Chapter 23
Cale knew that Keanna was still adjusting. It had been two weeks since they transferred to Manila. Sa pananamit pa lang, nakita na niya ang pagbabago sa asawa.
"Naiinitan ka pa rin?" tanong ni Cale kay Keanna na nakahiga sa sofa ng sala. Pinindot niya ang remote ng aircon. "Wait, sweetheart."
"Okay lang ako, uy!" Keanna gazed at Cale and smiled. "Masiyado kang nag-aalala. Okay lang ako."
Cale frowned. "Pero mukha kang naiinitan."
"Medyo, pero okay lang. Hindi naman ganoon kalamig sa Baguio para mag-alala ka. I'm okay," paniniguro ni Keanna. "Hindi ka lang sanay na super shorts and sando ako ngayon. Okay lang ako, swear."
Ngumiti si Cale at malalim na huminga. Alam niyang bukod sa weather, malaking adjustment kay Keanna na hindi nito kasama ang mga magulang.
He knew Keanna wouldn't say anything about it, but he could feel it. Some of him knew it would be hard for Keanna, but she did it for their small family.
Naupo si Cale sa dulo ng sofa, sa paanan ni Keanna. Nanonood ito ng TV habang nakahiga.
Sa pananamit, mas madalas na nakamaikling short si Keanna at sando dahil medyo naiinitan naman talaga. Bukod siguro sa pagbubuntis, hindi ito kumportable sa init ng Manila.
Keanna lived her whole life in Baguio, and it was one of the adjustments she had to face.
"Sweetheart, okay lang ako." Napansin ni Keanna ang pananahimik ni Cale. "Ikaw, palagi kang nag-o-overthink simula nung nakarating tayo rito."
Pilit na ngumiti si Cale. "Naisip ko kasi na baka nami-miss mo sila roon."
"Oo naman, siyempre," pag-aamin ni Keanna. Maingat siyang bumangon at naupong katabi ni Cale. "Hindi naman maiiwasang ma-miss ko sila sa Baguio, pero ito na ang reality natin, Caleigh. Kasal na tayo, mag-asawa na tayo. Alangan namang LDR pa rin tayo?"
Natawa si Cale at pinagsaklop ang kamay nilang dalawa. "Gusto mo bang mamasyal sa kanila?"
"Hindi muna ngayon. Medyo nahihirapan na rin kasi ako sa pagbubuntis ko, e. Bukod sa inaantok ako, parang hindi ko kakayanin kapag sobrang tagal ng byahe." Inihiga ni Keanna ang ulo sa balikat ni Cale. "Dito na lang muna tayo. Sinabi rin naman ni Nanay na sila ang bibisita rito sa susunod."
Humigpit ang hawak ni Cale sa kamay ni Keanna at pinag-usapan nila ang tungkol sa bahay nila. May mga bagay pa rin kasi silang gustong idagdag at ayusin.
Kumpleto na sa appliances at mga basic na gamit ang bahay pagdating nila tulad ng mga kama, sofa, at dining table.
"Sure ka bang ayaw mong ipagawang nursery 'yung isang room?" tanong ni Keanna.
Umiling si Cale. "We have lots of time. Until two years old namang magtutulog sa room natin si baby. Ayaw kong sa ibang room siya. I want her to sleep beside us."
Ngumiti si Keanna at nakinig sa mga plano ni Cale para sa anak nila dahil gusto nitong maging hands on.
Nag-decide silang hindi kumuha ng helper at silang dalawa ang gagawa sa lahat. Gawaing bahay man o pag-aalaga sa anak nila, silang dalawa.
"Puwede naman tayong mag-hire ng cleaner. I plan na every week, ipapa-general cleaning natin itong bahay or maybe every two weeks," pagpapatuloy ni Cale. "But if you want, we can hire, of course."
Agree si Keanna sa gusto ni Cale. "Gusto ko rin na hands on tayo. Maliit lang din naman 'tong bahay, kaya na nating dalawa."
Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Keanna.
"Kelan ka pala papasok sa office?" Humiwalay si Keanna kay Cale.
"Wala pa," ngumiti si Cale. "Actually, ayaw akong papasukin ni daddy. He wants me to stay with you during pregnancy until after giving birth. 'Yung tasks ko naman daw, puwede sa bahay lang and I accepted."
"Grabe namang pagka-hands on ng daddy na 'yan!" Keanna scrunched her nose. "Baka mamaya, maging spoiled si baby, ha? Ayoko sanang ganoon."
Cale shook his head. "Of course. Ayoko ring maging ganoon. I'm sure we'll raise our baby girl well."
Biglang naalala ni Keanna ang naisip niya noong isang gabi. May napansin kasi siya kay Cale noong nag-grocery sila. Bumibili ito ng mga bagay na hindi pa naman nila kailangan at hindi kakailanganin.
"I wanna open up about something," Keanna muttered. "Noong nag-grocery kasi tayo, may napansin ako."
Kinabahan si Cale. "A-Ano 'yon?"
"Bumibili ka ng mga hindi naman needs. Isa sana 'yon sa gusto kong sabihin sa 'yo? Okay lang ba sa 'yong magkaroon tayo ng budget?"
Nakatingin lang si Cale kay Keanna. Gusto niyang pakinggan ang sasabihin nito. Bigla niyang naalala ang mommy niya na hindi bumibili basta-basta lalo na kapag hindi naman kailangan.
"Dalawa pa lang naman tayo kaya hindi pa natin kailangan nung sobrang daming pagkain dito sa bahay," ani Keanna. "May grocery rin naman dito sa loob ng village kaya hindi tayo mahihirapan kapag may kailangan."
Tumango si Cale. Isa iyon sa gusto niya sa loob ng village.
"Naisip ko lang naman na magkaroon tayo ng budget for the week sa pagkain at hindi tayo lalagpas doon. This time, mas importante ang need kaysa sa wants. Tingin mo?"
Cale agreed. Sinabi rin ni Keanna na maglilista sila ng mga puwedeng bilhin sa tuwing magpupunta sila sa grocery.
"I have an idea, Sweetheart," Cale gazed at Keanna, who waited. "I like the idea of setting a budget for the whole month. What if hindi natin na-consume lahat 'yon, tapos 'yung matitira, pang-date natin? Like . . . fancier date?"
Mas lalong naningkit ang mga mata ni Keanna. "Puwede o kaya puwede na nating pambili ng luho," natawa siya. "Tungkol pala sa condo na gagawin kong office, medyo malayo 'yun dito sa bahay at sa office mo kaya baka hindi ako madalas na magpupunta roon."
"Wait." Nagsalubong ang kilay ni Cale. "Sa Karev Building, may mga pinapa-rent kaming floors, 'di ba? What if you guys rent an area para sabay na tayong papasok and we're just on the same building?"
Marahas na umiling si Keanna. "Hindi puwede, hoy! Masyadong overspending iyon para magiging office rito sa Manila. Baka mag-over the budg—"
"Pero may shares ka rin naman na sa Karev Telco dahil mag-asawa na tayo. What's mine is yours," Cale said. "Magpapahanap ako ng maliit na available office sa building. Tingin mo? Discuss it with your parents and Kuya Sarki. Mas okay na 'yon para magkasama tayo."
Nagsalubong ang kilay ni Keanna habang nakatingin kay Cale. "Ang clingy naman!" pagbibiro niya. "Sige, consult ko na muna sina Nanay at Tatay, tapos sasabihan kita. Pero, isang kundisyon."
"W-What?" Cale frowned.
"Bawal ang discount sa business," nakanguso si Keanna. "Kung mayroong available na maliit lang, doon lang. At kung magkano ang fee, walang discount."
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ni Cale. "E asawa nga kita, Keanna! Kahit libr—"
"Business is business, Caleigh," pagmamatigas ni Keanna.
"Fine." Cale sounded defeated. "Gusto mo bang matulog muna sa kwarto?"
Umiling si Keanna at tuluyang bumangon. Gusto niyang maglakad-lakad na muna kahit sa loob lang ng bahay. Kahit ayaw ni Cale, naghanap siya ng puwedeng gawin.
Nag-vaccume si Keanna sa sala lalo na sa carpet nila. Pinunasan niya ang mga librong nasa shelves, mga picture frame, at ang coffee table.
Tinulungan naman siya ni Cale na maglinis ng glass window at glass wall kung saan kita ang malawak na garden. Hindi nila gustong magpalagay ng swimming pool. Pareho silang hindi mahilig doon at mayroon namang pool ang village na malapit din sa mismong park.
Maliit lang ang bagay nila. Bunggalow type iyon at modern ang design. Kulay puti ang pintura, itim ang lining. Sapat din ang natural light dahil sa glass window and glass wall na pumapalibot sa kanila.
Naalala ni Keanna na noong bago pa lang sila ni Cale, napag-usapan nilang gusot niya ng simpleng bahay na walang second floor. Gusto niyang diretso lang at maliit. Gusto rin niyang malaki ang garden at iyon ang binili ni Cale.
Ngumiti siya nang maalala iyon at nagtama ang tingin nila ni Cale na kaagad nagsalubong ang kilay.
"Bakit?" tanong ni Cale.
Umiling si Keanna. "Wala naman. Naalala ko lang na nabanggit ko sa 'yo na ganito 'yong gusto kong bahay. Thank you kasi kahit na alam kong sanay ka sa mansion, ganito ang binili mo."
Lumapit si Cale sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. Sumandal siya sa katawan nito na kaagad ding hinaplos ang tiyan niya.
"Ang laki na ng baby ko." Hinalikan ni Cale ang gilid ng noo niya. "Malapit nang lumabas, Kea, at kinakabahan ako."
Hindi alam ni Keanna ang ibig sabihin ni Cale. "Bakit?"
Malalim na huminga si Cale. "Can I be a good dad? Kaya ko bang ibigay lahat sa kaniya? Kaya ko ba siyang alagaan? Am I ready? I know I don't have a choice because she's here, pero kakayanin ko kaya? I want to. Gusto kong kayanin, but I am scared that I might fail as a father. What if I g—"
"Kaya mo." Humarap si Keanna at hinaplos ang pisngi ni Cale. "Alam mo, pareho tayo ng mga tanong, pero alam ko naman na kakayanin ko kasi kasama kita. Alam ko na hindi ako mahihirapan kasi nandito ka. Nagbabasa ako sa internet para sa mga first time parents. Mahirap naman daw talaga. Magiging challenging, pero mas magiging magaan kung dalawa tayo."
Hindi nagsalita si Cale at tinitigan lang si Keanna. Matagal na matagal bago niya ito hinalikan sa noo at niyakap nang mahigpit na mahigpit.
Tumingala si Keanna at tinitigan si Cale. Nararamdaman niya ang paghaplos nito sa likuran niya habang nakayakap sa kaniya. Maingat na maingat pa nga.
Cale hugged Keanna as if she was a vulnerable glass doll, and she wondered what it would be like if he were already holding their baby girl.
↻ ◁ II ▷ ↺
Another month passed, and Keanna fully adjusted. It wasn't easy, but Cale made everything lighter.
Simula rin nang magsama na silang dalawa, mas madalas na si Cale ang kumikilos. Sa pagluluto, ito na ang nakatoka at gustuhin man ni Keanna na siya naman sa paghuhugas ng pinggan, hindi ito pumapayag.
Katatapos lang nilang kumain ng almusal dahil aalis sila para sa checkup. Nakakadalawang meeting na rin sila sa bagong OB-GYNE niya na siyang magpapaanak sa kaniya.
Sa Laurent Medical Center na sila nagpupunta. Nabanggit ni Cale sa kaniya na mayroong VIP access ang mga Karev kaya sa ibang hospital wing sila nagpupunta.
Nalaman ni Keanna na halos mga kilalang tao ang mga naroon. Kadalasan ay mga artista, pulitiko, at mga kilalang tao na halos nagtatago. The hospital was private but would office free to those in need. It was more like a charity and people inside the VIP were donating.
Nakahiga si Keanna at nakatingin kay Cale na nakaupo sa sofa. Mayroong malaking monitor sa harapan nito para makita ang anak nila.
"Malapit na tayo!" nakangiting sabi ng babaeng doctor. "The baby is healthy and normal ang size niya. Puwede ka na rin magsimulang maglakad-lakad. Malapit na rin kasi tayo para hindi ka masyadong mahirapan manganak."
"You heard the doctor, Keanna," Cale squinted. "Maglalakad tayo every morning. Hindi na puwede ang excuses."
Natawa si Keanna pati na rin ang doctor.
Sinabi rin ng doctor sa kanila na ipaaayos na nito ang mga kakailangan nila sa mga susunod.
Nanlaki ang mga mata ni Keanna nang dalhin sila sa kwartong napili ni Cale. Nilingon niya ito na nakasandal sa pader at nakikinig sa admin staff na dini-discuss ang kabuuan ng kwarto.
Ang buong kwarto ay mukhang condo. Bukod sa main room para sa kanya, mayroong visitor's room, maliit na sala na mayroong malaking TV at consoles, kitchen, at bathroom na parang pang-hotel.
Nang iwanan sila ng staff, naupo si Cale sa sofa.
"Caleigh, puwede naman tayo sa maliit lang na kwarto," sabi ni Keanna. "Hindi practical 'to, Sweetheart. Masyado 'tong malaki at ayokong alamin 'yong price."
Ngumiti si Cale at lumapit sa kaniya. Hinila siya nito papunta sa sofa. Si Cale ang naupo at hinalikan ang tiyan niya.
"Once lang ako mag-splurge, please?" Cale caressed Keanna's bump. "I won't care about the price as long as comfortable ka. Gusto kong paglabas ni baby, kumportable kayong dalawa. Kahit ito lang. Hindi ako bibili ng bagong car, promise."
Umirap si Keanna. Car was one of Caleigh's weaknesses. "Hindi ako naniniwala."
"Promise." Cale stared at Keanna. "Let me splurge on this hospital room, for other things our baby needs, and anything na kailangan natin sa bahay. Hindi ako bibili ng sasakyan for two years."
"Cale." Natawa si Keanna at maingat na naupo sa gilid ni Cale. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Every three months kang nagpapalit ng sasakyan at alam ko na mabilis kang magsawa."
Cale's face softened. "I can adjust and sacrifice. Hindi na puwede 'yong noon. Una, nag-set na tayo ng budget. Pangalawa, we have a little one to attend to. Three, hindi na ako puwedeng mag-sports car. I actually searched for a car na good for family. Nabayaran ko na 'yon last week and for final custom touches na lang ng Criso Cars, so hindi na siya kasama ngayon."
Malalim na huminga si Keanna at natawa. Okay. Talo na naman siya.
"Last na 'yan," Keanna gazed at Cale. "Kapag ikaw hindi sumunod sa budget natin, hindi tayo bati talaga."
Umiling si Cale at natawa. Nahiga siya at ginawang unan ang legs ni Keanna na kaagad namang sinuklay ang buhok niya.
"I wonder kung sino ang magiging kamukha ni baby." Tumingin si Cale kay Keanna. "I think, magiging singkit siya 'cos Tomihari's eyes are too obvious. Hindi na ako magugulat kung kayo ang kamukha."
"What if kami nga?" tanong ni Keanna.
Cale kissed Keanna's tummy. "Okay lang. At least may dalawa akong singkit sa bahay."
Natawa si Keanna at nagpatuloy sila sa kwentuhan tungkol sa puwede nilang gawin sa bahay nila.
Na-deliver na rin ang crib na pinagawa ng tatay niya sa Baguio. Nalungkot siya dahil looking forward sana itong magamit ng baby niya ang crib, pero mas piniling dalhin sa Manila.
Nag-suggest na lang ang nanay niya na magpagawa ng isa pa para sa Baguio tuwing bibisita sila.
Dahil doon, naramdaman ni Keanna ang lungkot. Mahirap sa kaniyang lumayo sa mga magulang niya, pero tama ang mga ito. Bumuo na siya ng sarili niyang pamilya at hindi naman talaga sila forever na magkakasama.
Sa gamit ng baby, kumpleto na sila. Bukod sa mga regalong natanggap nila, nakabili na rin sila ng mga kailangan pa.
Nagulat si Cale nang biglang suminghot si Keanna. Binabaybay nila ang daan pauwi at hindi niya alam kung ano ang nangyayari kaya nang tumigil sila sa red light, kaagad niyang hinawakan ang kamay ng asawa.
"What's happening?" Cale worriedly asked.
"Biglang nag-sink in sa 'kin, e," Keanna sobbed like a little child. "Sandaling-sandali na lang, magkaka-baby na tayo. Parang ngayon ko naramdaman 'yong kaba, takot, at 'yong thought na hindi ko alam 'yong gagawin ko."
It was also Cale's dilemma the past few days. "We're gonna be okay," he kissed the back of Keanna's hand. "Sabi mo nga, magkasama tayo. We'll be okay, Kea. We will."
Tumango si Keanna at humigpit ang hawak ng kamay sa kaniya. Maingat siyang nagmaneho habang paminsan-minsang nililingon ang asawa niyang sumisinghot pa rin.
The speaker played something, and they gazed at each other.
"Hi, Kea." It was him.
"Ano 'yan, Caleigh?" Keanna was confused.
"Listen to it," Cale smiled and focused on the road.
Diretso ring nakatingin si Keanna sa daan. Hapon na, palubog na ang araw, at tahimik pa bago may tumugtog na gitara.
"I am recording this because tomorrow, we'll get married. No words can describe how I love you so much, Keanna. See you tomorrow, Sweetheart." Nagpatuloy ang tugtog mula sa gitara and started singing a song.
It was She Chose Me by Bruno Major.
From time to time I ask myself
Why was it I and not someone else?
The most beautiful girl in all of the world
And she chose me
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top