Kabanata 23

NIYAYA kong makipag-inuman sa amin si Jacinta. Close na kasi kami kaya para sa akin ay parte na siya ng barkada. Nakakatuwa rin dahil hindi na amoy kili-kili ang bibig niya.

Pinayuhan ko kasi siyang magtotooth-brush at masaya naman ako dahil pumayag siya. Matagal na rin raw niyang alam na may problema siya sa proper hygiene pero hindi niya mawari kung ano iyon kaya hindi raw niya naayos noon.

"Hindi ba sila magagalit? Alam mo na, mataray ako sa paningin nila eh. At saka, alam na ba ni Danilo?" sabi ni Jacinta

"Subukan lang nilang magalit, makakatikim sila sa akin! Ah, oo. Alam naman niyang pupunta ka sa hideout," sabi ko

"Naku, salamat Juanita ha? Hindo ko talaga akalain na magiging close tayo katulad nito," sagot niya habang nakangiti

"Ako rin naman eh. Ang sabi kasi nila sa akin ay mataray ka raw. Mali sila dahil sobrang bait mo pala," sagot ko

"Sino ang may sabi sa iyo noon? Loko iyon ah," sagot ni Jacinta

"Ah, si Danilo at Maulave. Hayaan mo na, dati naman na iyon. Ang importante naman na sa akin ngayon ay mag-kaibigan na tayo hindi ba?" sagot ko

"Oo naman, nagloloko lang naman ako eh. Tara na nga," yaya niya sa akin

Pagkatapos ng sampung minuto ay nasa hideout na kami. Sinalubong kami ng lahat maliban kay Maulave. Todo irap siya sa amin na tila ba ayaw niya kaming makita. Ano naman kaya ang nangyari dito? Alam naman niyang kasama ko si Jacinta. Bakit nagtataray siya ngayon?

"Hoy Maulave, anong kaartehan naman iyan? Ayusin mo nga ang tingin mo, naiinis ako ha?" sabi ko

"Bakit kasi kailangan pang kasama iyan? Hindi ba pwedeng tayo na lang? Sagabal pa iyan sa pag-iinuman natin!" sagot niya

"Huwag ka mag-alala Maulave. Hindi naman na ako amoy kili-kili dahil tinuruan na ako ni Juanita. Hindi ba?" sabay tingin sa akin

"Oo nga, saka napag-usapan naman na natin ito hindi ba? Bakit ka pa nag-iinarte dyan? Pumayag ka na nga noong nakaraan eh," sagot ko

"Eh, naku. Ayaw yata ni Maulave sa akin. Hayaan mo na Jacinta. Uuwi na lang ako. Salamat na lang sa pag-iimbita ha?" sabi ni Jacinta sa malungkot na tono

"Hindi Jacinta. Ako ang bahala sa babaeng ito. Umupo ka na dyan," sabi ko

Pagkatapos noon ay agad kong hinila si Maulave sa sulok ng hideout at kinausap. Nagta-taray pa rin ang mukha niya. Ano bang meron rito? Hindi ba siya napag-bigyan ni Buryong kagabi kaya nag-iinarte siya?

"Anong kalokohan iyan, Maulave? Pumayag ka naman noong isang araw. Excited ka pa nga eh. Magkakaroon ka na ba ng buwanang dalaw kaya ka ganyan?" sabi ko

"Ewan ko, basta ayaw kong makita ang Jacinta na iyan. Kung gusto mo, pati ikaw ay sumama na sa kanya," pagta-taray pa niya lalo

"Ewan ko sa iyo, uminom na nga lang tayo. Nababaliw ka lang siguro," sagot ko

"Hindi naman ako iinom eh. Babantayan ko lang ang asawa ko," sagot niya, mataray pa rin ang tono

"Asawa? Bakit? May anak na ba kayo para tawagin mo siya sa ganyan?" tanong ko

"Hindi pa, pero in the future ay asawa ko na siya. Advanced lang ako mag-isip," sagot niya

Umupo na lang ako at hindi na nagsalita. Ganun rin naman ako kapag meron akong dalaw. Ngumiti lang ako kay Jacinta at sumenyas na okay na ang lahat. Ngumiti naman siya pabalik sa akin na tila ba ay nahihiya siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top