Chapter 21

Keanna's hand literally shook upon checking the song; she only stared at the music video while listening to it. Her eyes pooled with tears and her heart pounded.

She had been looking forward to marrying Cale but never imagined what it would feel like.

The door opened, and Keanna met Cale's eyes. The song was still playing on loop.

A lone tear rolled down, and Keanna smiled at Cale. Ni hindi niya nagawang magsalita. Cale, on the otherhand, walked toward her.

Nanatiling nakaupo si Keanna sa gilid ng kama nang bigla na lang lumuhod si Cale sa harapan niya. May luha rin ito sa magkabilang mga mata habang nakatitig sa kaniya.

"Wala akong dalang singsing, Keanna. Hindi pa ako nakakabili, that's the truth. I dated you because I wanna get to know you. Hindi tayo nagsimulang kasal kaagad agad ang gusto ko. We dated to get to know each other deeper, and we did," Cale sniffed. "When I finally met you, I knew I was with the right person. That you are the only person . . . I wanna be with. Marriage was far from our plans, Keanna."

Keanna's chin vibrated.

"I know that the baby shouldn't be why we're getting married, sweetheart." Nakahawak ang magkabilang kamay ni Cale sa kama. "I wanna marry you because I love you. I wanna marry you. I want to do everything with you."

"Cale," Keanna sobbed.

"You are the only person I wanna share my favorites with. All of it," Cale looked down and sobbed. "Keanna, do you wanna marry me? N-No rush. Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa ready, but whenev—"

"Gusto ko," sagot ni Keanna at sinapo ang pisngi ni Cale. Pinagdikit niya ang noo nilang dalawa. "Gusto kitang pakasalan. Gusto ko ring i-share sa 'yo lahat ng favorites ko. G-Gusto ko rin 'yung coffee dates."

Cale's face softened, and tears fell when he shut his eyes. "I really want to build a family with you," he chuckled and kissed Keanna's cheek. Sinabayan niya ang kantang naka-play. "I-I say will . . . you . . . marry me?"

Keanna nodded and wrapped her arms around Cale's neck. Nakaluhod pa rin ito sa harapan niya habang nakaupo siya sa kama. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at mahinang umiyak.

Naramdaman niya ang paghaplos ni Cale sa likuran niya na isinubsob din ang mukha sa balikat niya.

"Let's eat?" Cale whispered. "Lalamig 'yong sabaw. Nakapili ka na ba ng movie? We can eat while watching."

Umalis si Keanna sa pagkakayakap kay Cale at tumango. Matagal silang nakatingin sa isa't isa, ngumiti, at mahinang natawa habang pinupunasan nito ang luha niya.

"Also," ani Cale habang nakatitig kay Keanna. "I asked Kuya Sarki and Tito Keanu about this. I asked kung puwede na ba kitang ayaing magpakasal. I asked Tita Tadhana if . . ." Humikbi si Cale at ngumiti. "I asked if she's willing to let go of you if you said yes."

Natawa si Keanna. "A-Anong sabi nila?"

"Kuya Sarki was okay with it. Tito Keanu was fine with it, too. But Tita Tadhana said she wasn't ready," Cale pinched Keanna's cheek. "Looks like hindi ka pakakawalan ni Tita."

Hindi alam ni Keanna ang magiging reaksyon. Matutuwa ba siya dahil walang issue at alam niyang nabibiro lang ang nanay niya o malulungkot dahil malalayo na siya sa mga ito kapag nagpakasal na sila ni Cale?

Keanna said yes to marrying Cale. No second thoughts, no questions asked, she wanted it, too. Mahal niya si Cale at gusto rin niyang bumuo ng pamilya kasama ito.

Cale had always been caring. Walang naaalala si Keanna na matinding away nila dahil palagi nilang kinakausap ang isa't isa. Nagkamali lang siya sa parteng itinago niya ang pagbubuntis para sana sa pangarap nito na umpisa pa lang, alam na niya.

Sa naisip, nilingon niya si Cale na seryosong nanonood ng movie. Tumingin ito sa kaniya at nagsalubong ang kilay.

"Why?" Cale worriedly asked.

"Nagsisisi ka ba?" tanong ni Keanna. "Hindi ako masasaktan, gusto ko lang malaman."

Nagtaka si Cale sa tanong ni Keanna. "Nagsisi saan?"

"Na hindi tayo naging maingat. Na hindi tayo gumamit ng protection. Withdrawal wasn't the ideal contraception, pero iyon ang ginawa natin," ani Keanna. "Naging careless kasi tayo."

"Ikaw? What was your thought when you found out about the baby?" Cale asked. "Be honest."

Malalim na huminga si Keanna at kinagat ang ibabang labi. "May pagsisisi. Sakto pang nalaman ko noong paalis ka na. Naisip ko na hindi tayo nag-ingat, naging kampante tayo, na puwede naman sanang ma-prevent kung naging mindful tayo. Pareho kasi tayong hindi ready. We didn't practice safe sex."

Cale nodded. "Same thoughts. When I found out, nasaktan ako na nagsinungaling ka. Nasaktan ako na itinago mo, pero mas nasaktan ako na nagsinungaling ka dahil hindi ako sanay. And I know you don't lie, Kea."

Mapait na ngumiti si Keanna dahil mahirap din naman para sa kaniya iyon. Hindi sila pinalaki ng mga magulang nilang sinungaling at ang paglilihim kay Cale tungkol sa ipinagbubuntis ay humantong sa pagkakataong ayaw na niya itong makausap para hindi makagawa nang kahit na ano mang rason.

Nagpatuloy sila sa panonood ng movie hanggang sa maramdaman ni Cale na nakatulog na ulit si Keanna. Siya na ang nag-ayos ng mga pinagkainan nila at naabutan si Sarki sa kusina.

"So, pumayag ba?" Sumandal si Sarki sa counter at sumimsim ng kape habang nakatingin kay Cale.

Tumango si Cale. "Oo, Kuya."

"Kelan n'yo plano?"

"Hindi pa po namin napag-uusapan 'yong tungkol doon. Si Kea po ang pagdedesisyonin ko sa part na 'yon. Hindi ko kasi sigurado kung gusto ba niyang magpakasal bago manganak o pagkatapos na lang. Either way, I'm good." Cale smiled. "Akyat po muna ako."

"Cale."

Tumigil sa paglalakad si Cale at hinarap si Sarki.

"What's your plan for New York?" Sarki asked.

"Wala po," ani Cale at ngumiti. "Mas gusto ko na lang dito. Pinag-isipan ko na rin namang mabuti. Hindi naman ganoon kaimportante. It was my dream. Was. Am I happy na nakapasok ako sa dream university ko? Oo. Magiging masaya ba ako na nandoon ako tapos nandito si Keanna at ang baby namin? Hindi. So I stayed."

Tumango si Sarki at nagpaalam naman si Cale.

Nag-message siya sa group chat nilang pamilya na hindi siya natuloy at nasa Baguio siya. Suportado ng mga ito ang desisyon niyang hindi na umalis pati na rin ang possible proposal niya kay Keanna.

Hindi namalayan ni Cale na nakatulog din siya at naalimpungatan nang magising na wala si Keanna sa tabi niya. Kaagad niya itong hinanap sa buong bahay, pero wala hanggang sa makita niya ito sa garden, umiinom ng mango shake.

"Hi." Keanna widely smiled. "Gusto mo?"

Umiling si Cale at naupo sa katapat na upuan ni Keanna. "Kanina ka pa gising?"

Tumango si Keanna. "Yup. Wala akong magawa, e, kaya lumabas muna ako. Buti rin, hindi umuulan. Bihira lately ang medyo maaraw."

Sinuklay ni Cale ang buhok gamit ang sariling daliri habang nakatitig kay Keanna na ipinalilibot ang tingin sa lugar. Dumaan ang lungkot sa mga mata ng girlfriend niya.

"Something wrong?" Cale worriedly asked.

Kea shook her head. "Naisip ko lang kasi na kapag kinasal tayo, siyempre sasama ako sa 'yo. Nasa Manila ang buhay mo kasi may company kayo roon. So ang mangyayari, maiiwan ko ang Baguio."

Cale didn't say anything.

"Magiging unfair sa 'yo kung ipipilit kong dito tayo titira sa Baguio, kaya ako na lang ang sasama sa 'yo. Masasanay rin naman siguro ako, 'di ba?" Keanna murmured. "Sorry, ha? Nag-iisip lang ako, 'wag mong pansinin." She giggled.

"It's valid." Cale stood up and sat beside Keanna.

He intertwined their hands, and Keanna rested her head on Cale's shoulder.

"Dito ka lumaki. This place is your home, so I get it," Cale breathed. "Naalala mo ba noong first months natin na napag-usapan natin 'to? Na kung saan tayo titira kung sakali mang maging mag-asawa tayo? Manila is my home, Baguio is yours. Tapos nag-joke tayong dalawa na kahit mag-asawa na tayo, we'll do the long distance relationship kasi mahirap iwanan ang nakalakihan natin?"

Natawa si Keanna, pero naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. Hindi puwede iyon. It was a joke and now that it was happening, she knew she needed to decide.

"We need to sacrifice," Cale murmured and caressed Keanna's hand using his thumb.

"Alam ko," ani Keanna at bahagyang humiwalay kay Cale. "Ako ang mag-a-adjust kasi hindi ka puwede rito sa Baguio. Hindi basta-basta ang buhay mo roon at naisip ko rin naman, puwede naman tayong magpunta rito anytime na gusto natin."

Cale started at Keanna and didn't say a word.

"Sasama ako sa 'yo. Medyo malaking adjustment sa part kong hindi ko na kasama sina nanay, pero ganoon talaga, e," Keanna sniffed and smiled. "Magiging okay lang naman tayo, 'di ba?"

"Oo naman," paniniguro ni Cale. "Kung gusto mo, every weekends tayong nandito. Walang problema. I'm sorry, Keanna, that I wouldn't be able to volunteer to stay here."

Ngumiti si Keanna at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Cale. "Wala 'yon. Naiintindihan ko naman. Ako ang sasama sa 'yo, Caleigh."

Nakahinga nang maluwag si Cale dahil sa sinabi ni Keanna dahil isa iyon sa iniisip niya buong magdamag kung sakali mang pumayag ito sa alok niyang kasal. Hindi pa nila totally napag-uusapan kung saan sila magse-settle down dahil na rin sa situwasyon niya.

Inakbayan niya si Keanna at hinalikan ito sa noo.

"May kailangan din pala akong itanong," basag ni Cale sa katahimikan. "About the wedding."

Humiwalay si Keanna at tumingin sa kaniya. "Bakit?"

"Just . . . asking if you wanna get married before or after the baby is born. Kahit ano'ng maging desisyon mo, okay lang ako. But we will live together regardless of your decision," Cale said.

"Pinag-isipan ko rin 'yan kanina. Kung okay lang sa 'yo, gusto kong magpakasal bago manganak. Medyo malaki ang tiyan ko, medyo maga ang nose ko, medyo manas ang mukha ko," ani Keanna at hinaplos pa ang pisngi, "pero okay lang naman sa 'kin. Ikaw ba?"

Cale chuckled and held Keanna's bump. "The earlier, the better. Para at least, wala na tayong ibang pipirmahan or poproblemahin sa birth certificate ni baby. Wait, may process bang iba kapag hindi pa kasal? Anyway, I'm not interested. Whatever happens, doon na lang tayo."

Keanna agreed. If they could fix the wedding as early as possible, they would.

Kinagabihan, nakausap nilang dalawa ang parents nila. Nasa sala sila at kasama nila ang parents ni Cale via video call. Nagpaalam silang dalawa tungkol sa planong kasal.

"So, saan n'yo planong magpakasal?" tanong ng mommy ni Cale.

"We talked about getting married here in Baguio, Mom," Cale responded. "We want it simple with family and close friends lang po. Is that okay?"

Nag-agree ang lahat sa gusto nilang kasal.

At dahil kasama sa businesses ng mga Tomihari ang events planning, kaagad na tinawagan ni Tadhana at Keanu ang mga makatutulong tulad nina Fidel, Zeke, Blair at Juancho, at ilan pang close friends nila.

"Keanna, I'll let Yannica and Winslet know about the wedding. Kung sakali man, baka magpunta sila riyan para masukatan ka for the gown," ani Niana.

Habang nilalapag ng mga magulang nila ang mga puwedeng gawin, tahimik lang na nakikinig sina Keanna at Cale dahil parang halos wala na silang aasikasuhin.

Everyone around them—their parents and their friends—could do anything. Nope . . . everything.

. . . so they decided to chill. Sinabi na lang nila kung ano ang gusto nila para sa kasal at kahit ano ang gusto nila, mayroong puwedeng tawagan.

Hinalikan ni Cale ang gilid ng noo ni Keanna habang pinakikinggan at pinanonood ang mga magulang nilang magkwentuhan.

"Mas excited pa sila," bulong ni Keanna kay Cale. "Sabi mo, hindi pa ako ready na pakawalan ni nanay? Tingnan mo nga, siya pa taga lista."

Cale chuckled. "Looks like we're just gonna wait 'til the wedding. Mukhang sila na ang bahala. Okay lang, at least you're not stressed."

"By the way," nilingon ni Keanna si Cale. "Cool ng wedding proposal mo. Like how we started."





↻ ◁ II ▷ ↺





For two weeks, Cale stayed with Keanna in Baguio. Naobserbahan niya ang pagbubuntis nito at minsan siyang natatawa dahil madalas na kumakain.

Keanna gained some weight and her cheeks were fluffier. Natutuwa si Cale at hindi rin niya ito nire-restrict unless hindi puwede tulad ng masyadong matatamis.

May limitasyon sa pagkain para hindi magkasakit, pero hindi rin niya pinipigilan.

"Are you ready?" Nilingon ni Cale si Keanna na katatapos lang mag-suot ng oversized shirt at leggings. "After check-up, do you wanna go somewhere?"

Napaisip si Keanna. "Parang gusto kong puntahan 'yong venue para sa kasal. Alam mo, ang ganda ng view roon. Noong nakita 'yon ni Tito Juancho, binili kaagad niya, e."

"I agree," sagot ni Cale. "Sige, we'll go there after."

Dalawang linggo na simula nang mapag-usapan ang kasal at dalawang linggo na lang din at ikakasal na sila. Isang buwan ang inilaan nila para sa kasal kaya minamadali ang lahat.

"Kinakabahan pala ako sa dress ko," ngumuso si Keanna. "Pero sinabi ko naman kina Tita Win and Tita Yani na maging adjustable 'yong dress ko. Parang . . . parang bigla akong naging conscious."

"Don't be. You're pregnant and your body will change," Cale assured. "Tara na? Baka ma-late tayo sa checkup. Traffic pa naman sa city. One thing in common talaga ang Manila at Baguio ay ang traffic."

Natawa si Keanna dahil may katotohanan naman iyon.

Habang nasa sasakyan, hinahaplos ni Keanna ang tiyan niya. May kalakihan na iyon at paminsan-minsan na siyang nahihirapan lalo na at madalas siyang inaantok.

Nilingon niya si Cale na hinawakan din ang tiyan niya. Palagi nitong inaabangan ang paggalaw ng anak nila at nakatutuwang tumityempo naman talaga.

"She's getting bigger," Cale gazed at Keanna with a smile.

"Oo nga, e. Kung kailan din naging third trimester, saka naman ako madalas na inaantok." Nagkunwari si Keanna na nalungkot. "Hindi na ako nakakapasok sa work, baby, ha? Masiyado na tayong antukin."

Ngumiti si Cale at nilingon si Keanna. "Kapag nanganak ka na, you'll rest more. Ako naman mag-aalaga sa kaniya."

"Are you sure?" Keanna frowned. "Baka tulugan mo lang ako, e. Ganoon kasi 'yong mga nakikita kong daddy sa internet. Natutulog sila."

"Of course, I'll help you with our baby girl," Cale said in a low voice. "Magiging hands-on ako sa baby girl natin, sa 'yo rin mismo. Dad taught me one thing. Growing up, hindi naging hindrance ang work niya sa amin ni Ate Vianne. He was always present. Sa business trips niya, kasama kami. For dad, puwede ka namang hindi mamili between work and family. Hindi panglahatan, pero dahil kaya niya, pinili niya both."

Keanna agreed. "Ganiyan din si tatay, e."

"See? Not everyone is like those men you saw on the internet," Cale said. "My dad and your tatay are the examples. I won't promise to be like them, but I will try."

Yumuko si Keanna at nakatingin sa kamay niya. Suot niya ang singsing na ibinigay ni Cale. Simple lang iyon at hindi malaki ang bato dahil hindi rin siya sanay.

Pero dumako ang tingin niya sa kamay ni Cale na nakalapat sa tiyan niya. Sinulyapan niya ito at nakangiti habang payapang nagmamaneho.

Kung noon, nasa steering wheel ang isang kamay ni Cale at ang isa naman ay nasa legs niya . . . sa pagkakataong iyon, nasa tiyan niya at hinahaplos pa iyon.

Biglang naalala ni Keanna ang naisip. "Sweetheart, may naalala pala ako. Ayoko sanang may maid tayo. Ayokong may ibang mag-aalaga sa baby at ayokong umasa tayo sa ibang tao pagdating kay baby."

Tumango si Cale at pinagsaklop ang kamay nila. "Of course, we'll do that. Also, nagustuhan mo ba 'yong bahay na pinakita ko sa 'yo noong isang araw?"

"Oo. Basta ayokong masyadong malaki," ani Keanna. "Gusto ko siya kasi isang floor lang tapos ang liit lang. Sakto lang siya para sa 'tin kasi gusto ko rin na malaki ang garden para may play area."

Nang tumigil sila sa red light, hinalikan ni Cale ang pisngi ni Keanna. "I'll buy it. Sinabi ni Tito KA na whenever we're ready, puwede ko na siyang bilhin. I chose that village 'cos it's one of the most secure. Doon nakatira ang family nila Yuan, nila Kuya Gabo, ng mga Laurents."

Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Di ba nandoon din sina Julien?"

"Yup! As far as I know, may properties ang mga Legaspi roon. Not sure, pero nabanggit ni Aston noong huling kita namin," dagdag ni Cale. "So I would guarantee that the place is safe."

"Thank you," Keanna smiled at Cale. "For prioritizing our baby."

Cale frowned. "Our baby and you."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys