Kabanata 26
NAKAKA-INIS. Paano ba naman kasi, ako ang nakasalo noong bulaklak ni Maulave noong kasal nila ni Buryong! Inaasar tuloy ako nina Maulave at Jacinta dahil doon.
"Ikakasal na rin siya! Yiee!" sigaw ni Jacinta
"Wala akong balak ano, ayaw ko ngang magpakasal. Para kang nagpasakal noon eh," sagot ko
"Ikaw walang balak pero malay mo siya meron, hindi mo rin alam kung ano ang plano niya ngayon," sagot ni Maulave
"Tigilan niyo nga ako. Ibahin niyo ang usapan kundi magagalit ako," sagot ko
Nandito kasi kami sa hideout, nag-iinom. Si Maulave ay nakain lang ng pulutan dahil bagong anak lang siya. Kahit gusto man niyang uminom ay hindi pwede.
"Nasaan na ba sila? Ang tagal ha. Baka mga natae pa iyon?" iritang sabi ko
"Susunod na iyon, huwag kang atat! Makikita mo rin naman ang Danilo mo ano," sagot ni Maulave
Sabi kasi nina Danilo, Constantino at Buryong ay hindi raw agad sila makakarating dahil may inaayos pa raw sila. Hindi ko alam sa mga iyon kung ano ang aayusin, wala naman kaming napag-usapan noon eh.
"Magkikita nga kami pero magka-away naman. Wala rin," sagot ko
"Ha? Bakit? Anong nangyari? Inartehan mo na naman ba?" tanong ni Jacinta
"Anong inartehan? Hindi ah, nagselos kasi siya kay Aurello. Bakit mo naman kasi inimbita iyon sa kasal mo Maulave?" tanong ko
"Eh hindi ko naman alam iyon at si Buryong ang nag-imbita sa kanya. Nakita ko na lang ay nasa loob na siya kaya hindi ko na napigilan pa," sagot naman ni Maulave sa akin
"Bakit ba siya nagselos? May dapat pa ba siyang ikaselos eh kayo na ngang dalawa ang magkasama ah?" sabi ni Jacinta
"Ewan ko nga roon, napatingin lang naman ako kay Aurello at Claring noon dahil nagulat ako na naroon sila sa kasal tapos nagalit na siya sa akin," sagot ko
"Ang mga tingin mo ba eh iyong parang gusto mo pa rin si Aurello?" tanong ni Maulave
"Hindi na syempre, iba na ngayon ano!" pagsisinungaling ko
"Eh? Talaga? Sabihin mo ang totoo sa amin," sagot ni Maulave
Napayuko at napa-iling na lang ako. Haynaku, kilalang-kilala talaga ako nitong mga kaibigan ko kapag nagsisinungaling. Walang takas eh, kailan kaya ako makakapag-tago sa kanilang dalawa? Nakakainis na eh.
"Haynaku, oo na. Oo na! Napatingin lang naman ako at napa-isip na kung paano kaya kung siya ang nakatuluyan ko. Iyon lang iyon, wala nang iba pa. Okay?" mataray kong sagot
"Aba, kung ako rin naman si Danilo eh maiinis talaga ako ano! Tipong nandito na ako sa harapan mo tapos maghahanap ka pa ng iba? Kabastusan naman iyon ano,' sagot ni Maulave
"Narinig mo ba ang sinabi ko? Ang sabi ko, napa-isip lang ako! Hindi ko naman ginusto, nagulat lang talaga ako na nandoon rin siya sa kasal niyo ni Buryong!" sagot ko
"Kahit ba inisip mo lang eh, masasaktan pa rin si Danilo roon. Aba, tao rin iyan. Nasasaktan rin," sabi ni Jacinta
Sa totoo lang, tama naman silang dalawa eh. Mali talaga ako roon dahil may Danilo na ako. Hindi na ako dapat pa maghanap at mag-isip ng kung anu-ano. Haynaku, ano ba kasi iyong ginawa ko?!
Ilang minuto pa ay nakita namin iyong tatlo na dumating na. Aba, si Danilo! May dalang pulang rosas, ano naman kaya ang nakain nito? Hindi naman kami sweet sa isa't isa. Anong meron? Dahil ba nag-away kami?
"Sorry na, nagselos ako eh. Mahal kita," aniya
"Sorry na rin, mahal din kita!" sagot ko
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top