Kabanata 7
DALAWANG araw na ako rito sa aking trabaho. Buti na lang ay pinayagan ako ni tiya, hindi kasi siya tinotoyo noong nagpaalam ako sa kanya.
Nagbigay kasi si Mang Karding ng bulaklak, iniwan sa may pintuan kaya kilig na kilig ang lola niyo. Mapapa-sana all ka na lang talaga kung minsan.
Kasalukuyan akong nagmo-mop ng sahig kung saan ako nagta-trabaho. Akala ko'y mage-entertain ako ng mga customers, iyon pala ay paglilinisin ako ng banyo, mag-huhugas ng pinggan at magmo-mop ng sahig.
Hindi ko tuloy ma-ibalandra sa maraming tao ang beauty ko. Sayang! Kung sabagay, ayos na rin ito. Apat na araw ako rito at tatlong araw naman sa bahay para tulungan si Tiya Ofelia.
Dahil siguro sa lagi lang akong nasa bahay, palengke at doon sa sikretong lugar namin ay hindi ko napapansing ang dami na palang tao sa baryo.
May mga dayuhan at mga bagong lipat na lokal. Akala ko'y hindi pa kilala ang lugar namin pero mukhang mali yata ako. Dito siguro sila nagtatago dahil tahimik rito sa probinsya.
"Juanita, dahil mo nga ito sa table 8!" sabi ng ka-trabaho kong si Jacinta
"Ha? Ako? B-bakit ako?" nakatayo lang akong hawak-hawak ang mop
"Aba, oo. Ikaw po, ikaw lang naman ang may pangalang Juanita na nagta-trabaho rito. Dali na!" sabi ni Jacinta
Agad kong tinabi ang aking mop at saka tumakbo sa counter para kunin ang order at ibigay ito sa table 8. Ilang hakbang palang ako ay may narinig na akong kalabog.
Agad-agad kong kinuha ang tray para sa table 8, binigay ko ito sa kanila ng may ngiti sa aking labi.
"Ito na po ang order niyo Ma'am and Sir. Enjoy the meal po! Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan pa kayo,"
"Maraming salamat," sagot nila na may ngiti
Bumalik na ako sa pagmo-mop ng sahig nang makita ko ang isang babaeng nasa edad 50 na, nadulas ito sa sahig kung saan ako nagmo-mop. Mataba siya at maputi. Makapal rin ang make-up niya, parang si Maulave.
Natatawa ako pero kailangan kong pigilan iyon dahil hindi tama. At saka, baka dahil pa sa pagtawa ko ay mawalan ako ng trabaho. Gusto kong maka-ipon ng pang-punta sa Maynila. Mahal ko pa rin naman ang buhay ko 'no.
Lumapit ako doon sa matanda, tinulungan ko siyang makatayo. Pagkatapos ay pinulot ko rin ang gamit niya. Natatawa talaga ako sa itsura niya, paano ba naman kasi ay para siyang nakalaklak ng gluta sa sobrang puti niya. Para rin siya yung model sa chinchansu, japanese kasi yata siya.
"Okay lang po ba kayo? Pasensya na po at basa ang sahig ng karinderya namin,"
"Ayos lang, kasalanan ko naman. Hindi ako natingin sa dinaraanan ko eh,"
Buti na lang at nagta-tagalog naman pala ito. Akala ko'y magdudugo ang ilong ko ngayon. Wala pa naman akong dalang ingles ngayon dahil hindi naman ako handa.
"Oh Miss Haruki Samoto, what are your orders today? I'm glad your back!" bati ni Jacinta nang lumapit siya sa amin
Bakit naman nagi-ingles pa ito eh nagta-tagalog naman si hapon. Pakitang gilas ka lang girl? Haynaku, iba ang feeling ko sa Jacinta na ito eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top