Chapter 13
Napapikit si Keanna nang malasahan ang mango shake na binili ng nanay niya sa bangketa papunta sa ospital dahil checkup niya. Sinabi nitong effective raw iyon para maging magalaw ang baby para sa ultrasound.
Sa bilang ni Keanna, twenty-three weeks na ang baby nila ni Cale. Gusto na rin niyang malaman ang gender para makabili na sila ng mga gamit kahit paunti-unti.
Inayos na rin niya ang kwarto niya at pinapinturahan iyon ng kulay puti na mayroong accent na kulay dark green. Nagpagawa na rin siya ng mas malaking kama, mas malaking closet para kasya ang gamit nila ni baby, at crib.
Naghanap lang siya ng mga inspo sa internet at iyon ang ginaya niya.
Si Tadhana rin ang palaging kasama ni Keanna sa checkup. Gusto rin kasi ng nanay niya na malaman kung ano ang lagay at itanong din sa doktor kung ano ang mga pagkaing kailangan niya.
Natatawa si Keanna dahil nasa tiyan pa lang ang baby niya, spoiled na ito sa parents niya, lalo na sa tatay niyang nagsisimula nang bumili ng gamit pambata.
Pagpasok sa loob ng clinic ng OB niya, ngumiti ito at kaagad na nakipagkuwentuhan sa nanay niya na para bang wala siya sa kwarto. Kulang na lang ay nanay niya ang maging pasyente dahil mas madalas pang mag-usap ang dalawa.
"Higa ka, Kea," sabi ng doktor at ibinaling muli ang tingin sa nanay niya. Pinag-uusapan ng dalawa ang teleseryeng pinalalabas na tungkol sa mga kabit.
Tahimik si Keanna na nakatingin sa poster na nakasabit sa pader malapit sa hinigaan niyang kama. Cycle iyon ng pregnancy at nakita niya ang fifth month na malaking-malaki na.
"Excited ka na bang malaman ang gender ni baby?" tanong ng doktor. "Makakabili ka na ng mga damit! Ano ba'ng favorite color mo?"
"Dark green po." Ngumiti si Keanna. "Excited na po ako. Nakaisip na rin po kasi ako ng name niya, e."
Ngumiti ang doktora habang inaayos ang ultrasound machine. "Excited na rin ako kung ano ang mapipili mong name ni baby. Ang laki na rin ng bump mo, pero maliit kang magbuntis, ha?"
"Sabi nga rin po ng kapitbahay namin," ani Keanna na tinutukoy ang nagbebenta ng almusal. "Maliit nga raw po akong magbuntis."
"Okay lang naman 'yan. Ang mahalaga ang baby sa loob." Naglagay ang doktora ng gel sa tiyan niya at inilapat doon ang pang-check. "As long as healthy ang kinakain mo, okay lang 'yan."
Tahimik si Keanna na nakatingin sa monitor. Nasa labas ng kurtina ang nanay niya at hindi na ito sumilip para daw bigyan siya ng privacy.
Malakas na kumabog ang dibdib ni Keanna nang makita ang sanggol sa monitor. Malaki na ang anak niya at mabilis na mabilis ang tibok ng puso. Nararamdaman niya ang paggalaw at nakikita rin niya sa mismong monitor.
"Girl."
Tumingin si Keanna sa doktor. "Hala, ang cute," aniya at mahinang natawa. "Matutuwa si Nanay. Kasi gusto raw niyang bilhin 'yung tutu dress na pang-baby sa ukay."
Mahinang natawa ang doktora at nagpatuloy sa ginagawa. Nag-e-explain din ito na maganda ang heartbeat ng baby, sakto naman ang weight at size, at sinabi rin sa kaniya na magpatuloy normal ang nararamdaman niya.
"Kung nahihirapan ka, magpahinga ka muna." Pinunasan ng doktora ang gel sa tiyan ni Keanna. "Ganiyan talaga ang buntis. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang muna."
Tumango si Keanna dahil iyon din ang naisip niyang gawin. Sinabi naman sa kaniya ni Sarki at ng parents niya na kung hindi siya komportableng pumasok sa work niya, okay lang at sa bahay na lang.
Isa sa perks kapag sila mismo ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niya.
Habang naglalakad papunta sa parking, nilingon ni Tadhana si Keanna. Huminto sandali si Keanna sa paglalakad dahil alam niyang may sasabihin ang nanay niya at kailangan niyang ihanda ang sarili.
Alin lang sa dalawa: kalokohan o seryoso dahil pagagalitan siya.
"Sinabi mo na ba kay Cale?" Seryoso ang boses ng nanay niya.
Nakagat ni Keanna ang ibabang labi bilang sagot sa tanong ng nanay niya dahil hindi pa. "H-Hindi ko po alam kung paano."
Napapikit si Tadhana at huminga nang malalim. "Keanna, pinalaki ba kitang sinungaling? Alam mong ayaw ko sa lahat 'yung ganiyan. Alam kong isang rason sa 'tin na hindi pagsisinungaling ang paglilihim, pero ibang kaso na 'to."
Nanatiling tahimik si Keanna.
"Ayaw ko na 'yung pakiramdam na para ka naming kinukunsinti rito, Kea. Mabait si Cale at wala siyang ipinakitang hindi maganda sa 'min. Gusto kong intindihin dahil anak kita at napagdaanan ko 'yan, pero hindi na kasi tama dahi—"
"Sasabihin ko na po, 'Nay," ani Keanna para tumigil na ang nanay niya. "Humahanap lang po ako ng timing. Hahanapan ko lang po ng magandang timing."
Malalim na huminga si Tadhana at tipid na ngumiti. "Sana sa susunod, hindi na ako magtatanong, Keanna."
Tumango si Keanna at sumunod sa nanay niyang naunang naglakad. Sinabi nitong maghintay na lang siya sa sasakyan dahil dadaan na muna sa palengke para bumili ng prutas para sa bahay nila.
Sa kotse, kaagad na tiningnan ni Keanna ang ultrasound print ng anak niya. Babae ang anak nila ni Cale at hindi niya ma-imagine kung ano ang itsura nito.
Singkit kaya? Halata kaya ang pagiging mukhang foreigner tulad ni Cale? Magiging matangkad kaya? At marami pang iba.
Keanna was about to take a photo of the ultrasound print when her phone rang. It was eleven in the morning, the same time but evening in New York.
Si Cale iyon at video call. Inayos na muna ni Keanna ang sarili bago sagutin ang tawag at nang bumukas ang call, nakita kaagad niya ang mukha ni Cale.
Awtomatikong nawala sa mood si Keanna. Hindi niya alam kung bakit ngunit sa tuwing nakikita niya si Cale, naiirita siya. Siguro ay dahil na rin sa malaking bagay na itinatago niya.
"Hi, sweetheart," ani Cale habang naglalakad. Naka-bonet ito at naka-hoodie. Malamang na giniginaw. "Oh, you're out?"
"Kasama ko si Nanay," tipid na sagot ni Keanna. "Bakit ka tumawag?"
Huminto sa paglalakad si Cale dahil sa narinig. "W-What do you mean?"
"Nasa labas ka pa, 'di ba? Bakit ka tumawag? Mamaya na lang tayo mag-usap kapa—"
"I actually wanna show you the pizza place I was talking about last time," ani Cale at tumigil sa paglalakad na sandaling sumandal sa gilid.
Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Anong pizza place?" tanong niya dahil wala siyang maalala.
Cale subtly smiled. "Remember the pizza I was eating last time? 'Yung sinabi kong masarap kasi maraming garlic and merong meat na mala—" He stopped talking when he saw that Keanna wasn't interested. "How are you? I miss you."
"Okay lang ako. Miss na rin kita." Nilingon ni Keanna ang bintana nang may dumaan na mga turista at may tulak na stroller ng baby ang isa.
"Sweetheart, I was thinking . . ."
Tumingin si Keanna sa screen nang magsalita ulit si Cale. Hindi siya sumagot.
"I was thinking, puwede ka naman sigurong magpaalam sa parents mo or do you want me to?" Cale smiled widely.
"Para saan?" tanong ni Keanna.
Nilingon ni Cale ang paligid. "I was thinking, gusto mo bang magpunta rito? Like a visit, I miss you and can't go home yet. I was just wondering if you want to come here? Visit me, maybe?"
Bumilis ang tibok ng puso ni Keanna sa sinabi ni Cale ngunit nanatili siyang walang reaksyon. Nakatingin siya sa screen, sa mukha nito, habang hawak sa isang kamay ang ultrasound result at bahagyang nakalapat ang kamay niya sa tiyan.
Maliit siya magbuntis, oo, pero noticeable na iyon kaya madalas pa rin siyang naka-hoodie. Wala pang ibang masyadong nakaaalam.
Hindi naman dahil gusto niyang itago ang anak, kundi dahil hindi pa niya nasasabi kay Cale.
"Pag-iisipan ko muna," tipid na sagot ni Keanna. "Marami rin kasi akong trabaho nitong mga nakaraan. Medyo marami kasing na-book doon sa isang transient."
Mabagal na tumango si Cale at wala nang sinabi.
"Saan ka pala pupunta?" tanong ni Keanna.
"Oh, a colleague invited me to a party. Saktong dadaan ako sa pizza place. Ipakikita ko sana sa 'yo," ani Cale na nagsimula nang maglakad at nagkukuwento tungkol sa lugar.
Nakatingin lang si Keanna sa screen at hindi sumasagot. Sakto namang naramdaman niya ang antok kasabay rin nang pagtigil ni Cale sa pagsasalita at matagal lang na nakatingin sa screen.
Meanwhile, Cale already noticed that Keanna was being cold. It had been months since his class started.
Noong mga unang buwan, okay pa naman sila ni Keanna. Madalas pa itong masayang nakikipag-usap sa kaniya at excited na mag-video call sila ngunit nitong mga nakaraan, napansin na niyang nakikinig na lang ito sa sinasabi niya.
Ni hindi nagtatanong o ano at basta na lang minsang ida-drop ang tawag o sasabihing inaantok na kaya gusto nang matulog.
Imbes na magsalita pa, nagpatuloy si Cale sa paglalakad papunta sa party na sinasabi ng kaklase niya sa NYU ngunit may pagkakataong nakatingin siya sa phone niya at pinakikinggan din kung may sasabihin ba si Keanna.
Seryosong nakatingin si Keanna sa labas ng bintana na para bang hindi interesadong nasa kabilang linya si Cale.
"Sweetheart, ingat kayo ni Tita sa pag-uwi," sabi ni Cale. "Nandito na rin ako sa tapat ng bar. I love you."
Keanna faced her phone and subtly nodded. "I love you," she whispered.
Hindi na muna pinatay ni Cale ang tawag. Sandali pa siyang nag-stay sa labas ng bar at sumandal sa katabing pader para titigan si Keanna dahil miss na miss na niya ito.
Samantalang hinarap ni Keanna si Cale kahit na ayaw sana niya itong makita. Nagbabadyang bumagsak ang luhang pinipigilan niya. Ayaw niyang ipakita na iiyak siya dahil mas mahihirapan pa siya.
"Sige na. Nandito na rin si Nanay, uuwi na kami," pagsisinungaling ni Keanna kahit na wala naman talaga. "Ingat ka na lang. 'Wag kang masyadong iinom."
Tumango si Cale. "Ingat din kayo. I miss you so much, Kea. Think about coming here and let me know so I can help process." Ngumiti si Cale. "Miss na miss na kita."
"Miss na rin kita. Sige na. Bye na." Nag-wave is Keanna at kaagad na pinatay ang tawag dahil naramdaman na niya ang pagtulo ng luha.
Hindi siya nagkamali nang basta na lang bumagsak ang luha niya at nagsunod-sunod iyon hanggang sa mapahawak siya sa tiyan kahihikbi.
Miss na miss na rin niya si Cale. Sobra.
↻ ◁ II ▷ ↺
Ilang araw pa ang lumipas, mas napansin ni Cale ang pagiging distant ni Keanna sa kaniya. Sa tuwing tumatawag siya, hindi ito sumasagot. Magre-reply man, ilang oras pa ang aabutin at minsan siyang naghihintay sa madaling-araw.
Madalas na gising na si Keanna sa umaga—six in the morning, to be exact—pero madalas na nagre-reply sa kaniya kapag mga tanghali na. Almost lunch time na sa Pilipinas.
He wasn't sure what was happening. May mga pagkakataon namang okay sila, nagkakausap. May pagkakataong nanonood naman sila ng movie.
Gustuhin man niyang umuwi, hindi niya magawa dahil nasa kalagitnaan na siya ng semester at may mga examination na hindi puwedeng ma-miss. May mga class na importante at hindi puwedeng basta na lang umuwi.
May mga pagkakataong aayain niya itong makipag-video call tulad noon na kahit nasa trabaho silang dalawa, nagagawa nila. Naging rason ni Keanna nitong mga nakaraan na busy, maraming meeting, at maraming ginagawa.
Sa magdamag, gising si Keanna, alam niya dahil nakikita niya sa Netflix history na nanonood ito nang ganoong oras, pero hindi nagre-reply sa kaniya.
Dahil hindi matawagan ni Cale si Keanna, si Vianne ang na-contact niya. Kaagad na sumagot ang ate niya at ngumit sa kaniya.
"I miss you na, Caleigh." Vianne pouted. "How's New York. I should visit you sometime!"
"Right! Isama mo si Kea," pagbibiro ni Cale. "But how are you? Baka nag-aaway na naman kayo ni Dad."
Umiling si Vianne at natawa. "Hindi naman kami nag-aaway lately dahil hindi ko naman siya pinapansin," sagot ng ate niya. "I miss our madaling-araw getaways, Caleigh. 'Wag ka na kasi riyan! Study here na lang sa EU, oh!"
Cale chuckled. "Nakaka-almost five months na ako, one semester down. A year and a half to go. Sandali lang 'to!"
Naningkit ang mga mata ni Vianne. Nakahiga ang ate niya. It was almost three in the morning in the Philippines.
"Sandali lang, pero what if makahanap na si Keanna ng iba dahil wala ka?" Natatawa si Vianne at umiling. "Baka mamaya, ipagpalit ka sa malapit dahil ang layo-layo mo!"
Natahimik si Cale at naalala ang pagiging malamig ni Keanna sa kaniya nitong mga nakaraan.
"She won't do that." Tumayo si Cale at nahanap ng puwedeng makain sa pantry nang maramdaman niya ang uneasiness.
"Why wouldn't she?" Vianne chuckled. "Tingin mo ba, ikaw lang ang lalaki sa mundo? Some women prefer to be cuddled physically! Ang lamig kaya sa Baguio. Mala—"
Sumama ang tingin ni Cale sa phone niya at nakita iyon ni Vianne. "Ate."
"I was just kidding!" Vianne laughed. "Alam ko naman na mahal ka ni Kea. But yeah, I miss you na, Cale. Wala akong kakampi."
"Never naman kitang kinampihan, ha?" natatawang sagot ni Cale habang nakatingin sa ate niya.
Ngumuso si Vianne at humarap sa kaniya. "But you're always giving me ice cream whenever I'm down or sad or if Dad and I fought. I miss that, Cale. Nami-miss na kita rito sa house."
"I miss you, too, Ate." Cale smiled. "Matulog ka na. May pimple ka sa ilong. Kamusta kayo ni Kuya Gabo?"
Cale saw how Vianne's face instantly lit up. "We're okay. We're still hiding 'cos Dad's always galit, but I don't mind. Kahapon we went to an island kaya medyo umitim ako, and Dad just looked at me, breathed, and gave up. Wala siyang magagawa."
Gustong matawa ni Cale sa pagkukuwento ng ate niya at malamang sasakit na naman ang ulo ng mommy niya o kaya ay pinigilan na lang ang daddy nila.
Tama rin naman ang mommy nila. Wala na silang magagawa dahil mas lalo lang nagrerebelde ang ate niya kapag pinipigilan ito.
Hinayaan ni Cale na magkuwento ang ate niya habang nagluluto siya ng meryenda. Wala siyang pasok kaya sa bahay lang siya at naghihintay kay Keanna. Gusto niya sana itong ayaing manood ng movie nang sabay kaya naghihintay siyang magising ito.
"Anyhoo, I'm sleepy na, Caleigh. Uwi ka na soon, ha? I love you so much!" Vianne did the flying kiss.
"I love you." Cale chuckled. "Go to sleep, Ate. Paiinitin mo na naman ang ulo ni Daddy."
"Dasurb." Vianne rolled her eyes and dropped the call.
Nagluto si Cale ng pasta at nagpa-deliver na lang siya ng pizza. Naghanap siya ng puwedeng panoorin habang naghihintay kay Keanna.
Habang nakaupo, naisipan niyang magbasa ng conversation nila at nalungkot siya dahil puro pangalan lang niya ang mayroong bubble, kay Keanna ay limitado.
Madalas pa rin siyang nagse-send ng kanta kay Keanna, pero hindi na ito sumasagot tulad noon na mayroong sariling kantang ire-reply sa kaniya.
Madalas nitong ire-reply na pakikinggan at tulad din noon, maghihintay siya ng sagot. Baka mayroong bagong kanta o may lyrics itong sagot sa kaniya, pero ilang linggo nang wala.
Keanna would just react to his messages and ignore the song he sent. Hindi niya magawang magtanong kung pinakinggan ba nito.
Their shared playlist was dead.
Si Cale na lang ang naglalagay ng mga kanta, si Keanna, hindi na.
Cale wanted to ask what was the problem, but he didn't want to sound as if he was doubting Keanna. Gusto niyang magtanong, pero natatakot siyang ma-misinterpet ng girlfriend niya ang tanong.
Imbes na mag-overthink, nagpatuloy si Cale sa panonod ng movie. Naghanap siya ng action o thriller na makapag-iisip siya para hindi niya maisip ang nangyayari sa kanila ni Keanna.
Nakatapos ng dalawang movie si Cale nang walang ibang iniisip nang makatanggap siya ng message galing kay Keanna na gising na ito.
It was already eleven in the evening in New York and morning in the Philippines. Unusual ang ganoong gising ni Keanna kung kagigising lang nito. Iniligpit na muna ni Cale ang kinainan.
Cale immediately called Keanna, and it took six rings before she answered.
"Hi, sweetheart!" Cale tried to be positive as he could.
"Hi." Keanna gave him a small smile. Ipinakita nito ang pinggan na mayroong kanin at sabaw. "Kain."
Nakikita ni Cale sa background na nasa kusina ito ng bahay. "Hindi ka pumasok?"
Umiling si Keanna at uminom ng tubig. Walang sinabing kahit na ano.
"Why?"
Keanna looked at him. "Wala naman. Nagpaalam na muna ako kina Mommy na magpapahinga."
Cale nodded. "Good, at least you'll be able to rest. Ang busy mo rin kasi nitong mga nakaraan." He chuckled. "Hindi na nga tayo masyadong nakakapag-usap."
Walang sagot galing kay Keanna. Naririnig ni Cale ang mahinang pagtunog ng babasaging pinggan at kubyertos.
"Malamig ba sa Baguio ngayon? Dito sa New York, it's freezing." Natawa si Cale. "Dalawang layer na 'yung hoodie ko minsan."
"Sakto lang dito," tipid na sagot ni Keanna.
Pabagsak na naupo si Cale sa sofa at tinitigan si Keanna na busy sa pagkain. Naghihintay pa siya ng sasabihin nito dahil madalas naman noon na magkukuwento tungkol sa trabaho o kahit na ano.
"Sweetheart?" pagkuha ni Cale sa atensyon ni Keanna. "Are we okay?"
Kita ni Cale kung paanong nagsalubong ang tingin ni Keanna habang nakatingin sa camera. Matagal na nakatingin at matagal din bago sumagot, "Why would you even ask that? Of course, we are. Pagod lang ako."
"I am, too." Cale smiled. "But I'm not ignoring you or . . . whatever." He stopped talking when Keanna's brows furrowed even more. "Sige na, sweetheart. You're eating. Mamaya na lang tayo mag-usap."
No words. Keanna nodded and started eating.
"I'll get going." Cale breathed to calm himself. "I love you."
Keanna said I love you, too . . . but it was too bland for Cale . . . and dropped the call.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top