Chapter 18

After hearing the song, Keanna sobbed. There was no one to blame but her bad decision. Ang inakala niyang makatutulong sa kanila ay posible pa lang maging rason para mas masira silang dalawa.

It was the first time—Cale had ignored her—because her boyfriend didn't want to fight with her. Nagalit lang talaga.

Sa halos isang taong relasyon nilang dalawa, hindi tumatagal nang isang araw ang tampuhan. Hindi sila dumarating sa sitwasyong nagsisigawan o sa pagtulog nang magkaaway.

Naupo siya sa gilid ng kama hawak ang phone ni Cale. Playing pa rin ang kanta ngunit mas nakatingin siya sa picture niya na wallpaper ng phone nito.

Bumukas ang pinto. Hawak ni Cale ang isang baso ng gatas at nagsalubong ang kilay habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit picture ko na lang 'to?" Suminghot si Keanna at pinakita ang phone kay Cale. "Dati, tayong dalawa 'to, e."

Naupo si Cale sa tabi niya at ibinigay ang gatas sa kaniya.

"I miss you every day," Cale muttered. "Noong nasa Manila lang ako, I can come here anytime I want to. Sa New York, I can only see you via video call tapos nitong mga nakaraan, halos hindi kita makausap."

Keanna looked down. "I was guilty."

"I know." Cale chuckled. "I'm sorry I had to ignore you. Ayokong makapagsalita nang hindi maganda. I admit, galit ako. Nagalit ako."

"Alam ko." Nilingon ni Keanna si Cale. "Ramdam na ramdam ko. Sa galit mo, iiwanan mo ba ako?"

Nagsalubong ang kilay ni Cale bago siya mahinang natawa. Kita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Kea at isang pikit lang, magmamalabis na iyon sa pisngi ng girlfriend niya.

"No. Why would I?" Cale held Kea's hand. "Mahal kaya kita, and I'm excited for our baby girl. But I hope this would be the last time you'll hide something from me."

Keanna nodded, and tears fell.

Cale wanted to smile but didn't. His girlfriend looked like a missing child. Instead, he kissed the tip of Keanna's nose. "Inumin mo na 'yang milk mo. Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa. Madaling araw ang tulog ko," suminghot si Keanna. "Ikaw? Inaantok ka na?"

"Nope. Do you wanna talk about something?" Cale asked.

Keanna nodded and wiped her tears.

"Sige. Ubusin mo na muna 'yang milk mo," ani Cale at sumandal sa headboard ng kama.

Pinanood niya si Keanna na inumin ang gatas nito. Malaki na ang tiyan at nalungkot siya sa parteng hindi niya alam simula sa umpisa.

"Sweetheart?"

Nilingon ni Keanna si Cale. Simula nang dumating ito at nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya ay hindi siya tinawag sa endearment nila. Hindi kaagad siya nakasagot.

"Why?" Cale muttered. "Bakit mo inilihim sa 'kin?"

Yumuko si Keanna na humigpit ang hawak sa baso. "Kasi nakita kong excited kang umalis. Mali ako sa naging pag-iisip ko na pagdating mo at least tapos ka na. Na wala kang ibang aalalahanin dito sa Pilipinas na . . ." Sinalubong niya ang tingin ni Cale. "Na hindi masisira 'yung pangarap mo."

"So. . ." Nagsalubong ang kilay ni Cale. "So, you'd rather ruin us?"

Nanginig ang baba ni Keanna dahil sa sinabi ni Cale. Hindi iyon ang intensyon niya, pero mukhang ganoon nga ang mangyayari.

"Hindi ko naman intensyon na masira tayo. Mali ako. Akala ko okay lang, akala ko maiintindihan mo, a-akala ko para sa ikabubuti. Ako ang mali. I'm really sorry. I thou—"

Hinawakan ni Cale ang kamay ni Keanna at naupo silang magkatabi.

"Walang tamang rason sa ginawa ko." Humikbi si Keanna.

"Nasaktan kasi ko," sagot ni Cale at pinagsaklop ang kamay nila. "Nasaktan ako kasi may karapatan akong malaman. I thought we're partners? I thought we'll be honest? Kea, this isn't a simple surprise. This is all about our child."

Nagmalabis ang luha ni Keanna. Kalmado ang boses ni Cale, maayos naman ang pakikipag-usap nito sa kaniya, pero alam din niya sa sarili niya ang sariling ginawa dahilan ng takot niya.

"You won't have to ask. I won't even think twice because I will choose you and this baby. Secondary lang naman 'yung New York, e. It was a dream, but I have all the time in the world for that." Cale breathed. "You are the priority. Even without the baby, I won't do it if you said no."

"Alam mo namang hindi ko gagawin 'yon." Pinunasan ni Keanna ang mukha.

"Exactly." Cale chuckled and caressed Keanna's chin using his thumb. "Pero iba kasi 'tong situwasyon. Iba itong ginawa mo and I hope hindi na 'to mauulit."

Sunod-sunod ang pag-iling ni Keanna habang nakatingin sa kaniya. Puro pa rin luha ang mga mata nito na ikinangiti niya. Singkit na nga, lalo pang naningkit.

Cale cupped Keanna's face and kissed her forehead. "Tama na. Ang mahalaga, alam ko na. Sana, hindi na 'to mauulit. Hindi ko rin gusto 'yong feeling na galit ako sa 'yo. I don't want to be mad, but it's what I felt. I love you so much, but I was furious."

"S-Sorry." It was the only word Keanna could say.

"Not okay, but it would be," Cale assured. "Next time, don't decide on your own regarding this. We did this, and we'll face this together. Unfair sa 'yo, unfair sa 'kin kung isa lang. So, please, no more secrets? Ayoko nang magalit sa 'yo."

Tumango si Keanna na nagmamalabis pa rin ang luha. Panay ang hingi niya ng sorry kay Cale na niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. Hinaplos nito ang likuran niya at hinalikan ang balikat niya.

Cale knew that his love for Keanna was stronger than his anger.

"Your anger was valid," Keanna murmured against Cale's neck. "I'm really sorry. Paulit-ulit akong hihingi ng sorry sa ginawa ko."

"Apology accepted, sweetheart," Cale said and kissed Keanna's cheek. He pulled away and smiled at his girlfriend. "Hindi ka naman ba masyadong nahirapan? Like the first time? Wait. Saan mo nalaman?"

Keanna looked down and remembered. "Sa office. Nag-notify 'yung period tracker ko kaya nag-test ako. Eight weeks na rin noong nalaman ko. Seventeen weeks naman noong nasabi ko kina nanay. Kaya 'wag kang magalit sa kanila. Hindi rin nila alam. Napagalitan din ako kasi nga tinago ko sa 'yo."

"Don't worry." Cale chuckled. "Tito Keanu talked to me. Tita Tadhana also explained and Kuya Sarki told me everything. Hindi ako galit sa kanila o wala akong tampo. It was between you and me at labas sila roon. Don't worry."

Nagpasalamat si Keanna na malawak ang pag-iisip ni Cale sa parteng iyon. Kahit sa pamilya nito, walang issue sa kaniya.

"Inaantok ka na ba?" tanong ni Cale.

Umiling si Keanna. "Mas gising ako from midnight to four in the morning kaya minsan, nagkakausap pa tayo noo—"

"Yup. Until you stopped talking to me." Cale teased.

Mahinang natawa si Keanna at tumayo. Ipinatong niya ang baso sa lamesa, kinuha ang remote, at kumportableng nahiga sa kama.

"Bukod kasi sa guilt, medyo naiirita ako sa mukha mo," pag-aamin ni Keanna. "Pinaglilihian yata kita, e. Kapag nakikita ko 'yung mukha mo sa screen, naiirita ako."

Cale frowned. "How about now?"

Keanna bitterly smiled. "Parang ayaw ko nang umalis ka, pero alam ko namang hindi puwede kaya okay lang. Parang feeling ko, kapag umalis ka, iiyak ako."

Nalungkot si Cale sa sagot ni Keanna na kaagad iniba ang usapan. Nagkwento na ito tungkol sa madalas na ginagawa sa maghapon, sa gabi, at pati na sa trabaho pala nitong medyo napababayaan.

"Kaya nagpalagay si Kuya Sarki ng sofa bed sa office para kapag gusto kong matulog, kahit na sa office ako, puwede," dagdag ni Keanna. "Naging antukin rin kasi talaga ako. Kaya kapag may time, natutulog ako."

Tumabi si Cale kay Keanna at sinabi niyang gawin nitong unan ang braso niya, Nakatagilid silang nakaharap sa TV habang naghahanap ng movie na puwedeng mapanood.

Cale caressed Keanna's hand until he felt her bump. He stilled for a moment. He had wanted to hold Keanna's bump since he knew about their baby.

Slowly, from Keanna's hand, Cale carefully caressed his girlfriend's bump. He didn't say anything or even react. Instead, he kissed the back of Keanna's head and shut his eyes for a good minute.

Samantalang pasimpleng yumuko si Keanna nang maramdaman ang init ng palad ni Cale na nakalapat sa tiyan niya at hinahaplos iyon gamit ang hinlalaki.

Dahil doon, mas isiniksik pa niya ang sarili sa yakap ni Cale at hinayaan itong hawakan lang ang tiyan niya. Naluluha siya dahil posibleng sa mga susunod na araw, aalis na ulit si Cale.

It was just a suprise visit and had no intention of staying that long, pero hindi na muna iyon inisip ni Keanna. Gusto na muna niyang i-enjoy ang time kasama si Cale kahit na alam niya na kapag umalis ito, mahihirapan siya.

Nag-focus si Cale sa pinanonood. Hawak pa rin niya ang tiyan ni Keanna. Pareho silang nababalot ng comfoter dahil medyo malamig at umuulan. Paminsan-minsang tumitigas ang tiyan ni Kea at nabasa niyang normal iyon.

Simula nang malaman niya ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Kea, nag-research na siya sa mga nangyari simula umpisa hanggang sa ikalimang buwan. Nagpasama rin siya kina Tadhana at Keanu dahil gusto niyang makausap ang OB GYNE ng girlfriend niya. Hindi kasi siya nakapagtanong nang maayos noong nagpunta sila.

Gusto niyang malaman kung maayos lang ba ang mag-ina niya dahil ayaw niyang umalis pabalik sa New York nang hindi nasisigurong magiging maayos lang ang lahat.

Mahinang natawa si Cale dahil sa pinanonood ngunit naramdamang walang reaksyon si Keanna. Nakaunan pa rin ang ulo nito sa braso niya at dikit na dikit ang likuran sa kaniya. Hawak din nito ang kamay niya at mahimbing na palang natutulog.

Pinilit kumilos ni Cale nang hindi masyadong gumagalaw para kunin ang remote at pinatay ang TV. Madilim ang kwarto, walang ilaw, at nakadilat siyang nag-iisip kung paano siya sa mga susunod na araw.

Bahala na.


↻ ◁ II ▷ ↺


Hindi namalayan ni Keanna na napasarap ang tulog niya. Nagising siya nang maramdaman ang paghaplos sa tiyan niya at hindi siya nagkamali nang makita ang kamay ni Cale na nakalapat doon.

"Good morning," bati ni Cale habang nakaupo sa gilid ng kama. "Haba ng tulog mo, ha."

Tumingin si Keanna sa orasan. It was eight in the morning. It wasn't her usual sleeping and waking up time.

"Good morning," Keanna scratched her eyes. Nanatili siyang nakahiga. "Kanina ka pa gising?"

Tumango si Cale. "Yup. I had to send an assignment kaya maaga akong nagising. Nagugutom ka na ba? Tayo lang ang nandito sa bahay kasi nagpaalam silang lahat. Parang nagpunta sila sa bagong transient house ninyo. Mom wanted to see it."

"Ayoko pang bumangon," ani Keanna at niyakap ang malaking unan. "Sana sumama ka so you can see it, too! Maganda 'yung location and view. It's now my favorite place, actually. Si Kuya Sarki ang namili sa place. It was so nice."

"Nakita ko siya sa website," sagot ni Cale at lumuhod sa sahig bago humarap sa tiyan niya. "Good morning, baby. Are you hungry? Mum doesn't want to eat yet."

Natawa si Keanna habang nakatingin kay Cale. Nakapatong pa ang baba nito sa kama at pinaglalandas ang hintuturo sa tiyan niya.

Sa pagkakataong iyon, doon napansin ni Keanna na may pagbabago sa mukha ni Cale. Bukod sa medyo may dark circles at lumaki ang eyebags, ang pangit talaga.

"Sweetheart." Kuha ni Keanna sa atensyon ni Cale na kaagad tumingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung naglilihi pa rin ako, pero ang pangit mo talaga."

Cale was stunned and his mouth literally dropped with the honesty. "Palalagpasin ko 'yan ngayon dahil buntis ka, pero hindi ako papayag na pangit ako. Gwapo ako, excuse me, Keanna."

Imbes na makipag-argue, sinuklay ni Keanna ang buhok ni Cale at matagal itong tinitigan. Mayroong tanong sa isip niya, pero natatakot siya. More like, ayaw niyang malaman ang sagot.

"What's going on?" Cale asked.

Umiling si Kea at akmang magpoprotesta nang nawala ang kislap sa mga mata ni Cale.

"Kea."

"Iniisip ko lang. . ." Nakagat ni Keanna ang ibabang labi. "Kelan ka babalik sa New York?"

Cale looked down and breathed. "In three days, sweetheart," he murmured. "May kailangan na rin kasi akong ipasa personally and magkakaroon kami ng thesis kaya kailangan kong bumalik."

Keanna choked. There was a lump on her throat, and she couldn't swallow but forced a smile.

"Okay lang. Palagi na lang tayong mag-video call. S-Siguro, puwede kang umuwi kapag manganganak na ako? Kahit sandali?" Lumunok si Keanna. "Tapos balik ka na lang ulit!" pinilit din niya ulit na maging masaya.

Natawa si Cale at tumayo. Nahiga siya sa tabi ni Keanna at muli nitong ginawang unan ang braso niya habang pinag-uusapan nila ang mga susunod na mangyayari at ang posibleng plano.

"Gusto mo bang umalis?" tanong ni Cale. "Punta tayo sa Mall? Bago ako bumalik sa New York, bili na tayo ng ibang gamit ni baby?"

Keanna nodded and fixed herself. Nagpaalam na rin muna si Cale na magsa-shower sa guest room, siya naman sa mismong bathroom ng kwarto niya. Hindi sila nagsa-shower nang magkasama sa Baguio dahil mabilis lumamig ang tubig kahit na naka-heater.

Habang nagbibihis, bumukas ang pinto. Awtomatikong napatingin si Cale sa tiyan ni Keanna. Iyon ang unang beses niyang makita iyon.

Maraming stretch marks na medyo dark, mayroong guhit sa gitna, at may mga ugat pa sa gilid na medyo visible dahil maputi si Keanna.

"L-Labas ka muna," sabi ni Keanna. Medyo insecure siya sa itsura niya.

Imbes na lumabas, pumasok si Cale at hinawakan ang kamay ni Keanna. Leggings lang ang suot niya at bra naman sa pang-itaas. She actually felt naked in front of Cale who was staring at her intently.

Naupo si Cale sa gilid ng kama habang nanatiling nakatayo si Keanna. Hinaplos nito ang tiyan niya at walang sabing hinalikan iyon.

Cale admired her bump as if it was his most prized possession. The way he gently caressed his manly hands around her waist onto her belly, Keanna knew that her baby was in the right hands.

"I sometimes imagine what would be like to have a kid with you," Cale muttered. "I don't see myself being with another woman, Keanna. Naalala ko noong sinabi mo sa 'kin na paano kung hindi tayo? Nasaktan ako."

Kinagat ni Keanna ang ibabang labi.

"I questioned myself that night if I wasn't enough for you. Too many questions. Naisip ko rin na may iba ka pa bang gusto? Aren't you dating for marriage? Lots of questions."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Dipensa ni Keanna. "Naalala ko kasi sina Kuya Sarki and Ate Cinna. They dated for six years and nag-break sila. Now, Ate Cinna is engaged na. I had this fear na tayong dalawa, halos hindi pa tayo isang taon. What if one day, magaya tayo sa kanila na bigla na lang hindi na nakikita ang future na magkasama?"

Cale looked at Keanna. "But I am looking forward to being with you."

"Ako rin naman. May takot lang ako," sagot ni Kea.

"Fear is valid, but can we work this out?" Cale breathed and held Keanna's hand. "Not just me, not just you. Us."

Keanna stared at Cale.

"Everything now is all about us." A tear fell from Cale's eyes. "Just about us."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys