Kabanata 8

LABIS pa rin akong nag-iisip kung papayag ba ako sa offer ni Madam Chinchansu. Paano ba naman kasi, dahil daw sa pagtulungan ko sa kanya noong nakaraang araw ay bibigyan niya ako ng trabaho sa Maynila. Ang bilis ni Lord sumagot ng dalangin. Ang ingay ko kasi kaya siguro nasagot niya agad ang gusto ko.

"Juanita, paki-bigay nga ito sa table 13! Bilisan mo, marami tayong customer ngayon," sigaw ni Jacinta sa akin

Bwisit na bwisit ka siguro sa akin dahil ako ang bibigyan ng trabaho sa Maynila at hindi ikaw, ano? Paano kasi, naamoy siguro ni Madam Chinchansu ang kayabangan mo kaya hindi ikaw ang pinili niya.

"Ito na nga, nagmamadali na. May galit ka ba sa akin, Jacinta? Bakit ang taray mo ngayon?" tanong ko sa kanya

"Hindi ako galit, meron lang kasi akong dalaw kaya iritable ako. Sige na, kunin mo na ito at ibigay sa kanila," palusot niya

Akala mo naman ay maniniwala ako sa iyo eh nakita kitang nakasimangot noong inooferan na ako ng trabaho ni Madam Chinchansu. Alam mo Jacinta, maganda ka sana eh kaso lagi kang nakasimangot kaya pangit ka na para sa akin.

Hinayaan ko na lang siya dahil kung papatulan ko ay baka masira niya lang ang araw ko. Buti pa itong si Danilo, tinutulungan ako sa mga ginagawa ko rito sa trabaho. Ngunit si Jacinta? Naku, isang himala ang tumulong iyan sa akin.

Pagkatapos kong dalhin sa customer kanilang order ay bumalik na ako sa pag-aayos ng mga upuan. Nakita ko namang pumasok na si Maulave kaya agad ko siyang tinawag. Ang tagal rin niya kasing hindi pumasok sa trabaho eh, pinasok niya nga ako rito tapos siya naman ang wala. Hindi rin malaman sa babaeng ito eh.

"Maulave, anong nangyari at lagi ka nang wala rito? May problema ka ba?" sabi ko sa kanya

"Pasensya ka na, Juanita. Si nanay kasi, nagkasakit nitong mga nakaraang araw eh walang magbabantay kaya hindi ko talaga kayang pumasok. Kamusta ka pala sa trabaho mo rito?" sagot niya

"Okay ka lang ba? Heto, ayos naman ako. Ayaw ko nga lang sa Jacinta na iyan at mukhang malakas ang gapak," bulong ko, baka kasi marinig ako ni Jacinta

"Haynaku, wala talagang may gusto dyan kay Jacinta. Lagi kasing nakasimangot, hindi yata tinuruan iyan noong bata na ngumiti eh,"  sagot naman niya na may tonong naiirita

Akala ko ay ako lang ang nakakapansin sa ganoong awra niya, buti na lang at nalaman kong ganoon rin pala siya sa iba. Bakit nga kaya ganoon siya? Wala naman sigurong sumpa ang pag-ngiti hindi ba? 

"Medyo okay naman na ako rito. Noong isang araw nga ay nasabihan pa ako ni Madam Chinchansu na gusto niya raw akong bigyan ng trabaho sa Maynila eh," sagot ko

"Sinong Madam Chinchansu? Wala naman akong kilalang ganoon na napunta rito," sagot ni Maulave

"Ah, iyong haponesa na sobrang puti at sobra rin sa lipstick. Parang model ng chinchansu eh kaya iyon ang tawag ko sa kanya," sagot ko naman

"Ah, huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi noon. May kakilala akong naloko na noon, si Jacinta na lang ang naniniwala sa kanya rito," sagot ni Maulave

"Ah, bakit? Anong nangyari doon sa kakilala mo?" tanong ko

"Akala niya ay trabahong marangal ang aabutan niya roon sa Maynila, iyon pala ay sasayaw lang sa bar. Kaya mo ba iyon? Hindi ka nga yata marunong sumayaw eh," pang-aasar pa niya

Hoy Maulave, may dance moves naman akong alam ano! Pero, hindi pang-bar ang galaw. Yuck, kadiiri, ayaw ko nga sa ganoon. Totoo nga kaya ang sinasabi mo? Kung totoo, kailangan kong pag-isipang mabuti kung tutuloy ba ako o hindi.

"Ah, oo nga. Humihingi nga sa akin ng 500, fee raw para ako'y maging isa sa mga babies niya," sagot ko

"Naku, huwag kang maniniwala doon! Scam iyon eh," sagot naman niya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top