Chapter 12

Cale kept talking while Keanna was busy doing her thing. He could hear the keyboard and mouse, but his girlfriend wasn't responding to any topics as if she was not interested.

Sandaling tinitigan ni Cale ang girlfriend niya. It had been almost five months and he missed Keanna, lalo pa at ilang araw na itong walang ganang makipag-usap sa kaniya.

"Sweetheart?"

Keanna looked at the camera. Gamit nito ang phone sa pakikipag-usap sa kaniya kaya patagilid dahil nagtatrabaho ito at nakaharap sa laptop.

"Hmm?" Kea frowned.

Cale subtly smiled. "If you're busy, I'll just drop the call. Call or message me when you're free. Hindi na kita guguluhin."

Keanna nodded. "Okay, matulog ka na rin. It's almost ten."

Ibinalik kaagad ni Keanna ang tingin sa monitor at naiwan si Cale na nakatitig sa girlfriend niyang seryosong nagta-type sa keyboard.

"I miss you," Cale whispered.

"Hmm," Keanna responded. "May meeting ako with a client in thirty minutes kaya okay rin na we'll drop the call. Matulog ka na rin. Baka mamaya p-um-arty ka pa."

Cale chuckled. "Hindi ako nagpupunta sa parties, I have no time."

No response.

"Anyway, I'll get going, sweetheart." Cale tried to smile, but Keanna didn't bother looking. "I love you, and I miss you."

Nilingon ni Keanna si Cale at sandaling natahimik. Kinabahan si Cale sa paraan ng pagtingin ni Kea sa kaniya kaya naghintay siya. Nakakuha rin siya ng pagkakataon para titigan ang kasintahan.

"I love you." Keanna gave Cale a small smile. "Matulog ka na. Magtatrabaho na muna ako."

Cale nodded, and Keanna dropped the call.

Sumandal si Keanna sa swivel chair at ipinikit ang mga mata pagkatapos ng video call nila ni Cale. Pagkapatay ng tawag, gusto niya ulit itong tawagan para makita.

Hinaplos niya ang malaking tiyan habang nakapikit at naramdaman ang mainit na likidong dumaloy sa magkabilang mga mata niya.

Miss na miss na niya si Cale, pero ayaw niyang ipahalata iyon. Madalas pa na kapag kausap niya ito, kung puwede lang ay sabihin na niya, pero nauunahan siya ng takot at humahantong sila sa katahimikan.

Mali.

Siya lang pala.

Siya lang ang pinipiling manahimik at hinahayaan si Cale na magsalita dahil gusto niyang marinig ng anak nila ang boses nito. Hindi alam ni Cale na ang speaker ay malapit sa tiyan niya kaya hinahayaan niya itong magkuwento nang magkuwento.

"Kea?"

Umayos ng upo si Keanna nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Sarki na may dalang pagkain para sa kaniya.

"Nagdala si Tatay," ani Sarki na ibinaba ang lunch bag sa lamesa niya. "Umiiyak ka na naman. Sabi ko naman kasi sa 'yo, sabihin mo na para mabawasan 'yang bigat, e."

Kahit pigilan, hindi nagawa ni Keanna. Ang luha ay naging hikbi at ang hikbi ay naging hagulhol. Mabigat na mabigat ang dibdib niya sa nararamdaman.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, e. Mas gagaan kapag sinabi mo na kay Cale. Hindi mo naman kasi kailangang sarilinin 'yan, e. Hindi lang naman ik—"

"Okay lang ko, Kuya." Ngumiti si Keanna at pinunasan ang luha. "Ano 'tong niluto ni Nanay?"

Umiling si Sarki at kinuha ang upuan para tumabi kay Keanna. "Ito ka na naman sa nag-iiba ng usapan, e. Keanna, ilang beses ko nang sinasabi sa 'yo na hindi mo kailangang mag-isa. Alam kong sasabihin mong nandito naman kami, pero iba kapag kasama mo na si Cale. Ilang beses na ring sinabi sa 'yo 'yan nina Nanay at Tatay."

Nakikinig si Keanna sa sinasabi ni Sarki habang binubuksan ang baong ipinadala ng parents niya. Sabaw iyon ng tinola dahil mahilig siya sa sabaw simula nang magbuntis. Mayroon ding broccoli na niluto sa butter at bawang.

"Keanna, kinakausap kita, e," pagkuha ni Sarki sa atensyon ni Keanna. "Ganiyan ka palagi. Walang maaayos kung palagi kang iiwas sa usapan. Mapagsasabihan ka na naman ni Nanay niyan."

Nakagat ni Keanna ang ibabang labi at hinarap ang kuya niya. Awtomatikong bumagsak ang luha niya sa ngunit pinili niyang walang sabihin. Alam naman na nito ang paulit-ulit niyang isasagot.

Huminga nang malalim si Sarki. "Keanna, hindi ko gusto 'tong ginagawa mo. Kapatid kita at ayaw kitang kunsintihin dito. Hanggang kailan mo 'to itatago? Hindi lang kasi ikaw ang nagsisinungaling, Kea. Pati kami na pinakiusapan mo."

Mas lalong nanginig ang baba ni Keanna sa sinabi ni Sarki.

"Ayaw kong ma-stress ka, pero nadadamay na kami sa pagsisinungaling mo. Hindi na maganda 'to at paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo na hindi tayo pinalaking sinungaling," dagdag ni Sarki at tumayo. "May gusto ka pa bang kainin?"

Umiling si Keanna at nanatiling tahimik hanggang sa makaalis si Sarki.

Tama naman ang kuya niya. Kung tutuusin, ilang beses na siyang napagagalitan ng nanay niya. Halos isang buwan na rin kasing alam ng pamilya niya ang tungkol sa ipinagbubuntis niya, pero hindi pa rin niya sinasabi kay Cale.

Nagpatuloy si Keanna sa pagkain. Naramdaman niya rin ang pananakit ng ulo dahil simula nang magbuntis siya, madalas siyang pagod at mas gusto niyang matulog.

Nakaharap siya computer habang kumakain dahil nanonood siya ng movie nang makatanggap ng message galing kay Cale. Akala niya ay tulog na ito.

Cale Karev
Sweetheart
Need You Now – Lady A
0:48
I love you.

Binuksan ni Keanna ang YouTube at naluha nang marinig ang kanta.

It's a quarter after one
I'm all alone and I need you now
Said I wouldn't call, but I lost all control
And I need you now
And I don't know how I can do without
I just need you now


↻ ◁ II ▷ ↺


Another week passed and Keanna hated the mornings even more. Mas gusto niyang matulog at nasa punto na siyang mas gising siya sa madaling-araw.

Hirap siya dahil bukod sa madalas na sumasakit ang ulo niya, hindi siya komportable sa pagbubuntis. Nasa second trimester na siya, pero mas naging mahirap iyon para sa kaniya.

"Nagluto ako ng nilaga tapos nilagyan ko ng malunggay," sabi ni Keanu pagbaba ni Keanna. "Gusto mo ba ng hot chocolate?"

Tumango si Kea. "Opo, 'Tay. Si Nanay po?"

"Nagpunta sandali sa office. May client yata for meeting ka—"

Nagulat si Keanna nang maalala na mayroon siyang meeting sa isang client na gustong mag-rent ng isang transient nila para sa kasal. Nawala iyon sa isip niya at nine ng umaga dapat ang meeting, pero ala-una na ng hapon.

"Sorry po." Naluha si Keanna dahil sa nangyari. "Nawala po talaga isip ko."

"Okay lang 'yun!" Mahinang natawa si Keanu. "Okay naman si Nanay, nagsabi siya na late na rin siyang uuwi kasi siya na muna ang mag-aayos ng ibang files na kailangan para sa pag-rent nila. 'Wag mo nang alalahanin 'yun."

Hindi matanggap ni Keanna sa sarili ang pagkakamali niya at patuloy ang pag-comfort sa kaniya ni Keanu. Sinabi rin nito na umalis si Sarki papunta sa Manila at mukhang magtatagal roon nang isang linggo.

Kahit habang kumakain, hindi nawala sa isip ni Keanna ang nangyari. Umiiyak siyang kumakain at natatawa ang tatay niya. Naikuwento pa nito ang tungkol sa pagbubuntis sa kaniya ng nanay nila na halos madalas din palang tulog.

"May tanong po ako, 'Tay," ani Keanna at ibinaba ang kubyertos.

Nakaupo si Keanu at nagbabalat ng mangga na ni-request niya. Kahit na buntis na siya, ramdam pa rin ni Keana na baby siya ng tatay niya.

"Ano 'yun?" Tumingin si Keanu sa kaniya.

Nahihiya man, gusto lang itanong ni Kea. "Ano po ang naramdaman mo n'ung sinabi ni Nanay ang tungkol kay Kuya?"

Kaagad na nagbago ang expression ng mukha ng tatay niya dahil ngumiti ito na para bang may inalala. Ang ngiti ay naging mahinang tawa. Alam naman nila ni Sarki ang history kung paano sinabi ng nanay nila ang big news, pero natutuwa pa rin si Keanna sa tuwing nagkukuwento ang tatay niya.

"Hindi alam ni Nanay 'to, pero nasaktan ako," ani Keanu. "Nasaktan ako kasi wala ako n'ong nagbuntis siya, nanganak siya, at n'ong mga panahong mag-isa siya. Sinarili niya lahat ng sinasabi ng iba na dapat kasama ako."

Tahimik si Keanna na nakikinig sa tatay niya.

"Noong mga panahong 'yun, sa tuwing inaalala ko, nag-e-enjoy ako sa buhay ko bilang college student. Naging laman ako ng mga bar, kasama ako nina Tito Juancho sa kung saan-saan, may naging girlfriend ako, nag-enjoy ako," dagdag ni Keanu. "Pero si Tadhana, mag-isa siya sa lahat noong mga panahong 'yun. Alam ko namang kasama niya ang parents niya, pero kung alam ko lang, sasamahan ko siya, e."

"Kahit hindi naman kayo?"

Tumango si Keanu. "Oo. Anak namin 'yun, e. Kaming dalawa 'yun. Nalungkot ako kasi dapat ultimong pagluto ng sabaw, nandoon ako."

Yumuko si Keanna dahil bigla niyang naisip si Cale.

"Pero magsa-sacrifice ka ba n'on, 'Tay, kung sakali man na nalaman mo 'yung sitwasyon ni Nanay?" muling tanong ni Keanna. "Sabi mo nga, nag-e-enjoy ka, nag-aaral ka pa po. Tingin mo, magsa-sacrifice ka o iiwan mo 'yun para kay Nanay?"

"Hindi ko alam. Siguro? Bata pa ako noon, pero hindi ko naman hahayaang mag-isa si Tadhana. Strangers kami n'on, pero may responsibilidad ako bilang ama " Natawa si Keanu. "Alam ko kung bakit ka nagtatanong, Keanna, at ang masasabi ko lang sa 'yo, hangga't maaga, sabihin mo na kay Cale 'yan. Nagbanta na si Sarki at alam mo 'yan."

Mabagal na tumango si Keanna at inintindi ang sinabi ng tatay niya. Naalala niya ang sinabi ng kuya niya na kapag hindi pa niya sinabi, ito na mismo ang mauuna at hindi na siya hihintayin.

Nang matapos kumain, nanatili si Keanna sa sala at nanonood ng TV habang nasa ilalim ng comforter. Alam niyang madaling-araw pa lang sa New York at nag-message sa kaniya si Cale, pero hindi pa siya nagre-reply.

Hindi niya magawang mag-reply dahil nakararamdam siya ng kaba at konsensya na hindi niya masabi ang sitwasyon niya.

Kapag magkausap sila ni Cale, hindi niya ito magawang tingnan dahil sa laki ng itinatago niya. Mas madalas na rin siyang hindi nagre-reply lalo sa parteng itinatanong nito kung kumusta siya.

Ayaw niyang madagdagan ng kasinungalingan niya. Ayaw niyang sabihing okay lang siya kahit na hindi.

Awtomatikong hinaplos ni Keanna ang tiyan niya dahil gumalaw ang baby sa loob niya. Isa iyon sa paborito niyang gawin nitong mga nakaraan, ang haplusin ang tiyan niya at pakiramdaman ang paggalaw.

Hindi pa rin niya alam kung ano ang gender dahil naisip niyang gusto na lang sana niyang malaman pagkapanganak.

"Apay ngay agsangsangit ka?" tanong ng nanay niyang kapapasok lang ng sala at may dalang box ng cake galing sa Good Taste. "Nag-alas ka." Bakit ka umiiyak? Ang pangit mo.

Mahinang natawa si Keanna at bumangon. "Wow, cake!"

"Iniiba na naman ang usapan! Guard, may pretentious!" Umirap ang nanay niya at sakto namang lumabas ang tatay niya galing kusina. "Ni Kea, agsangsangit manen." Si Kea, umiiyak na naman.

Tawa lang ang isinagot ng tatay niya at hinalikan ang nanay niya sa pisngi. Narinig din ni Kea na nagtanong din tungkol sa araw ng bawat isa.

Nag-iwas tingin siya hinarap ang TV para ituloy ang panonood para libangin ang sarili dahil alam niyang iiyak na naman siya. Her emotion was fucked up due to pregnancy hormones.

Nang magsawa sa pinanonood, umakyat si Kea sa rooftop ng bahay nila at pinanood ang paglubog ng araw. Hindi naman foggy at ipinagpapasalamat niya iyon dahil bihira sa Baguio nitong mga nakaraan.

Suot niya ang college jacket ni Cale na iniwan sa kaniya hawak ang hot chocolate na ginawa ng tatay niya. Naging paborito niya iyon simula rin nang magbuntis.

"Mahamog na, Virginia."

Natawa si Kea na nilingon ang nanay niya. "Akala ko ba ayaw mo na po akong tawaging Virginia?" aniya at ngumiti. Isinuot niya ang hood sa ulo. "Sorry po, 'Nay, hindi ako naka-attend sa meeting kanina."

"Wala 'yun, hoy!" ani Tadhana. "Checkup mo na ulit bukas. Ano na, Keanna? Paulit-ulit na. Hindi na ako magugulat kung totohanin na ng Kuya Sarki mo 'yung sinabi niya n'ong nakaraan."

"Ako rin po," sagot ni Keanna. "Parang mas okay pa nga na si Kuya Saki na ang magsabi. Natatakot ako, e."

Naupo si Tadhana sa tabi ni Keanna. "Saan ka ba natatakot?"

"Hindi ko rin po alam." Mahinang natawa si Keanna at umiling. "Hindi ko po talaga alam. Ilang beses ko na rin pong inisip 'yan."

Huminga nang malalim si Tadhana at tumingin sa kawalan. Nilingon ni Keanna ang nanay.

"Natakot ka rin po ba noon, Nanay?" tanong ni Keanna.

Tumango si Tadhana. "Oo, pero hindi ko 'yun pinahalata sa iba. Gusto ko kasing makita nilang strong ako. Ayaw kong isipin ng ibang tao na nahihirapan at nasasaktan ako sa sitwasyon ko kasi sino ba naman ang gustong mag-isang magbuntis, 'di ba?"

Sumimsim si Keanna ng hot choco na hawak niya.

"Nakikita ko nga ang sarili ko sa 'yo, kaya medyo naiinis ako kasi ayaw ko sanang maranasan mong wala ang tatay ng anak mo sa tabi mo habang naghihirap kang magbuntis. Ayaw kong ikumpara 'yung nangyari sa 'min ng tatay sa inyo ni Cale, pero ang advantage mo kasi, may relasyon kayo at mahal ka niya," sabi ng nanay niya sa mababang boses.

Ang serious.

Hindi sanay si Keanna at ayaw lang niyang ipahalata dahil baka mapagalitan siya.

"Medyo understandable 'yung sa sitwasyon namin ng tatay mo dahil puro lang naman kami kalokohan noon, hindi naman inasahan na may mabubuo." Natawa pa ito. "Mahal ka ni Cale, alam naman nating lahat 'yan. Ilang beses ko nang sinasabi sa 'yo na karapatan niyang malaman at kung ano man ang magiging reaction niya, pag-usapan ninyo. Higit kanino, ikaw ang nakakakilala sa kaniya."

Na-realize ni Keanna na tama naman ang nanay niya. Kilala niya si Cale na mabait at maintindihin. Warm itong tao at mahal na mahal siya.

"Kaso po baka masira ko 'yung pl—"

"The moment na nag-sex kayong dalawa nang walang balot, sinira n'yo na." Umirap si Tadhana kay Keanna. "Hindi kayo naging maingat, e. Alam ko naman na masa—"

"Nanay!"

Sinamaan siya ng tingin ng nanay niya. "Maka-react naman, parang virgin! Hoy! Buntis ka na."

"Oo na, 'Nay!" Umiling si Keanna. "Ayaw ko pong pag-usapan."

Nakalolokong tumingin sa kaniya ang nanay niya at tinaasan pa siya ng kilay. Wala itong sinabing kahit na ano, pero alam ni Keanna na nang-aasar na ito. Sa tingin pa lang, may pambubuwisit nang naiisip.

"Ayaw ko nang mag-talk at kung ano pa ang masabi ko." Naningkit ang mga mata ng nanay niya. "Sex pa more, tago later."

"Nanay talaga." Umiling si Keanna. "Mana ako sa 'yo."

Ngumusi si Tadhana. "Gagi, legit. Kamukha ka lang ng tatay mo, pero ako ang lodicakes talaga!"



T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys