pagkakahalik ni Cale sa tuktok ng ulo niya. Mahigpit itong nakayakap sa kaniya nang walang sinasabi.
Keanna remembered their first time. They talked about it, and Keanna gave herself to Cale. No regrets. Walang plano sa kahit na ano, pero alam ni Keanna na si Cale ang gusto niyang pagbigyan ng sarili niya.
It was almost midnight. Their room was dimmed, and Cale could see Keanna's face. He panted as he hugged his wife after making love. It had been long, and they missed it.
Umalis si Cale sa ibabaw ni Keanna at kinumutan niya ang asawa. Tumagilid ito at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.
"We should do this more often, Sweetheart." Cale brushed Keanna's hair. "Like once a month, our time. We can do this at home, but it's different."
"Sige. Basta hindi ka mag-o-over sa budget at may pang-book tayo ng hotel, game!" Keanna chuckled and met Cale's eyes. "Kelan ka pala papasok sa office? Next week kasi baka pumunta na rin ako sa office, e."
Cale shrugged. "Hindi ko pa alam. Since we're on the same building, puwede naman tayong pumasok ng sabay. Pinaayos ko na rin 'yung office ko so Keeva will have her space."
"Same," sagot ni Keanna. "Ang ganda nung suggestion ni Aston about a room inside our office. Tingin mo this time, kuha na tayo ng helper for her? Paano kung may meeting tayo pareho?"
"Believe me when I say our parents are just one call away," Cale chuckled. "Nahihirapan akong magtiwala sa iba, Sweetheart, and I don't want anyone touching Keeva."
Keanna rested her chin on Cale's chest. "Sige lang. Tayong dalawa na lang. Mag-overnight ba tayo rito o gusto mo nang umuwi?"
Nagsalubong ang kilay ni Cale habang nakatingin sa kaniya. "We'll stay the night, Keanna." Bumangon siya at pumusisyon sa ibabaw ng asawa. "We're not done yet."
They used to be two until they were three.
A lot has changed since they married, from minding each other's businesses to doing everything together. Being parents wasn't easy; that was what they observed, but they were enjoying it.
From road trips to nowhere to doing errands together. From watching movies til they fell asleep to just spending each other's time reading a book for their daughter.
And Keeva was into lullabies, too.
So, from sharing playlists and jamming to a song they loved . . . to finally sing a lullaby for their baby . . . their favorite.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top