Chapter 1
Keanna woke up from a notification. The message was from Cale with a link, and it was from their shared playlist.
Cale Karev
Hey sweetheart
Good morning
I love you
New on playlist
Pls check
Sunsets with you by Cliff
1:16
She immediately listened to the song. Eyes closed, Keanna's lips formed a smile while analyzing the lyrics.
After hearing the entire song, she replied, Good morning, Caleigh. 2:18, sweetheart. I love you!
Tinakpan ni Keanna ang mukha ng dalawang kamay. Aalis siya papuntang Metro, pero walang idea si Cale dahin hindi niya sinabi at gusto niya itong i-surprise.
Hindi na rin nag-reply si Cale. Alam ni Keanna na magiging busy ang araw nito dahil sa kabi-kabilang meeting.
It was eight in the morning. Late na siyang nagising kung tutuusin dahil gabi na siya natapos mag-empake ng dadalhin niya sa Metro.
Kahit na magkausap sila ni Cale kagabi, wala siyang binanggit dito tungkol sa pagluwas niya. Nagtanong lang siya kung ano ang gagawin nito at sinabing nasa opisina lang.
Isang linggo lang din ang na-file niyang leave. Kahit na sa kanila naman ang business, kailangan niyang magpaalam sa trabaho para sa papalit sa kaniya.
Pinatingnan na rin ng tatay niya ang kotse at totoo ngang naka-full tank pa iyon.
Mula sa hagdan, narinig ni Kea ang nanay at tatay niya sa kusina. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa ipadadala sa kaniyang mga gulay at pasalubong para sa mga Karev.
"Taray! Excited 'yan?" pagbibiro ni Tadhana habang nakatingin kay Keanna. "Marami akong nabiling pasalubong. Magsawa kamo si Niana sa ube."
Nakita ni Keanna ang isang kahon at hindi na siya nagulat doon. Sa tuwing may luluwas ng Metro o kaya naman kapag bumibisita si Cale, palaging maraming padala ang nanay niya.
"Sure ka bang kaya mo?" tanong ni Keanu. "Puwede naman nating sabihan ang kuya mo. Nag-volunteer naman siya."
"Kaya ko po," paniniguro ni Keanna at niyakap nang patagilid si Keanu. "Thank po, Tatay! Thank you po sa pagpapa-check ng car and full tank."
Ngumiti si Keanu at inakbayan si Keanna bago halikan ang tuktok ng ulo. "Basta mag-update ka. Pagdating mo sa Metro, tawagan mo kaagad kami o kaya kapag naisipan mong mag-stopover, promise?"
"Promise po!" natutuwang sambit ni Keanna. "May ipapabili po ba kayo sa Metro? Kung meron po, sabihan n'yo lang po ako."
Inisa-isa ng nanay niya ang mga pinamili nitong gulay at prutas. Pati na ang iba't ibang klaseng pasalubong at binilinan siyang bigyan pati na ang mga helper sa mansion ng mga Karev.
Noong nanliligaw pa lang si Cale sa kaniya, nagkakilala na ang mga magulang nila.
Naunang magpakilala si Cale sa mga Tomihari at hindi makalimutan ni Keanna ang eksenang niloko ni Tadhana si Cale na kung totoong seryoso, dalhin ang mga magulang sa Baguio.
At isang linggo lang ang nakalipas, dumating ang mga Karev sa bahay nila para pormal na magpakilala.
Kung tutuusin, biro lang iyon ni Tadhana na sineryoso ni Niana, ang mommy ni Cale.
Ang ending, naging matalik na magkaibigan ang mga ito at halos buwan-buwan pa ngang nagpupunta ang mga Karev sa Baguio o minsan naman silang pamilya sa mansion ng mga ito.
Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala ng nanay niya ang mga helper sa mansion ng mga Karev at nakakuwentuhan pa ang mga ito.
Walang pagdududa si Keanna kay Cale at gusto talaga niya ito noong nanliligaw pa lang sa kaniya. Hindi niya lang inasahan na magkakaroon kaagad sila ng meet the family.
Paglabas ni Kea ng kwarto, naabutan niya ang kuya niyang paalis na rin pala at papasok sa office nila. Nakakunot ang noo nito.
"Sure ka bang kaya mo?" tanong ni Sarki.
Mahinang natawa si Kea at naningkit pa lalo ang mga mata. "Parehong-pareho kayo ng sinabi ni Tatay," aniya at hinila ang maleta. "Kaya ko nga!"
Isinukbit din ni Keanna ang backpack na mayroong laptop at ilang personal na gamit niya.
"Naniniguro lang. Puwede naman kasi kitang ihatid, e." Kinuha ni Sarki ang maleta. "Kahit magbalikan ako. For sure naman si Cale na mag-uuwi sa 'yo."
Umakbay si Sarki sa kaniya habang pababa sila ng hagdan at naabutan ang parents nilang nag-uusap na tungkol sa opisina.
"Alam mo pa ba ang gagawin mo, 'Nay?" pagbibiro ni Keanna. "One week lang akong mawawala, ha? Baka mamaya, may bagong plano ka na naman po, sinasabi sa 'yo, 'Nay!"
"Sungit ng boss mo," ani Keanu at tinawanan si Tadhana.
Hawak ni Keanu ang kahon at inilagay iyon sa trunk ng kotse ni Keanna. Si Sarki naman ay inilagay ang maleta sa backseat bago sila pare-parehong tumingin kay Tadhana.
"Mag-iingat ka. Message mo si Nanay. Good night, good morning, kumain ka na, mga gano'n." Nakanguso si Tadhana. "Ilang panty ang dinala mo? May napkin ka ba?"
"Nanay naman!" Keanna rolled her eyes.
Muling ngumuso si Tadhana at nag-cross arms pa nga. "Ano ba 'yan! Hindi man lang sinakyan 'yung akting ko! Sige na. Mag-ingat ka sa pagda-drive."
"Opo, 'Nay." Ngumiti si Keanna.
"Alam kong excited ka, pero makakarating ka rin. 'Wag kang magmamadali, kokotongan talaga kita!" pagbabanta ni Tadhana.
Tumango si Keanna at humarap sa tatay niya para yakapin ito at muling pasalamatan sa pag-asikaso sa sasakyan niya.
Binili ni Keanna ang kotseng iyon gamit ang sariling ipon. Teenager pa lang siya, nagtatrabaho na siya sa businesses ng pamilya nila at nang makaipon, bumili siya ng service.
It was just a simple sedan. Pina-wrap din niya iyon sa Criso Cars na pag-aari ng pamilya ng napangasawa ng Tito Juancho nila kaya imbes na puti, naging army green ang kulay.
Alam niyang kaya siyang regaluhan ng mga magulang, pero nagsilbing regalo niya sa sarili ang sasakyan.
Habang binabaybay ni Keanna ang daan papuntang Metro, pinakikinggan niya ang shared playlist nila ni Cale. Madalas siyang gumigising na mayroong bagong kanta, pero nauuwi sila kay John Mayer.
Iniisip niya kung ano ang ginagawa ni Cale. Nagme-message ito sa kaniya, pero hindi siya nagre-reply. Malamang na mag-aaya itong mag-video call.
Nag-message naman ito na nasa office lang at katatapos daw ng meeting. Mayroon namang panibago at may mga susunod pa.
Minsan naiisip ni Keanna kung nagpapahinga pa ba si Cale. She was aware of the pressure building on Cale when it came to business.
Magaling na businessman si Cavin Karev, ang daddy ni Cale.
Nabanggit din sa kaniya ni Cale na minsan ay natatakot na hindi man lang mapantayan ang daddy nito lalo na at isa sa magmamana.
It was past lunchtime when Keanna saw the familiar sight of the Metro. May ilang billboards na siyang nadadaanan, ramdam na rin ang sikip ng traffic, at ang crowded area.
Hindi pa siya kumakain ng lunch at inisip na aayain na lang niya si Cale.
Panay na rin ang message nito at minsan siyang nag-reply para lang sabihin na mayroong kliyenteng kikitain.
Alam niyang magtatampo si Cale sa kaniya dahil nagsinungaling siya, pero iniisip niyang sana ay matakpan ang tampo kapag nagkita na sila.
Mula sa malayo, kita na ni Keanna ang malaking building ng Karev Telco.
Noong malaman niya kung sino ang pamilya ni Cale, gusto niyang umatras dahil nakaramdam siya ng takot na baka hindi magtagpo ang mundo nila.
Kahit na minsan, hindi iyon ipinamukha o ipinaramdam ni Cale sa kanila. Kapag sinabi niyang siya ang magbabayad ng meal, wala na itong palag.
Nag-park si Keanna sa isang mall malapit sa building ng Karev Telco dahil walang passes ang kotse niya.
Keanna messaged Cale to ask him what he was doing. Not a minute passed, and her phone started ringing. Mabuti na lang din at nasa comfort room siya.
"Uyy!" Kumaway si Keanna sa camera at nakita si Cale na nakangiti. "Bakit ang gulo ng buhok mo?"
Cale smiled. "A little tired. Just finished a meeting. Where you at?"
"Nasa SM ako. Nandito ako sa loob ng comfort room," aniya at ngumiti. "Kumain ka na ba?"
"Not yet, you?" Cale breathed. "I missed you, Kea."
Kita ni Kea ang pagod sa mga mata ni Cale. Ngumiti siya at pinagkuwento na muna ito sa mga ginawa nang mga nakaraang oras.
"May meeting ka pa ba?" tanong ni Kea.
Umiling si Cale. "Wala naman na, but I have to finish some reports. Gusto ko na ring umuwi kasi inaantok na rin talaga ako."
"Uwi ka na lang din kaagad pagkatapos," sagot naman niya. "Sweetheart, I have to go. Baka naghihintay na rin sa akin si client. I'm gonna have to call you later, okay?"
"Sure, sweetheart. I love you! Ingat ka sa pag-drive and please, call us later?" Cale pouted.
Keanna chuckled. "Of course. I love you. See you later."
Both dropped the call, and Keanna smiled. See you later means they would literally see each other personally after three weeks of being away.
Dumaan muna si Keanna sa isang Italian restaurant para bumili ng puwede nilang kainin pagdating sa office. Alam niyang marami itong ginagawa, pero hindi puwedeng hindi muna kakain.
Medyo malayo rin ang nilakad niya papunta sa building dahil kailangan niyang dumaan sa underpass mula sa mall papunta sa Karev Telco.
Komportableng rubber shoes ang suot niya kaya hindi siya masyadong nahirapan. Isa pa, sanay siya sa akyatan lalo sa ibang lugar sa Baguio.
Nakararamdam lang si Keanna ng pagkairita dahil sa init ng Metro. Sa Baguio, puwede siyang maglakad-lakad nang hindi masyadong pinagpapawisan.
Nang makarating sa harapan ng building, tumingala si Keanna at tipid na ngumiti, pero nakaramdam din ng lungkot dahil alam niyang ang building na iyon ang dahilan ng pressure ni Cale nitong mga nakaraan.
At dahil hindi alam ni Cale na dadating siya, walang special passes sa front desk. Kinuha ang idea niya, ang kumpletong impormasyon, at kung bakit siya naroon.
Ayaw siyang papasukin and Keanna even had to call Aya, Cale's secretary. Sinabihan na lang niya ito na kung puwede ay huwag sasabihin kay Cale.
Past lunch na rin naman kaya walang masyadong tao sa lobby. Sa elevator, dalawa lang sila. Gustong mag-ayos ni Keanna dahil magulo ang buhok niya, pero nahihiya sa kasama.
Nasa 29th floor ang office ng mga Karev at doon siya dumiretso. Ikaapat na beses pa lang niya nakapupunta sa office kaya wala ring nakakikilala sa kaniya.
Isa pa, wala siyang balak magpakilala sa kahit na sino pa.
Pagbukas ng elevator, nagulat si Keanna nang magtama ang mata nila ni Cale. Nakapamulsa ito at nakakunot ang noo.
Kaagad namang pinigilan ni Cale ang pagsara ng pinto ng elevator nang makita si Keanna.
"What the heck?" Cale uttered.
Naningkit ang mga mata ni Keanna at iniangat ang paper bag na hawak niya. Nanatiling nakahawak si Cale sa elevator door para pigilan ang pagsara niyon.
"Hi." Keanna smiled nervously. "Kain tayo lunch?"
Mabilis na nagbago ang expression ng mukha ni Cale. Mula sa nagtatakang reaksyon at nakakunot na noo, lumamlam ang mga mata nito.
"Let's go." Kinuha ni Cale ang hawak na paper bag ni Keanna at ipinagsaklop ang kamay nilang dalawa. "You lied, ha?"
"Sorry." Nag-peace sign si Keanna at tumigil sa paglakad. "Galit ka?"
Hawak ni Cale ang kamay niya at bahagya itong lumingin sa kaniya. Walang sinabing kahit na ano at tinalikuran siya.
Hindi alam ni Keanna kung galit ba ito o ano, pero mas humigpit ang hawak sa kamay niya.
Nanatili siyang nakasunod. Nakasalubong nila ang ibang empleyadong nilingon sila at si Aya na ngumiting bumati.
Pumasok sila sa office ni Cale at basta na lang nitong ibinaba ang paperbag sa center table bago naupo sa sofa at hinila siya para mapaupo nang patagilid.
"You drove?" Cale asked and buried his face in Keanna's neck. "I missed you."
Keanna could feel Cale's warm breath on her neck. "Yup. Nag-drive ako. Okay naman and actually, mabilis lang 'yung naging biyahe ko."
Humahaplos ang kamay ni Cale sa likuran niya. Wala na itong sinabing kahit na ano. Pumasok naman si Aya sa loob ng kwarto at naabutan ang position nila.
"Sir Cale?" Aya got Cale's attention. "Just wanna confirm if push pa rin po ba ang meeting ninyo with Sir Hash?"
Hindi sumagot si Cale.
Nagkatinginan sina Keanna at Aya.
"Let me know po para ma-canc—"
"He'll come, Aya." Keanna smiled. "Let me talk to him," she mouthed.
Aya nodded and left the room.
"Caleigh, may meeting ka ba?" tanong ni Keanna at hinaplos ang buhok ni Cale. "Hintayin na lang kita rito sa office mo. Go finish that meeting and we'll eat. Tingin mo?"
Umalis si Cale sa pagkakayakap sa kaniya at nakanguso ito na para bang natalo. Nakapalibot din ang braso nito sa baywang niya habang nakahawak ang isang kamay sa pulsuhan niya na hinahaplos iyon.
Hinalikan ni Keanna si Cale sa labi. It was supposed to be a quick kiss, but Cale deepened, and she had to pull away.
"Go to your meeting, dito lang ako. Hintayin na lang kita." Tumayo si Keanna at hinila na si Cale. "Tayo na, sweetheart. After the meeting na lang."
Tumayo naman si Cale at bigla siyang hinila papalapit para sa isang yakap. Wala pa ring salita. Mahigpit na yakap lang na para bang walang planong bumitiw.
"Sige na," ani Keanna. "One week naman ako rito sa Metro. We have time."
Humiwalay si Cale. "One week? Sure?"
Keanna nodded and kissed Cale's cheek. She even had to fix his tie and hair before letting him leave.
Alam niyang nag-aalangan ito, pero kailangan. Naka-set na raw ang meeting na iyon isang linggo na ang nakalipas ayon kay Aya.
Kinausap na rin muna niya si Aya habang naghihintay kay Cale. Nakita niya ang calendar nito na punong-puno ng meeting sa araw-araw.
Nalungkot si Keanna, pero hindi niya iyon ipinahalata. Bumalik siya sa loob ng office ni Cale at humarap sa kawalan.
Mula sa kinatatayuan, nakita ni Keanna ang iba't ibang taas ng building sa paligid.
Kung sa Baguio, puro pine trees at fog ang natatanaw niya, malayo naman iyon sa natatanaw ni Cale na building at busy streets ng Metro.
Tinawagan ni Keanna ang mga magulang niya. Sinabi niyang nasa building na siya ni Cale at naghihintay lang dahil may meeting pa ito.
Isang oras.
Dalawang oras.
Tatlong oras.
Pero wala pa rin si Cale. Tumingin siya sa orasan at halos alas-singko na rin ng hapon.
Kung siya lang, gusto na niyang matulog. Malamang din na malamig na ang pagkain nila. Nagugutom na siya, pero gusto niyang magsabay sila.
Tumayo si Keanna galing sa sofa at inikot ang buong opisina. Mayroong bookshelf na may iilang libro at frames.
Mayroong family picture, graduation pictures, at display na babasagin.
Ayaw makialam ni Keanna, pero gusto niyang makita ang actual table ni Cale at nagulat na mayroong nag-iisang picture frame roon.
Picture nilang dalawa.
Kinuha ni Keanna ang frame at hinaplos. Kuha iyon sa Baguio noong nakaraang punta nito. Kuha rin iyon ni Yuan.
Nakalabas ang kalahati ng katawan nilang dalawa sa sunroof ng kotse ni Cale habang nakatingin sa isa't isa.
"Kailan ulit?" bulong niya at ibinaba iyon sa mesa.
Magkakapatong ang mga folder, mga papeles na nakalinya para pirmahan, at mga envelope na may nakasulat na confidential. Iyon ang nasa mesa ni Cale.
Nag-iiba na rin ang kulay ng kalangitan. Pagod na si Keanna, inaantok, at nagugutom. Gusto na niyang mahiga . . . gusto na rin niyang makasama si Cale.
Bumukas ang pinto, pero hindi lumingon si Keanna hanggang sa maramdaman niya ang pagpalibot ng braso ni Cale sa kaniya.
Sumandal siya sa dibdib nito. "Tapos na?" tanong ni Keanna. "Ako naman ba?"
"Yup. One week, all yours na po," bulong ni Cale at hinalikan ang gilid ng ulo niya. "I freed my whole week."
Humarap si Keanna. "B-But . . . nakita ko full ka this week?"
Cale smiled. "Us first."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top