Kabanata 24
NANDITO kami ngayon sa ospital. Paano naman kasi, si Maulave pala ay buntis! Kaya pala inis na inis siya kay Jacinta dahil naglilihi siya roon.
"Ano? Naipasok na ba si Maulave sa loob?" tanong ko kay Buryong
"Oo pero, ano na ang gagawin ko? Magkaka-anak na kami," sagot ni Buryong sa akin
"Aba, dapat ay maging masaya ka. Magiging tatay ka na eh. Matagal niyo nang plano iyan hindi ba?" sagot ko habang nakangiti
"Eh pero, hindi pa ako handa! Wala pang pera at bahay, hindi kami nakapag-ipon!" taranta na si Buryong
"Alam mo Buryong, ayos lang naman iyan. Malalagpasan niyo rin naman iyan sa awa ng Diyos. Teka lang ha? Kakausapin ko lang si Danilo," sagot ko
Umalis ako sa tabi niya at pumunta sa upuang malapit kay Danilo. Ewan ko ba rito, todo ngiti siya sa akin noong nakita niyang papalapit na ako sa kanya.
"Oh, bakit mukha kang baliw dyan? Umayos ka nga," sabi ko
"Natutuwa lang ako kasi magkakaron na sila ng anak. Ibig sabihin noon ay pwede na rin tayong magkaroon ng atin," nakangiti pa ring sabi niya
"Huy, tumigil ka nga dyan! Hindi pa ako handa ano?! Anak ka dyan, bumili ka na nga nang makakain sa labas. Ako'y pinagloloko mo," sagot ko
"Bakit? Hindi mo pa ba ako nakikita bilang asawa mo?" tanong niya
"Nakikita ko naman, hindi pa lang ako handa! Matagal na pati sila. Bago pa lang tayo eh," sagot ko
"Haynaku, hayaan mo na nga. Bibili na ako nang makakain natin," sagot niya sa akin
Noong umalis na siya ay saka ko naman narinig ang isang babaeng sumisigaw at humihingi ng tulong. Agad kong nilapitan iyon dahil na rin sa napakaraming tao na nakapalibot na. Ano kaya ang nangyari?
"Diyos ko, bakit naman hinimatay ito?! Tulong! Tulong!" sigaw noong babae
"Hala, anong nangyari dyan? Kawawa naman, nawalan ng malay!" sigaw pa ng isa
Paglapit ko ay nakita ko si Buryong, nakabulagta roon at walang malay. Walanghiya naman, ngayon pa siya talaga hinimatay? Sa sobrang kaba niya siguro sa paglabas ng anak niya kaya siya nagka-ganito.
"Ako na po, kilala ko siya. Ako na po ang bahala," sabi ko
Tinulungan ako ng mga nakatingin roon, pinaupo kami at pinaypayan si Buryong ng mga tao. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, nakakahiya itong nangyari kay Buryong. Normal ba ito kapag nanganganak ang asawa?
"Salamat po sa tulong niyo ha? Okay na po, kaya ko na po. Nakakahiya po at naabala ko pa po kayo," sagot ko
"Ayos lang naman ineng. Sino ba iyan? Nobyo mo?" tanong sa akin, napasapo na lang ako sa noo ko
"Hindi po, asawa siya ng kaibigan ko. Nanganganak po kasi ang kaibigan ko ngayon kaya po kabado siya," sagot ko naman
"Ah, ganyan kasi talaga kapag bagong tatay. May nahihimatay sa sobrang excitement at kaba. Sige, ikaw na ang bahala rito ha? Mauuna na kami," sabi ng babae kanina pagkatapos ay umalis na siya
Pag-alis ng mga tao ay saka naman bumalik si Danilo. Dala-dala niya ang pagkain na pinabili ko sa kanya. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin noong nakita niyangproblemado ako dahil kay Buryong.
"Anong nangyari? Kanina lang ay nag-uusap tayo ah," sani ni Danilo
"Nakita ko na lang na nakabulagta si Buryong kanina. Buti at tinulungan kami ng mga tao. Sobrang kaba kasi sa panganganak ni Maulave ito eh," sagot ko naman
"Hala naman si pare, magiging ganyan rin kaya ako kapag naganak ka na?" tanong niya
"Diyos ko naman Danilo, saka mo na iisipin iyan. Tulungan mo na lang ako rito!" sigaw ko
Agad niya naman akong tinulungan. Trenta minutos rin naming pinaypayan si Buryong bago siya magkaroon ng malay. Ilang minuto pa ay tinawag na kaming doktor dahil nanganak na raw si Maulave. Tumakbo si Buryong sa kwarto at sumunod naman kami sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top