Kabanata 27
KINAUSAP ko si Tiya Ofelia kung pwede ko bang kausapin ang tatay ni Juanita. Gusto ko na kasing pakasalan ang babaeng iyon. May ipon naman na ako kaya kaya ko na siyang buhayin. Mahal na mahal ko talaga siya kaya ko ito gagawin.
"Magandang hapon po. Nandyan na po ba si tatay?" tanong ko
"Oo. Halika, pumasok ka rito," sagot ni Tiya Ofelia
Pumasok na ako at umupo sa sofa. Hinintay ko si Tatay Ronaldo mula sa taas dahil kararating niya lang mula sa Maynila. Buti na lang talaga at pinayagan niya akong makipag-usap sa kanya. Nakakahiya man pero kailangan. Umuwi pa talaga siya para rito.
Nakangiti siyang bumaba mula sa kwarto niya sa taas at lumapit sa sofa kung saan ako naka-upo. Halos naliligo na ako ng pawis dahil sa kaba. Tama ba itong ginagawa ko? Haynaku, bahala na nga! Alam ko namang tanggap na rin ako ni tatay kaya mas malaki ang posibilidad na payagan niya akong makasal kay Juanita.
"Oh, anak. Bakit pinag-papawisan ka yata? natatae ka ba?" tanong nito sa akin
"Hindi po ah, ano po kasi!" sabi ko
"Ano ba iyon anak? Bakit mo ba ako pina-uwi rito?" tanong ni Tatay Ronaldo
"Ano po kasi, gusto ko na pong ikasal kay Juanita. Magpapaalam po ako sa inyo bago ko gawin iyon. Ang tanong po ngayon, papayag po ba kayo?" tanong ko, halata sa boses ang kaba
"Ha? Hindi ba sobrang aga naman yata niyan anak? Wala pa kayong isang taon eh," sagot ng tatay ni Juanita
"Singsing pa lang naman po ang ibibigay ko. Hindi naman po agad kami magpapakasal kasi pinag-iipunan ko pa po iyon at alam ko ring matagal pa bago mangyari iyon. Gusto ko lang po isiguro sa kanya na siya na talaga ang mamahalin ko," sagot ko naman
"Mahal mo ba talaga ang anak ko? Aalagaan mo ba siya habang buhay?" tanong ni tatay
"Opo, alam po ng Diyos kung gaano ko siya kamahal. Kaya nga po gusto ko na siyang iharap Sakanya," sagot ko
"Eh paano iyan? Buang ang anak ko, kaya mo ba siyang pakisamahan araw-araw?" tanong ulit niya
"Oo naman po! Sa totoo niyan ay iyon naman po talaga ang dahilan kung bakit ko siya minahal eh. Sobrang totoong tao po kasi si Juanita," sagot ko
"Oh siya, wala na akong tanong. Siya na ang makakasagot niyang tanong mo. Hintayin mo na lang siya rito," sagot naman ni tatay
"Po? Payag na po kayo?" tanong ko
"Oo, ayaw mo ba? Alam ko naman kasing mabait kang baya kaya payag agad ako. Basta, huwag mo siyang sasaktan kahi kailan ha? Kundi, kukunin ko siya sa iyo at doon kami titira sa Maynila," sabi ni tatay
"Syempre po, aalagaan ko siya. Salamat po tatay ha? Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya ngayon!" sabi ko sabay yakap sa kanya
Para akong bata na sabik na sabik sa tatay eh. Isa na lang ang problema ko ngayon. Sana talaga ay oo ang isagot niya. Sayang naman ang effort ko kung humindi siya sa akin. Ayaw pa naman noon sa kasal dahil para raw sa kanya ay sakal iyon. Loka-loka talaga kahit kailan eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top