Chapter 17

"So, how are you feeling naman?" Naupo si Vianne sa gilid ng kama ni Keanna. "I'm super tampo na you didn't even let me know about my niece!"

Yumuko si Keanna at hindi sinagot ang sinabi ni Vianne. Kararating lang ng mga ito galing sa Manila at kagigising lang din niya. Tanghalian na nga kung tutuusin.

"Anyway, it's fine. You do you." Humiga si Vianne. "So, are you excited to see the baby? Nakaisip ka na ba ng name?"

Umiling si Keanna. "Hindi pa, Ate. Pag-uusapan na lang siguro namin ni Cale," aniya at tumayo. "Hindi pa rin kasi ako kinakausap, e."

"Hmm." Vianne squinted at Keanna. "That's what I don't like about my brother. Nakuha niya ang ugali ni daddy when it comes to silent treatments and it's annoying. I remembered na palaging napapagalitan ni mommy si daddy because of that."

"Kasalanan ko naman, Ate." Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ni Keanna. "May rason naman siya para magalit."

"Kahit na!" Bumangon si Vianne at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Salubong ang kilay nito. "Still, he has to talk to you. Nako, I'll pingot that guy talaga."

Natawa si Keanna at nagpaalam sandali kay Vianne dahil maliligo na rin muna siya bago harapan ang parents ni Cale. Alam naman niyang mababait ang mga ito, pero hindi rin kasi basta-basta ang ginawa niya.

Samantalang kumatok si Cale sa kwarto ni Keanna at walang sumagot. Pumasok siya at naabutan ang ate niyang nakahiga sa kama, nakaraharap sa phone at inirapan siya.

"She's naliligo." Sinamaan siya ng tingin ni Vianne. "Ikaw, you're not talking to her yet? Bastos ka talaga." Pabulong ang pagkakasabi ng ate niya. "She's pregnant. Hello?"

Hindi sumagot si Cale at kinuha ang phone niya na nasa bedside table. Sandaling namayani ang katahimkan sa kanila ng ate niya. Busy ito sa phone, siya naman ay naghahanap ng puwedeng gawin habang hinihintay si Keanna.

"You're so like dad." Malalim na huminga si Vianne. "Cale, please, 'wag ganiyan."

Sinalubong niya ang tingin ng ate niya.

"If Kea's done, bumaba na raw kayo," ani Cale at binuksan ang pinto. "Lunch is almost ready na. Saan ka pala mag-room?"

"Here." Vianne raised her brow.

"What?" Cale frowned. "This is Kea's room."

Vianne smiled. "So? Dito ako matutulog."

"I'm sleeping here," Cale hissed.

"But you're not talking to her naman so I'll stay here na lang," sabi ng ate niya. "At least we'll have time to talk about things, about the baby, and all. Baka mag-isip na rin kami ng name. Kami na lang since hindi mo naman kinakaus—"

Tumigil sa pagsasalita si Vianne nang bumukas ang pinto. Lumabas roon si Keanna na katatapos lang maligo at basang-basa pa ang buhok.

"Lunch is ready," ani Cale habang nakatingin kay Keanna. "Tita Tadhana's asking if mango, watermelon, or strawberry?"

Sinuklay ni Keanna ang buhok. "Pakisabi na lang na mango. Gusto ko na lang 'yong strawberry sa condensed milk."

Tumango si Cale at lumabas ng kwarto. Ipinagpatuloy naman ni Keanna ang pagtuyo sa buhok niya, at nagsuot ng extra hoodie dahil medyo naging ginawin siya simula nang magbuntis.

"Baba na tayo?" pag-aya niya kay Vianne. "Saan ka pala mag-sleep, Ate? Sa third floor ba na guest room? Favorite mo 'yong sunrise doon, e."

"Dito ako sa room mo," ani Vianne. "Tutal hindi ka naman kinakausap ni Caleigh, tayong dalawa na lang ang magkwentuhan."

Na-excite si Keanna dahil gusto niya iyon o kung hindi naman kaya ay sa rooftop na lang siya matutulog kasama ito. Mahilig pa naman silang manood ng mga movie na nakakikilig.

Sa hagdan pa lang, naririnig na ni Keanna ang boses ng nanay niya. Humahalakhak ito habang kausap ang mommy ni Cale. Nahihiya siyang lumabas, pero wala naman siyang choice.

Ngumiti si Kea nang sabay na tumingin sa kaniya ang parents ni Cale. Nakatayo naman si Cale sa may pinto at nakasandal sa pader.

"May dala akong cheesecake." Naglakad papalapit ang mommy ni Cale sa kaniya. "Sabi ni Cale, iyan lang daw ang madalas mong gusto, e. Pero, nagdala ako ng french macarons. Galing 'yan kay Win."

Yumakap ang mommy ni Cale sa kaniya nang makalapit. Tumango naman ang daddy ni Cale. Tumingin ito sa tiyan niya at ngumiti. Walang kahit na anong sinabi.

"Girl or boy?" tanong ng mommy ni Cale. "Surprise raw, e. Ikaw raw magsasabi sa 'min."

Saglit na nilingon ni Keanna si Cale na nakatingin lang sa kaniya. Akala niya ay sinabi na niya rito dahil alam ni Vianne.

"Girl po," ngumiti si Keanna. "Kaya nga po excited 'yan si nanay kasi gusto raw niyang bumili ng tutu dress na pang baby."

Humarap si Niana kay Tadhana at nag-apir pa ang dalawa.

"Ukay tayo bukas?" pag-aya ni Niana. "Hala, gusto kong bumili ng damit ng baby!"

"We'll buy clothes sa mall na lang," sabi ni Cavin, ang daddy ni Cale. "Baka nama—"

"Uy, hindi!" pagpapatigil ni Niana sa asawa. "Magaganda ang clothes sa ukay-ukay."

Natawa si Kea nang mag-explain ang mommy ni Cale tungkol sa mga damit na nabibili sa ukay-ukay. Sinasabi nitong maayos at branded at makakaliitan lang naman kaagad.

Tama naman. Iyon din ang naisip ni Keanna. Isa pa, lumaki siyang ukay-ukay ang mga damit.

"Kung noon, daring-daring hinahanap natin sa ukay-ukay, sa susunod naman pang bebe girl na!" Tadhana squeled. "Hindi na pang-akit 'yong bibilhin natin."

Nag-apir ulit sina Niana at Tadhana.

"Nanay talaga." Sarki shook his head. "Dinadamay mo si Tita Niana sa pagiging green mo, 'Nay."

"Hoy!" Nagpameywang si Tadhana at tinuro si Niana. "Mukha lang 'tong inosente, pero may mga moves din 'yan."

"Nanay!" Si Sarki ulit iyon at naglakad na papunta sa kusina.

Malakas namang natawa si Vianne na nasa tabi ni Keanna. "Kaya I love you talaga Tita Tadhana. Can I come tomorrow?"

"Oo, siyempre. Hanap tayo ng mga pang party-party mo!" Tadhana giggled.

Nilingon ni Keanna ang tatay niya na kausap ang daddy ni Cale. May sariling mundo ang dalawa habang nanonood ng action movie at mukhang hindi naman pinapansin ang kaniya-kaniyang asawa.

Ganoon naman palagi kapag magkakasama ang mga magulang nila. May sariling mundo silang apat nina Cale, Vianne, at Sarki.

Nagsabi si Sarki na maayos na ang lamesa para sa tanghalian. Magkatabi sina Cale at Keanna ngunit parehong tahimik. Nagkukuwentuhan naman sina Sarki at Vianne, ganoon din ang mga magulang nila.

Nag-request ng steamed bangus si Keanna dahil paborito niya iyon lalo na kapag mayroong itlog na maalat, sibuyas, at kamatis bilang palaman sa loob. Kukuha na sana siya nang unahan siya ni Cale.

Hinimay nito ang laman ng isda at napaso pa nga dahil kahahango lang ngunit ipinagpatuloy ang ginagawa at inilagay iyon sa pinggan niya. Pasimple niya itong nilingon, pero walang reaksyon ang mukha.

Malalim na huminga si Niana nang mapansin ang pagiging tahimik nina Keanna at Cale. Sinipa niya si Tadhana mula sa ilalim ng lamesa at nagkatinginan sila. Tumango lang si Tadhana.

"Kea, papasok ka ba sa office later?" tanong ni Vianne. "I hope not. Mag-bonding tayong dalawa 'cos why not? Dadalhin ko 'yong luggage ko sa room mo mamaya, ha?"

"Why?" Cale frowned.

"Wala. I'll sleep sa room ni Kea para we can bond." Tumaas ang dalawang balikat ni Vianne. "Right, Kea?"

Kagat ni Keanna ang tinidor at tumango. Hindi naman siya makatanggi sa gusto ni Vianne dahil normal din naman nilang ginagawa iyon.

"Bakit doon ka mag-stay? Go stay sa guest room, Vianne." Nagsalubong ang kilay ni Niana.

"I don't want." Hinarap ni Vianne si Tadhana. "Tita, 'di ba, puwede ako sa room ni Keanna?"

Natawa si Tadhana. Alam niya ang ginagawa ni Vianne. "Ikaw ang bahala. Mag-usap kayo ni Kea. Parang bago nang bago naman."

"Yay! Siyempre Kea would say yes to me," Vianne giggled. "Can we go to the mall? Parang gusto ko lang mag-picture. Tapos we can go some—"

"No," Cale uttered and stared at Vianne. "Umuulan, Ate. Can you both stay at home for now? Bukas na lang kayo ng umaga umalis. Hindi pa naman kayo uuwi."

Nagkatinginan sina Vianne at Niana. Niana knew that her daughter was manipulative and cunning and was triggering Cale. Natatawa na lang siya. No wonder Cavin couldn't even tame their daughter.

After lunch, Niana asked Cale to go somewhere. Gustong tumanggi ni Cale at sabihing mag-utos na lang sa iba, pero nagpumilit ang mommy niya. Ang ending, nagpunta sila Camp John Hay. Gusto raw muna nitong maglakad.

Nakahawak ang kamay ni Niana sa braso ni Cale habang naglalakad.

"Mom, can we just do this next time?" Nilingon ni Cale ang mommy niya. "I'm not really in the mood to be a tourist."

Niana smiled warmly at Cale. "Wala ka rin ba sa mood to talk to Keanna? Napapansin kong hindi mo siya pinapansin o kahit tinitingnan. Nakapag-usap na ba kayo tungkol sa sitwasyon?"

Hindi sumagot si Cale at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"I remembered something." Niana walked with Cale. "I remembered when Cavin ignored me, too. I was pregnant. Grabe ang silent treatment, and it was painful. It made me question everything. It made me scared that he would leave."

Cale knew the story. It was never a secret to them.

"Please, Cale, don't be like Cavin. I love your dad so much, pero hindi ko gustong maging kagaya ka niya sa parteng nananahimik sa bagay na puwede namang pag-usapan. Keanna was wrong, but did you hear her explanation?" Niana asked.

"She didn't want me to give up my dream," Cale murmured. "It was just so unfair."

"It was." Niana pulled Cale to sit on one of the benches. "Did she apologize? Did you even give her some time to explain herself? Did you even try to be open?"

Umiling si Cale bilang sagot.

"I figured. Cale, communicate with Keanna. I talked to Tadhana about the situation and hindi ko nagustuhang naglihim din sila, pero hindi ko sila masisisi sa parteng nirespeto rin nila ang desisyon ni Keanna. It was wrong, pero hindi na ba maaayos? Maaayos ba ng silent treatments mo 'yong sitwasyon?"

"No, Mom." Cale looked down.

Niana caressed Cale's hair. "Your girlfriend is pregnant, Cale. I know you're still taking care of her kahit na galit ka. But it's too cold and I hate seeing you and Keanna being like that. Sanay akong naghaharutan kayong dalawa sa harapan ko."

Nilingon ni Cale ang mommy niya at natawa siya sa sinabi nito. Hinalikan niya ang gilid ng noo nito at ikinuwento ang tungkol sa ultrasound—noong unang beses niyang marinig ang heartbeat ng anak nila ni Keanna.

"I was still shocked," pagpapatuloy ni Cale. "Halos hindi ka naga-grasp na we're having a daughter together. I mean, I already know that I want to build a family with Keanna, but it still felt surreal."

"It will feel better if you finally talk, Caleigh," Niana said and smiled. "Please, talk to Kea. Ikaw rin. Kapag tinaguan ka lalo nang anak, good luck. Ako pa mismo magtatago sa kaniya 'cos you're mean."

"I'm not mean!" dipensa ni Cale.

Niana frowned. "You are."

Dumaan sila sa palengke ng Baguio para mabili ng mommy niya ang mga gusto nitong share sa bahay nina Keanna. Nag-advance na rin itong bumili ng mga pasalubong para sa mga kaibigang nasa Manila.

Nilingon ni Cale ang isang tindahan at nakita ang duyang pambata. Naisip kaagad niya si Keanna at awtomatikong napangiti habang ini-imagine itong hawak anak nila.

Gusto sana niyang lapitan ang tindahan, pero hindi siya lokal at baka mahal ibenta sa kaniya. Kay Keanna niya natutunan iyon.

Nang makauwi, naabutan nila sina Keanna at Vianne sa gazebo ng garden. Nagsabi ang mommy niya na pupuntahan na muna ang dalawa.

Samantalang lumingon si Keanna nang marinig ang pagsara ng kotse ni Cale. Nagtama muli ang tingin nila, pero nagulat siya nang biglang sumigaw si Vianne dahil may dalang ube ang mommy nito.

"Ayaw n'yo kasi akong isama!" Ngumuso si Vianne na kaagad nilantakan ang ube gamit ang kutsara nito habang kumakain ng ice cream. Mukhang walang balak mag-share.

Ngumiti ang mommy ni Cale na hindi niya masalubong ang tingin. "Kea. Nakakatampo na hindi ka tumitingin sa 'kin."

"She's nahihiya." Vianne laughed.

"Vianne." Sinita ni Niana si Vianne at hinarap si Keanna. "It's okay. Hindi ako galit or nagtatampo. This is between you and Cale. But one question. Why?"

Yumuko si Keanna at nilaro ang kuko bago muling hinarap si Niana. "Planado na po kasi lahat kay Cale. S-Sayang po kasi. I know, Tita Niana, hindi po valid. I just decided wrong."

"I understand." Niana gazed at Vianne, who was eating happily, and chuckled. "But I hope next time, you'll be open to him, too. Hindi sinabi sa 'kin ni Cale, but I also know he was hurt, but I will understand you, too. Wala akong kakampihan sa inyong dalawa."

Nagpasalamat si Keanna na intindi siya ng mommy ni Cale. Nagtanong din ito tungkol sa checkup nila at kung kumusta ang baby. Nagsabi ito na kung may kailangan, sabihin niya kaagad.

The baby inside Keanna was the first grandchild of Tomiharis and Karevs. Biglang niyang naisip na mayroong posibilidad na maging spoiled ang magiging anak nila ni Cale.

Kung sabagay, bakit siya magugulat? Kay Cale mismo, posible iyon. Baka dumating ang time na hindi na nito ibaba ang anak nila at ibibigay ang kahit ano.

Materially, they were both stable. Hindi dahil sa kumportable ang pamilya nila, kung hindi dahil pinagtrabahuhan nilang dalawa iyon sa businesses ng mga magulang nila.

Naalala ni Keanna na pareho silang nagsimula bilang empleyado. Mula sa pinakamababa bago nagdesisyong tanggapin ang kung ano ang dapat para sa kanila.


↻ ◁ II ▷ ↺


Buong maghapong maingay ang bahay nila dahil kina Tadhana at Niana. Hindi rin naman nagpapahuli sina Cavin at Keanu na nanonood lang ng movie, pero sumasabay sa kalokohan ng parents nila.

Unang pagkikita pa lang ng mga magulang nila ni Cale, nag-click na ang mga ito. Walang topic na hindi napag-uusapan at mas madalas pang out of place silang mga anak.

Naging matalik na magkaibigan din sina Sarki at Vianne. They had this platonic bond that everyone misinterpret. May kaniya-kaniyang relasyon ang dalawa at hindi iyon maintindihan ng iba.

It was ten in the evening when Keanna yawned. Hinaplos niya ang tiyan at maingat na tumayo. Nagpaalam na siya sa parents nila at sinabing masakit na rin ang likod niya kaya gusto niyang humiga.

Si Cale, hindi niya alam kung nasaan ito ngunit pagbukas ng pinto, naabutan niya itong nakaupo sa study table niya at nagtitipa sa keyboard. Mukhang mayroong tinatapos na report.

Para hindi maistorbo, naisipan ni Keanna na matulog na lang sa kwarto ni Vianne. Ayos lang naman iyon dahil gusto rin nitong magkasama sila.

Kinuha niya ang laptop sa lamesa pati na ang paborito niyang unan. Hindi na siya magpapaalam kay Cale dahil naka-earphones din naman ito.

Keanna did her thing—toothbrush, warm bath, and her vitamins.

Cale was aware of Keanna's presence. Akala niya matutulog na ito nang malakad hawak ang laptop at unan na nakakuha sa atensyon niya. Nilingon niya ito at akmang lalabas ng kwarto.

"Where are you going?" Cale asked in a low voice. "Hindi ka pa matutulog?"

"Matutulog na," sagot ni Kea. "Sa room na lang muna ako ni Ate Vianne para hindi ka maistorbo. Baka nag-aaral ka."

Nag-iwas tingin si Cale sa kaniya at tinanggal nito ang earphones bago isinara ang laptop. "Not anymore."

Keanna stared at Cale who stood up and walked toward her. Kinuha nito ang hawak niyang laptop at ibinalik iyon sa lamesa. Bumalik sa kaniya, kinuha ang unan at ibinalik sa kama.

"Sleep here, please?" Cale muttered. "Nag-milk ka na?"

Umiling si Keanna. "Hindi pa. Nakalimutan ko."

Cale nodded. "I'll get it," he said and walked past her. "By the way . . ."

Nagtatakang nakatayo si Keanna nang iabot ni Cale ang phone nito sa kaniya. "Anong gagawin ko?"

"1:42."

Tiningnan ni Keanna ang phone ni Cale at nasa spotify iyon. The song was Surrender by Natalie Taylor, and she checked the timestamp.

"1:42 to 2:02, please."

. . . then left the room.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys