Kabanata 25

MAKALIPAS ang isang buwan ay kinasal na si Maulave at Buryong. Gusto ko sanang maging flower girl kaso huwag na lang dahil hindi na angkop sa edad ko. Dahil kasal nga nila ay ako ang humawak sa kanilang anak. Baby girl nga pala ang inaanak ko.

"Nag-aaral ka na bang maging ina, cupcake? Ayos! Ready na ready naman na ako," sabi ni Danilo

"Ikaw ready na, iyong pera natin hindi pa. Tumigil ka nga sa kalokohan mo, tulungan mo na lang akong mag-alaga kay baby Buryang," sagot ko naman

"Bakit kasi Buryang ang pangalan niyan? Ang baho pakinggan eh," sabi ni Danilo sa akin

"Shh, tumigil ka nga. Wala kang magagawa, ito ang gusto nila eh. At saka, palayaw lang naman ito kaya okay lang," sagot ko

Paano naman kasi si Buryong, gusto raw niyang Buryang ang palayaw nitong anak niya para daw girl version niya ito. Ewan ko ba naman kay Maulave kung bakit siya pumayag na iyon ang palayaw ng inaanak ko.

Ilang minuto pa ay sinabihan na kami na magsisimula na ang kasalan. Simple lang ito at konti lang ang dumalo. Wala naman kasi sila gaanong pera ngayon dahil ka-aanak lang ni Maulave. Syempre, ang lahat ay napupunta kay Buryang at hindi na para sa kanila.

Pinagbigyan lang sila ng kanilang pamilya na ikasal dahil iyon ang gusto ni Maulave. Ewan ko ba sa babaeng iyon, gusto raw niya masigurong sila na para sa isa't isa ni Buryong kaya kahit konti lang ang pera nila ay ayos lang basta ang importante ay ang makasal sila. 

Ang dami namang mag-nobyo ngayon na may anak pero hindi kasal ngunit ayos naman sila. Kung ako nga ang tatanungin, ayos lang na hindi kami ikasal ni Danilo eh. bawas gastos rin iyon at isa pa, hindi mo na kailangang magpakulong kapag hiniwalayan ka na. Kung hindi ka na mahal, hindi ka na mahal. Ganoon lang iyon.

Nagkakainan na ang mga bisita nang makita ko sina Aurello at Claring. Masaya silang nakikipag-kwentuhan kay Buryong at Maulave. Inimbita pala nila silang dalawa, bakit hindi ko alam? Nakatunganga lang ako sa gawi nila nang biglang tinapik ni Danilo.

"Oh, bakit ka nakatunganga dyan? Kain na, marami pa roon. Gusto mo bang ikuha pa kita?" tanong niya

"Wala naman, sige. Mamaya na ako kukuha ng pagkain. Meron pa naman ako rito sa plato ko," sagot ko

Mukhang napatingin siya roon sa tinitingnan ko kanina, nalaman niyang si Aurello at Claring ang tinitingnan ko. Sorry Danilo, hindi ko kasi maiwasan ang hindi maisip kung paano kaya kung kami ni Aurello ang nagkatuluyan ngayon.

"Naiisip mo pa ba rin ba siya?" tanong niya

"Ah, hindi na. Nagulat lang ako kasi inimbita pala siya rito. Naku, huwag mo na ako pansinin ha? Teka lang, kukuha lang ako ng pagkain ko ha?" pagsisinungaling ko

"Akala  ko ba ay marami pa ang nasa plato mo?" sagot niya

"Ah, kulang na ito eh. Teka lang, kukuha lang ako ulit!" sagot ko at tumayo na para kumuha

Habang nakuha ako ng pagkain ay nakatingin pa rin ako sa gawi nilang mag-asawa. Ang saya-saya nilang tingnan kasama ang baby nilang lalaki. Kamukhang-kamukha ni Aurello ang bata. Sobrang saya ko para sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top