Kabanata 5
NAKALIPAS na ang dalawang araw simula nang mag-usap kami ni Aurello tungkol kay Claring.
Ngayon ay nasa inuman na naman kaming apat. Ako, si Maulave, Buryong at Dionisio. Gusto kong ilabas sa inumang ito ang nararamdaman ko.
"Sana man lang ay sinabi nila hindi ba? Para hindi ako nagmukhang tanga!" pagmamaktol ko
"Ayaw nga kasing makasakit. Hayaan mo na, ngayon ay alam mo na kaya huwag ka nang umiyak pa," sagot ni Maulave
"Pasensya ka na, Juanita. Alam kong nililigawan ni Aurello si Claring. Ngunit sabi niya sa akin ay huwag kong ipaalam sa iyo dahil alam niyang masasaktan ka raw," sabat ni Buryong
Nabatukan ni Maulave ang nobyo niya at tiningnan niya ito ng madiin. Inis na inis ako dahil sa nalaman ko pero hindi ako nagsalita.
Ayaw kong sumagot kay Buryong dahil baka kung ano lang ang lumabas sa bibig ko. Mamaya ay awayin pa ako ni Maulave, ayaw kong masira kami dahil sa mga lalaki.
"Dapat ay nagsalita ka! Hindi na dapat umabot pa sa ganito si Juanita!" sigaw ni Maulave kay Buryong
"Pasensya na my labs, ako'y nakinig lang sa kaibigan kong si Aurello. Malay ko bang ganito kaseryoso ang mga pangyayari," sagot ni Buryong na parang nagmamakaawa kay Maulave
Naka kunot-noo naman si Maulave habang may suot na kwintas, hikaw at kung anu-ano pa. Akala mo'y kung sinong mayaman. Tig iisang daan lang naman iyon sa tiangge dito sa aming bayan.
Sakit niya tingnan sa kapal ng lipstick at polbo niya sa mukha eh. Clown ka ghorl!? Mukhang patay na binuhay si ateng sa kanyang pagmumukha. Nakakarimarim!
"Huwag na kayong mag-away! Tapos na, nangyari na ang lahat. Kalimutan na lang natin ito," sabat ko
"Hindi mo makakalimutan ang isang tao na naging mahalaga sa iyo," sagot ni Maulave sa akin
Minsan, hanga rin ako sa kaibigan kong ito. May utak ka rin pala minsan Maulave. Akala ko'y puro ka lang kendeng, alahas at make-up.
"Tama si Maulave, hindi mo nga talaga makakalimutan ang isang taong minsan nang naging mahalaga sa iyo. Ikaw nga hindi ko makalimutan Juanita eh," sabat ni Dionisio
Oo nga pala, dati akong nligawan ni Dionisio. Hindi pa rin pala siya maayos pagkatapos ko siyang mabasted. Pasensya na, Dionisio. Hindi ko talaga kayang mahalin ka eh.
"Aalis ako rito sa baryo natin, pupunta na ako sa Maynila. Baka sakali roon ay swertehin ako sa buhay," pag-iiba ko ng paksa
"Aalis ka? Marami nang naninirahan sa Maynila. Hindi na kasya roon ang taba mo!" pang-aasar ni Maulave
"Mas marami mang tao ay mas maganda naman ang buhay ko roon. Mas makakalimutan ko si Aurello," sagot ko
"Paano si Tiya Ofelia mo? Sino na ang makakasama niya kapag wala ka na?" tanong ni Maulave
"Si Mang Karding, sila naman ay magkasintahan na eh," sagot ko
Gulat na gulat ang mukha nila. Tila ba'y nakakita ng multo dahil sa sinabi ko. Wala kasi sa itsura ni Tiya Ofelia ang maging kerengkeng, lalo na sa edad niya.
"Juanita! Nasaan ka na namang bata ka?! Mag-saing ka na ng kanin!"
At narinig na naman kita. Darating ang oras na hindi na ang utos mo ang susundin ko. Aalis talaga ako sa baryo na ito.
Tumagay pa ako ng isang beses bago umalis. Kailangan ko ng tapang sa pagharap kay Tiya Ofelia. Malamang, bangayan na naman ang mangyayari nito.
Dedicated to precioustanz ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top