Chapter 19

Nakatingin si Cale kay Keanna na tinutupi ang mga damit na binili nila. Sumandal siya sa hamba ng pinto at hindi alam kung kakausapin ba niya ang girlfriend niya.

Hindi pa kumpleto ang mga gamit na nabili nila. Hindi naman nila bibiglain lahat at unti-unti lang muna ang pagbili.

It was eight in the evening. Sa labas na rin sila kumaing dalawa bago umuwi. They enjoyed the night because he only had one more night to stay before his flight.

"Sweetheart?"

Nakita ni Cale ang gulat ni Keanna bago lumingon sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Yep? Tulog ka na?"

"Hindi ka pa umiinom ng milk," ani Cale. "Gusto mo ba ng strawberry na may condensed milk o 'yung avocado na dala na lang nila mommy?"

"Avocado na lang," sagot ni Keanna bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Pakilagyan mo ng ice, ha? Gusto kong malamig."

Tumango si Cale bago isinara ang pinto. Sandali siyang sumandal at yumuko dahil kinabukasan, kailangan na niyang sumabay sa mga magulang niya para pumunta sa Manila.

He still had to fix some things about his flight.

Habang naglalakad sila sa Mall noong hapon, hindi niya binibitawan ang kamay ni Keanna. Panay ang titig niya rito dahil mami-miss na naman niya ito.

Malalim na huminga si Cale bago bumaba. Naabutan niya ang parents niya sa living room kasama ang parents ni Keanna. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito.

Dumiretso siya sa kusina at naabutan ang Ate Vianne niya at si Sarki sa kitchen na kumakain ng cornik. Naglalaro ang dalawa ng baraha at mayroon pang mga pera. Mukhang pustahan.

"Laro tayo, Caleigh!" pag-aya ng ate niya.

Umiling si Cale at hinanap ang avocado na nasa counter lang pala. Kinuha rin niya ang tetra pack na condensed milk sa ref at yelo naman sa freezer.

Seryoso niyang hinihiwa ang avocado habang nag-iisip kung paano siya sa mga susunod na araw.

Months ago, leaving Keanna was already hard for him, but leaving his girlfriend again with their baby inside her was even more complicated. His heart clenched, and his breathing became rugged.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa matapos. Hindi na siya nagpaalam sa lahat ng taong nadadanan niya.

Napansin nina Niana at Cavin ang awra ng anak nila. Nagkatinginan sila ngunit hindi nagpahalata. Ang alam nila, maayos na ito at si Keanna, pero pagdating ng dalawa, parehong bumati sa kanila, ngunit pareho ring tahimik.

Dumiretso si Cale sa kwarto ni Keanna at bahagyang nakabukas ang pinto nang makarinig siya nang mahinang pagsinghot mula kay Keanna.

Sumilip siya at nakaupo pa rin ito sa gilid ng kama at nagtutupi ng maliliit na mga damit.

Nagkunwari si Cale na gumawa ng ingay at nakita niya kung paanong nagmadaling magpunas ng mukha ang girlfriend niya. Malalim itong huminga.

"Ang cute niyang banana print," sabi ni Cale na tinutukoy ang hawak ni Keanna na overall na pantulog ng baby. "Hanap tayo noong may strawberry and avocado prints. Favorite mo pa naman."

Ngumiti si Kea at pinakita kay Cale ang maliit na sapatos na ito mismo ang namili.

"Next time, bili tayo ng shoes na pare-pareho tayo tapos sa kaniya, maliit." Ibinaba ni Cale ang bowl sa bedside table at naupo sa kama. "Bibili ako sa New York pagbalik ko."

Sandali siyang tiningnan ni Kea bago ito muling nag-focus sa ginagawa. Kinuha nito ang mga nakatuping damit bago inilagay sa drawer na ipinasadya ni Keanu.

"Sige." Tumikhim si Keanna habang nakatalikod kay Cale. Mabagal niyang inaayos ang mga damit. "Magtitingin din ako online nung mga puwede mong bilhin sa US tapos ise-send ko sa 'yo."

"I would love that," sagot ni Cale.

Nakagat ni Keanna ang ibabang labi at nanatiling nakatalikod. Ayaw niyang humarap kay Cale dahil nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. Alam niya na kapag nagtama ang mga mata nila, posibleng umiyak siya.

Naririnig niya ang mga plastic at malamang nainililigpit na rin iyon ni Cale. Ramdam ni Keanna ang pagod dahil sa paglalakad nila lalo na sa paa niya.

Kahit nang magpaalam siyang mag-warm bath, tahimik silang dalawa ni Cale.

. . . at hindi siya nagkamali dahil kahit na nakahiga na silang dalawa para magpahinga, hindi sila nagkikibuan.

Nilingon ni Cale si Keanna na nakatalikod sa kaniya, hindi tulad noong nakaraang gabi na nakaharap at nakayakap pa nga sa kaniya.

Gising siya at nakatingin sa likuran ng girlfriend niya. Gusto niyang itanong kung gising pa ito, pero hindi rin niya magawa. Ramdam niya ang pag-iwas nitong tumingin sa kaniya hanggang sa maisipan nang mahiga.

Diretsong nakahiga si Cale at nakatingin sa kisame. Nakabukas ang ilaw sa ilalim ng kama ni Keanna, pero dimmed lang iyon. Alam niyang gising si Keanna.

Samantalang tahimik naman na nakatagilid si Keanna. Hindi siya makatulog. Mabigat ang dibdib niya at hindi kayang tingnan si Cale dahil baka umiyak siya. Alam niyang mahihirapan siya sa mga susunod na araw lalo kapag umalis na ito. Alam niyang gising si Cale.

Pareho silang gising, pareho ring tahimik. Ramdam nila ang isa't isa ngunit parehong tahimik na pinakikiramdaman ang bawat isa.


↻ ◁ II ▷ ↺


Nilingon ni Keanna ang mommy ni Cale na nagkukuwento tungkol sa pagpunta nito sa ukay-ukay. Halos buong araw na magkakasama ang parents nila.

Dalawang araw na rin silang naiiwan ni Cale sa bahay dahil sina Vianne at Sarki naman ay umaalis din.

"Nakabili kami ng mga damit ni baby," sabi ni Tadhana. "Nagpahanap talaga ako kay Beng ng mga tutu dresses. Naalala ko tuloy 'tong si Keanna. Noong maliit 'to, binibihisan ng mommy ko ng mga tutu dress."

Natawa si Keanu. "Palibhasa kasi, hindi na-try sa 'yo ni Mommy Virgie! Ayaw mo raw kasi nung mga ganoong damit."

"Ayoko talaga!" singhal ni Tadhana. "Ano 'yon, mukha akong princess? Hindi bagay sa 'kin. Itong granddawter ko, bagay 'to, sure ako. Mukhang manika!"

"Magulat ka, Tita Tadhana!" ngumuso si Vianne at mukha pang kinilig. "Ako ang kamukha!"

"Malakas ang dugo ng mga singkit, Vianne! 'Wag kang pakampante. Tomihari lang malakas!" Nag-flex pa si Tadhana.

Malakas na natawa ang mommy ni Cale.

Sinulyapan ni Cale si Keanna na tawa rin at umayos nang pagkakaupo habang hinahaplos ang tiyan. Tinanong niya kung ayos lang ba ang girlfriend niya, tango lang ang isinagot sa kaniya.

"Malakas din ang dugo ng mga Karev." Dumipensa si Cavin, ang daddy ni Cale. "Tignan mo si Vianne, mukhang manika. Si Cale, malakas din ang foreign features. Hindi na ako magugulat kung mukhang foreigner ang apo natin."

Naningkit ang mga mata ng nanay ni Keanna. "Huwag kang pakampante, Cavin. Mukha rin akong manika noong bata ako."

Umiling si Keanna nang magbangayan sina Cavin at Tadhana. Kung sino man ang maging kamukha ng anak nila ni Cale, kung singkit man o mukhang manika, mukhang magkakaroon ng kantyawan.

Nagpapasalamat din siyang naging maayos ang samahan ng mga magulang nila. Unang pagkikita pa lang, parang ilang taon na ngang magkakakilala. Mas madalas pa ang couple date ng mga ito.

Nang matapos ang dinner, nag-aya ang mga magulang nilang magpunta sa night market. Natatawa silang mga anak dahil walang kapaguran ang mga ito.

Tinatawann naman ni Cale si Vianne na pinaghuhugas ng pinggan ni Sarki. Tinuturuan ito dahil hindi marunong. Nakabasag pa nga.

"Mauna na po ako sa taas," paalam ni Keanna sa kanila.

Sabay-sabay silang tumingin at nilingon ito nang hindi na hinintay ang sagot nila dahil basta na lang itong umalis. Nagkatinginan silang tatlo.

"May LQ ba kayo?" tanong ni Vianne. "Aalis na nga tayo mamayang madaling araw, Caleigh, nag-away pa kayo?"

Umiling si Cale at sumandal sa lamesa. "Hindi kami nag-away, pero simula kahapon, hindi kami maayos na nag-uusap." Tipid siyang ngumiti. "I'm gonna go upstairs."

Cale brushed his hair using his fingertips as he walked toward Keanna's room. Gusto na niya itong makausap at pagbukas ng pinto, naabutan niya itong inaayos na ang maleta niya.

"Hey, sweetheart," kinuha niya ang hawak nitong damit na itinupi. "Ako na 'to. Mamaya na ako mag-aayos ng gamit."

"Inaayos ko na para wala ka nang isipin mamaya," sagot ni Kea. "Puwede mo bang iwanan na lang 'tong hoodie mo?" Hawak nito ang naka-hanger na hoodie niya ng NYU. "Ang ganda, e. Ang kapal."

Ngumiti si Cale. "Oo naman. I'll leave all my hoodies and shirts na lang. You can wear them. Marami rin naman akong damit sa bahay and sa New York. Iiwanan ko na lahat."

"Thank you." Tumalikod na si Keanna para hindi makita ni Cale ang pamumuo ng luha niya. "By the way, puwede ba akong sumama?"

"Kea."

Humarap si Keanna at hindi na pinigilan ang pagbagsak ng luha niya. "Sama ako? Sama ako paghatid sa airport? Papayag naman si Kuya Sarki, e. Kahit uuwi na lang kami pagpasok mo tapo—"

"Ayoko." Cale breathed hard. "Mahihirapan akong umalis kapag nandoon ka. Stay here, okay? You need to rest. Dito na lang kayo ni baby."

Nanginig ang baba ni Keanna. "Please? Sama na ako, Caleigh."

Cale forced a smile and hugged Keanna tightly. He didn't say anything. No . . . more like he didn't have the right words to say. A minute of silence before he pulled away.

"Ayoko rin kasi na mag-travel ka nang mag-travel. Dito ka na lang, okay? We'll talk via video call. Pagdating ko sa Manila bukas, we'll talk. Bago ako umalis, we will talk." Cale assured. "I'll be more at ease knowing you're just here."

Naintindihan naman ni Keanna si Cale. Tumango na lang siya at tumalikod. Muli niyang itinago ang pagluha at ipinagpatuloy na lang ang pag-aayos ng maleta ni Cale.

Meanwhile, it was so hard for Cale to see Keanna quietly fix his luggage. Sinabi niyang siya na, pero hindi ito pumayag at habang nakahiga, pinag-usapan nila ang magiging setup.

"You promise not to ignore me again?" Cale asked Keanna, who nodded. "Promise?"

"Hindi na." Keanna assured. "Ako pa ang tatawag sa 'yo. Ingat ka and 'wag mo akong ignore-in!"

"I never did!" Cale chuckled and kissed Keanna's forehead. "Ikaw lang naman ang nag-i-ignore sa 'kin and I won't."

Tumango si Keanna at mas inilapit pa ang sarili sa kaniya. Magkatabi silang nakahiga, ginagawa nitong unan ang braso niya, habang hinahaplos naman niya ang likuran nito.

Ramdam ni Cale ang tiyan ni Keanna at napapikit siya dahil doon. Kung mahirap iwanan ang girlfriend niya noong unang beses siyang umalis, mas mahihirapan siya sa mga susunod pa.

"I'll visit as much as I can," Cale whispered. "Pero kapag nanganak ka, sure na nandito ako."

Tumango si Keanna at hindi nagsalita hanggang sa maramdaman ni Cale na bumagsak na ang kamay nito at mukhang nakuha na ang tulog.

It was what he wanted. As always, he didn't want to leave while Keanna was awake. Mahirap iyon sa kaniya.

Bago pa man sila mahiga, nag-message na sa kaniya si Vianne na dumating na ang drivers nila na susundo sa kanila. Nag-decide silang mag-isang sasakyan na lang pabalik sa Manila at papuntahin ang drivers na puwedeng kumuha sa sasakyan nila.

Anytime, puwede na silang umalis. Siya na lang ang hinihintay.

Nang humimbing ang tulog ni Keanna, inayos niya ang kama. Umalis siya at ginawa niyang kayakap nito ang unan tulad noon. Sumandal siya sa pader habang nakatingin sa girlfriend niya.

It really was harder to leave.

Cale dressed up and quietly moved. Kinuha niya ang maleta at backpack niya. Maingat ang bawat paggalaw at bago umalis, hinalikan niya sa pisngi si Keanna. Lumuhod siya at hinaplos ang tiyan nito.

"Be a good baby girl," he whispered. "I'll be back."

When he closed the door, he could feel the pressure on his chest, and his heart clenched even more.

Sa balcony, naghihintay na ang parents niya, si Vianne at Sarki, pati na rin ang parents ni Keanna.

"Tulog si Kea?" tanong ni Sarki.

Tumango si Cale at isinukbit ang bag. Nilingon niya ang parents ni Kea. "Alis na po muna ako. Kung sakali man pong hindi ko ma-contact si Kea, kayo na lang po ang kakausapin ko."

"Sige lang. Mag-iingat ka," ani Tadhana. "Kami nang bahala sa kaniya. Kukurutin ko siya kapag nag-secret ulit."

Natawa si Cale at nagpasalamat sa mga ito bago naunang sumakay sa van na sumundo sa kanila. Hindi na niya hinintay ang parents niya at pumuwesto na sa likuran ng van. Nilingon niya ang bintana sa second floor kung saan ang kwarto ni Keanna.

Inilabas niya ang phone at napangiti sa wallpaper. It was Keanna's selfie with the ultrasound photo.

Hindi na basta si Keanna. Their baby, too.

Once they were on the road, Cale messaged Keanna.

Sweetheart
I love you.
Take Me Home
Us The Duo
Whole song, baby.
I love you.





Cavin and Niana held hands when they heard a sniff from behind. Cale was sitting there. Vianne was in the front seat and also heard it. Pare-pareho silang natahimik.

"You can stay, you know?" Vianne broke the silence. "Puwede naman kasing ma-postpone 'to, kaysa you'll leave. Your girlfriend's pregnant. Hello?"

"Vianne." Niana shook her head.

Cale breathed and shut his eyes. He wore the hood on his head and put his earphones on. He just wanted to sleep but couldn't.

. . . so once they reached home, Cale immediately went to his room, removed his hoodie, and laid face down. It was seven in the morning, and he wanted to sleep. No reply from Keanna yet. Malamang na natutulog pa ito.

Nakapatay ang ilaw, nakasara ang mga bintana, at malamig na malamig. He didn't care about the cold when he was in Baguio, but the coldness of his room made him miss Keanna more.

Narinig niyang bumukas ang pinto, pero hindi niya iyon nilingon. Naramdaman niyang lumubog ang kama sa tabi niya kasabay nang paghaplos sa buhok niya.

"Hindi mo naman kailangang umalis, e." Niana murmured and caressed Cale's hair. "Postpone mo na muna siguro, Caleigh. This can wait but your daughter's arriving soon. Mabilis lang ang panahon. It's five months. Hindi mo na mamamalayan na manganganak na si Kea."

Cale breathed. "But Kea wanted me to finish this."

"Are you sure?" Niana asked. "Directly ba niyang sinabi? Of all people, ikaw ang nakakakilala kay Kea. Yes, siguro sinabi niyang ituloy mo pa rin. What if she sinabi lang niya iyon para hindi ka mag-sacrifice?"

Bumangon si Cale at ginawang unan ang legs ng mommy niya. "I'm thinking about it already, Mom. I don't wanna leave. I wanna be with Keanna."

Niana smiled. "Then be with Keanna. She is your priority now. Everything is secondary. Keanna and your baby should be your main priority now, Sean Caleigh."

Cale shut his eyes and let his mom caress his hair even more. Paborito niya iyon noong bata pa siya. Naalala pa niyang mas gusto niyang katabi palagi ang mommy niya.

"Mom?" Cale murmured.

"Yes?"

"I'm a dad," he chuckled.

"You are." Niana pinched his cheek. "My bunso is now a dad. Know your priorities, Caleigh. Okay?"

Cale nodded. "Yes, Mom," he responded.

And he didn't even know he had fallen asleep. It was already four in the afternoon. Siguro dahil wala siyang maayos na tulog nitong mga nakaraan kaya bigla siyang nagbawi.

He checked his phone, and there were messages from Keanna, so he immediately called his girlfriend. Five rings, she picked up. It was a video call.

"Where you at?" Cale asked.

"Rooftop!" Ipinakita nito ang bowl na mayroong avocado. "Kumakain ako ng avocado ulit. Ginawan ako ni Kuya. Kakagising mo lang?"

Cale nodded and stared at Keanna. "Yup. Ikaw? Hindi ka pumasok?"

Umiling si Keanna. "Nope. Ayokong pumasok."

"Good. You rest," he murmured. "I miss you."

Keanna smiled. "I miss you," she responded and started talking about anything.

Tahimik lang na nakatingin si Cale kay Keanna habang pinanonood at pinakikinggan itong magkwento. He could see her eyes smile as she talked about the taho she ate, about the soup Sarki made, and even about the sunny weather.

"Sweetheart?" sabat ni Cale. "Ayoko nang umalis."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys