Chapter 2

Cale stared at Keanna who was reading a book using her Kindle. Nakahiga ito sa sofa ng opisina niya dahil mayroon siyang kailangang tapusing report na ipapasa kinabukasan.

Bago pa man niya sabihin kay Keanna na may isang linggo silang magkasama, tinawagan na muna niya ang daddy niya kung puwede ba siyang manghingi ng off na kaagad naman nitong ibinigay.

He automatically smiled when Keanna almost shut her eyes but didn't.

"Kea, you can sleep." Cale started typing some emails regarding his leave. "I'll just wake you up."

"Ayaw ko." Umiling si Kea at tumayo. Tinanggal niya sa pagkakatali ang mahabang buhok. "Matagal ka pa?" Sumibi siya.

Ngumiti si Cale at umiling. "Just one more email, sweetheart."

"Okay." Kea walked toward Cale and hugged him from behind. "Classified?" She was talking about the email.

"Not really." Cale held Kea's hand. "Just stay like that."

Ipinatong ni Kea ang baba niya sa balikat ni Cale habang nakaupo ito sa swivel chair at busy sa ginagawang email.

Hindi niya binabasa ang laman niyon dahil nakatingin siya sa wallpaper ng laptop nito na picture din nilang dalawa.

Amoy na amoy ni Kea ang pabango ni Cale at na-miss niya iyon. Mayroon siya sa kwarto, pero iba kapag kay Cale niya mismo naaamoy.

"Baka magalit si Tito na hindi ka papasok?" bulong ni Kea.

"I actually told him that you're here to visit, and I asked for time off, and he agreed," Cale responded and backed up to kiss Keanna. "One week, sweetheart."

Mas humigpit ang yakap ni Kea bago humiwalay kay Cale para bigyan ito ng space at matapos na ang trabaho.

Bumalik siya sa pagkakahiga sa sofa at pinanood kung gaano kaseryoso si Cale sa ginagawa. Bukod sa email, pumirma rin ito ng mga papeles.

Kumain na rin muna silang dalawa bago ito bumalik sa trabaho. Madilim na sa labas, maingay na ang Metro, at walang idea si Keanna kung ano ang oras ng uwi nila.

Medyo wavy ang buhok ni Cale na may kahabaan kaya bahagyang natatakpan ang mga mata at nakahati sa gitna. Palaging sinusuklay ni Cale ang buhok gamit ang mga daliri.

Nagkukunwaring nagbabasa si Keanna, pero nakatingin lang siya sa kasintahan. Ibang-iba ang aura nito kapag nasa opisina habang nakasuot ng tuxedo na alam niyang mamahalin.

Kapag silang dalawa ang magkasama, simpleng poloshirt, hoodie, at minsan ay T-shirt pa nga na walang kahit na anong tatak lang ang suot nito.

"Keanna," Cale got her attention. "Singkit ka, pero alam kong nakatingin ka."

Keanna pouted. Cale didn't even look at her, yet he knew she was swooning.

"Feeling ka," Keanna uttered.

Cale chuckled and continued typing.

Kea just smiled and faced her Kindle. Hindi naman talaga siya nagbabasa. Gusto lang niyang magmukhang busy para hindi mag-isip si Cale na nabuburyo na siya kahit na ang totoo, ganoon na nga.

Pumikit si Kea at inalala kung paano sila nagsimula ni Cale.

Nagsimula sa playlist hanggang sa araw-araw nang mayroong bagong kanta. Messages kung saang timestamp ng mensaheng gusto nilang iparating na pati ang pagsabi ni Keanna na sila na ni Cale ay idinaan pa sa kanta.

Pagod na si Keanna at gusto na niyang matulog, pero sulit naman ang pagmaneho niya at ilang oras nang gising dahil kasama niya si Cale.

Sandaling huminto si Cale sa ginagawa at tinitigan si Keanna na nakapikit. He was thankful that his girl visited him, but a little shy that she had to travel hours for them to be together.

He didn't know if it was worth it on Keanna's part, and he hoped it was.

Inisip ni Cale na sana ay walang pagsisising naramdaman si Keanna lalo na at sa unang araw nito sa Metro, busy pa rin siya.

Nang matapos sa ginagawa, pinatay ni Cale ang laptop niya at inayos ang mga papeles para madaling maasikaso ni Aya kinabukasan lalo na at wala siya.

Cale stretched and gazed at Keanna, who fell asleep. It was already ten in the evening. He had already wasted hours.

Sumandal na muna si Cale sa lamesa niya at naka-cross arms na nakatingin kay Keanna. Ayaw niya itong magising dahil halata ang pagod.

Keana was wearing a simple blue jean paired with a dark pink shirt with buttons on her chest. Wala naman itong pakialam sa lamig ng opisina niya dahil sanay na sanay pa nga.

Nakatagilid na nakahiga si Keanna yakap ang Kindle. Naupo naman si Cale sa space at hinaplos ang buhok ng girlfriend niya.

"Kea?" mahinang sambit ni Cale dahil ayaw niya sana itong gisingin. "Sweetheart? Uwi na tayo?"

"Hmm."

Cale chuckled and bit his lower lip. "Kea? Let's go?"

"Tapos ka na?" Kea murmured in her sleepy voice. "Uwi na tayo, please? Sakit na ng katawan ko, Caleigh."

"Yup." Cale tucked Keanna's hair behind her ear. "Let's go home."

Maingat na bumangon si Keanna at inihiga ang ulo niya sa balikat ni Cale. Pareho silang tahimik. Nararamdaman niya ang paghaplos ng hinlalaki nito sa baywang niya na nakapalibot sa kaniya.

Cale kissed the side of Keanna's head. "I'm sorry," he whispered.

"Okay lang," sagot ni Keanna at humiwalay kay Cale. "Uwi na tayo. Gusto ko nang maligo at mahiga. Please?"

Tumango si Cale inalalayan si Keanna na tumayo. Nagpatawag na lang siya ng driver na maghahatid sa kanila sa mall kung saan naka-park ang kotse ni Keanna. Mabuti na lang din at mayroong overnight parking sa lugar.

They used Keanna's car, and Cale drove.

They started talking about their day, as usual. Ikinuwento ni Keanna ang experience niya sa driving at nakuwento naman ni Cale ang tungkol sa mga meeting niya sa maghapon.

Tumagilid si Keanna habang nakatingin kay Cale na nagkukuwento. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa manibela at ang kanan naman ay sa legs niya.

"Why are you looking at me like that?" Cale gazed sideways with a subtle smile. "Hey, naiilang ako."

"Bakit ka naiilang?" Natawa si Keanna. "Na-miss kita."

Cale faintly smiled and intertwined their hands together before lifting it up for a kiss. Matagal na matagal na nakalapat ang labi ni Cale sa likod ng kamay ni Keanna.

"I'm sorry for being busy lately, sweetheart." Cale sounded down. His deep voice literally vibrated on Kea's hand. "I'm so sorry."

"Uy." Binawi ni Keanna ang kamay at siya naman ang humalik sa kamay ni Cale. "Okay lang. Mas madalas naman na ikaw ang nagpupunta sa Baguio noon, e. Okay lang, ako naman."

Hindi sumagot si Cale at diretsong nakatingin sa daanan. Hindi na rin muna nagsalita si Keanna, pero hindi niya binitiwan ang kamay ni Cale.

Sa mansion ng mga Karev nakatira si Cale. Kung ang iba ay nakabukod na o kaya naman ay may sariling condo, nag-decide si Cale na sa mansion lang sila—sila ng ate niya.

Malaki naman ang bahay nila, komportable naman, at hindi naman sobrang layo sa opisina.

Ma-traffic, oo, pero mas gusto ni Cale na nakakasama niya sa dinner o breakfast ang mga magulang niya.

Breakfast was actually the most important meal for the Karevs. Not because it was healthier, but because it was the time they were complete. They would talk about things while having breakfast, becoming their bond.

And Cale loved talking to his parents, too.

Tahimik ang kotse, pero tumutugtog ang kantang this is how you fall in love nina Jeremy Zucker at Chelsea Cutler.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, sabay na lumingon sina Keanna at Cale sa isa't isa. The car stopped. The light was red, and Cale immediately wrapped his arms around Keanna's shoulder, kissed her forehead, and didn't let go until the light turned green.

The song was slow, and it became more meaningful.

Pagdating sa bahay ng mga Karev, expected ni Keanna na natutulog na ang mga magulang ni Cale, pero naghintay pala ang mga ito sa kanila.

Hawak ni Cale ang maleta ni Keanna at ipinakuha naman sa helper ang mga box na bitbit niya.

Sumalubong kaagad ang parents ni Cale sa kanila.

"Ang dami!" natatawang sabi ni Niana, ang mommy ni Cale. "Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng pork steak na maraming sibuyas dahil paborito ni Kea."

Kaagad na niyakap ni Keanna si Niana. "Hello po, Tita. Sorry po late na rin po kaming nakarating."

"Walang problema, 'no? Pagkasabi ni Cale na nandito ka sa Metro, na-excite ako kasi ang tagal na rin natin hindi nagkikita!" dagdag pa ni Niana. "Magpapahain ako, ha? Bawal tumanggi."

"Mom, we're a—"

Nilingon ni Keanna si Cale at pinanlakihan ito ng mata para patigilin sa pagsasalita.

"Okay lang. Kakain tayo, Caleigh. Gutom kaya ako!" Hinarap ni Kea ang daddy ni Cale na nasa tabi ng mommy nito. "Good evening po, Tito."

Nagmano si Keanna kay Cavin, ang daddy ni Cale.

"Kumusta ang biyahe mo? Sana sinabi mo na pupunta ka rito sa Metro para kahit hindi ka nasundo ni Cale, nagpadala na lang kami ng susundo sa 'yo." Umakbay si Cavin kay Niana.

"Naku, hindi po. Na-enjoy ko naman 'yung driving ko kanina kasi matagal-tagal na rin po 'yung huli," ani Keanna.

Tumango-tango si Cavin. "Ang dami mong dala!"

"Opo. G na g kasi si Nanay!" natatawang sagot niya. "Si Ate Vianne po?"

Kaagad na nagbago ang expression ng mukha ni Cavin, pero bumawi kaagad ng ngiti. Si Niana naman ang sumagot.

"Wala, e. Baka kasama niya pa sina Olga. Tara, kain na muna kayong dalawa!" pag-aya ni Niana kina Cale at Keanna.

Tapos nang kumain ng dinner ang mga magulang ni Cale, pero sumabay pa rin sa kanila. Kumakain ang mga ito ng ube na dala niya pati na ng strawberries na isinasawsaw sa asin.

Keanna low-key observed Cale's parents. Sweet ang mga ito tulad ng parents niya. It wasn't the cringey type of sweetness; it was the sweetness she and Cale would want.

"Mabisita nga si Tadhana sa susunod," natatawang sabi ni Niana. "Aayain ko siya sa ukay-ukay. Napakagaling mamili ng damit n'on, e."

"Sinabi mo pa, Tita. Halos lahat ng damit ko, galing UK ni Nanay. Kapag hindi siya busy dahil kami na nga ang nag-take over ni Kuya Saki sa Destin, nasa ukay sila ni Tatay." Umiling si Keanna.

Cavin shook his head and chuckled. "Tingin ko, Keanu needs a drink whenever Tadhana thought of something after a long day."

"Sure na sure, Tito." Tumango si Keanna. "Sila lang naman ni Kuya Saki ang madalas na mag-shot, pero kasama pa rin si Nanay."

Cale knew that Keanna was sleepy and tired. She was just too polite to decline. Alam din niyang gusto pa ring makipagkuwentuhan ng parents, pero pasimple na siyang sumesenyas sa mga ito para makapagpahinga na si Kea.

Sa tuwing nasa Metro si Kea, sa bahay lang sila ng parents ni Cale nag-i-stay. Wala namang kaso sa mga ito, ganoon din sa mga magulang niya.

Pagpasok sa loob ng kwarto, ibinaba ni Cale ang maleta ni Keanna sa gilid ng pinto at hinila si Kea para yakapin nang mahigpit.

"You tired?" Cale asked.

"Maliligo na muna ako," sagot ni Keanna. "Inaantok na ako kaso ang dami kong nakain. Sarap magluto ng mommy mo."

Cale chuckled against Keanna's shoulder and kissed it. "Go ahead. Ayusin ko muna 'yung damit mo sa closet ko para hindi malukot."

And while inside the bathroom, Keanna saw herself. Mukha na siyang sabog. Ang singkit niyang mga mata ay lalong naningkit dahil sa antok. Hindi naman siya puwedeng matulog kaagad dahil busog.

Keanna took a warm shower.

Sanay siya sa malamig na tubig kapag naliligo, pero kailangan niya ng mainit-init dahil masakit na ang katawan niya. Pinili lang lang din niya ang simpleng puting sando at komportableng shorts para pantulog.

Naabutan niya si Cale na naka-topless na at mukhang susunod sa pagligo niya. Hawak nito ang bag niya at inaayos ang gamit sa office table.

"If you're too sleepy, go to sleep, sweetheart." Cale kissed her forehead. "Or if you can wait for me, better."

"Hintayin kita," bulong ni Keanna at niyakap si Cale. Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nitong exposed. "Nood muna tayo ng movie, busog pa tayo."

Ipinalibot ni Keanna ang tingin sa kwarto ni Cale at mahinang natawa. Kung sa opisina, ang high and mighty ng aura nito, pagpasok naman sa kwarto ay parang sixteen-year-old na nagsisimula pa lang makilala ang mga emo band.

Cale's room was full of band posters such as My Chemical Romance, Fall Out Boys, Panic! At the Disco, and more. May nakasabit din na mga gitara, drumstick, at mga vinyl.

Music was one of the reasons they became close. It became their way of communicating and the bridge to their love for each other.

Natawa si Keanna nang makita ang vinyl cover na pina-personalize pa nito dahil para talaga silang nasa album cover. The vinyl inside was also personalized with Bruno Major's song Nothing.

"Dumb conversations, we lose track of time," mahinang pagkanta ni Keanna nang maramdaman ang dalawang brasong pumalibot sa katawan niya.

"Have I told you lately, I'm grateful you're mine," Cale responded. "Movie, sleep, or make love?"

Humarap si Keanna at hinalikan ang gilid ng pisngi ni Cale. "Sleep, sweetheart. Pagod ako."

Cale chuckled and planted a kiss on the tip of Keanna's nose. "Of course. But we're still a little full, so I guess the movie?"

Keanna nodded and sat by the sofa.

Pinatay na rin muna ni Cale ang ilaw bago tumabi kay Keanna na naghanap ng movie na panonoorin nila na para bang matatapos iyon. He perfectly knew his girlfriend. She would sleep on it, for sure.

And he wasn't wrong. Ten minutes, Keanna already leaned onto him and slept. No complaints, though. He loved finishing a movie while caressing Keanna's hair.

Kinuha ni Cale ang phone niya at nag-message sa mga magulang at kuya ni Keanna na natutulog na ito at maayos lang ang lahat.

Cale thought no one would reply, but surprisingly, Keanu replied by saying thanks. Tadhana replied salamuch and Sarki replied nice.

Panay ang halik ni Cale sa tuktok ng ulo ni Keanna habang pinanonood niya ang movie. Hawak niya rin ang isang kamay nito at nag-iisip kung ano ang gagawin nila sa isang linggo o kung saan sila pupunta.

The movie ended and Cale carefully carried Keanna to his bed. Ipinalinis ng mommy niya ang buong kwarto, pinapalitan ang bedsheet, at sinigurong kumpleto ang gamit ni Keanna.

They sleep together inside his room, and his parents don't mind.

Paghiga ni Keanna, nagulat si Cale nang pumalibot ang braso nito sa leeg niya at niyakap siya nang mahigpit habang nakahiga.

Cale thought Kea would do something, but nothing. Instead, Keanna snorted against his ear, making him chuckle.

"Good night, Kea." Cale unwrapped Kea's arm and kissed the side of her lips. "I missed you so much, sweetheart."

He waited for a response, but he expected a snore.

"As always."



T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys