Kabanata 4
PINAGBUKSAN ako ni Aurello ng pinto. Gulat na gulat sila sa presensya ko. Nakita kong nakaupo si Claring sa upuan na yari sa kahoy. Ang kapal ng mukha niyo para saktan ako, mga hayop!
"J-Juanita, bakit ka narito? Mukhang nakainom ka. Gusto mo bang ihatid na ki-" hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na agad ako
"Kailangan nating mag-usap, Aurello! Hindi pwede ito!"pagmamaktol ko
"Juanita, lasing ka lang. Sige na, ihahatid na kita sa inyo. Baka hinahanap ka na ni Tiya Ofelia," mahinahon pa rin niyang sabi
"Hindi! Hindi ako uuwi hangga't wala kang paliwanag sa akin. Bakit mo tinago sa akin ang relasyon niyo ni Claring?!" sigaw ko, wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin
"Ayaw niyang malaman mo dahil ayaw niyang masaktan ka. Ganoon rin ako," sagot nito
"Ang tanga-tanga ko para umasa na mamahalin mo ako! Pasensya ka na ha? Ang bait mo kasi sakin eh, akala ko ay ikaw na ang para sa akin!" sigaw ko
"May gusto nga kaming sabihin sa iyo ngayon," nahihiyang sabi niya
"Ano na naman iyon? Ano pa ang bagay na hindi ko alam pero dudurog sa puso ko?!" galit na galit ako
"Si Claring, dalawang buwan nang buntis. Kaya gusto namin sana na sabihin sa iyo na tigilan mo na ang pagbibigay motibo sa akin dahil magkakaroon na kami ng pamilya," mahinahon pero takot niyang sabi
"Ano?! Hindi! Ako dapat ang ina ng mga magiging anak mo!" naiiyak kong tugon
"Pasensya ka na ngunit si Claring talaga ang mahal ko. Hayaan mo, may iba pa namang magmamahal sa iyo dyan. Nandyan naman si Dioniso," pilit siyang ngumiti noong sinasabi niya ito
"Dionisio?! Ang tanda at ang baho niya! Hindi kami bagay!" pagmamaktol ko
"Si Buryong, baka gusto mo? Wala pang kinakasama iyon, bata at mabango rin siya," suhestyon niya
"Wala ka talagang alam sa mga kaibigan mo, nabingwit na iyon ni Maulave noon pa! Ikaw lang ang gusto ko, Aurello!" inis kong sagot
"Ah, ganoon ba? Basta, ihahanap kita ng nobyo mo. Huwag na ako dahil mag-aasawa na ako," sabi niya sa akin
Magsasalita sana ako nang biglang sumabat sa amin si Caring, naluluha siya habang naka-upo sa upuan na yari sa kahoy. Bakit ka naman naiyak eh ikaw naman ang dahilan kung bakit hindi na matutuloy pa ang pagmamahalan namin ni Aurello. Iyang luha mo, pinag-aralan mo iyan 'no?
"Pasensya ka na, tao rin naman akong nagmamahal. Hindi ko sinasadyang mapamahal kay Aurello. Tama ka, mabait nga siyang tao. Dahil doon ay minahal ko siya," naiiyak pa ito
Kunwari ka pa, Claring! Alam kong gustong-gusto mo itong nasasaktan ako ngayon. Noon pa man ay inggit ka na sa akin, panalo ka man ngayon kay Aurello pero pinapangako ko sa iyo na may karma ka ring haharapin. Hintayin mo lang, baka bukas o makalawa ay nandyan na iyan.
Pinahiran ko ang aking luha, huminga akong malalim bago magsalita. Mukha naman kasing uuwi akong luhaan talaga, wala na akong magagawa. Nakabuo na sila eh, hindi naman ako desperada para sabihin sa kanilang ipalaglag iyon. Hindi naman ako ganoon kasama ano.
"Sige na, aalis na ako. Mukhang nakakaabala pa ako sa inyong mag-asawa eh," sagot ko sabay lakad sa may pinto at sinara ko na ito
Dedicated to CapriceKiara ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top