Chapter 14

Araw-araw hinaharap ni Keanna ang hirap sa pagbangon. Masakit ang ulo niya, likod, balakang, talampakan, at ultimong pagligo minsan ay kinatatamaran na niya.

Kung puwede lang siyang mahiga sa maghapon, gagawin niya, pero hindi puwede dahil mayroon siyang kliyente.

Umalis ang parents niya papunta sa Manila dahil may kailangang asikasuhin sa isa sa mga property na pinahahawak sa kanila. Ang alam din niya ay magkakaroon ng meeting ang mga ito kasama ang mga Legaspi na nakilala dahil sa mga Laurent.

Mukhang nakikipag-usap kasi ang mga ito sa expansion sa Baguio lalo na at nasa real estate rin.

Lumawak ang network nila dahil sa Tito Juancho nila na nakapangasawa ng Laurent. Maraming koneksyon, maraming referral, at maraming kakilala.

Konektado rin ang mga Karev sa Laurent dahil best friend ng mommy ni Cale ang isa sa mga ito kaya hindi na bago ang mga ito sa kanila. Ultimong mga artista, nakilala ni Keanna dahil sa mga ito.

Bumaba si Keanna at naamoy ang champoradong niluluto ng kuya niya. Sakto rin naman na nakahain na at literal na kakain na lang siya. Ganoon sa araw-araw.

"Ang sarap naman!" Umupo si Keanna at uminom ng gatas na si Sarki na rin mismo ang nagtimpla. "Kuya, puwede ka nang mag-asawa."

Nangunot ang noo ni Sarki habang nakatingin sa kaniya at hindi ito nagsalita. Seryoso lang na naghahain bago naupo sa harapan niya.

Hindi naman inalisan ni Keanna ng tingin ang kuya niya. Hinihintay niya itong magsabi nang kahit na ano ngunit isang masamang titig ang ipinukol sa kaniya.

"Kumain ka na. Male-late ka naman," anito at nagsandok ng sariling pagkain. "Bumili pala ako ng avocado kahapon. Ano'ng gusto mong gawin ko r'on?"

"Shake na lang po," sagot ni Keanna. "Papasok ka ba sa office, Kuya?"

Tumango si Sarki. "Oo, pero dadaan muna ako sa Libiran." Tinutukoy nito ang isang transient nilang medyo tago. "Check ko lang kasi sabi ni Ate Liz, merong nasirang bintana 'yung nakaraang occupant. Titingnan ko kung ano'ng puwedeng gawin."

"Sige po. Sa office lang naman ako ngayon. Kailan pala uuwi sina Nanay?" tanong ni Keanna.

Umiling si Sarki. "Hindi ko alam, e. Wala silang nabanggit kung kailan. Bigla na lang din namang umuuwi 'yung mga 'yun."

Natawa si Keanna dahil totoo naman. Bigla na lang din aalis, biglang uuwi. Minsan hindi nila alam kung nasaan, nagpunta na pala sa ibang bansa dahil trip lang mag-tour at hinahayaan na lang nilang magkapatid.

Natigilan sandali si Keanna nang may maalala.

"Kuya, nakita ko pala, engaged na si Ate Cinna?"

"Nakita ko rin kanina. Tama rin naman. Matagal na rin naman sila ni Ace." Nagpatuloy sa pagkain si Sarki. "Huwag mong itanong kung kailan pa ako, please lang."

Natawa si Keanna dahil alam na niya ang sasabihin ng kuya niya. Aware naman siyang matagal pa. Matagal na matagal pa.

Nang matapos kumain, nagkaniya-kaniya na silang dalawa. Magkaiba naman sila ng pupuntahan. Dumiretso na rin muna si Keanna papunta isang office nila at kinuha ang mga papeles na kailangan niya bago sa hotel kung saan naka-check in ang bride-to-be.

Ang nasabing opisina ay ang bagong bukas na business ng pamilya nila na nagpaparenta ng events places.

Iyon ang inaayos ng parents niya nitong mga nakaraan. Kasosyo ng mga ito ang mga kaibigan ng tatay niya tulad nina Juancho, Melissa, TJ, at iba pa.

Sa hotel na pinuntahan ni Keanna, manager doon si Glydel, ang kapatid ni Fidel na bestfriend ni Tadhana. Kaagad siya nitong nakita at iginaya papunta sa isang bakanteng sofa.

"Nagdakkelen!" Tinutukoy ni Glydel ang tiyan ni Keanna. Ang laki na!

"Wen ngarud, ante!" Natawa si Keanna. Oo nga po, Tita! "Na-miss kita! Ang busy ninyo ni Tito Zeke!"

Natawa si Glydel. "Ngarud!" Kaya nga! "Punta kami sa isang linggo pagdating ni Zeke. Nasa Taiwan si bakla! Maupo ka muna riyan. Anya ti kayat mo?" Ano'ng gusto mo?

Tumanggi si Keanna dahil kakakain lang niya, pero nag-insist si Glydel na bigyan siya ng isang slice ng lemon cake na kaagad rin naman niyang kinain. Natawa rin siya sa sarili niya dahil aayaw siya, pero kakainin din naman niya.

Simple lang ang suot niya dahil mas komportable siya sa leggings at hoodie. Six months na rin ang baby niya at hindi na niya kayang itago ang laki ng tiyan niya. Hinayaan na lang niya iyon.

Nag-check si Keanna ng messages galing kay Cale. Nag-send ito sa kaniya ng kanta na kaagad niyang pinakinggan dahil wala pa naman ang kliyenteng kausap niya.


Cale Karev
Hi
I miss you
So much
Listen to Empty
The Click Five
I love you.


There was a lump in Keanna's throat while listening to the song. Kaagad niya iyong pinatay dahil hindi siya puwedeng maging emosyonal dahil mayroon siyang kikitain. Hindi niya puwedeng pangunahan ang nararamdaman.

Nag-focus si Keanna sa papeles na hawak. Kontrata iyon para sa pagrenta ng events place sa susunod na tatlong buwan para sa kasal.

Ilang sandali pa ay dumating na ang couple na kausap niya. Excited ang mga ito lalo nang ipakita niya ang presentation ng mga puwedeng gawin sa nasabing events place. Nag-refer na rin siya ng mga coordinator na puwedeng ma-hire.

"Bale ang gagawin po natin, we'll prepare an outdoor event for you, pero po magre-ready rin ng indoor ang coordinators na mapipili ninyo para sigurado. The weather here in Baguio is unpredictable kaya po kailangan nating mag-ready," sabi ni Keanna.

Panay ang pasalamat ng bride sa mga suggestions niya. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa magpaalam na siya pati kay Glydel na pinabaunan pa siya ng pasta para daw may makain siya sa lunch pagdating sa opisina.

Sa loob ng sasakyan, kaagad niyang naramdaman ang pagkapagod. It was almost ten in the morning and Keanna wanted to go home.

Kung puwede lang, uuwi na siya dahil inaantok siya, pero marami siyang trabaho lalo na at wala ang nanay niya na sasalo sa kaniya sa office. Marami siyang reports na tatapusin.

Hindi muna umalis si Keanna at nanatili na muna siya sa sasakyan. Binuksan niya ang phone niya at nakita ang messages ni Cale na kinukumusta siya.

Nag-reply siya at sinabing papasok na siya sa office. Sinabi rin niyang galing siya sa isang meeting at sa office na siya sasagot sa tawag nito.

Busog siya, pero naaamoy niya ang pasta na ibinigay sa kaniya ni Glydel niya. Naisip niyang kainin kaagad iyon sa office at sandaling iidlip. Bumili na rin kasi siya ng sofa para kung sakaling maramdaman niya ang pagod, mabilis siyang makatutulog.

Dumiretso kaagad si Keanna sa office niya dahil gusto niyang maupo nang maayos. Gusto rin niyang itaas sandali ang paa niya. Hindi na niya pinansin ang mga tao sa paligid na bumati sa kaniya dahil iba na ang pakiramdam niya.

Isa iyon sa naranasan niya simula nang magbuntis, ang palaging pagod.

Pagbukas ng pinto, nanlaki ang mga mata ni Keanna nang makita si Cale na nakaupo sa swivel chair ng opisina niya at nakangiting tumayo nang makita siya. Sumara ang pinto at gumawa iyon ng ingay.

"Swee—" Tumigil si Cale sa pagsasalita, nagsalubong ang kilay, at bumaba ang tingin sa tiyan niya. "W-Wha . . . Wha—"

"Cale," Keanna nervously uttered and tried to hide her bump behind the paper bag. "K-Kanina ka pa ba? Kailan ka dum—"

Mabagal na naglakad si Cale papalapit sa kaniya nang walang sinasabing kahit na ano na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa mukha niya at salubong pa ang kilay.

Nang maglapit sila, tumingala si Keanna para salubungin ang tingin ni Cale na tinanggal ang paper bag na hawak niya at hinaplos ng isa pang kamay ang tiyan niya.

"What the hell is this, Keanna?" Cale leaned and whispered against her temple.

"C-Cale," Keanna murmured, and her voice shook. "K-Kas—"

Naramdaman ni Keanna ang init ng hangin na nanggaling sa ilong ni Cale mula sa tuktok ng ulo niya. Narinig niya ang pagbuga nito nang malalim na hininga bago inilapat ang labi sa gilid ng ulo niya.

"Keanna, ano 'to?" muling tanong ni Cale habang nakalapat ang kamay sa tiyan niya.

Napalunok si Keanna sa lalim ng boses ni Cale.

Muling huminga nang malalim si Cale at maingat na ipinalibot ang braso sa baywang niya. "Don't make me repeat my question, Keanna. Don't make me ask one more time. I don't wanna repeat what I asked. Now, what is this?"

Nanginig ang baba ni Keanna at bahagyang humiwalay kay Cale. "Cale, kasi . . . ano . . ."

Seryosong nakatingin si Cale sa kaniya nang hindi bumibitiw sa pagkakahawak sa baywang niya. Sapat na ang maliit na pagitan sa kanilang dalawa para magsalubong ang tingin nila.

"Why?" Cale asked flatly.

"K-Kasi masisira 'yung plano mo. Kasi ayaw kong hindi mo sundin 'yung pangarap mo. Ayaw kong maging hind—"

Sumandal si Cale sa pintuan at yumuko. "What the fuck."

Nakagat ni Keanna ang ibabang labi habang nakatingin kay Cale na seryosong nakayuko, nakasandal sa pintuan, at mahigpit ang pagkakahawak sa paper bag. Halos malukot na iyon dahil sa pagkakakuyom ng kamao ni Cale.

"Ayaw ko ka—"

"Ikaw ang priority ko," mahinang sabi ni Cale nang hindi tumitingin kay Keanna.

"Ako rin nam—"

"Kung priority mo ako," nilingon siya ni Cale at gumalaw ang gilid ng panga nito, "kung priority mo ako, sasabihin mo ang tungkol dito."

Mabigat ang bawat paghinga ni Keanna dahil sa kaba. Sa unang pagkakataon, nakita niyang galit si Cale. Sa unang pagkakataon, nakita niyang masama itong nakatingin sa kaniya. Sa unang pagkakataon, mababa ang boses ang pakikipag-usap. At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Keanna ang takot.

"K-Kailan ka dumating?" kinakabahang tanong ni Keanna.

"Kanina." Dumiretso ng tayo si Cale. "Kung hindi ko pa naisipang umuwi, hindi ko malalaman 'to. Kailan mo balak sabihin?"

Kagat ni Keanna ang ibabang labi. "Cale, ka—"

"Car."

Binuksan ni Cale ang pinto ng opisina niya.

"Hihintayin kita sa baba, sa kotse ko," diin ni Cale bago tuluyang lumabas ng opisina.

Nasapo ni Keanna ang dibdib at nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang lumabas si Cale. Hindi niya inasahang uuwi ito dahil noong nakaraang pag-uusap nila, busy ito sa schooling, maraming exams, at hindi makauuwi.

Pilit pinakalma ni Keanna ang sarili bago lumabas ng opisina. Nagpaalam siya sandali sa assistant niyang kararating lang din at walang idea sa pagdating ni Cale.

Kahit na kinakabahan at medyo nagmamadali, maingat si Keanna sa bawat galaw niya lalo na at hinihingal siya sa kaunting paggalaw dahil sa ipinagbubuntis. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kamay niya.

Naabutan ni Keanna si Cale na nakasandal sa kulay itim nitong sasakyan. First time niya iyong makita at mukhang bago.

Nakapamulsa si Cale at nakayuko bago seryosong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Get in," utos ni Cale bago ito umikot papunta sa driver's seat.

Sumunod si Keanna at pagsakay, naamoy kaagad niya ang pabango ni Cale. Na-miss niya iyon at gusto man niyang yakapin si Cale, hindi niya magawa dahil seryoso itong nakatingin sa harapan.

Mahigpit ang hawak ni Cale sa manibela at pinaandar ang sasakyan.

"Where's your doctor?" Mababa ang boses ni Cale. "Saan ka nagpapa-checkup?"

"Ha?" Nagulat si Keanna at hinarap si Cale. "Sa St. Therese ako nagpapa-checkup. Bakit?"

Cale focused on the road. "Lead the way."

"Ano'ng gagawin natin doon? Okay naman ako, wala akong ibang nara—"

"Hindi ako okay." Seryoso pa ring nakatingin si Cale sa daan. "I want to see my child. I want to know everything today at ayaw kitang kausapin. I will talk to your doctor about my child."

Mababa ang boses ni Cale at may diin ang bawat salita. Hawak ni Keanna ang strap ng seatbelt na para bang doon siya makakukuha ng lakas. Alam niyang hindi niya mapipigilan si Cale.

Maingat ang pagmamaneho nito, nararamdaman niya. Sa bawat pagpreno, sa bawat paandar, ramdam ni Keanna ang pag-iingat.

Itinuro niya ang ospital kung saan sila nagpapa-checkup para sa baby at nagulat pa nga ang doctor niya dahil wala naman silang schedule.

"Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ng OB niya.

Umiling si Keanna at pinilit ang sariling ngumiti. "Okay lang po ako, Doc. Kasama ko kasi si Cale. Siya po ang boyfriend ko," aniya at itinuro si Cale.

Lumapit sa kanila si Cale at nakipagkamay sa OB. "I'm Cale Karev. Kararating ko lang po kasi galing sa New York and I wanna know more about my baby. Hindi kasi nagkukuwento 'tong si Keanna kaya gusto ko sanang malaman kung kumusta ang mag-ina ko."

Nakangiti si Cale, pero alam ni Keanna na hindi sila maayos.

"Based sa checkup namin last week, the baby's okay! Healthy siya, actually," sabi ng OB. "Gusto mo ba siyang makita? We can perform an ultrasound so you can see the baby and hear the heartbeat, too."

"We can do that?" Cale uttered and gazed at Keanna. "Can we do that?"

Tumango si Keanna at hindi na nagsalita. Dumiretso na kaagad siya sa kama at siya na ang pumosisyon. Naririnig niya nag-uusap pa ang dalawa tungkol sa estado niya at ng baby.

The OB assured Cale that everything was okay.

Narinig din ni Keanna na itinanong ni Cale kung normal ba ang pagiging moody sa pagbubuntis niya at sinabi ng OB na normal lang. Itinanong din ni Cale kung normal ba ang pagiging antukin, oo rin ang sagot ng OB.

Nag-iinit ang mga mata ni Keanna habang pinakikinggan ang dalawang nag-uusap. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng checkup dahil alam niya at ramdam niyang galit si Cale sa kaniya.

Bumukas ang kurtina at nagtama ang tingin nila ni Cale. Nag-e-explain pa rin ang OB tungkol sa kaniya dahil maraming tanong si Cale na hindi na niya alam kung ano pa. Ultimo sa dugo ay gusto nitong malaman ang lahat.

Itinaas ni Keanna ang damit niya at nakita niyang tumuon ang tingin ni Cale roon. Hindi ito nakatingin sa mukha niya kung hindi sa tiyan niya at tahimik na pumuwesto sa may ulunan niya.

"So, excited ka na ba, Daddy? Six months na si baby."

Muling nakagat ni Keanna ang ibabang labi.

"Six months. Wow." Cale was cold. "I can see the gender now?"

"Hindi pa sinabi ni Keanna?" The OB smiled and gazed at them. "Oh, surprise. Nice! Yes, we can see the gender. Ipakikita ko kaagad."

Nagulat si Keanna sa paglapat ng malamig na bagay sa tiyan niya kasunod ng pagtunog ng malakas na heartbeat ng anak nila. Bahagya niyang nilingon si Cale na seryosong nakatingin sa monitor.

"There, kita mo 'yung little hands? Your baby girl's awake," magiliw na sabi ng OB at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Medyo malikot na siya and I bet, nararamdaman mo na 'yung paggalaw niya lately, Keanna?"

Mabagal na tumango si Keanna. "Opo. Sa madaling-araw po," sagot niya.

"That's why I can see you're watching Netflix during those times," Cale murmured. "Kaya pala."

Tahimik lang si Keanna na nakikinig sa pag-uusap ng doctor niya at ni Cale na maraming tanong. Hindi ito tumitingin sa kaniya at nakatuon ang pansin sa sinasabi ng doctor.

"Is there anything we need to do to make the baby safe?" Cale asked before they left.

Ngumiti ang OB sa kanila. "Just enjoy the pregnancy and be extra careful. So far, so good, maganda ang result ng lahat. Just enjoy and congratulations sa baby girl."

"Thank you, Doc." Cale gave the OB a subtle smile.

Paglabas ng clinic, kaagad na nawala ang ngiti ni Cale at tumingin sa kaniya bago siya nilagpasan. Nakapamulsa itong naglakad papalayo nang hindi siya hinihintay. Ni hindi man lang lumingon kahit na malayo na ang pagitan nila.

Mabagal na naglakad si Keanna papunta sa parking at muling naabutan si Cale na nakasandal sa sasakyan habang naghihintay sa kaniya. Nagsalubong ang tingin nila ngunit walang reaksyon ang mukha ni Cale na umalis sa pagkakasandal at akmang maglalakad na papunta sa driver seat.

"Caleigh." Hinawakan ni Keanna ang kamay ni Cale.

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. Walang sinabing kahit na ano.

Humarap siya kay Cale at ipinalibot ang dalawang braso sa leeg nito. Keanna had to tiptoe because Cale was tall. She sniffed his perfume and hugged him tighter. She felt his hand on her waist and slightly pulled away . . . shocking her.

No words, Cale walked away from Keanna and entered the car, leaving her dumbfounded.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys